10/31/08


Lately I've been wondering kung bakit ba ako ganito mag mahal? Yung tipo ba na lahat gagawin ko para sa taong pinaka mamahal ko, yung sa kanya ko lang papa ikutin yun mundo ko at ibibigay ko ang lahat ng time and caring na kailangan niya, yung tipo ba na 100% ang ibibgay kong pag mamahal sa kanya... I know dun sa last part ng sinabi ko ay madaming napailing... alam ko na hati tayong lahat sa ganitong pananaw...

Madami sa inyo ang mag sasabi na pag ginawa kong ibigay sa taong pinaka mamahal ko yung 100% at hindi ako mag titira kahit 1% man lang sa sarili ko ay ako din ang mag sisisi in the end pag hindi kami nag katuluyan... well tama nga sila kasi everytime my love story ends lagi na lang ako yung nag susuffer unlike her... mukhang kayang kaya niya na wala na ako sa tabi niya... Pero bakit ko ba binibigay ang lahat-lahat sa taong mahal ko? Siguro pakiramdam ko unfair pag hindi ko binigay lahat ng pag-ibig ko sa girl... ano pa ang sense if sasabihin ko sa kanya na mahal ko siya pero hindi ko man lang maibigay yung 100% ko sa kanya... ewan... siguro ganito lang talaga ako mag-mahal... and maybe if hindi kami nag katuluyan masasabi ko sa kanya na kahit kailan hindi ko siya tinipid sa pag mamahal...

Sariling opinion ko ito at I'm sure this time walang makaka relate sa akin... oo nga at martir ako pag dating sa usapang pag ibig pero gusto ko lang ibigay sa "kanya" lahat ng makakaya ko... Kayo? Paano kayo mag-mahal? Ibinibigay mo ba ang lahat or tinitipid niyo ang taong pinaka mamahal mo? Whether mag tagal kayo or hindi ang mahalaga maibigay niyo ang best niyo... as in lahat! Time, love, attention, care at kung ano ano pa... for me I think mahalaga yun, at kung maghiwalay din kayo... masasabi mo sa lahat na hindi ka nag kulang sa kanya..

1 comment

Rincel said...
 


Blogger Template By LawnyDesignz