2/28/09

sa inyong lahat:

Pag pasensyahan niyo na ako the other day.... dami lang problema at alam niyo naman na may mga times na parang sasabog ka na... and sumabog na nga ako...(BOOOOOM) anyway, i know naging stupido ako sa mga sinabi ko sa last post... 'di ko talaga alam if mapapatawad niyo pa ako sa mga ka abnormalan kong sinulat sa post ko pero hindi lang ako nauntog sa mga sinabi niyo kundi dinagukan pa ako at kulang na lang ay ma comatose ako sa mga sinabi niyo... natauhan ako dun ah!... haaaayyyy... sorry talaga if pinag alala ko kayo at if mag sulat pa ba ako dito sa blog ko... would you still accept me kahit dami kong pinag alala... aaminin kong mahina ako at walang tiwala sa sarili. I know naging selfish ako at puro sarili ko na lang ang iniintindi ko... hindi ko naisip na mas mapalad pa ako kaysa sa ibang tao.... nahihiya tuloy ako sa mga pinag susulat ko... actually hindi talaga ako matinong tao... don't get me wrong guys pero I'm still finding my place... share ko lang ito...(konting side track) Up to now ang purpose in life is to have a purpose in life... gets niyo ba? Weird di ba? Don't worry okay na ako now at medyo balik na ako sa matinong sirkulasyon...

Nais ko lang mag pasalamat sa mga nag bigay payo as akin... aaminin kong nabigla ako sa mga comments niyo pero I desrve it naman di ba? So sorry talaga... May nakausap akong fellow blogger natin na si "ennaesor" sabi niya "everything happens fo a reason" nung sinabi niya yun sa akin parang hindi ko ma gets dahil nga clouded pa rin ang utak ko sa dami ng mga iniisip kong problema pero as I sat sa bubong ng bahay ko at nakatulala sa lights ng buong Metro Manila biglang parang natauhan ako at na realize ko nga na tama siya... I suddenly I remember something... may nakapag sabi kasi sa akin na " hindi ka bibigyan ng problem ni GOD if hindi mo kakayin" Hmmm tama siya.... tama si ennaesor at tama din kayong lahat...

Fellow blogmates I'm really sorry sa mga nasabi ko...este naisulat ko pala... I just hope that you'll still be there pag pakiramdam ko sasabog ulit ako... by the way, welcome pa ba ako dito? 'Till next time ulit... once again I would like to thank all of you sa pag sesermon niyo sa akin...

2/26/09

Right now ‘di ko na talaga alam ang gagawin ko sa problema ko… I’m addressing this post sa lahat ng bloggers out there… Kasi ganito yun… parang habang tumatagal nawawalan na ako ng hope… para bang gusto ko ng sumuko… lahat na lang kasi ng aspeto ng buhay ko parang hindi nagiging maayos, LAHAT! Mag mula sa mga magulang ko, trabaho ko, mga so called friends ko at ultimo sa usapang pag ibig magulo din… hindi ko alam if ako ba ang may problema o silang mga nakapaligid sa akin… I know I’m not making any sense here… ewan ko if ramdam niyo yung pagiging bothered ko pero aaminin ko na malapit na akong sumuko sa buhay… ‘wag niyo akong pag tawanan kasi hindi lang ako ang dumadanas ng mga ganitong feelings… libo-libo kaming nag kakaganito…

Hindi ko alam if saan ako mag sisimula or if tama bang sabihin ko sa inyo ang mga problema ko it’s just that wala na akong malalapitan na ibang tao… You all know na kayo lang ang napag lalabasan ko ng mga hinanakit sa buhay kaya kahit nag sisimula na kayong ma bored sa post ko gusto ko lang ilabas ito kasi pag ‘di ko nailabas itong burden ko… I’m pretty sure one of this days or kahit mamaya pagkatapos niyong basahin ito baka wala na ako… I’m not scaring you guys… this is the real me. I maybe whole and smiling pero if you would just see the real me… wag kayong magtaka if broken ako. Right now natatakot ako… I’m starting to lose hope para mabuhay… ewan if nasabi ko na ito sa inyo pero 9 times na akong nakaranas ng ganitong pagka depress at each time I feel down I woke up in one of the emergency rooms dito sa hospital sa amin… I’ve cut my wrist so many times and if you could see my arms(both arms) makikita niyo yung mga scars… that scars represents each problems I’ve been thru, Naubos ko na yata lahat ng sleeping pills dito sa bahay pati nga mga gamot sa medicine cabinet namin naubos ko na…

May suicidal tendencies ako… call me crazy pero honestly ‘di ko alam kung bakit ko sinasaktan ang sarili ko… siguro i’m just inflicting those wounds para lang kahit papaano ma overcome nung physical pain yung emotional pains ko…

Lumaki ako or rather pinalaki ako ng mga magulang ko na walang pakialamanan, “mind your own problems” dyan ako lumaki… kaya kahit gusto kong mag open up sa kanila ‘di ko yun magawa… Maybe your thinking nasaan na yung mga kaibigan ko? Damn them!!! Lahat sila puro peke… pag kaharap ako ang babait nila pero pag nakatalikod sinasaksak na pala nila ako… kukunin nila ang tiwala ko at ako naman si tanga magtitiwala naman, what I don’t know itatapon lang pala nila yung trust na binigay ko sa kanila…

Gusto ko ng mawala… well, talaga naman mawawala na ako pero parang gusto ko ng makipag appointment sa kaibigan kong naka itim at may hawak na malaking… ano nga pala tawag dun? Scythe ba tawag dun? Ahh ewan… ang sakit na talaga ng ulo ko sa kakaisip.. The only source of my strength is slowly walking away from me and I don’t know why. Guys parang ayoko ng gumising bukas… nagsasawa na ko talaga… Peste!!! And if ever man na dalawin ako mamaya ng kaibigan kong naka itim… may makaka miss ba sa akin? May makaka alala ba sa akin? Peste may iiyak ba sa pagkawala ko? Parang wala eh… Nakakatawa mang sabihin pero ‘di ko talaga mapigalang umiyak now… I don’t know what to do anymore… Bigla ko na alala yung quote este phrase lang pala… “Life’s a game” At kung totoo man na parang laro lang ang buhay… gee whiz! Saan ba nakakabili ng rule book or cheat book para naman manalo ako ditto sa pesteng laro ng buhay…

PLEASE HELP… I know may mga mag sasabi sa inyo na mind over matter lang yan or matatapos din itong problema ko(kalian pa? Pag puti na ang mga uwak). May mag sasabi din sa inyo na hindi ako bibigyan ng problema na hindi ko kayang lagpasan, or mga kung anu-anong pampalubag loob…


*Pag pasensyahan niyo na ako if walang kwenta itong post ko… I’m pretty sure walang mag co-comment dito… ayos lang yun… gusto ko lang ilabas yung sama ng loob ko… Basta whatever happens to me I want you to know guys na sobrang thankful ako for having you all as my friends… and honey, I really miss you and I LOVE YOU… ‘till next time guys, that is if hindi ako dadalawin ng kaibigan kong nakaitim at may hawak na malaking… ano nga pala tawag dun sa hawak niya? Farewell….

2/24/09


Whew! Sa wakas nakabalik na din ako sa mundo ng blogsphere…. I know madaming nagtataka if ano ba talaga ang nangyari sa akin kung bakit bigla akong nawala nang pagkatagal-tagal… Pero before ko isulat ang real story kung bakit ako nawala, gusto ko lang mag pasalamat sa lahat ng mga dumalaw at nag post ng comment sa post ni AISA about why I am absent for quite some time, thank you din sa mga nagdasal…

Anyway, bakit nga ba ako nawala? Ahhhh bakit nga ba?(joke) Sorry if I can’t tell exactly what happened to me… wait… bigla ko na alala yung rules ko sa pag ba-BLOG… “No secrets and No lies” so I guess I would kinda be unfair pag ‘di ko sinulat yung story behind why I am absent... Well here it goes...

Let’s just say that my time is running out… yup! You read it right… Ewan ko ba kung bakit ba nag kakaganito ako this past few weeks, parang lahat yata ng sakit sa mundo eh nakuha ko… it is as if nangongolekta ako ng iba’t ibang uri ng sakit(lolz). Anyway, now I know kung bakit lagi akong may:

  • Fevers and night sweats.
  • Frequent or unusual infections.
  • Weakness and fatigue.
  • Headaches.
  • Bruising of the skin and bleeding from the gums
  • Bone pain.
  • Joint pain.
  • Swelling in the belly or pain on the left side of the belly or in the left shoulder from a swollen spleen.
  • Swollen lymph nodes in the armpit, neck, or groin.
  • Decreased appetite and weight loss because you feel full and don't want to eat

May slight case daw ako ng L_uk_m_a… I don’t kung bakit pero sabi ng doctor ko nakuha ko daw yun sa mommy ko… Haaay sa dami ng pwedeng ma mana sa nanay ko eh bakit yung sakit pa niya ang na mana ko. Oh! ‘Wag kang mag alala kasi curable naman daw yun at buti na lang nalaman ko agad na may ganoong sakit ako. The other day habang papauwi ako galling sa hospital, I was staring blankly sa window ng FX na sinasakyan ko… parang unti-unti kong na re-realize na may possibility pala akong mamatay, actually wala akong alam sa sakit ko… all I know is that may possibility na umiksi ang buhay ko… HALA! Kinakabahan na ako ah, peste!

Death / deth’/ [OE] n 1 act or instance of dying; 2 state of being dead; 3 destruction, extinction or “END”.

Yan ang meaning ng death sabi ni pareng Webster, Sabi daw, destruction, extinction or “END” Alam naman natin na lahat tayo ay makikipag appointment kay kamatayan sooner or later pero to be honest with you guys natatakot ako sa araw na yun(if ever na dadating yung moment na yun). I’m scared hindi dahil hindi ko alam kung saan ako tutungo(WOW! Lalim nun ah) after I die, no it’s not that… natatakot ako kasi maiiwan ko yung mga mahal ko sa buhay. Ewan ko sa inyo pero ako kasi yung tipo ng tao na hindi marunong mang miwan and thinking about that day sends shivers down to my spine. Paano na ang Girlfriend ko? Paano na ang mga kaibigan ko? Paano na ang family ko(kayo yun) Haaay… And ever since I knew that I have this… this… ahh disease, parang nahihirapan na akong matulog sa gabi. Parang tuwing pipikit ako na iisip ko yung mga wrong things na nagawa ko in the past, Peste! ‘di ba sa pelikula lang nangyayari yung nag fla-flashback lahat ng mga ginawa mo in the past… at ‘di ba usually bago mamatay yung bida tsaka lang nangyayari yun? Am I really gonna die kasi lahat ng bad things na ginawa ko in the past ay parang na aalala ko? Nakalimutan ko na kung sino ang nag sabi sa akin na “everything happens for a reason” Well tama sila

Anyway, meron din naman good side yung nangyayari sa akin… simula ng malaman ko yung sakit ko… parang mas nagiging appreciative ako sa lahat ng bagay… kahit nga mismong traffic sa EDSA nagiging thankful ako eh, yung mga times na magkasama kami ng GF ko, yung mga times na tumatawa ako, at kahit kayo mismo… sobrang thankful ako kasi nakilala ko kayo and although kahit hindi ko pa kayo nakikita in person I want you to know na thankful ako for having you… all of you as my friends. You’re all I’ve got, Mag mula kay KOSA, lord, PAJAY, marco, Diane, adik, kuletz, KHULETZ316, kryk, AISA, ate amy, dhenz, purple, MsdianeG, amorgatory, ORACLE, aian, MITCHY, pio, BAM, veta, jhosel, CANO, chazzel, marlon, mayyang, DANGEL, josh, riyah, yanah, kittykat, Ms. Donna, celine, kay lifeandrunaway, at sa lahat pa ng mga hindi ko na banggit pasensya na sa inyo...salamat… salamat talaga sa inyo… OH ‘wag kayong mag-isip ng kung anu-ano ha! ‘Di pa ako ma-mamatay… I’m just saying this habang may oras pa ako(joke) Pag pasensyahan niyo na ang post ko kung medyo mahaba ha. It’s just that parang ang dami ko lang gustong sabihin sa inyo… Medyo nagdadrama lang ako now(what’s new?) Habang sinusulat ko itong post na ito parang inuulan ako ng memories, mga memories ‘bout my childhood, my friends, my happy moments… peste ano na ba ang nangyayari sa akin? I don’t wanna die… kung kelan kuntento na ako sa buhay ko kasi I finally found the two things that I’ve been searching all my life tsaka naman ako nagkakaganito… wait maybe you’re wondering kung ano ba yung two things na matagal ko ng hinahanap… if matagal na kayong nagbabasa ng madramang blog na ito, I’m sure alam niyo na lagi akong naghahanap ng love at sense of belongingness and for your info… nahanap ko na yung two things na yun. Sa inyo ko nahanap yung two things na yun… Yup! Sa INYO and not to mention pati din sa gf ko. Salamat sa inyong mga blogmates ko kasi tinanggap niyo ako dito sa mundo ng blogphere, salamat sa walang ka sawa-sawang pag bibigay ng payo sa akin at pakikinig este pag babasa pala ng mga thoughts ko pag tila ba walang gusting making sa akin, salamat sa strength, salamat sa mga naging concern sa akin, salamat salamat salamat! At syempre sa girlfriend ko, thank you for loving me… and just like what I’ve told you a thousand times… NEVER akong titigil sa pag bibigay ng love sa iyo, loving you is what I do best kaya stop worrying na mawawala ako sa iyo. Just think of this… how can I leave you if sa IYO umiikot ang mundo ko… remember when I told you before na “when we first met parte ka lang ng buhay ko?” I’m sorry pero hindi ka na parte ng buhay ko…. IKAW na ang buhay ko… corny pero wala talaga akong maisip na right words to describe how much I love you.

I just hope that sana I have much more time and space dito para maisulat ko lahat ng mga gusto kong sabihin sa inyo... Peste bigla ko tuloy na alala yung sabi sa akin ng nurse ko... "Maiisip mo lang daw ang halaga ng buhay pag mamamatay ka na..." tama siya sa sinabi niya... teka nga muna... 'di pa naman ako mamatay ah... bakit parang iba na yung tono ng pananalita ko?(as if naman may tono ang mga letra)hahahaha. Anyway bago pa ako mag time dito sa computer shop, gusto ko lang sabihin na SUPER DUPER MISS KO NA KAYONG LAHAT at try to enjoy life kahit gaano pa ka panget ang buhay mo or kahit isang bundok ang mga problema niyo...



*it's nice to be back....

2/18/09

Panu ko ba sisimulan tong post na to.. cge, ganito nalang.. let me introduce first who am I. Ako po si aisa, friend po ni Saul. Napag atasan lang po nia akong mag post para ipaalam ang kanyang kalagayan.. nasa hospital pa po xa til now.. yeah, tama po ang inyong nabasa.. may malubhang karamdaman po si kuya Saul.. Kaya gusto po niang iparating sa inyong lahat na miss na miss na nia ang mundo ng blogosphere.. kating kati na daw ang mga kamay niang magblog ulit kaso nga lang po, hindi nia magawa.. napansin nio naman siguro kung ganu na katagal ung huling post nia dito sa blog nia.. Ako rin nagtataka bkt hindi xa nagpaparamdam, akala ko busy lang xa un naman pala nasa hospital na..

In behalf of Kuya Saul, just want to ask your help through your prayers... Sobrang kailangan po nia ng prayers nio this time.. So please.. tulungan po natin xa.. thanks po sa inyo...

2/8/09

It's raining again... and somehow parang I was transported back in time... Lahat kasi ng mga memorable memories that I have happened while it was raining... as in lahat. All my break ups, kapag iniiwan ako ng mga kaibigan ko, pag may mga sad moments na dumadating sa buhay ko... not to mention it was also raining when my best friend died... It is as if parang nararamdaman ng langit yung mga panahong malungkot ako... nakakatuwang isipin na parang pati ang langit nakikisabay sa kalungkutan ko...

While I was cleaning my drawers, a letter fell down on the floor... I recognize it immediately... It was from my best friend, my first love letter ever... my very first love story..


It was raining hard that day.. I could still clearly remember those events that changed my life completely... there she was... lying on the cold asphalt... Basang basa dahil sa ulan at sa sarili nyang dugo... wala na sya... hindi ko man lang nasabi how much I love her...hindi bilang as my 'lil sister kundi mahal ko sya as.... teka anu nga ba? Basta all I know mahal ko siya ... kaso wala akong guts para ipag tapat yung feelings ko for her... natatakot kasi ako na pag umamin ako na mahal ko siya... tuluyang lumayo na siya at magbago yung pakikitungo niya sa akin... pero look at me now... hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya...

Nang matapos na akong kunan ng statement ng mga pulis... this officer came walking towards me holding this letter.. it was found in her bag... i started reading it as soon as the officer gave it to me. It read.....


Dear kuya saul,

Gusto ko lang mag pasalamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin, sa pag iintindi mo sa mga tantrums ko, sa pagiging moody ko, sa mga problems ko, salamat talaga. Sobrang naging blessing ka sa akin, ever since I met you lagi mo na lang ako pinasasaya in everyway you can (sorry nga pala kasi pangit ang handwritten ko) Anyway lately I've been feeling kinda weird, ewan. Kaw kasi eh! Ano ba talaga ginawa mo sa akin at parang 'di ka maalis sa isip ko.... alam kong parang walang sense itong letter ko. actually first time akong gumawa ng letter... kuya... sorry sa sasabihin ko pero parang pag 'di ko ginawa ito... baka tuluyan ka ng mawala sa akin.... kuya remember when you told me that walang mag sisinungaling at no secrets dapat... sorry ha kasi... kuya mahal na kita... I know hindi dapat, pero kuya sobrang in love na ako sa iyo at hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka sa akin. Kaw kasi ang torpe torpe mo... year 2000 na at dapat hindi ka na torpe... kuya sana hindi ka magalit sa mga sinabi ko.... kuya kailangan kita... ikaw na yung matagal ko ng hinahanap.. remember yung time na sinabi mo na pag na feel ko na nahanap ko na yung guy na mag papasaya sa akin... grab that opportunity.. kaya kuya... will you be my boyfriend? Wala akong alam sa mga proposal pero kuya mahal kita at lahat gagawin ko maging tayo lang... sana after you read this tanggapin mo ako as your girlfriend... and not as your little sister. Maraming salamat talaga sa love na pinaparamdam mo sa akin... ikaw ang reason kung bakit ako nag bago... gusto kong maging worthy para sa iyo... mahal kita... at kahit hindi maging tayo... patuloy pa rin kitang mamahalin... kuya kasi kita eh...


hoping to be your girlfriend,
Sally


After I read that, I can't stop crying ... mahal pala niya ako... pero nawala siya ng hindi niya alam na mahal ko din siya....


* So if you think you found your true love don't hesitate to tell them how you feel... don't let your love story end just like mine... wala na palang ulan.... Walang kinalaman ang present love life ko sa post ko today(lolz)..... I just thought na dapat sigurong ishare ko lang ito para sa mga taong nag dadalawang isip pa rin. Pasensya na if 'di ako nakakapag post lately medyo may madramang problem lang ako(what's new?) hahahaha....
 


Blogger Template By LawnyDesignz