10/20/08


"Selos..." isa na yata ito sa mga pinaka karaniwang reason kung bakit nag aaway ang isang magka-relasyon... kung bakit nag hihiwalay ang isang mag bf/gf... Pero bakit nga ba nag seselos ang isang tao? Ewan! Pero if ako ang tatanungin mo... medyo seloso din ako pero hindi naman yung destructive na seloso type of guy. Ewan kahapon ko pa iniisip kung bakit tayo nag seselos... kung bakit ako nag seselos... at sa haba-haba ng pag-iisip ko parang dalawang bagay lang ang naiisip kong reason...


Una, siguro nag seselos tayo( at ako..) kapag may ginawang 'di maganda yung gf or bf natin sa atin na ang resulta ay ang pagka-wala ng tiwala natin sa kanila.... "Tiwala..." kapag ito ang nawala asahan mong mag tatapos din agad ang relationship niyo.. Para sa akin( at sa inyo din) siguro aaminin niyo na madaming beses na kayong niloko or pinag tripan yung heart niyo at dahil dun kahit hindi kayo nag hiwalay ay parang kakaiba na yung feeling... actually mahirap i-explaine yung feeling na yun... parang may kulang 'di ba? Parang kulang na or nabawasan na yung trust niyo sa mahal niyo... parang kahit anong gawin nya parang sinusumbatan kayo ng utak mo at sinasabing may ginagawang masama ang mahal mo kahit wala naman... hirap nun 'di ba? I don't know kung anong klaseng kasalanan ang nagawa ng mahal mo sa iyo... maybe nahuli mo sya na nakikipag flirt sa iba, or may nababasa kang mga text message nya sa cellphone nya from a girl, or may worst nahuli mo syang may ibang gf or bf aside from you... in short two timer siya.... ang hirap ibalik yung tiwala mo sa kanya kapag nagkasala siya sayo....

Pangalawa, ito yung mga pag kakataon na wala na syang time sayo... hindi man lang siya makapag text man lang sayo, maka tawag sa phone sa bahay niyo kahit alam naman niya ang number mo or dumalaw at magpakita sa iyo kahit iisang school lang ang pinapasukan nyo or same subdivision lang kayo... weird noh? Tapos malalaman mo lang na kasama pala niya ang mga barkada niya at gumigimik... teka sino ba ang girlfriend or boyfriend niya ikaw ba or yung barkada nya? Hindi mo naman gustong agawin siya sa mga kaibigan nya... gusto mo lang magka time siya sa iyo... yun lang masaya kana...


Alin man dito sa dalawa(pag pasensyahan niyo na if dalawa lang ang naisip ko)... isa lang ang ang resulta kapag inatake ka ng pagka-selos.... away na naman... tampuhan... at walang katapusang iyakan. Hindi naman masamang mag-selos... para sa akin I really like it pag nag seselos yung girl... kasi it shows that ayaw niya akong mawala sa kanya... ayaw nyang maagaw ako ng iba... Siguro nag seselos tayo dahil Takot tayong maiwan mag-isa ng taong pinaka-mamahal natin or takot tayo ma agaw ng ibang tao yung mahal natin....
Ang pag-seselos ay sign din ng pag mamahal... or sign na wala kang tiwala sa taong mahal mo...


Masarap mag-mahal ng taong selosa or seloso basta nasa lugar ang pag seselos at hindi destructive yung pag seselos niya.....

1 comment

Anonymous said...

ang selos kasi sign ng selfishness and love, selfishness depends on the level of love or affection sa taong iyon and of course sa kung anong relationship meron kayo.
thanks for dropping by sa blog page ko, i don't really write that regularly, pag bored o may pinaghuhugutan lang. but i love writing. :D

October 20, 2008 at 3:36 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz