10/25/08


It's raining again... and somehow parang I was transported back in time... Lahat kasi ng mga memorable memories that I have happened while it was raining... as in lahat. All my break ups, kapag iniiwan ako ng mga kaibigan ko, pag may mga sad moments na dumadating sa buhay ko... not to mention it was also raining when my best friend died... It is as if parang nararamdaman ng langit yung mga panahong malungkot ako... nakakatuwang isipin na parang pati ang langit nakikisabay sa kalungkutan ko...

While I was cleaning my drawers, a letter fell down on the floor... I recognize it immediately... It was from my best friend, my first love letter ever... my very first love story..


It was raining hard that day.. I could still clearly remember those events that changed my life completely... there she was... lying on the cold asphalt... drenching from the rain and her own blood... my friend is now forever gone... hindi ko man lang nasabi how much I love her... not as sisterly love but rather... I was in love with her romantically... kaso wala akong guts para ipag tapat yung feelings ko for her... natatakot kasi ako na pag umamin ako na mahal ko siya... tuluyang lumayo na siya at magbago yung pakikitungo niya sa akin... pero look at me now... hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya...

Nang matapos na akong kunan ng statement ng mga pulis... tis officer came walking towards me holding this letter.. it was found in her bag... i started reading it as soon as the officer gave it to me. It read.....


Dear kuya saul,

Gusto ko lang mag pasalamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin, sa pag iintindi mo sa mga tantrums ko, sa pagiging moody ko, sa mga problems ko, salamat talaga. Sobrang naging blessing ka sa akin, ever since I met you lagi mo na lang ako pinasasaya in everyway you can (sorry nga pala kasi pangit ang handwritten ko) Anyway lately I've been feeling kinda weird, ewan. Kaw kasi eh! Ano ba talaga ginawa mo sa akin at parang 'di ka maalis sa isip ko.... alam kong parang walang sense itong letter ko. actually first time akong gumawa ng letter... kuya... sorry sa sasabihin ko pereo parang pag 'di ko ginawa ito... baka tuluyan ka ng mawala sa akin.... kuya remember when you told me that walang mag sisinungaling sa atin at no lies dapat... sorry ha kasi... kuya mahal kita... I know hindi dapat, pero kuya sobrang in love na ako sa iyo at hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka sa akin. Kaw kasi ang torpe torpe mo... kuya sana hindi ka magalit sa mga sinabi ko.... kuya kailangan kita... ikaw na yung matagal ko ng hinahanap.. remember yung time na sinabi mo na pag na feel ko na nahanap ko na yung guy na mag papasaya sa akin... grab that opportunity.. kaya kuya... will you be my boyfriend? Wala akong alam sa mga proposal pero kuya mahal kita at lahat gagawin ko maging tayo lang... sana after you read this tanggapin mo ako as your girlfriend... and not as your little sister. Maraming salamat talaga sa love na pinaparamdam mo sa akin... ikaw ang reason kung bakit ako nag bago... gusto kong maging worthy para sa iyo... mahal kita... at kahit hindi maging tayo... patuloy pa rin kitang mamahalin... kuya kasi kita eh...


hoping to be your girlfriend,
Sally


After I read that, I can't stop crying ... mahal pala niya ako... pero nawala siya ng hindi niya alam na mahal ko din siya....


* So if you think you found your true love don't hesitate to tell them how you feel... don't let your love story end just like mine... wala na palang ulan.... tapos na akong damayan ng langit

1 comment

Rincel said...

Smile my friend.. Maraming gustong maging kaibigan ka... And I could be one of them... Take care!

October 25, 2008 at 9:27 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz