10/29/08
"Ngayon wala na siya...paano na ako?"
Madalas natin ito itanong sa sarili natin after tayong makipaghiwalay sa ating minamahal... pero how can we move on if sa mahabang panahon sa kanya lang umiikot ang mundo natin? How can we face another lonely day without them by our side? How can we even cope up sa lahat ng struggles na haharapin natin sa mga darating na araw ngayon wala na tayong masasandalan...ngayong wala na siya sa tabi natin...
After all we have done para ma-save pa yung relationship natin with that person... in the end... we are all left alone... cold, broken and ALONE... Mahirap yung gigising ka tuwing umaga having those painful heartaches and dried up tears that you had the night before and wishing that it was all but a dream... pero hindi! Gising ka at hindi nananaginip. Deep inside we both know that were just fooling ourselves... ang totoo ay "wala na siya" . Madaming panahon ang nasayang, pera, mga kaibigang iniwan mo sa ngalan ng pag-ibig pero ano na pala mo? Wala diba? Aside sa isang baldeng luha at isang tambak ng tissue rolls ang nakuha mo nung naghiwalay kayo... naiwang naghihingalo din ang puso mo, tila ba parang ayaw mo ng kumilos, gumalaw, mag trabaho at mabuhay.... ewan ko nga ba kung bakit mahirap kumilos pag kakahiwalay mo lang sa isang relationship... siguro dahil simula ng iwanb ka nya kasama niya din tinangay yung will mong mabuhay... corny para sa ibang tao na hindi pa nakakaranas ng isang matinding break up... pero sa mga katulad ko... it's a mtter of life and death... Why? kasi madami dyan sa tabi-tabi na masgugustuhing mamatay na lang kaysa matanggap na wala na sila ng mahal nila... madami dyan na nagpapakamatay dahil sa di nila matanggap yung pag alis ng mahal nila.... hindi ko sila masisisi if naiisip nilang wakasan ang buhay nila kasi I myself had done that before... Actually ayaw na nga akong tanggapin ng hospital dito saamin kasi nagiging suki na daw nila ako sa E.R at kung ang pusa ay may 9 na buhay... I guess this is my last life... nakaka walong beses na akong nagtangkang wakasan ang lahat ng paghihirap ko dahil as pangungulila sa akin mahal... pero tapos na yun... naka pag move on na ako... my point here is that no amount of medicine or sermon mula sa mga tao ang makakapag pagaling sa isang pusong dinurog ng mahal niya... sa tingin ko... "love" din ang makakapag pagaling sa isang broken hearted.... "pag-mamahal ang sumira sa puso... pero pag-mamahal din ang makakapag pagaling dito... ganun makapangyarihan ang "love"... It can bring the best in you but it can also lead you to self destruction...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment