10/22/08


"Two-timers..." isa na yata ito sa mga pinaka malalang uri ng tao.... 'di ko alam kung bakit may mga ganitong tao o bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin sila sa pag gu-good time sa mga kaawa-awang mga puso... hindi ko makuha ang mga point nila... Dati may narinig akong tao na nag bibiro tungkol dito... sabi niya ang motto daw niya pagdating sa love ay... " collect and collect then you'll select..." 'di ko makuha kung abnormal ba siya or talagang may mga ganitong tao... Siguro sa tingin ko kaya nagagawa ng isang tao ang mag taksil sa kanyang mahl ay dahil siguro may hinahanap siyang mga ugali or values na wala sa taong mahal niya... halimbawa... yung mahal niya ay laging walang time for her, laging busy, or hindi showy sa feelings niya for the girl... in short hindi siya sweet... and so nag hahanap yung girl ng kaibigan or taong mag pupunan sa mga pagkukulang ng ka relasyon nya... and sooner or later she would find herself falling for that guy... and that's the start of those bizarre love triangle.

Wierd nga mag trip ang buhay noh? Kaso ang pinaka na aapektuhan ay yung walang kamalay-malay na guy or girl na ginamit para gawing panakip butas... 'di nila man lang naisip na makakasakit sila ng damdamin. Ang tangin iniisip ng mga taong ito ay yung kaligayahan lang nila... pero paano naman yung masasaktan nila? 'Di ba nila naiisip na yung binibigay na love nung biktima nila ay totoo? Ewan! kahit nga ako naguguluhan eh...

I have my own fair share of this kind of love triangles... teka nga muna... Bakit ba affected ako para sa mga biktima? Siguro dahil alam ko yung nararamdaman nilang sakit sa oras na nalaman nila na hindi lang pala sila yung mahal ng taong minahal nila... ang masakit lang talaga ay pagkatapos mong ibigay lahat sa kanya... pagkatapos mong paikutin sa kanya ang mundo mo... pagka tapos mong gawin lahat ang gusto nila malalaman mo na lang na parang isa ka lang pet.. na pagkatapos mong aliwin at pasiyahin siya ay babalik na siya sa tunay na may nagmamay-ari sa kanya... gulo ko noh? I hope nakukuha mo yung point ko. I really feel bad right now... I really feel bad for all those hearts thats been broken... sa lahat ng taong nag mahal ng tapat pero binalewala lang nila yung effort... I just hope that lahat ng mga taong nasaktan sa ganitong situation ay learn to accept that life isn't fair most of the time and sa mga taong na manggagamit... tigilan niyo na yan.. makuntento na kayo sa mga mahal niyo...
Sa panahong ito... mahirap ng makahanap ng taong tapat...


*para sa mga biktima ng mapang samantalang pag-ibig....


photo by: http://funnyfeaturesandmore.blogspot.com

1 comment

Hi, congrats, you have a very nice blog and punong puno ng emotion.. ^_^

Yah, I have those same kind of questions to those people, who using others for their own benefit.. Nakakalungkot isipin na may mga ganong tao dito sa mundo at karamihan ay nabibiktima nila...
At.....
muntik na rin akong maging tulad nila, salamat na lang sa friend ko na laging nagreremind sa akin, na mag-ingat ako... baka ma-victim ako ng bitterness ko at makalimutan kong may ibang tao na pala akong nagagamit.. Just like u've mentioned in your entry "panakip-butas".
Sa sobrang pain na naramdaman ko and lonely ko, naghanap ako ng companion.. But none of them makes me feel better.. mas umiwas tuloy ako, coz I don't want to hurt anyone's feelings, and paasahin sila sa ina-assume din nila sa akin.. so sad.....

October 23, 2008 at 11:22 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz