Promises are made to be broken… yan sabi ng lahat ng tao, ewan ko ba kung bakit everytime gagawa tayo ng isang pangako sa kapwa natin lalo na sa minamahal natin ay laging napapako… Ano ba talaga ang nangyayari sa pangakong binitiwan nila sa atin? Ang sabi nila nung una pa lang ay ‘di nila tayo iiwan or sasaktan, pero nasaan sila ngayon? Wala at sumama sa iba… Sabi nila dati ‘di daw tayo papaiyakin pero tignan mo ang mga mata natin… namumugto dahil sa kaka iyak, sabi nila mamahalin tayo ng tapat at hanggang huli tayo lang daw ang mamahalin… pero sino ngayon ang kasama niya?
Hindi ko alam sa mga taong mahilig mangako kung bakit laging nabibigo ang mga pangako nila sa atin… siguro sadyang ganon lang talaga ang takbo ng mundo… I myself don’t make any promises na hindi ko naman kayang tuparin… natatakot kasi akong paasahin ang isang tao sa wala… Alam ko yung pakiramdam ng pinapaasa ka lang sa wala… Yun siguro ang pinaka masakit, yung umasa ka sa wala… makailang beses na rin nangyari sa akin ang bagay na yun and to tell you the truth… masakit yung paasahin ka.
Siguro if hindi mo naman kayang tuparin yung pangakong bibitawan mo sa taong mahal mo… I suggest na ‘wag mo ng ituloy… mag papaiyak ka lang ng tao, mag papa-asa ka lang sa wala and most of all mag sisinungaling ka lang sa kanya…
Hmmm tutal napag-usapan na din ang pag sisinungaling… lubos lubusin na natin ang usapan… Para sa akin kakambal ng pag sisinungaling ang pangako… why? Simple lang yan… if you made a promise which hindi mo naman talaga gagawin… your lying na… and sometimes you made those silly promises para lang itago ang isang kasinungalingan… Yun ang point of view ko… dati kasi ganon ang ginagawa ko…
Mahirap pag-hahaluan mo ng pag-sisinungaling ang kahit anong bagay… whether it maybe your relationship sa family mo, sa officemates mo, sa kaibigan mo or even sa taong pinaka mamahal mo… If you can’t stop yourself from lying then I suggest that you better shut up… wala ka din magagawang mabuti kundi ang manakit at saktan ang taong pinaka mamahal mo… believe me when I say na walang maidudulot na maganda ang pagsisinungaling… and tell me since when did lying solved anything?
Nagtataka kayo kung ano ang connection ng pagsisinungaling sa broken promises… simple lang… if you can’t promise anything then don’t lie… If you can’t promise na habang buhay ay sasamahan ka niya at ‘di ka niya iiwan… then don’t lie telling the one that you love that you’ll stay it’ll only break his/her heart pag in the end nag kahiwalay din kayo dahil sa kalokohan mo… remember this… breaking your promises can break their life, their trust… and maybe their love for you… and lying makes the whole thing more complicated… I hope whoever you are got my point…
2 months ago
2 comments:
hi can i repost ur blog if that's okay?
April 10, 2009 at 11:16 PMhi,
May 6, 2009 at 5:23 PMjust want to congratulate you, cool ng blog mo e :) oks lang ba kung irerepost ko???
thanks.
Post a Comment