10/8/08
Will you sacrifice everything... including your own happiness just to be with the person you hold most dear in your life? Siguro some of you would say yes and some they won't... in short 50/50 ang chance diba? Hmmm... well, let me rephrase my question... "will you sacrifice everything for the person you hold most dear... even if it means that you have to say goodbye sooner or later just to make him/her happy"
Siguro napaisip kayo bigla sa tanong ko... It's hard to stay in a relationship when the "spark" is gone or slowly disappearing. What if hindi ka niya gaanong kamahal tulad ng pag mamahal niya sa iyo the day you said your sweetest "yes". 'Di ba ang hirap ng ganun? Yung tipo ba na lagi na siyang walang time sa iyo, yun mga times na laging mainitin ang ulo niya sa iyo dahil lang sa nakiki pag usap ka pa sa friends mo specially yung opposite sex. Haaay pero wala nang mas sasakit pa na mag mahal ka ng lubusan tapos malalaman mo na lang na 2 pala kayo sa buhay niya.. hindi mo alam ang gagawin, gusto mong magalit, sumigaw, mag inom, gumanti at pag minsan gusto mo na din mawala sa mundo... pero hindi mo magawa di ba? You know why? Siguro dahil sa salitang love... sa sobrang tindi ng pag mamahal mo sa kanya naging bulag ka na... Oo nga at sabi nila "love is blind" pero HINDI TANGA.... Minsan hindi natin lubos maisip kung saan ba tayo nag kamali... saan ba tayo nag kulang? Lahat naman ng pwedeng ibinigay ko ay binigay ko sa kanya... kahit sarili kong mga kaibigan, pamilya at kung sino-sino pa hindi ko sila pinansin... basta ang alam ko at enough na yun para maging masaya ako... yan ang madalas natin paniniwala... Pero nasaan tayo ngayon? 2nd lang sa buhay niya... masakit isipin na nabalewala lahat ang mga pag hihirap natin... Paano na ako ngayong wala na ako sa puso niya? At bakit kahit masakit yung ginawa nya... bakit mahal ko pa rin sya? "mahal kita" siguro theres nothing more to do but to say....
" Goodbye and I will still Love you"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment