“Eye ball”… NO I’m not talking about sa part ng face mo na ginagamit sa pag titig sa pinaka mamahal mo… I’m talking about sa… hmmm paano nga pala idedescribe yung word nay un? Hmmm ah! For me yung “EB” or “eyeball” ay yung act ng pag kikita ng dalawang individual or more… pero usually dalawang tao lang ang involve sa “eyeball”.
Maybe your wondering if bakit ko naman ito ang na isipan kong gawing topic sa blog ko… kasi lately napapadalas ang pag punta ko sa mall at sa tuwing uupo ako sa mga benches doon lagi akong may nakikitang 2 individual na tila ba ‘di mapakali at panay ang hawak at titig sa mga cellphone nila na parang may hinihintay na overseas call galing sa magulang nila…hehehehe. Anyway back to my topic… Nakakatuwa silang pag masdan.. para silang in love na in love… At pag nag kita na sila… after those “hi’s and hello’s” tiyak yun deretso na sila sa napag kasunduang restaurant or fast food para kumain… usually kasi umaga or lunch time ang magandang time para makipag meet unless isa kang “bampira”(yung mga taong mahilig sa night life). Eh teka sino ba ang usually involve sa mga ganitong bagay? Textmates, chatmates at penpals? Teka may pen pals pa ba ngayon? Wala na yata… pero ang pinaka common ay yung mga mag textmates… At hindi lang basta textmates kasi, for them to decide to meet up feeling ko much more than friends ang treatment nila sa isa’t-isa… “MU” siguro? Well, anyway ano ba ang naidudulot na pakikipag kita sa ka-MU mo or ka-text mo?
Ano ba ang mga naidudulot ng pakikipag kita sa ka-text mo? Hmmm mahirap na tanong yan ah! Try kong i-shortcut itong article ko. Medyo hahaba kasi ito pag pinakawalan ko ang emotions ko. Hehehe. Advantages? Hmmm siguro for me, base on my own experiences sa pakiki pag-meet… Malalman mo if sincere talaga yun ka text mo… whether sincere ba siya sa friendship na binibigay niya sa iyo or if sincere siya sa love na ipinangako niya sa iyo. May mga pag kakataon kasi na after niyong mag kita for the first time tila ba bigla na lang silang mawawalan ng ganang makipag usap sa iyo and eventually mawawala yung communication niyo… Yun yung mga taong panglabas na anyo lang ang hinahanap sa isang tao at dahil ‘di ka nabiyayaan ng kagandahan eh bigla na lang siya mag babago ng pakikitungo sa iyo. Good pag after niyo mag kita ay wala pa rin siyang pag babago towards you… Sweet pa rin siya, malambing, caring and other similar stuffs. Bihira ang mga ganoong tao sa mundo. Isa pang advantage ay yung mag kakaroon kayo ng chance makipag kwentuhan na hindi niyo kaharap ang screen ng cellphone niyo. Big relief yun para sa kanila. Wala pa rin tatalo sa pakikipag usap ng nakaharap sa iyo yung taong kausap mo. Mas mag kakaunawaan kayo, ‘di kayo mabobored and sure yun! Pero hindi lang puro sarap ang nakukuha sa pakikipag meet… madaming factors ang kailangan isipin bago makipag meet… noh ka ba? Form ng date ang “eyeball”… at dahil date yun asahan mo na ang gastos na kakambal ng pakikipag eyeball at kawawang lalaki! Kasi for sure sagot ng guy ang gastos… ganon kasi ako sa mga na mi-meet ko. “di ko ba lam if galante ako or uto-uto”? Imagine mo ito… ano ba madalas gawin sa pakikipag eyeball at ano an mga gastos na dapat tandaan?
LOAD- siyempre paano kayo mag kakausap at mag kaka alamanan kung nasaan na ang mga whereabouts niyo. Ano kayo manghuhula kung sino at ano ang itsura ng ka meet mo…
PAMASAHE- aba syempre dapat may naka laang pera para sa pamasahe niyo… Usually ako yung sumusundo sa girl at hinahatid ko pa siya sa house niya or anywhere basta malapit sa bahay nila. Mahalaga yun! Heller!!! Mag lalakad ba kayo?
FOOD- may date bang walang pag kain? Wala ‘di ba? Magandang pang tanggal ng stress yung pag kain… trust me especially fries at sundae ice cream…
SINE- this one is optional kasi maedyo nakakailang sa part ng girl na pumasok sa malamig at madilim na sinehan with a stranger… well, not unless may trust siya sa kasama niya…
At ang pinaka importante…
GIFT- aba!! Dapat lang may regalo ka kahit ‘di ka nag enjoy sa date niyo!!! Anything will do basta may remembrance ka from your date. ‘WAG kang kuripot!!!
Masayang makipag “eyeball” and I’m not against it… just be sure that you are ready sa mga consequences na pwedeng mangyari after nyong magkita… remember that it’s either mag babago siya… in what way siya mag babago? Pwedeng after niyo mag kita ay maging cold siya cause she/he didn’t like you or na disappoint siya(mostly dahil yun sa looks) or on the other hand mas maging sweet siya sa iyo… but whatever it is just try to accept it… NOTHING STAYS THE SAME FOREVER… lahat ng tao nag babago at ‘di mo yun mapipigilan…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment