Denial /dinї’әl/ n 1 refusal to grant, believe, or admit; 2 assertion that a thing is untrue; 3 refusal to acknowledge a person or thing as having claims; 4 disapproval;
Bakit ba natin sinasabing masaya tayo kahit naman hindi, bakit ba natin sinasabing okay naman ang lahat kahit naman tila ba parang wala naman nagiging okay sa buhay natin, bakit tayo nag pupumilit ngumiti kahit naman kabaligtaran ang gusto natin gawin? Bakit hanggang ngayon pilit mong sinasabi na ‘di mo siya mahal if in fact siya lang naman ang mahal mo. Buong buhay natin ganito ang ginagawa or pilit pinapakita natin sa lahat ng tao…. Minsan nagtataka din ako, parang may suot-suot tayong mask… iba-iba kasi ang ipinapakita natin kapag kasama natin ang pamilya natin, pag kasama natin ang mga kaibigan natin, at pag kasama natin ang mahal natin. We tend to hide our true emotions pag may kasama tayong ibang tao… at kung minsan nga kahit pag nag iisa na tayo we used to pretend that everythings doing okay kahit na HINDI.
Bakit ba tayo nag papanggap? Ayaw ba natin malaman ng ibang tao na nalulungkot tayo? Ayaw ba natin malaman nila na mahina tayo or ayaw lang ba natin sila mag alala? Ang gulo ‘di ba? Kahit nga ako lagi ko itong ginagawa, ewan ko nga ba kung bakit, Hindi ko alam if may connection itong dahilan ko kung bakit ayaw kong ipakita yung tunay na ako, pero takot akong mag tiwala, takot akong malaman kung sino ba talaga AKO, takot akong ipa-kita yung tunay na SAUL KRISNA. Oh, ‘wag kang magi sip ng kung anu-ano diyan… hindi ako si Superman or wala akong secret identity…hahahahaha (just kidding)
Bigla ko tuloy na alala yung famous line na “What you see is what you get” Hmmm tama ba ito? Parang hindi naman ‘di ba? Madami kasi diyan na mapag panggap, madaming nag kalat na mga plastic na tao, mag sinungaling… and sad to say part time member ako ng club na yun…
Bakit sa darating na 2009 try natin ipakita yung tunay na nararamdaman natin, maging tapat tayo sa kianila at maging tapat din tayo sa mga sarili natin, alam kong nakakatakot… and I know what your thinking “ What if iwan nila ako, what if ‘di nila ako matanggap, and what if layuan na niya ako?” ‘Wag kang mag alala, isipin mo na lang na at least nalaman mo na hindi lang pala ikaw ang nag papaka-plastic… sila ‘din pala… cause if totoo sila sa’yo, tatanggapin ka nila for who you are and not what you are.
* There are only 3 things na nagiging totoo ako, it’s when I’m holding a pen, when I’m typing here in my keyboard and when I’m pressing the keypads in my phone… ahh one more thing… I’m true whenever I’m having a conversation with the big boss upstairs…
8 comments:
Waaahh.... naka-relate ako dito ah... hmmm... ganon nga talaga ang mga tao... di mo malaman if they are really true o kaya plastican lang... i hate it pag ganon. ako na mismo ang lalayo pag feeling ko di sila at ease sa kin...its doesn't matter kung ayaw nila sa kin... di naman ako mamatay kung wala sila. kesa naman makipagplastikan sa tanang buhay ko... hehehe
December 24, 2008 at 1:15 PMmerry christmas Saul!
Ang lalim naman ng pinakawalan mong mga salita dito..lahat ng sinabi mo.. sapul! member din ako ng club na sinabi mo.
December 25, 2008 at 7:29 AMAng ganda ng name mo. :-)
Paskong pasko denial ang paksa mo dre a..WAg ka nang magtaka dre..Gawain yan ng mga Gwapo......lol...
December 25, 2008 at 6:59 PMANo bang koneksyon neto sa post mo?..aba! ewan ko!...hahaha...
Merry xmas dre...
teka..napansin ko ala ka apa sa blogroll ko...ma add nga...lol...
Okey ka pa ba? hehehe...sa umpisa lang yan, ganyan din ako nun, pag na realize mo na lahat ng pangit sa kanya, maiisip mo bakit ka nagpapakagago sa kanya... anyway, it's okey lang din pakita natin affected tayo...ang hirap noh, ganyan din ako, sulat sulat ng sama ng loob para makahinga. Bakit ba kase pag tinamaan tayo sa isang tao eh parang guguho ang mundo pag nawala na sila...nga pala, may nag advice sa akin noon, ang gamot daw sa lason eh lason din. Ay di ko sinasabing uminom ka ng lason ha...ibig kong sabihin babae din ang gamot sa babae...pag nakatagpo ka na ng bagong babae sa buhay mo, no wonder makakalimutan mo rin siya, I assure you of that. Siyempre, mas magiging matapang ka na ngayon nyan...diba!
December 26, 2008 at 11:17 AMSige labas mo lang lahat ng sama ng loob mo dito sa blogger, may kasama ka...
Tama ka kaibigan, pero sa akin naman dapat talaga ipakita natin yung totoong tayo para naman malaman natin kung sino ang totoong tao na nag mamahal sa atin. D ako perfect but, yan ginagawa ko since college days and when I joined Single for Christ.
December 26, 2008 at 11:17 PMMaligayang Pasko sayo Kaibigan!
hey saul krisna
December 27, 2008 at 5:53 AMfor short kris na lang
i hope okz lang
tnx ng marami sa pagfollow sa aking blog...
see u around ha...
andito pala si pareng marc at si sir pajay...
halloo sa lahat...
back to ur post...
ganyan lang siguro tayo...
i mean sino bang ang nakaranas ng ganyan...
kung meron man, i want to meet that somebody...(astig ka parekoy kung ganun...)
i like ur site kris...
salamat ng marami ha...
Hehehe :D Pasingit ah kahit bago lang ako d2 sa site mo...
December 27, 2008 at 7:41 AMMinsan mas magandang ipakitang OK ka kahit na hindi, para lang hindi mag alala ang mga minamahal mo, think positive kasi magiging ok ka rin dahil na rin sa sarili...
Minsan kelangan mong ngumiti sa iba para lang wag silang madamay sa problema mong sarili mo lang ang makakagawa ng solusyon...
Lagi n lang minsan, Gaano kadalas ang minsan? lolzzz
Hehehe :D basta, minsan nakiki join ako sa club na yan, baka nga madalas pa eh, di ko lang napapansin :D
hey big bro... napadaan kahit akoh eh vacation... hey luv diz post... denial... abah part time job koh den yan... wehe... nd sendali bago akoh humirit... abah anditoh na ren palah sa page moh sina fafa marc, kuya ej, vice mavs and si pareng lord CM... eniweiz... ewan koh bah... lahat naman yeah ur right mga front lang pinapakitah.... but itz weird... kc sa ibang tao kaya nating ipakita lahat nang kabaitan naten... kaya naten kontrolin ang temper naten... pero sa family naten... 'un nga lumalabas usually ang totoong kulay naten... pero don moh makikita ang tunay na nagmamahal sau... mahal kah nang pamilya moh inspite of our katopakanz... pero 'ung ibah... parang kelangan nateng i-please all d' time... para lang tanggapin nilah tayoh... pero 'un nga... ba't hirap magpakatotoo... pero kay God... kayang kaya sabihin ang lahat kahit minsan oo nakakahiya... pero He luvs us no matter wat... so 'un... sige nah bago pa humaba itoh.... belated merry christmas big bro... and have a blessed new year... GODBLESS! -di
December 27, 2008 at 8:28 PMPost a Comment