6/29/09



Wala ba kayong napapansin mga mga nangyayari?
Sa lahat ng sex scandal ni Hayden kho... laging may Absolute drinking Water?





Sa Senate Hearing Absolute Drinking Water....





... nung 'di makahinga si Katrina pinainom siya ng Absolute Drinking Water.....





yung ibinuhos kay Hayden... Absolute din..


Di kaya lahat ng nangyayari ngayon ay isang malaking commercial ng

ABSOLUTE DRINKING WATER?



hehehehe uo nga noh? wala akong maipost kaya ganito ang naisipang kong ilagay... although hindi na ito ang issue sa mga telebisyon ito pa rin ang nilagay ko... wahahahaha... busy ako sa kakaisip kung ano ang gagawin ko sa monthsary namin ng gf ko sa WEDNESDAY.... Weeeee!!!!! 7 Months na kami.....


dear honey,

ADVANCE Happy Monthsary honey(naks ang sweet) wahahahaha... see you sa wednesday huh... ahh ipag luluto na lang kita ng lunch at mag kakainan tayo este kakain tayo... tapos matutulog, magkukulitan, magtatawanan, at kung anu ano pa....
I LOVE YOU
... Miss na talaga kita...

6/26/09


Dapat masaya ako ngayon dahil birthday ko at ng bestfriend ko. pero hindi, sa halip, nandito ako at nalulumbay, di ko pa rin matanggap ang nangyari noon.

Tandang tanda ko pa ang mga pangyayari isang taon na ang nakaraan.

Mas matanda ako kay Baby ng ilang taon. Kitang kita ko pa nga nang ipinanganak siya. Cute siya sa kanyang mamula mulang kutis at matatabang pisngi. Pero syempre, mas cute ako. Hindi yata ako papayag na mas cute siya sa akin.

Madalas kaming maglaro ni Baby. Kahit sa paliligo, sabay din kaming maligong dalawa. Para talaga kaming kambal tuko. Madalas kaming niloloko na kaming dalawa ang magkakatuluyan, pero napka imposible yung sinasabi nila kasi kapatid ang turingan naming dalawa.

Minsan isang araw, isinama ako ng nanay ko para magsimba sa Baclaran. Gusto ko nga isama si Baby kasi birthday naming dalawa, kaso lang, ayaw ni tatay. Baka daw mawala lang si Baby doon at saka dagdag lang daw siya sa abala.

Pagkatapos ng misa, hiniling ko kay inay na huwag muna kaming umuwi. Ipinagdasal ko kay papa JESUS na sana'y di na kami magkahiwalay. Mahal na mahal ko siya kaya kahit masakit na ang tuhod ko, sige pa din ako sa pag luhod at pagdadasal.

Pagdating namin ni inay sa bahay, nagulat ako dahil napaka daming tao sa bakuran namin. Kaya pala ako pinipilit ni inay na magsimba, may ihahanda pala siyang party. Nandoon lahat ng kaibigan namin ni Baby. Pero nagtataka ako dahil hindi ko mahagilap si Baby.

Pinuntahan ko siya sa paborito naming silong sa likod ng bahay at doon ko nakit ang ebidensiya ng malagim na katotohanan. Nilapitan ko ang mesa ng mga handang pagkain at doon ko nakita ang krimeng ginawa ng aking tatay.

Wala na si Baby, patay na siya. Pinatay siya ng tatay ko! Huli na ang lahat, kinatay na ni tatay si Baby.

Wala na ang BESTFRIEND ko...

Wala na rin kaming baboy.....

Huhuhuhuhu....

6/25/09


Ang kwentong ito ay tungkol sa defending winner ng isang contest, ang "Search for Mr.Astig 2009" kung saan naghahanap ang defending winner ng papalit sa trono niya bilang bagong pinaka astig na tao.

CHARACTERS:
  • Rakistang Tunay
  • The Ultimate Pasaway
  • Mr. Fraternity Guy
  • Ang Hari ng Hardcourt
  • DotA Boy
  • Defending Winner
SETTING:

Sa isang pa astigan contest na ginanap sa isang bulok na stage

QUESTION & ANSWER PORTION:


Defending Winner: "Ngayon po mga kaibigan ay masasaksihan natin ang question and answer portion ng SEARCH for Mr. ASTIG 2009. At ang tanong po para sa kanilang lahat ay, "Paano mo masasabing astig ka?" Ipaliwanag ng mabuti ang inyong sagot.

At lumakad si Rakistang Tunay papunta sa mic para sumagot, nakasuot siya ng walang kamatayng Che Guevarra na T-shirt, itim at tusok na pantalon, isang pares ng maiitim at ubod ng duming Chuck Taylor, at may nakasabit na isang damakmak na kadena sa iba't ibang bahagi ng kanyang suot.

RAKISTANG TUNAY: "Astig ako kasi rakista ako! Astig ang porma ko at ang mga kantang pinapakinggan ko. Metallica, Korn, Slapshock, Chicosci, Greyhoundz at lahat ng hardcore metal na banda, lahat yan pinapakinggan ko. Malupit ako! Lahat ng gigs na kayang puntahan, napuntahan ko na, ilang islaman na rin ang napagdaanan ko, kilala ko lahat ang malulupit na banda!"

DEFENDING WINNER: "Talaga? Sa tingin mo ba astig ka na kung ganyan ang pinapakinggan mo mong tugtog? Mga kantang grabe ang mga mensahe, Mga kantang puro mura.Masyado nang marami ang nakikinig nyan. Kung sasali ka pa sa kanila, magiging isa ka lang sa " Rakistang Tunay" kung tawagin nila. Bakit hindi ka maging kakaiba?"

Umalis si RAKISTANG TUNAY na malungkot. Ang sumunod naman ay si THE ULTIMATE PASAWAY, simple lang ang suot pero mukhang 2 linggo ng hindi naliligo.

THE ULTIMATE PASAWAY: "Astig ako kasi pasaway ako, Barumbado ako. Sinasagot ko ang mga magulang ko. Bagsak lahat ang grades ko; nag bibisyo ako. Lahat pinag titripan ko.Lahat ng kalokohan alam kong gawin at nagawa ko na. Sa katunayan ilang taon na ako sa college at hanggang ngayon hindipa ako guma-graduate!"

DEFENDING WINNER: "Kung sinasabi mong astig ka, MAHIYA KA NAMAN SA SARILI MO!!! WAlang dereksyon ang buhay mo! Hindi na ako magugulat kunh isang araw makita kitang isang matagumpay na basurero!"

Pagkaalis ni The Ultimate Pasaway ay pumasok kaagad si Mr.Fraternity Guy. Maraming tao ang biglang nag palakpakan at himiyaw dahil hinakot niya ang buong fraternity niya. Simple lang ang suotniya, pero tila ba parang dyaryo ang katawan niya sa dami ng tatoo... natutukso tuloy itanong ni Defending winner kung anong headline... para kasing dyaryo eh, may tahi pa sa ulo niya siguro remembrance ng huling rambol niya.

MR. FRATERNITY GUY: "Astig ako kasi kasali ako sa isang frat. Maami akong katropa. Mahilig akong makipagbugbugan sa kanto. Malakas ako! Sa katunayan kinaya ko ang lahat ng palo nila noong initiation. Mabuti naman ang hangarin at misyon ng frat ko... 'kung ano iutos nila ay susundin ko kahit ikamatay ko pa"

DEFENDING WINNER: "Hindi ka pa rin astig! Ano kamo? Mabuti ang misyon niyo? Mga bayolente kayo! Bakit hanggang ngayon ay may namamatay pa rin sa mga hazings niyo? Bakit kailangan niyo pang manakit ng ibang tao? Hindi kayo astig! Mga baluktot ang mga pag iisip niyo!"

Sumigaw ng boo ang mga tao dahil sa sinabi ni defending winner pero biglang natigilan sila ng mag hiyawan ang mga babae na parang nakakita ng artiista... Lumabas na kai si Hari ng Hardcourt.

PLAYER: "Astig ako kasi magaling akong mag basketball. Varsity ako sa school namin.Sikat ako sa mga tao lalong lalo na sa mga babae. Lahat sila nag kakandarapa sa akin at kahit sinong babae kaya kong pasagutin"

DEFENDING WINNER: " Iyan ba ang sukatan mo ng pagiging astig? Ang babaw mo naman! Magaling ka nga sa hardcourt pero bokya naman ang lahat ng grado mo. Tulad ng bola, puro hangin ang ulo mo!"

Halos maiyak si Hari ng Hardcourt sa sinabi ni Defending Winner... Dumating na din ang pinaka huling kalahok... si DoTa boy....Walang pumalakpak siguro dahil walang nakakakilala sa kanya dahil araw araw na siyang laman ng computer shop

DOTA BOY: "Ako ang tunay na astig! WAlang makakatalo sa akin sa DOTA at heto pa, magaling din ako sa klase... kung gaano ako kagaling sa DOTA ganun din ako kagaling sa Physics!"

DEFENDING WINNER: "Akala mo ba astig ka na ng lagay na yan? Ano ba ang naitutulong mo sa nanay mo? Nagkakandahirap na siya sa pagtatrabaho tapos ikaw puro pag cocomputer ang ginagawa mo... hindi mo man lang maisipang tumulong sa kanya.. Batugan ka sa bahay niyo!"

Umalis si DOTA Boy at bumalik si Defending Winner at nag salita....

DEFENDING WINNER: "Ngayon ay nais kong sabihin na walang nanalo sa contest na ito. Walang astig sa inyong lahat. Mga rebelde kayo! Pasaway, barumbado, basagulero, mga tamad at mga batugan. Ang tunay na astig ay naiiba.Ang tunay na astig ay hindi natatakot gumawa ng tama kahit puro mali ang ginagawa ng mga taong nasa paligid mo. Ang tunay na astig ay hindi nagpapadala sa agos ng buhay. Sa mundo natin ngayon masasamaa na ang lahat ng mga tao. lahay nagkakasala, nawawalan ng moralidad. At kung makikisama ka lang sa kanila ay para ka lang isang patay na isda na nagpapadala sa agos ng tubig. Bakit hindi mo subukan hindi mag rebelde? Gumawa ka ng mabuti sa kapwa mo. Magsimba ka! at hindi lang basta pasok sa simbahan... isapamuhay mo ang bawat salita na maririnig mo.Mas hahanga pa ako pag nagpakatino ka sa harap ng mga pasaway mong barkada... IYON ANG TUNAY NA ASTIG....

6/23/09



Pangarap kong mahalin ng taong
AKO ang UNA sa
listahan ng prioridad niya...

Yung SUPLADA sa iba
dahil alam niyang
MAGSESELOS ako...

Yung walang ibang
BUKANG BIBIG kundi
PANGALAN ko...

Yung hindi kayang
MATULOG
hangga't galit ako...

Yung taong di ako
bibigyan ng
dahilan para mag DUDA...

Taong may pangarap
para sa aming
DALAWA...

NATUPAD NA yun
pangarap ko kasi
nandyan ka na...
michelle



*wahahahaha kilig kilig naman.... walang kokontra!!! MINSAN LANG ITO!!!

6/22/09


Ako yung tipo ng taong mahaba ang pasensya at maunawain pero anak ng tipaklong... laking gulat ko nung nag bukas ako ng blog ko at nakita ko yung mensahe ni "B" sa shoutmix ko biglang gusto kong manapak at gilitan ng leeg si "B". PU+@*9 !&^ niya talaga.... hindi ko alam if kulang ba sa pansin si "B" o sadyang isa siyang retarded... "B" may tuliling ka ba sa ulo? May toyo ka ba?

Sabi ni "B" sa shoutmix ko..

"B" - "ahahaha!!! kaya pala ganun si michelle sa ibang guy! Now I know.. gud luck mitch..

Anak ng jueteng ka "B"... teka bakit "B" ba ang gamit mo? "B" as in BITCH? hahahahaha. Parang alam ko yung gusto mong ipoint out sa sinabi mo at hindi ako natutuwa...
Kanina ko pa gustong mag mura pero dahil bawal mag mura sa blog hindi ko ito gagawin... Ano ba talaga ang pakay mo? Peste ka talaga? Bakit ayaw mo umamin sa akin kung sino ka
HAYOP KA B!!!!
Isa kang duwag at bahag ang buntot... ang mga katulad mo ay dapat sinusunog ng buhay or inuunti unting china chopchop ang katawan...
hinihintay ko ang e-mail mo sa akin pero as usual hindi ka mag e-mail sa akin dahil duwag ka... at alam kong ayaw mo din mag pakilala... alam ko din na peke yung fs na binibigay mo.... TAKTE KA!!!! wala akong pakialam if panget ako or what.... panget nga ako pero at least hindi kasing panget ng UGALI MO!!!!...

Once again ibibigay ko ang e-mail ko at mahghihintay ako sa iyo... saulkrisna@yahoo.com

By the way hindi mo kilala si MITCH kasi wala kang maibigay na proof na kilala mo siya... I know nag titrip ka lang pero bakit ako ang napag tripan mo?

ISA KANG DUWAG KASI AYAW MONG MAG PAKILALA....

ISA KANG KAHIYAHIYANG NILALANG AT 'DI KO ALAM BAKIT KA PA NABUHAY..


the end...

whew!!! nakapaglabas na naman ako ng sama ng loob dito sa pahina ko ah.... pag pasensyahan niyo na ako... salamat sa pakikiramay... teka bakit pakikiramay ang naisulat ko samantalang "salamat sa pag dalaw" ang nasa utak ko? Isa ba itong warning? Hala ka "B" mamamatay ka na daw... wahahahahahahahaha... LAKAS TRIP !!!!

6/20/09

Pag pasensyahan niyo na if medyo matagal akong nawala.. madami lang akong inasikaso sa buhay ko... na miss ko ang pag susulat ah... anyway habang ako'y nag mumuni muni kung anong pwedeng isulat bigla kong naalala yung mga nag comment asking me if "LALAKI NGA BA AKO?" Aba tinamaan ng magaling!!! Syempre lalaki ako... na aalala ko pa si KOSA ang unang nag tanong sa akin ng ganyan at hanggang sa YM di niya ako pinatawad.. kinukulit pa din niya ako. 'Di ko akalain na ilang linggo lang ay may mag tatanong ulit ng mahiwagang tanong na yun at this time pabalang na yung mokong na mag tanong(nakakabastos na!!) at lumipas ulit ang ilang araw at may mapangahas na naman na nag tanong if lalaki ba daw ako at pinaratangan pa niya akong isang babae... medyo dumadami na ang nag tatanong at nag tataas kilay if lalaki nga ba ako or gf ko ba ang nag susulat sa blog ko... para matigil na kayo sa pag tatanong kahit nakakahiya at FIRST TIME kong gagawing mag pakita kung sino ba talaga ako kaya kinakabahan ako... nahihiya din ako kasi medyo nung nag buhos ng kagwapuhan si papa LORD medyo nakadapa ako at hindi ako nabiyayaan....

THIS COURT HEARING IS NOW IN SESSION:

Ang nasasakdal: Saulkrisna
Ang abogado ni saulkrisna: Ako pa din


2 PUNTOS NG POST NA ITO:

-para mapatunayan sa sambayanan ng blogsphere na lalaki si saul krisna villanueva
-mapatunayan na ako ang author ng blog na ito

POINT #1

  • kung nagtataka kayo o napapaisip if sino ba ako and if lalaki ba talaga ako heto ang ilang evidence na nahagilap ko:



EXHIBIT 1.1

EXHIBIT 1.2

EXHIBIT 1.3
EXHIBIT 1.4


Nakikita niyo naman dito na lalaki si Saul Krisna dahil mga valid information ito. Wag kayong magugulat sa itsura ko kasi kahit ako up to now natatakot sa itsura ko... ginagawa ko lang ito dahil para matigil na ang issue sa gender ko.

  • If babae si Saul Krisna bakit madaming instances na nag post ako ng mga articles bout sa mga girls like my ex gf's, my female friends , etc...

Dae's post: #1 She's the only one
#2 I saw her Smile again

Jelly's post: #1 Will she stay for good?
#2 I'm really sorry Jelly

Mikah"s post: I wish I could do something for you

Shella Faye's post: I hate being away from her

Aviel's post: I need You

Roselei's post: I got myself a new friend


Obviously malapit ako sa mga babae eh... dito nga sa amin kuya ako ng bayan eh... and hindi nakalusot pati ang blogsphere... some of my friend here call me kuya saul... at sinong mag tatyagang mag post ng mga ganitong about sa mga babae if hindi ako lalaki?


  • Although wala pang nakakakilala sa akin dito personally sa blogsphere still there are a handful out there na mag sasabing lalaki nga ako...

POINT #2

  • May mga nag sasabing gf ko ang real author ng blog na ito.... dun sila nag kamali... kung marunong talaga silang mag basa, halatang halata na ang buong blog ko ay lalaki ang author and that's me... let me tell you why... 7 MONTHS na kami ng gf ko at ang blog ko ay 14 MONTHS na... you want proof? examin exhibit 2.1




April 30, 2008 ang first post ko so pano niya naisulat ang buong buhay ko sa blog na ito if hindi pa kami mag kakilala... siguro humihingi ulit kayo ng proof na hindi pa nga kami mag kakilala nuong April 30, 2008? Here's my proof... please take note of the dates...

EXHIBIT 2.2

This is my message sa kanya dated November 05, 2008... once again hindi nag tutugma ang mga dates... if you do the math.. may gap na 7 months.... so pano niya naisulat ang blog ko if di kami mag kakilala? That only prooves na ako ang author ng blog ko. The dates between exhibit 2.1 and 2.2 doesn't coincide....

  • If Gf ko ang author ng blog ko how come nakapag sulat siya bout sa mga naging trabaho ko? If she's pretending or faking it.... peste asan ang proof niya? Wala di ba? Kasi nga 16 years old lang siya at under age pa siya.... but on the other hand nasa legal age na ako para mag work... want proof again? Wag kayong mag tatawa sa itsura ko huh... i'm doing this para matahimik na kayo... nahihiya talaga ako sa itsura ko...



Pag pasensyahan niyo na at parang bagong gising ako sa picture ko.... hiyang hiya na ako sa ginagawa ko dito ah...Ito na lang kasi ang natitirang ID ko kasi nawala yung wallet ko... pero okay na yun kasi mas masagwa yung mga ID pics ko dun.. hahahahahah


Sana lang medyo wag niyo akong pag tatawanan sa mga larawan ko... pero if gusto niyo akong makita nung grade 6 pa lang ako heto at titigan niyong mabuti... hahahahaha

6/11/09


Una sa lahat pag pasensyahan niyo na ang layout ng blog ko wala kasi akong mahanap na maganda eh...tinopak kasi yung blog ko at himalang nawala yung mga borders ng layout ko kaya ayun dali dali akong nag hanap ng new look... at heto na...

Dahil pagod na ako at wala talagang pumapasok sa utak ko now naisip kong mag tanong sa inyo tungkol sa paksang ito....

BAKIT nagiging moody ang mga babae pag may PERIOD?

bakit nga ba? hahahaha(honey hindi tungkol sa iyo ang post na ito, love you). I know everymonth nagkakaroon ng dalaw ang mga babae at alam ko din na hindi maganda yung feeling ng meron(according sa gf ko) pero nagtataka lang ako... Ilang taon na ba kayong nag kakaroon at bakit up to now di pa rin kayo sanay sa pain? Pagpasensyahan niyo na ang pagiging ignorante ko, wala kasi akong kapatid na babae.

At mapunta naman tayo sa taong kinaiinisan ko now... hahaha kung mapapansin niyo sa shoutmix ko ilang araw na akong may kaaway dun... Hindi ko alam ang pakay niya at kung bakit niya ginagawa yun... para sa iyo ito "B"

Dear "B" ng shoutmix ko,

ANO ba talaga ang pakay mo sa buhay ko at sa relation ko with my gf? Hindi kita kilala at hindi ka din kilala ng gf ko, kung sinasabi mong LOLOKOHIN ako ng gf ko or NILOLOKO niya ako now WALA kang pakialam!!! Buhay ko ito at ako ang hari ng sarili kong desisyon. Wala kang karapatan para siraan ang gf ko dito sa mundo ng blogging, bakit ayaw mo makipag away sa friendster o facebook... bakit dito? Dahil ba ako ang may ari nito? O sadyang malakas lang ang TOYO sa katawan mo, MINAHAL ko ang girlfriend ko inside out, alam kong hindi perfecto ang pag uugali niya pero tanggap ko yun kasi MAHAL KO SIYA!!! Hindi lang yung positive side niya ang minahal ko pati din yung negative side niya(parang buy 1 take 1). If sinasabi mong na ngangaliwa ang gf ko wala kang paki!!! Bakit ba affected ka masyado at teka sino ka ba talaga? Nag iwan ka ng link sa shoutmix ko at sa friendster ng kung sino ang nilagay mo. Takot ka ba na magpakilala? O sadyang duwag ka lang?

Sa totoo lang kanina pa nangangati mga daliri ko at gusto kang murahin... bigla ko naalala, pinagalitan mo ako nung minura kita sa shoutmix ko ang sabi mo nagkakasala ako... eh ikaw ano ba yung ginagawa mo? di ba pag kakasala din yan? Paninirang puri tawag dun... BAGO MO PINTASAN ANG IBANG TAO MAKE SURE NA MALINIS ANG BUDHI MO!!!!(peste ka!!).

TANDAAN MO! WAla akong pakialam if ano man ang ginagawa ng gf ko... may tiwala ako sa kanya at mahal na mahal ko siya... and if ever totoo yung mga warnings mo... ayus lang na masaktan ako buhay ko ito... HINDI AKO MAG SISISI NA IBINIGAY KO ANG LAHAT SA GIRLFRIEND KO!!!


-the end


Whew!! pag pasensyahan niyo na ako if mainitin ang ulo ko... hahahaha di naman talaga ako warfreak... ayaw ko lang may naninira sa gf ko... by the way... sana sagutin niyo yung tanong ko bout sa period huh...

6/7/09

Denial /dinї’әl/ n 1 refusal to grant, believe, or admit; 2 assertion that a thing is untrue; 3 refusal to acknowledge a person or thing as having claims; 4 disapproval;

Bakit ba natin sinasabing masaya tayo kahit naman hindi, bakit ba natin sinasabing okay naman ang lahat kahit naman tila ba parang wala naman nagiging okay sa buhay natin, bakit tayo nag pupumilit ngumiti kahit naman kabaligtaran ang gusto natin gawin? Bakit hanggang ngayon pilit mong sinasabi na ‘di mo siya mahal if in fact siya lang naman ang mahal mo. Buong buhay natin ganito ang ginagawa or pilit pinapakita natin sa lahat ng tao…. Minsan nagtataka din ako, parang may suot-suot tayong mask… iba-iba kasi ang ipinapakita natin kapag kasama natin ang pamilya natin, pag kasama natin ang mga kaibigan natin, at pag kasama natin ang mahal natin. We tend to hide our true emotions pag may kasama tayong ibang tao… at kung minsan nga kahit pag nag iisa na tayo we used to pretend that everythings doing okay kahit na HINDI.

Bakit ba tayo nag papanggap? Ayaw ba natin malaman ng ibang tao na nalulungkot tayo? Ayaw ba natin malaman nila na mahina tayo or ayaw lang ba natin sila mag alala? Ang gulo ‘di ba? Kahit nga ako lagi ko itong ginagawa, ewan ko nga ba kung bakit, Hindi ko alam if may connection itong dahilan ko kung bakit ayaw kong ipakita yung tunay na ako, pero takot akong mag tiwala, takot akong malaman kung sino ba talaga AKO, takot akong ipa-kita yung tunay na SAUL KRISNA. Oh, ‘wag kang magi sip ng kung anu-ano diyan… hindi ako si Superman or wala akong secret identity…hahahahaha (just kidding)

Bigla ko tuloy na alala yung famous line na “What you see is what you get” Hmmm tama ba ito? Parang hindi naman ‘di ba? Madami kasi diyan na mapag panggap, madaming nag kalat na mga plastic na tao, mag sinungaling… and sad to say part time member ako ng club na yun…

Bakit sa darating na 2009 try natin ipakita yung tunay na nararamdaman natin, maging tapat tayo sa kianila at maging tapat din tayo sa mga sarili natin, alam kong nakakatakot… and I know what your thinking What if iwan nila ako, what if ‘di nila ako matanggap, and what if layuan na niya ako? ‘Wag kang mag alala, isipin mo na lang na at least nalaman mo na hindi lang pala ikaw ang nag papaka-plastic… sila ‘din pala… cause if totoo sila sa’yo, tatanggapin ka nila for who you are and not what you are.

* There are only 3 things na nagiging totoo ako, it’s when I’m holding a pen, when I’m typing here in my keyboard and when I’m pressing the keypads in my phone… ahh one more thing… I’m true whenever I’m having a conversation with the big boss upstairs…

6/5/09

"I have to go Saul." these were the last words that came out of her mouth before she left. It's been 3 months now since she left me and ever since I'd always wanted to see her again... always I'd hope that one day she'd come back to me....



It's only 5:00 am when I got out of my bed. My mother saw me going down the stairs, " Where are you going? It's too early!"

" Of course, school. Where else? And I'm late... real late!" I replied.

"It's Saturday, don't you remember?" my mother shouted.

"Oh silly me!" I said, smiled and went to bed again.

I was sitting at the edge of my bed when the phone rang. I rushed to it, hoping it was Pillow. But to my dismay, it was John. He told me that Pillow was here. It seems my heart leaped for joy. I barely heard what John said after.

"Where is she?" I asked

"She's in our school waiting for you!"
After hearing the good news I immediately dressed up and went to school.

I saw her by the gate, " Pillow!" I shouted. I saw her head bow down, I didn't know why. I didn't care anymore,all I knew was that she finally came back.

"Pillow I missed you so much!" I said while hugging her tightly, so tight that she can hardly breath.

"I came here to tell you something" she said

"Tomorrow morning go to my house and I'll tell you what it is." She said.

After that short conversation with her she went to her father inside the car and went home.

I was excited. I was so happy that day. I thought of the things we'd done before, until my mother called me for dinner. After eating I went to bed but something's not right. I couldn't sleep. I tossed and turned the whole night thinking of her.. it felt weird.

I woke up early that morning with a big smile in my face.. When I was at their house we sat and she started to talk.

"I will be leaving for America on Monday." she said with teary eyes.

" WHAT!!!! your leaving me again? Why? You just arrived and now this.... why?" I said while gasping for air.

" I'm sorry but theres something wrong." she said while her head bowed down.

"What? is it your studies? Why did you leave me before without even saying goodbye to me? But Pillow...." I hadn't finished what I'm saying when she spoke.
"I left just to forget you. I did everything just to forget you. I had used someone else but something had happened and now.... I'm pregnant."
"What you left me for 3 months and now your here saying that your pregnant! I've waited for so long for you to come back and now I had been so stupid waiting for someone who wasn't even mine?"

"You know, I just don't know why I have to explain to you. And to think your just my ex boyfriend." she said angrily with gloomy eyes.

"Yes I just happened to be your ex boyfriend but I still care for you.. I still love you. My love for you never faded all this time.. your still my one and only you." I said and turned my back.

"Why.. Why.. Why just now. I'd been waiting for you to tell me that somehow you'd still love me and if you say that you did love me why should all of these things have to happen...? She did not say a word. I left with tears in my eyes and anger in my heart....She left a few days after we talked and I realized that when she left me... she brought my heart with her. And now here I am cold, lonely and broken...


* Ayun oh naging creative na naman ang utak ko... teka bakit usapang pag bubuntis ito(na naman) hahaha aba malay ko!!!! Kanina after ko mag sulat ako'y namasyal sa Sm para mag paregister sa COMELEC ng makaramdam ako ng gutom... Jollibee ba o Mcdo?

kayo ano mas gusto niyo? Mcdo or jollibee?



Teka mukhang talo si Ronald ah.... tsk tsk tsk.. pero pag nawala si Ronald na mimiss din siya ni Jollibee...




Takte!!! Nagugutom na ako talaga!!!!!

6/1/09


Glitter Words



Medyo late na itong post na ito kasi kahapon ang araw namin ng jowa ko. Wala naman kaming ginawang special like nag mall, kumain sa labas or nag gala gala kung saan saan... We just stayed sa house ko well actually sa room ko lang kami at hindi lumabas except nung bumili kami ng juice este icetea pala...

It's been more than 3 weeks na kasi since we last saw each other(wala kasing pasok at medyo illegal kami sa parents niya) kaya ayun sa sobrang na miss namin ang isa't-isa 'di na kami lumabas ng kwarto ko... ultimo gutom nakalimutan namin... hahahaha. Siguro nagtataka kayo kung ano ang ginawa namin from 9:32 am to 3:25pm....

MGA GINAWA NAMIN SA LOOB NG KWARTO:

  • Humiga lang kami sa bed(HUMIGA LANG HUH!!!!!)
  • Nagkulitan,nagtawanan at nag sampalan(sakit ng mukha ko talo ako eh)
  • Nagpagulong gulong sa kama(dahil ang kulit niya)
  • Nagkilitian
  • Nagkwentuhan ng kahit anong topic ang maisipan
  • Naglambingan(HOY!!! lambingan lang ginawa namin huh!!!)
  • Nagbolahan(hahahaha 'di mawawala yung mga words like "i love you's" at "i miss you"
  • Nag.....(secret)
  • Nag.....(secret)
  • Nag.....(secret)
Umuwi kami ng masaya at may mga baong new memories na for sure paulit ulit namin ipplay sa mga utak namin... Habang naglalakad na kami pauwi... masaya ako pero at the same time nalulungkot din kasi mukhang matatagalan ulit kami bago mag kita. Haaay ganyan talaga ang buhay... pero at least we still have each other and that's enough for me to be happy.


P.S

sakit ng legs ko!!!! hahahaha

 


Blogger Template By LawnyDesignz