10/1/08


Memories... one of the reason why people hold onto memories so tight is because memories are the only thing that don't change when everything else does... I keep on saying this because it helps me remind that everything changes... every person changes one time or another. Hindi natin mapipigilan ang pag babago pero what if ang kaisa-isang tao na minahal mo ng lubusan ay syang biglang nag bago, di ba masakit yun. Pagkatapos mong ibigay ang lahat sa kanya 'di mo akalaing iiwan ka din pala niya. Pagkatapos mong paikutin sa kanya ang mundo mo, pagkatapos mong suwayin ang mga utos ng magulang mo ito lang pala ang igaganti nya sa iyo, pagkatapos
mong iwan ang mga kaibigan mo dahil nag seselos sya kapag kasama mo sila lolokohin ka lang pala niya at ipag paplit sa iba, Hindi ko talaga maintindihan ang mga pumapasok sa utak ng mga ganung tao...

Manloloko! Yan ang tawag ko sa kanila. Hindi sila marunong tumanaw ng utang na loob, Hindi sila marunong makiramdam kung nasasaktan na ba nila ang taong baliw na baliw sa kanila. May ganyang tao talaga at kung hindi mo pa sila nakikilala mag pasalamat ka at 'di ka pa nila nabibiktima. At ang pinaka masakit pa nito, pagkatapos nyong mag hiwalay makikita mo syang parang ok lang sa kanya at parang balewala ang mga pinag samahan nyo. Makikita mo syang may ka hawak kamay at todo ang pag ngiti. Tanong mo tuloy sa sarili mo kung saaan ba ako nag kamali? Hindi ko ba naibigay sa kanya ang lahat lahat? Hindi ko ba sya napa saya? Bakit nya ako iniwan? Yan ang ilan sa mga tanong na gumugulo sa utak nyo. Makikita ang sarili mo na miserable, hindi makatulog, 'di makakain at laging tulala samantala sya parang hindi ka nya naaalala. Bakit ba may mga ganyang tao sa mundo? Bakit kailangan may masaktan pa?

Sadyang ganyan lang yata ang mundo... nagkataon na ako yung niloko.. Don't get me wrong hindi ako galit sa taong nang iwan sa akin... natatanong lang ako kung "...bakit mo nagawa sa akin ito?"

0 comments

 


Blogger Template By LawnyDesignz