3/31/10


hmmmm matagal kong pinag isipan kung ippost ko ito kasi medyo papasilipin ko kayo kung ano ba talaga ako(heller?!? tao kaya ako) What i mean is kung ano ang isa sa mga naging bisyo ko....

Bente anyos ako nung una kong humihit na pinag babawal na usok(usok ng yosi huh).... di dahil sa udyok ng barkada.... di dahil sa problema at lalong di ako lasing that time.... di daw kasi ako ggraduate sa ROTC pag di ko naubos yung 2 stick na marlboro... kaya ayun.... sige na nga.... nanginginig ang mga labi ko nung inilalapit ko yung sigarilyo... at nang sinindihan na nila eh ayun.... akala ko pa ihip ang gagawin ko yun pala pa hitit ... kaya nung humitit ako eh sabay buga... binatukan ako nung commandant ko dahil daw dapat lulunukin ko daw yung usok(nilulunok ba ang usok? hehehe) Sinubukan ko ulit at this time nilunok ko nga... at ANAK NAMAN NG JUETENG halos ilabas ko na yung baga ko sa kakaubo at naku naman bigla akong nahilo... Di ko maalala kung ano na talaga yung mga details pero dun na nag simula ang bisyo ko....

Nag simula na akong hanapin ang kakaibang pakiramdam pag humihithit ng usok... lahat yata natikman ko na... Marlboro na pula, puti at lights, Hope at Philip, Winston na lights at pula, ultimo nga yung mga medyo mumurahin nasubukan ko na din... Mighty na puti at pula, Fortune, pati yung mga may flavor... DJ mix na stawberry na lasang Rebisco na strawberry(yung biskwit)...

Bakit nga ba ako nag yoyosi dati? Ewan... di kasi ako makapag isip ng maayos pag wala yun, pangontra sa antok, pangpainit, at kung anu ano pang mga walang kwentang rason ... nag simula sa 1 stick at habang tumatagal padami ng padami.... 2,3,4, at hanggang umabot ako sa 3 kaha isang araw... di ko na mapigilan....

Lahat yata ginawa ko para lang matigil itong bisyo na ito, mag kendi daw ako pero walang epekto, mag bubble gum daw ako pero ganun din ang resulta.... pero may isang bagay este tao pala na nakagawang pahintuin ako.... hehehe Si GF ko lang pala ang magpapahinto nito... nakaka tawang isipin na mas takot ako sa gf ko na magalit siya dahil sa pag yoyosi ko kaysa sa mga sakit na pwedeng maidulot ng paninigarilyo... hehehehe

Right now matagal na akong di nag smoke... mga 2 weeks joke lang!!!!! mga 8 months na.... hehehe

Pasintabi sa mga naninigarilyo.... hehehehehe

salamat honey!!!!

3/28/10


Teka teka teka nga muna... ilang araw lang ako nawala peo ano na nangyari sa blogsphere? Hahahahah habang ako'y nag papaikot ikot dito sa mundo natin eh parang lahat yata eh tungkol sa kanilang mga love life ah. May emo-emohan, may bitter, may mga super keso(which is good kasi uso pa pala ang mga ka kornihan sa mga panahong ito)

Anyway bakit nga ba ako nawala?

Hmmmm okay FINE!!!! Sige na nga at sasabihin ko na ang reason ko, ehem ehem let's just say na medyo need ko lang ayusin ang love story ko and not to mention yung work ko na medyo sad to say nag kakatanggalan na dun... anak kasi sila ng mga jueteng nagtitipid daw kasi sila...

So ayun back sa mga nangyari sa akin... isa lang ang natutunan ko this time....

AKO pala ang may problema... medyo(medyo nga lang ba?) pinahihirapan ko lang ang sarili ko sa kakaisip ng mga negative things which is not healthy para sa akin.... masyado kasi ako nag d-dwell sa past kaya ayun... kahit ilang buwan na ang nakalipas eh parang napaparanoid pa din si ako... masyado din akong bitter sa past ko... pero now okay na ako...mas okay na ako kaysa nitong mga nakalipas na araw...

Bakit kasi ang hirap isagawa yung mga ipinapayo ko sa mga kaibigan ko.... hehehe lam niyo yun.... ang dami ko ng napayuhan bout sa mga iba't ibang klaseng problema pero ang weird dun eh di ko maisagawa yung mga ipinapayo ko.... same problema din naman kami... haaaays....

oh pano till next time mga repapips!!!!

*love you honey...


Paki dalaw naman ito.... new blogger kasi siya at astig din kung mag isip... paki supportahan
RISS

3/23/10

I'M BACK!!!!

hmmm okay na ako... salamat nga pala kay ate ROANNE.... teka ate ko ba yun o kuya niya ako? Di ko alam kasi kung sino ang mas matanda sa amin dalawa eh... Gusto ko din mag thank you kay Batanggala sa suporta niya sa akin nung emo emohan pa ako ahahaha....

Pag pasensyahan niyo na kung medyo magulo ang blog ko now... as you can see(wow english yun ah) nagpapalit ako ng damit ng munti kong blog... kaso as always nahihirapan na naman ako dito ahehehehe...

Till next time mga parekoy... ayusin ko pa itong blog ko... Ikwento ko din kung paano ako nakapag move on sa problema ko hehehehe....

3/12/10


sorry sa lahat ng mga kapalpakan ko... sana kahit thru this post malaman mong sincere ako...... remember nung nanaginip ka na iiwan kita .... di manyayari yun... not even in this life time...
mahal talaga kita....








Para naman sa lahat ng nag babasa nito.... pinag iisipan ko pa kung magtatangka ulit akong mag bakasyon ng panandalian dito... pero for now.... sarado muna ito... pray for me... yun lang ang need ko right now....
dami kasi problemasa:
work(mawawalan na yata ako ng work)
sidelines ko(mahina ang raket ko now)
tatay ko(aalis na siya mag mimisionario na daw siya)
nanay ko(adik yun kapal ng face)
kapatid ko(isa pang adik yun)
gf ko... yun ang biggest problema ko....
hirap mag sulat ng walang inspirasyon kasi eh
kaya mag time out muna ako sa pag susulat ng mga ilang araw...

3/11/10

What I don't know doesn't hurt me


Nakalimutan ko kung sino nag sabi sa akin nito dati.... hehehehehe

3/7/10


For all times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, though I was to blame
I still cursed that rain
I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it over flows like a river through my soul
From every doubt I had, I'm finally free
And I truly believe

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

In your arms I'm someone new
With every tender kiss from you
I must confess, I've been blessed

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you
God gave me you



Minsan may mga pangyayari sa buhay natin na dapat alisin at tuluyang kalimutan. Hindi dahil ito'y nakalipas na... pero sa tingin ko dapat itong ibaon na sa limot dahil sa nakakasira lang sa atin ito. Ewan ko kung gets niyo ang point ko... minsan kasi base sa mga na experience ko... medyo nabubuhay ako sa past... dati nung tinanong ako kung bakit di ako makabitaw sa nakalipas... lagi akong walang masabi... pero sa totoo lang ... dahil sa past na yun muling bumabalik yung dating sila... Ano ba ibig sabihin ng dating sila? Wala lang kasi minsan ang tanging constant sa buhay natin eh ang pag babago... okay sana kung papuntang positive yung changes na nangyayari sa kanila eh...

Pero ewan di ko alam kung anong maligno ang sumanib sa akin kasi unti unti na akong nag babago... di na ako nag ddwell sa past... wala din naman maidudulot sa akin na mabuti yun eh... hehehe pag pasensyahan niyo na post ko... wala pa kasi ako sa mood mag sulat eh... hehehehe

3/2/10


heto na naman ako at buhay na buhay pa...Kakatapos lang ng buwan ng Pebrero at nauso na naman yung mga bagets na naka porma na pang patay este naka pormal pala dahil sa JS prom nila... alam kong medyo late na itong post ko bout that pero hindi talaga ako makapigil kasi kasi ..... kasi wala lang ahahaha...

Noong nag high skul ako di ko naranasang sumayaw dun sa JS prom na yun... mahiyain kasi ako at medyo hebigats pa ako that time... yung tila bang pag na apakan ko yung paa niyo eh mapipisa dahil sa bigat ko... pero nitong nakalipas na araw tila bang bumalik ako sa pagka bata(teka bata pa naman ako ah... twenteen five pa lang ako ah)... Nung nakaraang araw pinasama ako ni gf sa Victory party nila at ayun lakas loob akong pumasok sa campus nila at nagpapanggap na isa akong isa sa mga studyante nila at ng papalapit na ako sa guard(salamat bro walang gwardya) pero nabigo ako kasi biglang sumulpot si manong guard na may mahabang pamatpat at mukhang nasa panig ko ang swerte kasi pina lagpas ako ng walang tanong tanong...

Nakapasok ako ng walang problema at ayun umattend na ako ng awarding ceremony nila at ng matapos mag salita yun president ng skul nila sinimulan na ang maingay na tugtog.... honestly mahilig ako sa mga dance songs kaya lang wala talaga akong talento sa pag sayaw kaya hanggang pakikinig na lang ang ginagawa ko hehehe... nag simulang mag sitayo ang mga tao at sinimulan na nila ang pagsayaw na tila ba wala ng bukas... nasiyahan naman ako kaso biglang bumagal ang tugtugin... hala bakit naging slow kung kelan napapaindak na ako sa upuan ko?

Isa isang nagsitayo yung mga mag boyfriend at girlfriend para sumayaw sa gitna... hala kinutuban na ako dahil sa mga nasaksihan.... pinag papawisan na ako ng bigla akong hinala nung kaibigan ni gerlpren at pinag tulakan ako sa gitna at pag lingon ko naka tayo na din si gf at papunta na sa akin hala... parang sa pelikula ko lang ito nakikita ah...

Dahan dahan kong inilapat yung 2 kamay ko sa may bewang niya at habang ginagawa ko yung nilagay ni gf yung arms niya sa may leeg ko at ayun na!!!! Isinandal niya yung ulo niya sa dibdib ko at sinimulan na namin ang pag sayaw... di ko maexplain kung bakit ako napapangiti habang ginagawa ko yun pero nakakatuwang isipin na umabot ako ng ganitong edad pero now lang ako naka experience ng ganun... Ang sarap pag masdan ng mga mata niya habang nakalapat ang katawan niya sa akin... sabay sabi ng "i love you"

hehehe wala lang, up to now di pa din ako maka get over sa nangyari that night....

oh panu alis muna ako at mag sasaing pa ako ng kanin eh...



P.S
Bakit nawawala yung mga ibang comments dito sa mga old post ko? WAAAAHHHHHHHH!!!!


 


Blogger Template By LawnyDesignz