9/19/08
Na iinggit ako sa mga taong walang gaanong problema... I know lahat ng tao ay dumaranas ng mga problema pero hindi nila pinag dadaanan ang mga nararamdaman ko ngayon... Maswerte sila kasi may mga tao silang nakaksama at nag mamahal sa kanila, may mga napagsasabihan sila ng mga problema nila, may nahahawakan sila pag sila'y nag-iisa, may mga kakampi sila pag ang buong mundo ay tila ba tinalikuran sila. Unlike me, wala akong malapitan pag may problema ako, wala akong mahawakan at mayakap pag nag-iisa at umiiyak ako, wala akong kakampi pag ang lahat ay galit sa akin. Pakiramdam ko tuloy nag-iisa ako sa buhay. Oo nga at may magulang ako pero hindi kami close, oo nga at may mga kaibigan ako pero parang di naman nila ako tinatratong parang kaibigan. Nag sisimula na akong mawalan ng pag-asa sa buhay. Tila parang walang katapusan ang kalungkutang dinaranas ko. 'Di ko man lang magawang ngumiti o mag saya sa mga nangyayari sa akin Wala na akong natitirang rason para ipag patuloyang laro ng buhay.. lagi naman akong talunan.
Talunan, yan ang tingin ko sa sarili ko ngayon. Lagi kasi akong pinag-lalaruan ng mga taong pinaka-mamahal ko. It's either they leave me or make fun of me...
Sa buong buhay ko, marami nang nag sabi na hindi nila ako iiwan pero ako naman si tanga at maniniwala sa mga sinasabi nila. Kukunin nila ang tiwala ko at pag nakuha na nila yun, itatapon lang nila ito at hahayaang masaktan lang ako.. iiwan nang na-iisa at talunan.
Bakit ba sila ganun? Sa tingin ba nila isa lang akong laruan na pagkatapos gamitin eh itatapon nila ako o ipamimigay sa iba para pag laruan naman ng iba. Wala akong ibang hangad kundi ang sumaya at mag karoon ng isang tunay na kaibigan, hindi ako nag hahangad ng madaming pera, magagandang bagay o magandang buhay... gusto ko lang ng isang tunay na kaibigan at maging masaya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
hi! im here agen.. kakabasa ko lang ng comment mo., thanks huh! i didnt expect na magcocomment ka din.. i got your # too... tamang tama, pareho taung globe!! here's mine... (09267023898) and bout dun sa sinabi mo na sana maging friends tayo.. xempre naman., its my pleasure... honestly., nacha-challenge ako sau.. ewan ko pero parang there's something in you na gusto kong makilala ng lubos... or should i say... na parang gusto kitang tulungan na maintindihan ung mga bagay at pangyayari sa life mu na parang di mo na ata mapansin ng dahil siguro sa tindi ng mga napagdaanan mo.. pasensya ka na kung maxado akong at ease sayo.. ganito kasi talaga ko eh! i dont know pero misyon ko na ata ang umintindi at magshare ng point of views ko sa iba..
September 20, 2008 at 4:58 PMpanu., till next time..
gusto ko pa sana mgcomment sa articles mu pero nobela na ata 2 eh! nxt tym nlng...
u takecare...
think light okei...
=)
hayzz.. kalungkoy naman ng life mu ! you know what hindi ka dapat gnun ! life is unfair ! cguro hindi mu pa nkikilala ung mga totoong tao ! ganyan din ako sa school ko ngun hirap na hirap ako mkisama sa mga tao dun kc nga parang sa skol lng keo oki pglabas ng skol kanya-kanya na ! so don't lose hope ! kasama sa paglaki yun ! en dun ka matututo na lumaban ! getz ?
September 20, 2008 at 8:21 PMaun lng sna nka tulong ako tnx !
hi..
September 24, 2008 at 5:03 PMbakit ka naman maiingit sa kanila...
isipin mo na lng.. na wala sila sa buhay mo.., lahat nman ng tao my problema... un nga lang e iba-iba..
yan mga problema mo pagsubok lang yan sa buhay... para maging matatag ka... kya mo yan 'tol...
Post a Comment