Sorry if I hadn't been writing to you this past few days... medyo hindi pa rin ako maka move on sa mga nangyayari sa akin lately.. ewan hindi na yata mawawala itong pain sa heart ko... sa too lang if hahayaan akong mag sulat ng mag sulat dito 'bout sa feelings ko right now parang 'di ko kayang gawin yung kasi just thinking about her makes me cry... yung pang magsusulat ako about her... it would really make knees weak, my hands tremble and my eyes wet... kanina ko pa tinititigan itong picture na ito and sobrang bothered talaga ako sa scene na ito... imagine may number two pala yung mahal mo?
" Number-two...." nakakapagod din maging number two... all my life... my boring life... lagi na lang akong number two... number two favorite sa mga magkakapatid, dati nung nag aaral pa ako... number two din ako, pero okay lang yun wag lang number two sa buhay ng taong pinaka mamahal mo... Hindi ko alam if may nakaka-relate sa entry kong ito... pero I'm sure madaming tao ang nabiktima na ng ganitong situasyon... Mahirap mag mahal if alam mo na pangalawa ka lang sa buhay ng taong napili mong mahalin.... pero konti lang ang mga taong pumapasok sa ganitong situasyon kadalasan kasi hindi mo alam na pangalawa ka lang sa buhay niya... in short parang kabit ka... extra sa love story niya at yung number one niya... After mong mahulog totally sa kanya at main-love ng sobra sobra... malalaman mo na lang one day na may mahal siyang iba... to make the matters worst... hindi ikaw yung number one... ang sakit nun...
Bakit ba hindi na lang makuntento ang mga tao sa isang gf or isang bf? Bakit kailangan nilang maging two timer? Siguro tulad ng nabanggit ko sa last article ko... may mga hinahanap silang ugali na wala sa present partner nila kaya siguro nag hahanap sila ng pupunan sa mga hinahanap nila...
Whats my point? Actually I really don't know... siguro gusto ko lang iexpress yung pain na pwedeng idulot ng ganitong situasyon... mahirap mag sabi ng " i love you" sa taong mahal mo knowing that pag hindi kayo mag kausap... may sinasabihan din siya ng " i love you".... Mahirap yumakap sa taong mahal mo knowing that pag hindi kayo mag kasama... may yumayakap sa kanya or siya yung may niyayakap na ibang tao.... Sabi nila dapat daw ang love ay hindi selfish... pero pag ganito ang takbo ng story mo... what will you do? will you give the fight para hindi ka makasira ng isang relasyon or ipag lalaban mo ang nararamdaman mo? What ever you choose just think about this... "kung ipag laban mo yung feelings mo for that person at naging kayo... hindi mo ba naiisip na pwedeng gawin niya ulit yun sa iba namang tao at ikaw naman yung number one at malamang sa hindi... may number two na agad siya..."
2 months ago
1 comment
parang ako yan..ok rin pla 2 eh..
November 29, 2008 at 9:18 AMPost a Comment