10/12/08



Nag iisip ako kung ano kaya ang magandang topic para dito when it started to rain... hmmm I like it when it's raining... para kasing theres something magical when it pours, aside sa masarap mag muni muni pag umuulan lahat yata ng mga unforgettable expiriences ko ay nangyari while it's raining...haay here I go again.. bigla ko kasi naalala yung mga memories na yun, although lahat yun puro bitter I just can't let it go. How can I let go if lahat yun if thats all I have. Siguro mawawala lang itong mga memories when someone gave me enough reason para iwan itong bitterness sa loob ko. Actully matagal na akong nag hahanap ng taong makakapag pabago sa akin. Bigla lang pumasok sa utak ko ito... bakit kaya lahat ng mga nice person dito sa mundo ay laging napupunta sa mga walang kwentang tao? What I mean is that bakit lahat ng mga taong tapat mag mahal ay laging napupunta sa mga mangloloko? Sayang di ba? Just imagine ang hirap mag hanap ng taong tapat mag mahal sa panahong ito pero ano ginagawa ng mga malolokong tao... sasaktan lang nila ang GF nila, paiiyakin at lolokohin... bakit sila ganon? Madalas na iinggit ako sa mga couple na makikita mo yung girl or guy ay sobrang sweet sa partner nila then sooner or later malalaman mong nag hiwalay sila dahil two timer pala yung partner nila... Nasayang lang yung pag mamahal nung isa... dahil ang minahal pala niya ay isang mangloloko... I hope nakukuha mo yung point ko. May mga taong ang tingin nila sa isang relationship ay isang laro.. collect... collect... then select.. ano yun lokohan? Bakit di sila makontento sa gf nila or bf nila? Ewan 'di ko talaga makuha ang point na mga ganoong tao. I know how it feels pag nalaman mo na dalawa pala kayo sa buhay ng minamahal mo... sa oras na malaman mo na niloloko ka pala, parang gusto mong matunaw sa kinatatayuan mo, gusto mong umiyak pero 'di ka maka iyak dahil madaming tao, gusto mong saktan ang sarili mo pero 'di pwede, pero aside sa mga nabanggit ko.. gusto mo syang makita at itanong sa kanya na " BAKIT? " bakit ako pa? Hindi pa ba sapat yung mga ginawa ko for you? Gusto mong isigaw sa kanya ang mga tanong na ito... Gusto mong sampalin, suntukin or ipahiya sa harap ng ibang tao pero 'di mo naman magawa.. bakit? kasi mahal mo siya... Ganon ka tindi ang pag mamahal... kahit nasaktan kana ng taong pinakamamahal mo ay hindi mo pa rin magawang sumbatan siya, saktan siya, or ipahiya siya... kadalasan ang pwede mo lang gawin ay.... "umiyak...." kasabay ng pag iyak ng langit...

0 comments

 


Blogger Template By LawnyDesignz