6/28/10


Wala naman talaga akong maipopost now dahil medyo busy ako sa buhay ko... hehehe medyo napapabayaan ko na kasi ang farmville este buhay ko pala... hehehe anyway ano ba bago sa akin?ahhh wala nga pala bagong balita except sa BIRTHDAY KO NA SA JULY 22 19??... OO tama ang nabasa mo... madadagdagan na naman ang edad ko...

Kanina nag iisip ako kung ano ano ba ang nangyari sa akin this past whole year...

-naka dalawang work ako this past year
-nagkaroon ng bagong shoes(big deal para sa akin yun)
-naka punta ako sa luneta
-isang tambak na masasayang moments with my girlfriend
-at nawala man kami ni gf nung August pero bumalik pa rin siya at dahil dun thankful ako sa kanya
-nagkaroon ng madaming kaibigan dito sa blogsphere


I know madami akong sad moments this past year at isang katutak na problema pero nag silbing teacher yun sa akin at nagpatibay sa aking katauhan(naks taglog na tagalog ah)...

Minsan tuloy naiisip kong kaya ako paulit ulit ng mga problema kasi hindi ko pa natututunan yung lesson na ibinibigay sa akin ni PAPA JESUS... kaya ayun kahit gustuhin ko man na makawala sa mga problema eh di pa din ako makawala...

Minsan iniisip ko din na napaka swerte ko kasi kahit madami akong problema sa buhay eh madami din akong nakakadamay... this past year medyo dumami ang nag tatyagang umunawa sa akin tulad nina:
Batanggala
Darklady
Unnie
Bettina
at syempre ang...
...GIRLFRIEND ko

Speaking of my beloved girlfriend... this second chapter namin eh mas ramdam na ramdam ko yung pag mamahal niya sa akin, mas maayos at MAS TUMIBAY kami... nag mature na din kami... Corny pero utang ko sa kanya kung ano ako ngayon... mahal na mahal ko yung babaeng iyon... madalas nga kahit puyat at pagod ako sa work... pag sinusundo ko siya sa skul niya at nakikita kong nakangiti siya, agad kong nakakalimutan pagod ko...lalo na pag may kasamang hug ahehehe nakaka alis talaga ng pagod.Hindi talaga ako mag sasawa sa kanya... kahit anong mangyari papatunayan ko sa lahat na may word na forever... I will never grow tired of her... kasi ayun loving her is what I do best

At sa darating kong kaarawan eh hindi ako mangangako...hindi ako aasa... basta pipilitin ko mag improve sa lahat ng aspeto ko sa buhay, sa relationship ko kay GOD at sa relationship ko sa mahal ko...

Pero teka teka teka lang!!!! Aasahan ko yung mga pag bati niyo sa akin... hehehe tsaka next time ipost ko yung bank account number ko para dun niyo na lang ipadala yung regalo niyo...

YOUR GREETINGS ARE GOOD...
BUT I NEED CASH!!!!


*PS*
malapit na debut ng gerlpren ko ahahahaha bigay kayo ng magandang idea para sa kaarawan niya... naks dalaga na ang aking mahal ahahaha... mahal kita honey... BTW gawa nga pala ni gf itong video sa baba para sa akin... naks hang sweet niya talaga..


6/15/10


Anong araw na ba ngayon? aba teka June 15 na pala
.... naknang jueteng bukas na pala ang kaarawan namin ng aking pinaka mamahal... 17th monthsary na kasi namin... naks naman ang taga;l na pala namin... parang kelan lang eh nag tatatakbo ako sa gitna ng kalsada para habulin si gerlpren.

Kanina habang nag dadasal ako dahil sahod na naman(sana may laman na ATM ko) biglang nag text si gerlpren,

"hon ano size ng paa mo?"

Huh? Bakit kaya niya tinatanong? Siguro may regalo yun...hehehe... pinalagpas ko na yung text niya na yun kasi di naman siya nag text back...
Mag aalas dos na nung nag simula akong maglakad papuntang SM Taytay para kunin ang aking sahod ng biglang nagtext ulit siya at sinabing pupuntahan daw niya ako sa sm.. sabi ko ayus lang tutal wala naman ako gagawin.

Habang hinihintay ko siya naisip ko kung ano ba magandang iregalo sa kanya sa DEBUT niya... oo tama ang pag kaka basa niyo... mag 18 pa lang siya at ako... ahhh secreto ang edad ko... basta magka age kami ni chikletz at mas matanda sa akin ng 3 taon si unnie. Kasi ganito yun... kuripot talaga ako... ni hindi nga ako bumibili ng damit hanggat di ito kumukupas, di din ako bumibili na sapatos o tsinelas until butas na. Pero syempre pag dating kay gerlpren eh all out ako sa pag bibigay... yung tipo bang "isusubo ko na lang ibibigay ko pa sa kanya" hehehehe...

After akong mag muni ,uni bigalang dumating si gerlpren at may biglang inabot na plastic bag na pula with matching na tsinelas sa loob...NAK NG JUETENG!!!! Sa wakas makakatikim na ang paa ko ng mamahaling tsinelas... sanay kasi ako sa alpombra at yung tsinelas na de ipit(yung tig 400 pesos lang) Naka halata yata si gerlpren na butas na yung suot suot kong tsinelas... at hindi pa natapos doon ang pagiging galante niya... inilibre pa ako ng pizza, mami na may kung fu panda na something(honestly di ko alam tawag dun sa kinain ko na yun)... sobrang binusog ako ni gf sa mga pag kain niya... hehehe

share lang kasi nakakatuwa eh... nilibre ako... ahahaha
tsaka 17th MONTHSARI namin bukas eh

I love you honey
Happy 17th Monthsary

See you tomorrow

6/1/10


Di dapat ako mag popost now pero wala lang talaga ako magawa kaya napilitan lang ako magsulat kaya expect niyo na ubod ng walang kwenta ang post na ito ahahaha

Ang kwento ko now is about how laughter saves our relationship....(naks english yun ah)

Anyway kasi ganito yun napapansin ko lang na ilang pung beses na nailigtas ng pag tawa ang relasyon namin ni gerlpren... Di naman matatawag na perfect ang pinag sasaluhan namin ni mitch , may mga pag kakataon na tila ba world war 3 ang style namin, may mga iyakan blues, at habulan na para bang nag lalaro kami ng mataya taya...

Pero isa sa secreto namin kung paano kami nag kaka ayos ay ang pag tawa... oo tama ang nabasa mo.... minsan pag nag aaway kami eh tila ba parang hahantong na yun sa pag wawakas ng relationship namin... iyakan, habulan, mga mala telenovelang eksena sa gitna ng kalsada at kung minsan sa gitna ng hi-way...

bigala ko lang na alala yung mga eksena na yun....

SCENE 1... Action!!!!!

Ako: Honey i'm sorry na... please...
GF: Bakit mo ako hinabol? Galit ako sa iyo.
Ako: Sorry na nga eh... di na mauulit....
GF: Wag ka nga sunod ng sunod sa akin.... wag mo akong sundan!!!
Ako: Huh? sunod ng sunod? Eh ako kaya ang nauunang nag lalakad sa ating dalawa... kaw ang wag sumunod sa akin...sabay tawa ng malakas at pa beautiful eyes epek pa.


SCENE 2... Action!!!!

Ako: uy bakit di mo ako pinapansin? may nagawa ba akong bad o ayaw mo?
GF: No comment
Ako: sige na naman oh mag salita ka naman... sorry na po
GF: No comment pa din habang nag lalaro ng laruan ng bunso niyang kapatid...

*kaso yung laruan niya eh napunta sa ilalim ng ano ko sabay wala naman sa loob ni gf na habulin yung laruan at di niya sinasadyang tamaan si ano ko.... kaya ayun habang nag papagulong gulong ako sa sakit eh napapangiti si gf kaya ayun nag kabati din kami sa wakas dahil sa aksidenteng iyon.

Ang point ko? wala lang... minsan wag papairalin yung init ng ulo... wag kakalimutan na walang magandang idudulot ang pagiging mainit....except sa....(joke lang ahahahaha)

*love you honey... mwaaaah
 


Blogger Template By LawnyDesignz