12/31/08

I guess this is my final entry for this year and a few hours from now it’ll be a brand new year… a fresh new start, a second chance to change whatever fault we did this past year, a chance to start all over again… Actually I was having a hard time thinking what to write, it is as if my mind is being covered with problems
(What’s new eh lagi naman akong ganito).

Siguro if medyo matagal na kayong nag ta-tyagang mag basa nitong blog ko you probably know that medyo hindi naging maganada ang year na ito sa akin… and if I would describe this year in one word there’s no better word to describe what happened to me than the word “pain”… Oh my! Here I go again with my bitterness… (lol)
As I was looking back…. Madaming nangyari sa akin na medyo ‘di gaanong kagandahan, and most it na banggit ko na dito sa blog ko… hmmm come to think of it, lahat naman sinasabi ko dito eh. Anyway para sa mga late viewers ko… here are some of the things that change the way I think completely:

• Earlier this year one of my closest friend got pregnant, my God! She’s only 17 or 18 I think… but what the heck! She’s still a teenager, and if my memory serves me right nag try na siyang ipa-abort yung baby niya twice but still medyo matigas ang ulo ng bata at ayaw malaglag(man sa mommy niya)… I tried to convince her not to kill her own baby, ang thank God ‘cause natauhan din siya… and guess what, She’ll be expecting her baby this coming January and I think it’s a boy (This is one of the three babies that I saved this year pwede na ba akong maging councilor? hahaha)
• I have a friend who is actually married to the worst guy in this entire big blue planet called Earth… He would beat her up until mag mukhang mapa ng Pilipinas ang buong katawan niya dahil sa pasa, her F*&^%$# husband would lock her up in their house just to make sure that my friend wouldn’t go to the police or her relatives para mag sumbong… And the last he beat her up nasugod pa yung kawawang friend ko sa hospital dahil nabali yung arm niya and maybe your wondering ano ba ang pinag mulan ng away nila…. Dahil hindi daw ma asim yung sinigang na niluto ng kaibigan ko(I’m not kidding yun talaga yung reason nung pesteng asawa niya)…. Damn him! When I heard what happened to her nag decide na akong gumawa ng move, kung yung mga kamag-anak niya ay takot sa asawa niya pwes ako HINDI! I reported her hubby sa mga police and I’m happy to say that last month nakulong na yung guy…(“Mess my friends life and I’ll mess yours pretty bad” yan ang motto ko pagdating sa mga kaibigan ko)
• And here’s a quite disturbing one, I have this friend for quite sometime now and she’s your average girl with a not so average family. You see, she doesn’t have a dad anymore and her mom married again… She told me at first her relationship with her new dad was quite okay until one night. That F*&^%$# night, her step dad abuse her (sexually) damn it! When she told me this sobrang parang gusto kong pumatay ng tao, she’s more than a friend to me… she’s somewhat like a little sister to me and it break my heart nung nalaman ko yung ginagawa sa kanya ng halimaw na yun… and nung sinabi ko sa mom niya at first ‘di siya makapaniwala not until…. Nung nabuntis na yung friend ko ng sarili niyang step dad… I feel sorry for her and I feel bad about myself if only I have convinced her mom eh ‘di sana maayos pa ang buhay ng kaibigan ko… Sad to say but I failed as her friend

Tatlo lang yan sa mga nag pabago ng way of thinking ko pag dating sa life… Life’s unfair at given na yun… We are surrounded with pains and sadness and not to mention violence pa, but if hahayaan mong lamunin ka ng mga problems na ito walang mangyayari sa iyo…. Wait! Ako ba ito o may sumasanib na espirito sa akin at nagiging positive na ako? AHAHAHAHA!!! Anyway kidding aside, this past year masyado akong nag-dwell sa mga pains ko that I got from all those heart aches, masyado akong nag focus sa mga negative things that was happening to me that I failed to see the things that made me tick or should I say the nice things that I have… I failed to see all of you guys…

Habang nag e-emote ako dito sa bubong namin at nag star gazing ako, bigla akong napaisip bigla…. Wait! Hindi naman pala ako nag-iisa eh… Madami man umalis at nag paalam sa akin this year madami din naman na dumating… and here are some of them

Michelle a.k.a “khizmhet”
- She’s my girlfriend now at sobrang thankful ako for having her in my life…. Thankful ako sa love na binibigay niya sa akin kahit na parang madalas ay lagi akong malungkutin, salamat sa patience, salamat for fixing my heart, salamat because if I hadn’t met you siguro wala na ako at nag susulat pa din… I know ikaw na yung “kismet” ko and I swear I’m gonna love you, Happy ako kasi I’m going to start my “New Year” with you by my side. I love you so much.



PARA SA MGA ‘LIL SISTERS KO

Mikah a.k.a “kel” – Salamat sa lahat ng mga naitulong mo sa akin, salamat kasi tinatrato mo akong parang kuya mo talaga kahit ‘di pa tayo nag kikita, salamat for entrusting me with your secrets and everything that happened sa iyo…. I know malapit ka ng maging mommy next month and I know magiging good mother ka sa anak mo… basta if ever you needed someone to talk to I’m always here for you.. teka ninong ba ako ng magiging baby mo? Hahaha
Daenielle a.k.a “dae” – Siya na yata ang pinaka kikay, pinaka cute, pinaka matalinong kaibigan na nakilala ko… so far, 4 years ko na siyang friend and I’m glad kasi kahit madaming tao ang hindi nakaka unawa sa akin, she never failed to understand me, She would always cheer me up with her chain letters (yup you read it right! uso pa sa kanya yun). Anyway, I’m so blessed to have her as my ‘lil sister.


PARA SA MGA ADVISERS KO PAG MAY PROBLEMA AKO

Peachy a.k.a “creampuff ko” – Thanks sa mga times na lagi mo akong pinapasaya whenever I’m down before, sorry nga pala if biglang naputol yung communication natin… pero it doesn’t mean that I’m not thinking of you. You see guys; creampuff is I guess one of the sweetest girls you’ll probably meet in this life time… and kinda cool too… I really miss you creampuff…
Marga
– Thank you sa pakikinig sa mga wala kong kwentang problems, sa walang ka sawa sawang pag bibigay sa akin ng payo bout sa…(alam mo yun). Basta thankful ako kay mitch kasi pinakilala ka niya sa akin…. Smile ka lagi sweety
Roseanne a.k.a “adik ko” – Siya yung ka unaunahang naging friend ko dito sa blog community, Thankful ako for having her as my friend… Thanks sa walang kasawa sawang pag papayo mo sa akin ‘bout sa mga ka abnormalan ko sa buhay, salamat for keeping my feet on the ground whenever parang gusto ko ng mag laho… salamat sa mga sermon mo sa akin… I’m glad ‘because I have you as my friend…
Joan – Isa pa rin ito sa mga kakaunting tao na patuloy pa rin sa pag tyatyaga sa pag pagpapayo sa akin… and I’m happy for that, she would always make sure that mapapatawa niya ako after kong ibuhos sa kanya ang lahat ng problems ko and I really like the way she cracked those jokes on me para lang mapangiti niya ako.

Salamat nga pala sa mga tao na dumadalaw dito sa blog ko, thank you kasi kahit medyo weird at emotional ang mga entries some of you never get tired of reading it… Actually wala naman talaga akong talent sa pag susulat dito lang talaga ako natutong mag sulat. Kaya I’m thankful kasi you accepted me here…

Whenever your sad and blue kanino ka tumatakbo para mag labas ng sama ng loob, pag kasing laki ng bill ng meralco ang problema mo, kanino ka humihingi ng tulong, at pag bumabaha na ang bahay niyo sa kaka iyak mo sino ang nag papatahan sa iyo?

I’m sure some of us would probably say na yung mga kaibigan natin ang una natin nilalapitan whenever we’re down, yung iba naman sa mga magulang natin tayo humihingi ng payo pag sobrang clouded na yung pag iisip natin, minsan sa mga mas matatanda tayo tumatakbo para mag patulong at humingi na din ng payo…

Kapag naman nawawalan ka na ng hope, sino ang nag pu-push sa iyo para patuloy na mabuhay? Sino ang nagiging inspiration mo? Is it your mom or perhaps yung dad mo? Mga kapatid mo ba? Or mga kaibigan? If you’re going to ask me kung sino ang nag pu-push sa akin para patuloy mabuhay, sino ang nag papasaya sa akin at kung sino ang nag bibigay ng reason why I should change and be positive… It’s my girlfriend.

Corny pero it’s the truth.

For me, hindi lang siya basta girlfriend ko, she’s also my best friend, and the only family I’ve got. You all know naman na wala naman akong family kasi broken na kami since year 2000… All this time sa pag po-post ko dito sa blog ko parang never pa yata akong naging positive… lagi ko na lang sinasabi na nag iisa ako at wala man lang nag papahalaga sa akin, I always thought that I’m nothing… Pero ever since that I found her or should I say she found me…. I felt that somehow importante din pala ako and it’s all because of her, she has given me so much love that I’m starting to like being alive and all that stuff. She never failed to make me smile kahit isang tambak ng problema ang dinadala ko, she would appreciate every small things na ginagawa ko for her kahit naman walang ka-kwenta kwenta yung mga ginagawa ko, she would say “everything’s gonna be alright” just to make me feel better. Thankful ako kasi because of her parang ‘di ko yata susubukan maging positive.

You all know damn well na hindi ako gaanong nag titiwala sa sarili ko at lalo na sa ibang tao pero nang dahil sa kanya I’m starting to learn how to trust again, I know I’m starting to bore you pero I don’t care… (lol). I’m writing this because it’s time naman na maging positive naman yung mga sinasabi ko at hindi puro failed relationships, broken promise at pains that you get sa relationships… I’m eternally grateful for having her as my girlfriend,my best friend, ka asaran, ka kulitan, ka kwentuhan, my teacher, my everything… I hope you too will find your special someone… and if your gonna ask if I already found my special someone… Yes… I already found my kismet….

12/27/08

Promises are meant to be broken… well, that’s what they say… hmmm pero come to think of it… it makes perfect sense ‘di ba… ilang pangako na ba ang binitawan sa iyo ng kaibigan mo na napako? Ilang pangako na ba ang ginawa ng boyfriend/girlfriend mo na hindi ka daw niya sasaktan, lolokohin at iiwan pero look at you now… nag-iisa ka na lang ‘di ba (ouch!!!) at ilang beses ka ng pinangakuan pero ‘di naman natupad? Madami na noh? at ‘di mo na mabilang sa dami…

Lahat tayo aminin man natin o hindi ay nag bitaw na ng pangako na ‘di naman natupad… oh wag kang mag deny…. Sure yun! At kabilang din ako sa mga taong nag promise but I failed to make it happen, hindi ako exempted at lahat tayo naranasan ng mabigo dahil sa mga pesteng pangako na ‘di naman natupad. Alam natin kung gaano tayo umasa pero nag hintay lang tayo saw ala. Nangako siya na mag babago siya and yet look at them wala pa rin pag babago, nangako siya na ikaw lang ang mamahalin niya pero let me ask you something… sino yung yakap yakap at kahalikan niya now? Nangako siya na ‘di ka niya sasaktan… pero look at you now, kulang na lang ay “blade” at for sure mas gusto mo pang wakasan ang buhay mo kaysa ma-feel mo yung pain every damn day dahil sa mga promises niya na puro naman kasinungalingan.
(Sorry if medyo morbid yung mga sinasabi ko, ito kasi yung nararamdaman ko now)

Bakit ba tayo na ngangako if alam natin hindi natin kayang gawin or tuparin? Bakit natin kailangan mag sinungaling? Siguro nangangako tayo para lang mapasaya yung taong mahal natin or ma satisfy sila… ginagawa natin yung minsan para lang matigil sila sa pangungulit sa atin… Pero hindi naman dapat mag bitaw tayo ng mga pangako sa kanila if ‘di naman natin kayang tuparin (ouch!!!). We all know na nag papaasa lang tayo sa ginagawa natin at mahirap yung mag paasa sa wala… makakasakit lang tayo sooner or later.

If your not pretty sure na matutupad mo yung mga pangakong bibitiwan mo… you or should I say “We” should shut our mouth to prevent further problems. If we think we can’t make it happen sana lang sabihin natin agad at ‘wag pa natin dagdagan ng kasinungalingan…. Take it from me… it would just make things more complicated.

Maybe your wondering kung ano na naman ba ang nangyari sa akin at bakit ito ang topic ko…sorry to say but secret yun (hehehehe) let’s just say na may unexpected thing na nangyari sa akin kagabi that made me write ‘bout this stuff. Next time ko na lang isusulat yung nangyari sa akin kagabi some other time…

*I’m sorry for all the pain that I’ve caused dahil sa mga broken promises ko at for all those who have hurt me… your forgiven…

12/24/08

Denial /dinї’әl/ n 1 refusal to grant, believe, or admit; 2 assertion that a thing is untrue; 3 refusal to acknowledge a person or thing as having claims; 4 disapproval;

Bakit ba natin sinasabing masaya tayo kahit naman hindi, bakit ba natin sinasabing okay naman ang lahat kahit naman tila ba parang wala naman nagiging okay sa buhay natin, bakit tayo nag pupumilit ngumiti kahit naman kabaligtaran ang gusto natin gawin? Bakit hanggang ngayon pilit mong sinasabi na ‘di mo siya mahal if in fact siya lang naman ang mahal mo. Buong buhay natin ganito ang ginagawa or pilit pinapakita natin sa lahat ng tao…. Minsan nagtataka din ako, parang may suot-suot tayong mask… iba-iba kasi ang ipinapakita natin kapag kasama natin ang pamilya natin, pag kasama natin ang mga kaibigan natin, at pag kasama natin ang mahal natin. We tend to hide our true emotions pag may kasama tayong ibang tao… at kung minsan nga kahit pag nag iisa na tayo we used to pretend that everythings doing okay kahit na HINDI.

Bakit ba tayo nag papanggap? Ayaw ba natin malaman ng ibang tao na nalulungkot tayo? Ayaw ba natin malaman nila na mahina tayo or ayaw lang ba natin sila mag alala? Ang gulo ‘di ba? Kahit nga ako lagi ko itong ginagawa, ewan ko nga ba kung bakit, Hindi ko alam if may connection itong dahilan ko kung bakit ayaw kong ipakita yung tunay na ako, pero takot akong mag tiwala, takot akong malaman kung sino ba talaga AKO, takot akong ipa-kita yung tunay na SAUL KRISNA. Oh, ‘wag kang magi sip ng kung anu-ano diyan… hindi ako si Superman or wala akong secret identity…hahahahaha (just kidding)

Bigla ko tuloy na alala yung famous line na “What you see is what you get” Hmmm tama ba ito? Parang hindi naman ‘di ba? Madami kasi diyan na mapag panggap, madaming nag kalat na mga plastic na tao, mag sinungaling… and sad to say part time member ako ng club na yun…

Bakit sa darating na 2009 try natin ipakita yung tunay na nararamdaman natin, maging tapat tayo sa kianila at maging tapat din tayo sa mga sarili natin, alam kong nakakatakot… and I know what your thinking What if iwan nila ako, what if ‘di nila ako matanggap, and what if layuan na niya ako? ‘Wag kang mag alala, isipin mo na lang na at least nalaman mo na hindi lang pala ikaw ang nag papaka-plastic… sila ‘din pala… cause if totoo sila sa’yo, tatanggapin ka nila for who you are and not what you are.

* There are only 3 things na nagiging totoo ako, it’s when I’m holding a pen, when I’m typing here in my keyboard and when I’m pressing the keypads in my phone… ahh one more thing… I’m true whenever I’m having a conversation with the big boss upstairs…

12/20/08

Ano ang pinaka masakit or pinaka mahirap na salita na pwede mong masabi sa taong minamahal mo? Ayoko na sayo? Break na tayo? Hindi na kita mahal? Oo nga at masasakit itong mga salitang ito pero for me the word “goodbye” is the most painful word na pwede mong marinig mula sa kanya or masabi mo sa kanya… Maybe your asking me kung bakit yung word na “goodbye” ang pinaka masakit na word for me… Actually mas tanggap ko pa yung hindi kita mahal, ayoko na sa iyo at break na tayo cause at least it doesn’t mean na completely mawawala yung communication niyo… From the start I’ve telling you guys that communication for me is one of the best way to make your relationship last… ‘Cause without it I really don’t think what you’re having right now will last, take it from me…

A goodbye can hurt as much as a knife driven into your heart just like the word “I love you” that couldn’t be proven… I really hate it when someone says goodbye top me… ewan ko ba kung bakit… Siguro takot akong maging mapag isa ulit, in my life madami ng tao ang nag sabi ng word nay un and everytime na naririnig ko yun it feels like my heart is being torn, crushed, and stepped on.. Call me weird or pathetic pero ganun talaga yun pakiramdam ko.

Pero tanong ko lang, bakit kailangan nila or natin mag paalam sa taong minamahal natin… some say “sometimes we have to say goodbye and stop loving the most important person in our life. Not because the spark is gone, but because that person is unintentionally making you worthless” Whoever told that was kinda right…I just really don’t know why I’m writing this post now… Pero you know what, once you’ve said goodbye parang ang hirap kalimutan… parang nag e-echo pa rin sa tenga natin, and everytime we remember that… tears can’t stop falling in our eyes… bumabalik yung pains kahit matagal ng nangyari yun sa atin. Every tear of our sadness that we shed para sa taong mahal natin is like a capsule of memory that we have to forget… whether it maybe a good one or a bad memory… Isipin mo na lang that we fall in love so that we will learn and experience how good it feels to be loved, we are hurt so that we will be strong and it will be a reminder kung gaano ka sakit masaktan and if you feel like crying… go ahead and cry. ‘Di kita pipigilan. We cry so that we can let go and find our place in the life of someone who will love us the way we have loved… May mga taong ayaw mag paalam kahit alam na nilang walang patutunguhan ang relationship nila… I don’t know why we all hang on to something we know we’re better off letting go… parang natatakot… we’re scared to lose what we don’t even really have. Some of us say we’d rather have that somethingthan absolutely nothing… pero for me having it “HALFWAY” is harder than not having at all

If it’s time to say goodbye… say it kahit masakit… and as the song goes….
“Before I let you go I want to say I love you….for the last time”


*Para sa mga nag babalak mag paalam at nag paalam na…
Breaking up is hard to do lalo na pag mahal mo pa yung tao… lalo na pag for the longest time ay siya lang ang lagi mong iniisip, yung tipo bang sa kanya mo lang pinaikot ang mundo mo… for me it’s not about kung gaano kayo nag tagal… for me it’s how deep your relationship is… yung iba nga dyan taon na ang binibilang nila pero parang ang babaw pa rin ng relationship nila unlike yung iba months lang pero daig pa nila ang nanay ng gf or bf nila sa dami ng nalalaman nila about their love one…

Pero tulad ng sinasabi ng marami… nothing lasts forever… Actually umaasa pa rin akong mali itong kasabihan na ito ‘cause if this is true, ano pa ang silbi natin dito? Bakit pa tayo kailangan mag mahal if sa banding huli ay masasaktan din tayo? Bakit kailangan natin ipag laban ang feelings natin for that person if in the end mawawala din siya sa atin? Why and why the heck it has to be always me? Yan ang tanong ko lagi sa sarili ko?

When the time comes na kailangan niyo ng maghiwalay… isn’t it hard to let go kahit siya pa rin yung mahal mo? At kahit isang bundok ang laki ng idinulot niyang pain sa heart mo still siya pa rin ang gusto mong makasama, pero all things aren’t permanent… It’s not about letting go that bothers us, it’s not about the pains, what hurts us the most is the fact that we’re gonna face life alone without her/him by our side to give us the strength and love… it’s about facing every damn day knowing that he’s/ she’s not yours anymore, it’s about facing the cold reality that wala na siya at maybe for good… and it sucks kapag ikaw mismo ang may dahilan kung bakit kayo nag kahiwalay…


You know what, I’ve been in that situation a couple of times and it’s really frustrating… It’s hard to accept that I blew up a really perfect relationship… well, almost perfect pala we also have our ups and downs like all of you guys out there. Pasensya na if I’m going nowhere dito sa sinusulat ko… Alam niyo naman na outlet ng pains and sadness ang pagsusulat ko dito sa blog ko ‘cause if I don’t write baka laman na ako ng pahayagan kinabukasan it’s just that may na alala lang ako kagabi kaya ko ito naisulat bigla…

Anyway, my point is that whatever your having right now with your special someone… learn to appreciate everything about her/him… try to love them more and give some extra effort sa relationship nyo… Don’t let your communication fade and please be true. Kasi if you do all of this things ma le-lessen yung chance na mag kahiwalay kayo… and maybe someday you could prove to me that there is such thing as “forever…”


*para sa lahat ng dumaan sa buhay ko salamat

12/19/08

Pasko na naman… and a few days from now… Mapupuno na naman ng tawanan an gating mga bahay, aapaw sa mga pag kain, uulan ng mga regalo at walang katapusang batian at kamustahan…ang saying isipin noh? Pero naisip niyo na ba kung ano kaya ang pasko ng mga pamilyang nakatira sa ilalim ng mga tulay? Na isip nyo ba kung sino ang mag bibigay saya sa mga taong wala man lang maihain sa lamesa nila? Na isip niyo nab a kung sino ang babati o mangangamusta sa mga taong ulila na? Na isip niyo nab a kung paano sila nag papasko? Aminin man natin o hindi madaming tao ang nakakaranas ng ganitong pakiramdam tuwing mag papasko… Kung ang karamihan puro saya at tawanan ang maririnig mo sa mga bahay nila…. Para sa iba naman kalungkutan ang bumabalot sa kanila…. Pangungulila sa kanilang mga minamahal… and not to mention kagutuman…

Maybe your wondering kung bakit ganito ang article ko for the day… kagabi kasi na isip ko lang kung paano ako mag papasko. Mahirap yung mag-isa ka lang sa buhay, mahirap pag lahat ng tao makikita mong masaya at kasama nila yung pamilya nila, kasama nila yung mga mina mahal nila… whether it maybe their family, friends or even their gf/bf…. Naiinggit ako sa kanila… ‘Cause I really don’t have anyone with me to celebrate Christmas with. Nahihirapan ako everytime na makikita ko silang nag tatawanan at masaya… Basta na iinggit ako. Maybe you’re asking me… “Where the heck is my family or do I have any friends?” May family syempre ako… the problem is that we’re torn in to 3… and sad to say I’m stuck in the middle. “What about friends?” Yes I have friends kaso… I don’t know ayoko ko lang mag salita… mga plastic kasi sila… haaay.

I guess I’ll be spending Christmas sa Mc Donalds… I’ll just sit there sa isang table by the window watching other people’s smile and hearing their laughter… Kaya if you have your loved ones with you sa Pasko… be thankful ‘cause at least hindi magiging malamig ang pasko mo…

12/18/08

Mahilig ka bang mag sugal? Ano ba namang tanong yan… siguro yung iba sa inyo nag susugal yung iba naman hindi… Pero sa tingin ko lahat naman tayo nakapag sugal na kahit isang bese sa buhay natin… and if your gonna ask me if nag susugal ako I would probably say yes, madalas akong makipag sugal yun nga lang mahirap kalaban ang tadhana….

Lagi kasi akong talo especially when it comes sa relationships… ewan ko nga ba kung bakit lagi akong talunan dun. Well, come to think of it lahat naman ng past relationships ko ay masasabi kong ‘di gaanong kagandahan ang ending… Haay here I go again with my bitter-sweet memories with them. Madalas tinatanong ko ang sarili ko kung bakit patuloy pa rin ako sa pag hanap sa princess ko if lagi naman na talo ako… Actually ‘di ko nga alam eh basta all that pushes me to find “her” is yung thought na one day magiging happy din ako… Corny as it may sound but it is the only thing that drives me. Wala akong pakialam if lagi akong talo at nasasaktan if yun lang ang way para ma-feel ko that somehow I am loved asahan mong makikipag sugal pa rin ako ‘till I find her… How pathetic… Desperado na ba ako? ‘Di pa naman yata.

Anyway, sumusugal ako kahit alam kong from the start pa lang ay talo na ako agad… I can see the signs if magtatagal ba kami or what pero kahit sobrang obvious na yung mga signs nay un at mas malaki pa sila sa signs sa EDSA pilit akong nag bubulagan dahil gusto ko ulit maramdan yung feeling na mamahalin ako kahit alam kong peke yung love nila for me. Ooops!!! Don’t say it, alam ko na yung sasabihin mo…. “tanga ka pala eh…” ‘di bay un yung sasabihin mo? And to tell you honestly, I agree with you…. Tanga nga ako when it comes sa love…

Bigla akong napapa-isip… ‘di ba pwedeng maging swerte naman ako kahit isang beses lang? “Diba pwedeng ‘wag na akong masaktan kahit isang bese lang? At ‘di ba pwedeng ma-iba naman yung storya ng love story ko… nakakasawa na kasing puro ako yung contrbida sa sarili kong relationship, ako na lang lagi yung 3rd party, at lagi na lang ako yung naiiwan mag-isa. Pero you know what? Right now nakikipag sugal ulit ako… I just hope this time manalo na ako…

12/15/08

Have you been hurt before by the very same person you hold most dear... masakit 'di ba? Minsan parang 'di mo ma-take at minsan you feel depressed and confused... but let me rephrase my question... "have you hurt the very same person that you hold most dear to you?" Oh bakit bigla kang natigilan? Siguro lahat tayo dumadaan sa ganitong part ng buhay natin... at kahit 'di natin sinasadyang saktan siya... it all ends in one thing... you hurt her...

Mahirap yung ganong pakiramdam lalo na kung sobrang nasaktan siya... 'di mo alam kung paano hihingi ng sorry or kung paano kayo magkaka-ayos ulit... Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito na naman ang topic ko.... OBVIOUS BA? Title pa lang alam mo na 'di ba? Haaay... ewan ko ba... basta just sit back and try to understand this post... pero I doubt kung maintindihan mo ako...

Mahirap pag nakakasakit ka ng mahal mo... wether it may be your parents, your siblings, your friends... and not to mention the person you love... Madalas 'di natin alam kung paano tayo hihingi ng sorry... and If we find the courage to say sorry(whether we hurt them intentionally or unintentionally) 'di natin alam if mapapatawad tayo... siguro yun yung dahilan kung bakit 'di agad tayo nakakahingi ng sorry... natatakot tayo na i-reject yung pag hingi natin ng sorry... tama 'di ba?

Pero how can we know if irereject nga nila yung paghingi ng sorry natin if HINDI natin ita-try... paano nila malalaman na we're sincere sa pag hingi natin ng tawad if hindi tayo gagawa ng first move... Oo nga at nakakatakot... nakakatakot na baka hindi na nila tayo mapatwad... I myself hate that part... ayokong na rereject ako... Before you ask forgiveness dun sa taong nasaktan mo... dapat i-analize mo muna yung situation... 'wag kang sugod ng sugod!!! At 'wag ka din matakot na hindi ka niya mapatawad kasi if makikita naman niya na totoo yung pag hingi mo ng tawad I'm pretty sure na patatawarin ka niya... and if all hell break lose at hindi ka niya napatawad... hindi kita pipigilang umiyak or to feel bad about it... you gave your best 'di ba? Look on the bright side.. at least you learned something from your mistakes...

I hope if may ka away ka now... sana you'll find strength to say "I'm Sorry"


*sorry na oh... bati na tayo

12/14/08

Nakaka-ilang relationship ka na? 4, 5, 6, or hindi mo na mabilang sa sobrang dami… baka nga halos lahat ng petsa sa kalendaryo ay naging petsa na ng monthsary niyo… Hindi ka ba nagtataka kung bakit parang walang mag work out sa mga naging relationships mo? Hindi ka ba napapa-isip kung ano nga ba ang reason kung bakit ‘di kayo nag tatagal at halos every month eh iba lagi ang hawak mong kamay… bakit nga ba? Ikaw ba mismo ang may kasalanan or sila?

I myself had 4 previous relationships at sad to say but lahat puro sad endings… Pero masasabi ko na lahat sila minahal ko… ‘di nga lang nag work out… Anyway it’s not ‘bout me and my past ang pag uusapan natin now… ”it’s why we keep on falling in and out of love… so fast”… lalim noh? Anyway, bakit nga ba sa tuwing mag kakahiwalay kayo ng minamahal mo ay parang kay bilis natin silang palitan at bibilang lang tayo ng araw at for sure may kapalit na agad sila at tila ba parang walang nangyaring breakups at iyakan… Nagtataka talaga ako sa mga taong mabilis pa sa alas’ dose kung mag palit ng ka relasyon?

We all know that time alone cannot heal our bruised heart… we need someone to patch it up for us… that someone maybe our friends, family, our bestfriends, pero madalas sa maling paraan tayo humahanap ng cure sa pain na nararamdaman natin sa tuwing dumadaan tayo sa break-up stage ng relationship natin. Naguguluhan kayo? Well your not alone… kasi kahit akong author ng blogs na ito naguguluhan din.

Try to think about this… after we have said our goodbye’s and after all those buckets of tears that we shed… how do we find ourselves? ‘Di ba broken? And when we are broken… we usually don’t make good decisions when we are still vulnerable from the pain of breakups… Kaya madalas akala natin solution yung pag hahanap or pag pasok sa isang relationship “agad” kahit hindi pa healed yung heart natin… only to find out na hindi natin kinilala muna yung taong minahal natin ang soon you’ll find yourself crying again… paulit ulit lang ‘di ba? Bakit hindi mo itry na ipag day off muna ang puso mo? For a change, instead na mag hanap ka ng bagong love life try mong mag libang na lang with your friends at family… I’m not saying na ‘wag ka ng mag hanap ng love life mo… all I’m saying is that pag pahingahin mo muna yung puso mo… try to find out kung ano ba talaga ang problema at ‘di kayo nag tatagal… make a list ng mga hinahanap mo sa isang tao, basta all I’m telling you is try to find out kung ano ba ang problema sa iyo at walang nag tatagal na relationship mo? At wag ka masyadong mag madali…. ‘di ka mauubusan ng love life…. hehehehe

How far will go for the one you love? Yan ang isa sa mga madalas natin tinatanong sa sarili natin… correction! It is not “us” who ask this kind of questions… it’s our partners who ask this mind bending questions…. Natanong ka na ba ng ganito ng Gf/Bf mo? I’m sure natigilan ka nung tinanong ka niya nito… Gaano nga ba ka layo? Ano ba ang kaya kong ibigay sa kanya? How far will you go para sa taong mahal mo?

If your Gf/Bf will ask you to jump, will you jump? Syempre hindi noh! Ano ako baliw? Yan siguro ang magiging reaction mo sa kanya… Siguro naman wala pang nasa matinong pag iisip ang mag re-request ng ganyan sa kanilang Gf/Bf… Anyway, What if your Gf/Bf ask you to leave your friends dahil nawawalan ka na ng time sa kanya and your spending all your time sa barkada mo… will you leave them dahil sinabi ng mahal mo? What if biglang nag palit ng network ang mahal mo… will you do the same and leave all your friends and textmates? What if may dream ka and that’s to work abroad at pa alis kana… that means maiiwan mo ang mahal mo dito sa ‘pinas. What if she/he requested you not to go… Aalis ka pa ba? Will you give up your dream para lang ‘di na siya malungkot even though lahat ng mga papers mo ay ayos na? At kapag ang love story niyo ay tila parang storya ni “Romeo and Juliet” will you fight for your love kahit ayaw ng parents mo sa kanya? Will you chose your Gf/Bf over your family? Handa ka bang suwayin ang mga magulang mo?

Sa isang relationship ‘di natin maiiwasan na mag karoon ng mga pag kakataon na kailangan natin mamili… sabi nga nila.. “Love is somehow making choices… it’s either choosing pain for other’s happiness… or choosing happiness for other’s pain...”

Ikaw na ang bahala kung ano ang pipiliin mo… matitiis mo bang masaya ka samantalang yung mahal mo malungkot?

Ako… kaya mo ba akong tiisin?

12/8/08


Siguro nagtataka kayo or napapa-isip if isa nga ba akong “EMO”… obvious ba? Well up to now I’m still in the state of denial if “emo” nga ba ako… maybe I am… Madami na kasi akong napapansin na mga ganyang uri ng tao… pero nowadays being an emo is all about fashion, those music, those eyeliners, dark suits, those bags even their hair style but hindi naman talaga yun yung tunay na emo… It’s psychological… it’s all about emotions, the wat they think and not about the way they dress. Anyway hindi tungkol sa akin yung topic ko… It’s about winning the trust and love of an “emo”… Siguro sila na yata ang mga pinaka emotional na taong makikilala niyo… super sensitive at… well, destructive… You know very well that most emo’s are a little bit negative thinkers. They tend to think that they are all alone, that no one cares for them, that they are outcast…

Lahat tayo may isa or dalawang kaibigan who fall under this category pero bakit ba sila ganun mag-isip? Bakit nila pinag pipilitan na nag iisa sila which in fact hindi naman… bakit ba nila pilit nilalayo ang sarili nila sa tao? At bakit ang hirap nilang mag open-up sa ibang tao? Maybe their just afraid… afraid of being hurt again, afraid that life itself would let them down “again”, afraid that when they do open up to that special someone… that someone would soon leave them all alone. Takot lang sila masaktan at maiwang mag-isa ulit.

Pero ang hindi alam ng mga ordinaryong tao na sila na yata ang isa sa mga pinaka masarap mag mahal… I guess bigla kayong napailing ng ulo sa sinabi ko… kanya kanya naman yan eh... at blog ko ito so you better sit back and try to understand every word I say. I guess your wondering why did I say that… bakit sila masarap mag mahal? Ganito yun…

Kadalasan kasi ang mga ganung tao ay uhaw sa attention… they are craving sa love and that they will do anything just to feel that somehow they are loved. Takot lang silang magtiwala sa ibang tao. Isa din sila sa pinaka loyal na taong na kilala ko and you know why? Diba nabanggit ko na takot silang mag-isa kaya when they finally found their special someones for sure ‘di sila gagawa ng kalokohan for the fear of losing the only person who cared for them… afraid of losing the only person who showed that somehow they are loved.

Hindi lang natin sila napagtutuunan ng oras para makilala pero just like everybody else… tao din sila… tao din kami… troubled lang pero hindi naman terminal yung case namin… mababago din sila, syempre with the help of you guys… Try to understand them… try to look deeper into them and ‘wag niyong pansinin yung mga panlabas na itsura nila… Maybe kayo lang pala ang hinihintay nila para mag bago sila… they are waiting for you…


12/2/08


Lately parang hindi ko na kaya ang mga nangyayari sa akin... bakit ba lahat ng pinahahalagahan ko ay unti-unting nawawala? Mag mula pa lang nung bata ako hanggang ngayon lahat sila iniiwan ako! If your going to ask me hindi naman ako masamang tao, hindi ako nanloloko at lalong hindi ako nang-iiwan... pero bakit ganon mag biro ang tadhana? Ipapakilala sa akin, gagawin kaming close at pag nakapasok na siya sa puso ko tsaka naman siya kukunin or ilalayo sa akin? BAKIT!!!

Nag sasawa na talaga ako, parang wala ng katapusan ang pag patak ng luha ko at ang masakit pa nun yung inaasahan kong tao na sasalo at pupunas sa mga luha ko ay wala... I'm sure naranasan nyo ng iwan ng taong pinaka mamahal niyo... yung tipo bang ibinigay niyo na sa kanila ang buong pagkatao niyo, lahat ng time niyo, lahat ng attention ay itinuon mo sa kanila and not to mention yung love mo... pero what the heck!!! Iniwan pa rin tayo...

I hate it when somebody leaves me sino ba naman ang hindi malulungkot pag iniiwan ka palagi... Hindi man nila sadyang iwan ka or lumayo sa inyo... pero yun pa rin ang point... lumalayo pa rin sila sa atin... whether intentionally or not. Paanong intentionally or not?
Minsan kasi kahit 'di nila tayo gustong iwan kadalasan naiiwan pa rin nila tayo... tulad na lang ng kawalan ng communication... minsan nasisira ang phone, nawawala, or nag papalit ng network... minsan din lumilipat ng tirahan or nangingibang bansa... basta I hope gets niyo ang point ko...

I'm really tired right now... not physically but instead emotionally... parang bibigay na ang puso ko sa mga nangyayari sa akin pero you know what... I'm still hoping that one day magiging maayos din ang buhay ko... I'm still hoping that one day mag kaka ayos din kami...

Now I'm asking you this question... will you be my friend and stay with me forever or are you just like those people who left me broken?


*i miss those days na magkukulitan pa tayo...

12/1/08

Minsan may nag tanong sa akin kung ano daw sa dalawa ang pipiliin ko…
Kapag mamatay ka daw with the person you hold most dear sa life mo, ano pipiliin mo? Ikaw ang mauunang mamatay or siya ang mauunang mamatay? Napa isip ako bigla sa tanong niya… ano nga ba? Sino ba ang kailangan mauna? Ako o ang taong pinaka mamahal ko? Tanong ko sa kanya if pwedeng sabay na lang… sabi niya hindi daw pwedeng sabay, I only have to chose one sa mga choices… ang hirap ah! Pero nag decide akong yung taong mahal ko ang maunang mawala kaysa sa akin. Siguro madaming napataas ang kilay sa sinabi ko… kasi ganito yun…

Alam naman natin na sobrang sakit yung mararamdaman natin sa tuwing iniiwan tayo ng taong minamahal natin… what more pag alam mong habang-buhay na siyang mawawala sa iyo… I just can’t imagine the pain knowing that the only person who trusted you, who cared for you, the only person who loves you is going to die… so, are you getting my point? Mahirap pag ikaw ang maiiwan… I’d rather feel that pain kaysa siya ang makaramdam nun. For me yung pain sa heart is far more greater intense kaysa sa physical pain. Ewan ko if may mag aagree sa mga sinasabi ko or am I the only one who’ll be choosing that option? Basta gusto ko lang i-point out yung sacrifice ko for the person I hold most dear, ayokong makakaramdam siya ng kahit anong klaseng pain kung pwede nga lang akuin ko lahat ng sakit na mararamdaman niya for the reat of her life gagawin ko yun… Masyado naba akong martir? I don’t care if isang martir ang tingin niyo sa akin… what matters to me is how I can I show my love for that person…

Ikaw? Yes you! Ano ang pipiliin mo? Will you chose to die first and let her feel that awful pain or will you let her be the first one to die and have that pain in your heart…
My life is slowly slipping away from me as I write this article… Ewan ko ba pero parang nawawalan na ako ng pag-asang mabuhay… You may already know this pero madaming nakaka-pansin if “emo” ba talaga ako and every time they asked me if “emo” nga ako I tried explaining to them na hindi ako ganun… it’s just that madami lang talaga akong pinag dadaanan na hindi gaanong ka ganda. Dati Oo ganun ako at you would never know the real me unless you see the scars… and if only you could see my heart hindi lang scars ang makikita niyo… lahat na yata ng pains and bitterness makikita niyo dun… Siguro nag tataka kayo if bakit scars? May suicidal tendencies ako… I’ve done it a couple of times na and infact kung pusa lang ako that means I’ve used up all my lives… I only got one more life to waste pero nag bago ako… Binago niya ako completely. Siya ang naging source ng strength and happiness ko, siya ang naging sandalan ko pag nanghihina ako, siya ang naging “lifesaver ko” until that day na nawala siya sa piling ko. We very know well that all things have their own endings and it’s happening to me right now. Now instead of running away from my old self… yung pagiging emo ko… I embrace it…

Nag sasawa na kasi akong makipag laro sa laro ng buhay… talo din naman ako palagi eh so what’s the use of trying if in the end all I get is pain, a bucket of tears and a bruised heart. You may think that I’m crazy or something pero this is the old me… Bigla kong na alala yung mga times na hindi pa ako malala, I used to be a jolly person, used to play a lot, tease a lot, laugh a lot… “Laugh…” kalian ba yung huling genuine laugh na ginawa ko? Hindi na yata maalala… ganun na ba katagal na hindi ako tumatawa? Bigla kong na-miss yung pag-tawa ahh. Pero it’s all in the past now… I don’t think may natitirang reason pa ako para tumawa or kahit mabuhay. I cannot feel myself… parang hollow ako… have you felt that feeling? If you do ‘wag kang mag alala kasi I can feel your pain and if not be thankful cause you haven’t been broken yet.

All I want is to feel that somehow I’m needed, that I’m loved, and that I’m a part of other people’s life. Ang sarap siguro ng ganun? Yung gigising ka every morning knowing that there is this special someone thinking of you that very moment, sarap sigurong harapin ang problema knowing that you have that person para samahan kang lagpasan yung problema nay un, sarap mabuhay kahit salat ka sa lahat ng bagay kapag may nag papalakas sayo at nag bibigay ng pag mamahal… “Pag-mamahal…” Yan ang ‘di ko naramdaman… well, siguro naramdaman ko din pero fake love lang but at least kahit fake, love pa rin yun ‘di ba? Kaso ayoko ng umasa na may darating na tao sa buhay ko para mahalin ako… No, hindi lang naman sa “gf” pwedeng makuha yung kind of love na hinahanap ko, kahit sino pwede na! Kahit friend, family, kapit bahay or yung tambay sa kanto basta tanggap ako at bibigyan ako ng importansya.

Haayy… if there’s someone out there who’s willing to help me… I’m willing to listen… Please wake me up before it’s too late… pero I don’t think there’s a single soul out there who is willing to befriend me… sino ba naman ang gusting mag karoon ng kaibigang tulad ko? I’m so pathetic, I hope before this day ends maayos ko buhay ko… I’m starting to lose hope… ‘till next time… if there’s such thing as next time… please don’t hate me



*it happened to me a few months back
Every story has an ending… Lahat sure na may ending whether it may be story ng family mo, ng friendship mo, love story mo or even story ng buhay mo… lahat yun may katapusan… Well it maybe a happy ending or it may also be a sad one… Nothing lasts forever. I guess nag tataka kayo if bakit ganito ako mag sulat now… Later you’ll understand kung bakit. Actually hindi ko nga alam kung paano ko ito sisimulan… hindi ko din alam kung saan ako mag sisimula…

Lahat tayo may reason why we are still here and holding on to dear life… I don’t know kung ano yung reason na yun, it maybe dahil sa family mo kaya ka na bubuhay, it may be dahil sa mga kaibigan mo, or dahil sa taong minamahal mo. Whatever your reason is, it gives you the drive para mabuhay… Ikaw ano ang reason mo? If your going to ask what drives me? Hindi ko masasagot yan ng deretso… kasi, actually hindi ko alam kung ano or sino yung nag bibigay sa akin ng drive to stay alive dito sa lonely place called Earth. Siguro may hinahanap akong isang bagay… isang bagay na mag papatunay that somehow “I belong”. I know you may not understand me kasi nga kahit sarili ko mismo hindi ko maintindihan. Gusto ko lang maramdaman yung “love” na sinasabi nila. Yung feeling na kailangan ka nila, yung feeling na may nag aalala sa iyo, yung feeling na may nag mamahal sa iyo… yun yung mga bagay na hinahanap ko… I know madaming nag sasabi na mahal nga nila ako… pero nasaan na sila? Nasaan na sila pag nangangailangan ako ng matatakbuhan pag may mga problema ako? Nasaan na yung mga pangako nila? Hindi ko sila sinusumbatan… nag tataka lang talaga ako, I know busy lang sila madalas kaya siguro ‘di na nila nalalaman yung mga nangyayari sa akin. Pero kahit wala na sila sa tabi ko at patuloy na sila sa pag layo sa akin… I’m still thankful ‘cause naging part sila ng buhay ko… lahat ng memories nila babaunin ko hanggang sa kabilang buhay, bawat ngiti nila ay mag papaalala sa akin na somehow nagkaroon ako ng silbi kahit ang nagawa ko lang ay mapangiti ko sila, bawat isa sa kanila ay naging parte ng buhay ko at I’m eternally grateful kasi nakilala ko sila.

Speaking of “life”… it is asa if life itself is slowly slipping away from the palms of my hand… parang unti-unting nawawalan na ako ng reason para ipag patuloy itong laro ng buhay… Parang na uubos na ang mga reasons ko to stay
Promises are made to be broken… yan sabi ng lahat ng tao, ewan ko ba kung bakit everytime gagawa tayo ng isang pangako sa kapwa natin lalo na sa minamahal natin ay laging napapako… Ano ba talaga ang nangyayari sa pangakong binitiwan nila sa atin? Ang sabi nila nung una pa lang ay ‘di nila tayo iiwan or sasaktan, pero nasaan sila ngayon? Wala at sumama sa iba… Sabi nila dati ‘di daw tayo papaiyakin pero tignan mo ang mga mata natin… namumugto dahil sa kaka iyak, sabi nila mamahalin tayo ng tapat at hanggang huli tayo lang daw ang mamahalin… pero sino ngayon ang kasama niya?

Hindi ko alam sa mga taong mahilig mangako kung bakit laging nabibigo ang mga pangako nila sa atin… siguro sadyang ganon lang talaga ang takbo ng mundo… I myself don’t make any promises na hindi ko naman kayang tuparin… natatakot kasi akong paasahin ang isang tao sa wala… Alam ko yung pakiramdam ng pinapaasa ka lang sa wala… Yun siguro ang pinaka masakit, yung umasa ka sa wala… makailang beses na rin nangyari sa akin ang bagay na yun and to tell you the truth… masakit yung paasahin ka.

Siguro if hindi mo naman kayang tuparin yung pangakong bibitawan mo sa taong mahal mo… I suggest na ‘wag mo ng ituloy… mag papaiyak ka lang ng tao, mag papa-asa ka lang sa wala and most of all mag sisinungaling ka lang sa kanya…

Hmmm tutal napag-usapan na din ang pag sisinungaling… lubos lubusin na natin ang usapan… Para sa akin kakambal ng pag sisinungaling ang pangako… why? Simple lang yan… if you made a promise which hindi mo naman talaga gagawin… your lying na… and sometimes you made those silly promises para lang itago ang isang kasinungalingan… Yun ang point of view ko… dati kasi ganon ang ginagawa ko…

Mahirap pag-hahaluan mo ng pag-sisinungaling ang kahit anong bagay… whether it maybe your relationship sa family mo, sa officemates mo, sa kaibigan mo or even sa taong pinaka mamahal mo… If you can’t stop yourself from lying then I suggest that you better shut up… wala ka din magagawang mabuti kundi ang manakit at saktan ang taong pinaka mamahal mo… believe me when I say na walang maidudulot na maganda ang pagsisinungaling… and tell me since when did lying solved anything?

Nagtataka kayo kung ano ang connection ng pagsisinungaling sa broken promises… simple lang… if you can’t promise anything then don’t lie… If you can’t promise na habang buhay ay sasamahan ka niya at ‘di ka niya iiwan… then don’t lie telling the one that you love that you’ll stay it’ll only break his/her heart pag in the end nag kahiwalay din kayo dahil sa kalokohan mo… remember this… breaking your promises can break their life, their trust… and maybe their love for you… and lying makes the whole thing more complicated… I hope whoever you are got my point…
“Eye ball”… NO I’m not talking about sa part ng face mo na ginagamit sa pag titig sa pinaka mamahal mo… I’m talking about sa… hmmm paano nga pala idedescribe yung word nay un? Hmmm ah! For me yung “EB” or “eyeball” ay yung act ng pag kikita ng dalawang individual or more… pero usually dalawang tao lang ang involve sa “eyeball”.
Maybe your wondering if bakit ko naman ito ang na isipan kong gawing topic sa blog ko… kasi lately napapadalas ang pag punta ko sa mall at sa tuwing uupo ako sa mga benches doon lagi akong may nakikitang 2 individual na tila ba ‘di mapakali at panay ang hawak at titig sa mga cellphone nila na parang may hinihintay na overseas call galing sa magulang nila…hehehehe. Anyway back to my topic… Nakakatuwa silang pag masdan.. para silang in love na in love… At pag nag kita na sila… after those “hi’s and hello’s” tiyak yun deretso na sila sa napag kasunduang restaurant or fast food para kumain… usually kasi umaga or lunch time ang magandang time para makipag meet unless isa kang “bampira”(yung mga taong mahilig sa night life). Eh teka sino ba ang usually involve sa mga ganitong bagay? Textmates, chatmates at penpals? Teka may pen pals pa ba ngayon? Wala na yata… pero ang pinaka common ay yung mga mag textmates… At hindi lang basta textmates kasi, for them to decide to meet up feeling ko much more than friends ang treatment nila sa isa’t-isa… “MU” siguro? Well, anyway ano ba ang naidudulot na pakikipag kita sa ka-MU mo or ka-text mo?

Ano ba ang mga naidudulot ng pakikipag kita sa ka-text mo? Hmmm mahirap na tanong yan ah! Try kong i-shortcut itong article ko. Medyo hahaba kasi ito pag pinakawalan ko ang emotions ko. Hehehe. Advantages? Hmmm siguro for me, base on my own experiences sa pakiki pag-meet… Malalman mo if sincere talaga yun ka text mo… whether sincere ba siya sa friendship na binibigay niya sa iyo or if sincere siya sa love na ipinangako niya sa iyo. May mga pag kakataon kasi na after niyong mag kita for the first time tila ba bigla na lang silang mawawalan ng ganang makipag usap sa iyo and eventually mawawala yung communication niyo… Yun yung mga taong panglabas na anyo lang ang hinahanap sa isang tao at dahil ‘di ka nabiyayaan ng kagandahan eh bigla na lang siya mag babago ng pakikitungo sa iyo. Good pag after niyo mag kita ay wala pa rin siyang pag babago towards you… Sweet pa rin siya, malambing, caring and other similar stuffs. Bihira ang mga ganoong tao sa mundo. Isa pang advantage ay yung mag kakaroon kayo ng chance makipag kwentuhan na hindi niyo kaharap ang screen ng cellphone niyo. Big relief yun para sa kanila. Wala pa rin tatalo sa pakikipag usap ng nakaharap sa iyo yung taong kausap mo. Mas mag kakaunawaan kayo, ‘di kayo mabobored and sure yun! Pero hindi lang puro sarap ang nakukuha sa pakikipag meet… madaming factors ang kailangan isipin bago makipag meet… noh ka ba? Form ng date ang “eyeball”… at dahil date yun asahan mo na ang gastos na kakambal ng pakikipag eyeball at kawawang lalaki! Kasi for sure sagot ng guy ang gastos… ganon kasi ako sa mga na mi-meet ko. “di ko ba lam if galante ako or uto-uto”? Imagine mo ito… ano ba madalas gawin sa pakikipag eyeball at ano an mga gastos na dapat tandaan?






LOAD- siyempre paano kayo mag kakausap at mag kaka alamanan kung nasaan na ang mga whereabouts niyo. Ano kayo manghuhula kung sino at ano ang itsura ng ka meet mo…

PAMASAHE- aba syempre dapat may naka laang pera para sa pamasahe niyo… Usually ako yung sumusundo sa girl at hinahatid ko pa siya sa house niya or anywhere basta malapit sa bahay nila. Mahalaga yun! Heller!!! Mag lalakad ba kayo?

FOOD- may date bang walang pag kain? Wala ‘di ba? Magandang pang tanggal ng stress yung pag kain… trust me especially fries at sundae ice cream…

SINE- this one is optional kasi maedyo nakakailang sa part ng girl na pumasok sa malamig at madilim na sinehan with a stranger… well, not unless may trust siya sa kasama niya…

At ang pinaka importante…

GIFT- aba!! Dapat lang may regalo ka kahit ‘di ka nag enjoy sa date niyo!!! Anything will do basta may remembrance ka from your date. ‘WAG kang kuripot!!!

Masayang makipag “eyeball” and I’m not against it… just be sure that you are ready sa mga consequences na pwedeng mangyari after nyong magkita… remember that it’s either mag babago siya… in what way siya mag babago? Pwedeng after niyo mag kita ay maging cold siya cause she/he didn’t like you or na disappoint siya(mostly dahil yun sa looks) or on the other hand mas maging sweet siya sa iyo… but whatever it is just try to accept it… NOTHING STAYS THE SAME FOREVER… lahat ng tao nag babago at ‘di mo yun mapipigilan…

11/29/08


Love is blind but it ain't dumb... yan lagi kong sinasabi sa mga kaibigan at kapatid ko... pero parang di ko mai-apply sa sarili ko... kasi patuloy pa rin akong nag papakatanga ... don't even ask kung saan ako nag papaka tanga. Bakit ba ganito na lang lahat ng storya ng love story ko? Lagi akong kontrabida? Lagi na lang akong 3rd party? Lagi na lang akong may kahati? Lagi na lang akong nasasaktan? Ano ba ang ginawa ko to deserve this kind of love story? Naging maayoas naman ako sa mga past relationships ko ah?... Sorry if I've been so emotional sa mga sinusulat ko lately.. may na aalala lang ako thats why bumabalik yung pains, hurtings and everything that makes me blue... Tulad nga ng unang title ng blog na ito " i just wanna be loved thats all". Now tell me mahirap ba yun? Siguro sa ibang tao madali lang makahanap ng true love... at kahit na-paka pasaway ng guy sa isang relationship it doesn't matter to the girl... mahal pa rin siya... yun ang weird! Imagine nasasaktan na yung partner niya dahil sa mga ginagawang kalokohan ng mahal niya... eh mahal pa rin niya yung bf or gf niya... yun ang martir!!! Teka ako yata yung tinutukoy ko...

Anyway sa love alam kong walang certainty... lahat pwedeng magbago... 'di natin hawak an buhay o pag iisip ng ating minamahal... all we can do is to love her or him and hope for the best... hope for what their having right now will last... Bigla ko lang na isip ito... totoo bang nothing last forever? Pwedeng totoo at pwedeng hindi totoo.. Tulad ng sinabi ko it's up to you kung gaano kayo mag tatagal. Nalulungkot lang talaga ako now kasi pagod ng masaktan ang puso ko... haaayyy ang kawawang puso ko... dapat by this time mastered ko na yung pag control sa pains at hurtings ko pero parang kahit ilang daaang beses na akong masaktan... parang it always feels like the first time...

Gusto ko lang naman mag karoon ng maayos na relationship, maayos na love story... although I know hindi natin mapipigilan na may dumating na problema pero I think we could deal any kind of problem basta 'WAG lang yung may 3rd party or worst malalaman mong ikaw pala yung 3rd party... Yun ang mahirap sa mga panahong ito... kadalasan ang mga tao hindi makuntento sa isang ka-relasyon... usually kasi nowadays ang motto ng mga tao pag dating sapag re-relasyon ay "collect...collect... then you'll select" ABA TAMA BA YUN!!!!! Alam kong naranasan niyo na ang ganitong scenario sa buhay niyo and if not be thankful kasi hindi niyo pinag dadaanan ang mga dinaranas ng karamihan... I hope kahit magulo ang article ko may naintindihan kayo sa nabasa niyo... and if not... mas okay yun kasi that means wala kayo sa situation ng karamihan... hindi kayo myembro ng 3rd party group...

11/28/08

Have you ever been out of placed? Whether sa school, sa family occasions, sa friends? Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pag ka out of placed mo pero I can only say that I too have been left out most of the time, I have been dished out so many times that my heart is kinda immune to that awful feeling... Pero bakit ganon? Bakit parang 'di ko pa rin ma-master yung feeling of being left out or being unwanted? Mahirap kasing i-deal yung mga ganong mga feelings. I'm sorry if I'm not making any point in here, medyo sobrang daming pangyayari ang dumadating sa akin lately at lahat yun parang 'di ko na kayang i-contain... Siguro nag tataka kung anong ka dramahan na naman itong sinasabi ko... Oo siguro nga nag dadrama ako but what can I do? Actually masarap sanang i-deal itong mga garbage feelings na ito if theres someone na tutulong sa iyo... OH 'WAG KANG MAG RE-REACT!!! I really appreciate the things that you do for me... wether mapa kaibigan man kita, churchmates or LOVE... I really appreciate your help... Gusto ko lang ilabas itong sama ng loob ko. I really feel damn alone right now! The only thing that kept me from doing stuffs na ikakasakit ko or ikamamatay ko ay yung love mo... yes you read it right... yung LOVE mo!!! I really appreciate the way you treat me... how you love me gives me strength para 'di ako tuluyang ma-depress.

I hate being alone although I know that there are a handful of souls na nag sasabing mahal nila ako and they truly care and I thank you for that. I just wished I have somebody na pwede kong sandalan pag tila ba nanghihina na ako, may mag papakalma sa akin habang pilit kong binabaha ang bahay namin sa mga luha ko, may babatok sa akin para magising ako sa bangungot na ito... sana nga bangungot lang ito pero sad to say... I'm not deaming... This is really happening to me... (poor me).

alam mo actually nag bago na ako nitong lagay na ito... sati kasi pag nalulungkot ako at nag durugo ang puso ko... I usually cut myself until ma-over come nung sugat ko yung pain ng heart ko... I'm happy to say na hindi na ako ganun... I finally found a reason kasi to stop hurting myself... pero now that I'm feeling blue, torn and left out parang unti-unting bumabalik yung dati kong ways... I'm scared kasi parang I'm starting to feel all alone again... although I know that I shouldn't feel that way kasi nga I have those people that are trying so hard to fill me up with their love and of course I have her... Haaayy! Ang gulo ko talaga noh? Sorry if medyo mahaba itong article ko... Next time na may makita kang friend na nag sisimulang ma-out of place sa group niyo... try mong kausapin siya... maybe ikaw lang pala ang hinihintay niya... you could really make a difference by showing them that they are not alone... that they have you as their friend... maybe you could even save them from certain death... They are waiting for you... lapitan mo na siya and reach out...
Isa sa mga pinaka ayaw kong mangyari sa akin ay yung maiwang mag-isa… sino ba naman ang gusting maiwan na mag-isa? ‘di ba wala? Anyway kanina… naramdaman ko na naman yung pagiging “lonely” ewan ko ba kung bakit or siguro alam ko yung dahilan ayoko lang aminin sa sarili ko. I know pagod na kayo sa kaka sabi na hindi ako nag-iisa or mahal niyo ako… don’t get me wrong, I know that you all love me… pero hindi ko naman ma-express sa iyo how much I care, how much I need you, how much I love you. Mahirap din kasing i-express yung love mo kung puro text lang ang gagawin niyo… kailangan din naman siguro ng physical presence ng taong mahal mo… tell me how can you express you love that person if kahit minsan ay hindi mo pa nakakasama yung taong mahal mo…

Naiisip ko tuloy kung ano kaya ang feeling ng may karamay ka sa bawat problems na dumadating sa buhay niyo? Grabe ang sarap siguro nun… I’m so pathetic… masyado na yata ako naghahanap or nag crave sa love…ganun nab a ako ka desperado? Hindi naman siguro… gusto ko lang may makasama, may makakulitan, may malambing, may mag aangat sa akin everytime I’m down or something… oo nga at madaming nag sasabing mahal nila ako pero… ewan! Siguro ako ang may mali or may problema. Hindi lang siguro ako marunong mag appreciate or insensitive lang talaga ako… I admit madalas mali ako or sarado masyado ang puso ko pag dating sa love… you know why? Kasi up to now takot pa rin akong masaktan, takot pa rin ako sa mga promises, takot pa rin akong umasa at mag hintay pero believe me when I say I really appreciate all the things, all the love and caring that they gave me… what I’m having right now is kinda what you call
“phobia”. Pero hindi mo ako masisi kasi nasktan talaga ako sa mga past relationships ko… I wanna learn how to trust again pero my stupid fears are stopping me… I wanna love… don’t get me wrong… I’m in love now pero I’m still holding back… I really anna give her my everything… my all to her. I’m hoping that someday she will take this fears away from me… madami ang mag sasabing only me lang ang makaka pag pagaling sa broken heart ko at sa mga fears ko… yes may point kayo pero wouldn’t it be nice if may tutulong sa akin upang makapag bago. Diba sabi nila “time heals all wounds” Yah! Tama sila pero if time alone ang aasahan mo aba good luck na lang sayo… Mas mapapabilis pag may pupuno sa emptiness sa heart mo, mas mapapa bilis if may mag mamahal sayo ng tapat at patutunayan niyang hindi lahat ng tao ay parepareho pag dating sa love… I’m happy what I’m having a good time right now with her at mahal na mahl ko siya… and I think I finally found the one who will truly love me…

11/26/08


Love can be the greatest feeling on earth but it can also be the worst feeling anyone could ever feel in his entire existence… pero bakit ganon? Kahit alam natin na walang kasiguraduhan na mag-tatagal kayo at may possibility na in the end masaktan ka lang bakit pilit natin hinahanap yung feeling that we are loved? Bakit lagi tayong sumusugal pag dating sa pagmamahal? Bakit lagi tayong handang masaktan? Sa totoo lang hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong ko… pero isa lang ang alam ko… “It makes me feel alive” Why? Siguro whether I feel the greatest hurt or the greatest love, sheer bliss or bucket of tears, on top of the world or at the bottom of the damned chain… mas gugustuhin ko pang ma-in love at masaktan ng paulit-ulit kaysa naman sa mga libo-libong tao na nakukuntento na lang sa patingin-tingin at laging nag play safe when it comes sa love at relationships. Oo nga at walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay lalo na pag relationships na ang pinag usapan… Pero that doesn’t stop me from falling in love again... kaso minsan nga lang nakakasawa na yung laging nasasaktan, yung laging iniiwan at laging pinag itripan lang ang puso kong walang ibang ninais kundi ang maramdaman na mahal siya.. I'm really tired and I'm about to lost hope and the will to survive... ewan ko ba kung bakit na lang laging lapitin ako ng mga kamalasan pag dating sa pag ibig... Pero just like I've said... whatever I'm having right now with the one I love kahit medyo malabo kung saan ba talaga papunta itong "relationship" namin HINDI ako susuko... kahit in the end I know isa nanaman akong talunan... Talunan nga pero at least kahit sa sandaling panahon naranasan kong mag mahal at mahalin... Some of you would say that masyado akong pathetic or masyado akong nag ccrave sa love and affection... siguro nga yun yung dahiln kaya hanggang ngayon nag papaka martir ako... siguro sobrang mahal ko talaga siya kaya willing akong mag hintay sa kanya... siguro sobrang matindi yung loveko for her that I'm being blinded by the truth... Mahal ko siya... kahit di pa kami nag kikita.. Yah you read it right... 'di pa kami nag kikita... and I really don't know if mag kikita pa kami... okay lang, Mahal ko naman siya... yun nga lang naiinggit ako pag may nakikita akong couple... I wish this time I'm making the right decision. I will be forever faithful sa taong 'di ko pa nakikita... life's sucks and mas lalo na ang love pero if ang masaktan lang ang reason para ma feel ko na somehow I'm still alive... hindi ako mag sasawang mag mahal...


*mahal na mahal kita
Naiinis na talaga ako sa nangyayari sa kaibigan kong may asawa na… Remember her? Siya yung topic ko before na laging binubugbog ng hubby niya tuwing nalalasing siya at pag tumatanggi yung friend ko makipag make love sa kanya… Last weekend nag kita kami and when she saw me she hurridly hugged me… sobrang nadurog heart ko when I saw her eyes… namumugto at yung left eye niya may black eye… Damn that bastard!!! I really don’t know what to do or what to say so I just hugged her so tight until kumalma na siya sa pa-iyak niya. We went inside and she kept on crying… wealness ko pa naman yung mga girls na umiiyak… natataranta ako at ‘di ako mapakali habang kinukwento niya yung mga nangyari sa kanila ng asawa niya. Habang sinasabi niya sa akin yung mga pinag gagagawa ng abnormal niyang asawa sa kanya… I can feel this anger slowly swelling sa heart ko… gusto kong patayin yung asawa niya… well actually hindi ko muna siya papatayin… papahirapan ko muna siya tulad ng pag papahirap niya sa kinakapatid ko… Kung alam ko lang talaga na mag kakaganito yung buhay niya with that bastard… tumutol n asana ako sa marriage nila in the first place.

I really feel bad about her situation, ano ba pwede kong maitulong? I have to help her… Na alala ko tuloy nung medyo bata pa kami… isa siya sa mga tumulong na ‘wag akong sumuko sa buhay… cause before sobrang baluktot ang pananaw ko sa mundo… galit ako sa mundo and everything in it pero dahil sa love nila for me… nabago ako… and now that she needs my help… I have to do something…

Habang nag-iisip ako ng pwede kong maitulong sa kanya, napaisip ako bigla… bakit ba may mga ganoong klaseng lalake? Sa umpisa ang bait bait, akala mo santo… Wala daw siyang bisyo, ‘di nananakit ng babae, mamahalin daw niya yung girl pag nagging sila, hindi paiiyakin at kung ano-anong pangako ang sasabihin na akala mo tatakbong pag ka presidente ng Pilipinas… Wala silang ibang ginawa kundi ang mag pa bango ng pangalan sa lahat ng kaibigan at pamilya nung girl… Sagana sa pag bibigay ng regalo at pag bibigay ng love, attensyon at kung ano-ano pa…
Pero pag nagging sila na… AYUN LALABAS NA ANG TUNAY NA UGALI!!! Kung dati ang sweet-sweet niya pag mag kasama kayo, pero ngayon malamig pa siya sa ice candy na mabibili sa tindahan, kung dati ‘di ka niya masigawan kahit isang bundok ang atraso mo sa kanya… pero ngayong kayo na… kahit maliit na pag kakamali mo sobra na siyang magalit.. naninigaw, nananakit at nag babantang makikipag hiwalay sa iyo… LOKO ba siya?!?

What’s my point? Gusto ko lang imulat ang mga bulag mong mata!!! Bago ka makipag relasyon, kilalalin mo muna yung taong mamahalin mo, napaka liit ng porsyento na hanggang huli ay maayos siya… lahat ng tao nag babago kahit ako mismo nag-babago din hindi ako exempted dun … it’s either mapapasama siya or mas magiging maayos siya… it’s up to you… Ayokong matutulad ka sa kinakapatid ko… tama nga sila… nasa huli ang pagsisisi…. Kaya ‘wag ka ng dumagdag pa please lang. Mahirap pag kayo ang nag katuluyan tapos malalaman mo na ‘di pala kayo ang bagay sa isa’t-isa… Hindi lang yun para sa mag aasawa… pati din yun sa mga papasok sa mga relationships… Be sure that you really know your soon-to-be gf or bf… Kasi pag pumasok ka sa relasyon ng ‘di mo siya gaanong kakilala may tendency na sooner or later lumabas na yung tunay na kulay niya sa iyo… I just don’t want you to get hurt tulad ng pinagdaanan ko dati and still pinag dadaanan ko pa rin up to now…
 


Blogger Template By LawnyDesignz