5/15/09
Ako'y mag papaalam muna sa inyong lahat... medyo madami lang talaga akong kailangan ayusin sa buhay ko, mga kamalian na dapat kong itama at dapat harapin ng buong tapang(kahit nanginginig na ang tuhod ko)... Wag kayong mag taas kilay... babalik pa ako.
Bakit nga ba ako mawawala? Actually hind ko pwedeng sabihin let's just say na may nangyaring di maganda sa buhay ko now. Some will say it's a blessing pero yung iba problema at hanggang ngayon di ko pa alam kung saan siya ilalagay na kategorya.Isang problema na kailangan harapin at pagtuunan ng panahon. Problema na pwedeng ika bago ng buhay ko... ganung katindi pero kayang kaya ko ito kasi kasma ko si GOD...
Gusto ko maging open sana dito bout my problem pero mukhang hindi pa ito ang right time... May hihilingin lang sana ako... sana ipag dasal niyo ako... mamimiss ko kayong lahat... hindi ko alam kung kailan ako babalik... basta sabi nga dati ni kosa(pogi)... matagal mamatay ang mga katulad ko kaya babalik ako... hahaha. Kailangan ko lang talagang ayusin ito dahil 'di talaga ako makapag focus sa kahit anong bagay dahil naiisip ko yung pwedeng mangyari sa akin sooner or later.
Pero bago ako mamaalam heto ang last post ko, happy reading:
Sino ba talaga ako? Hmmm alam kong medyo matagal tagal na kayong nag babasa ng mga kurokuro ko dito sa blog ko, nabasa niyo na yung mga magaganda at pangit na experiences sa buhay ko, nabasa niyo na yung mga hinanakit ng loob ko sa madaming bagay, nabasa niyo na din pati yung sarili kong love life pero naikwento ko na ba sa inyo kung sino ba talaga si Saul Krisna Villanueva?
Isa lang akong simpleng tao na may simpleng buhay… hindi ko nga alam kung bakit kailangan magpakilala pa ako sa inyo… siguro gusto ko lang malaman niyo kung sino ba talaga yung tinatawag niyo ka-blog, kakwentuhan at kaibigan… Saan ba ako mag sisimula? Hmmm siguro unahin ko na yung mga basic info ‘bout me.
Ako si Saul Krisna Villanueva, dalawangpu’t limang taong gulang, of course lalaki ako(100%) hahahaha… Anak ako ng nanay at tatay ko(duh?) joke lang… Sa Rizal province ako pinanganak at siguro dito na din ako mag kakapamilya at mamamatay. Isa akong Inventory Analyst sa isang food corporation pag madaling araw at isa din akong asst. cook sa isang hotel sa Makati(on-call lang ako dun kungbaga part time job ko yun). Kaso matagal tagal na yung huling duty ko dun siguro di na nila ako kailangan. Hehehehe. Part time yaya din ako ng mga anak ng kapit bahay ko, taga gawa ng mga assignment at thesis ng kung sino sino(syempre may bayad yun), taga ayus ng mga kung anu-anong sirang kagamitan sa bahay, at taga ayus din ng mga tinotopak na kompyuter.(Dami kong side line noh? Hirap kasi ng buhay dito sa pinas).
Maniwala kayo o sa hindi, anak ako ng isang pastor, dati din akong youth leader sa isang daughter church naming dito sa Rizal. Hindi halata diba? Medyo baluktot kasi ang pag iisip ko lately kaya nag stop akong mag turo… aaminin kong masyado akong emo dati and maybe up to now pero pinag aaralan ko ng kontrolin yung emotions ko. Simula kasi pag kabata ko up to my college days medyo negative thinker ako eh… by the way isa akong undergraduate student sa isang flying school sa Pasay… 3rd year lang ang natapos ko dahil nung mag fo-fourth year na ako tsaka naman tinopak ang mga magulang ko na mag hiwalay(hindi pa pastor ang dad ko that time) kaya napilitan akong huminto… Sa Jollibee ang una kong trabaho, sumunod sa mcdo, greenwhich,yellow cab, pizza hut, waiter sa isang hotel sa Makati at ortigas, bartender, pastry chef, collector sa banko, basta madami na akong napasukang trabaho… Sabi nga nila sayang daw yung sipag ko kasi ayaw ko daw makipag sapalaran sa ibang bansa… honestly takot ako… parang ‘di ko kakayanin yung ganung mag isa ako sa lupain ng mga dayuhan. Kaya nga SALUDO ako sa mga kapamilya at kapuso ko dito sa blogsphere na nag tatrabaho sa ibang bansa para sa pamilya nila.… Hindi ko kaya yung ginagawa niyo.
Mapunta naman tayo sa mga kinababaliwan kong mga bagay, mahilig akong mangolekta ng mga kung anu-anong bagay, comics, old coins, mga papel na pera galing sa ibang bansa, mga stamps, pins, ballpen, mga DVD’s, mga libro ni Bob Ong, Nicholas Sparks (A walk to remember), J.k Rowling (harry potter), mga novels o kahit anong babasahin. Mahilig din akong mag edit ng mga pictures salamat na lang kay pareng photoshop(CS3), pero ang pinaka paborito kong gawin ay mag sulat.
Mahilig akong mag sulat ng mga tula, kanta(kahit hindi ako marunong kumanta), mag sulat ng mga storya ng buhay, mga love stories. Pero alam niyo ba na never pang nabuhay ang bida sa aking mga storya, ewan pero mas feel kong maging sad ang ending ng mga ginagawa ko, mas tumatagal kasi sa memorya ng isang tao pag sad ang ending eh, mahilig akong gumawa ng mga script ng mga storya ko, gusto ko talagang mag MasCom dati pero di kaya ni erpats at ermats eh. Ang pag susulat para sa akin ang nakaka alis ng pagod at pagka yamot sa buhay… parang therapy ko yun… Alam niyo ba na simula grade 6 up to now nag susulat ako ng diary? Baduy noh? Ano pa ba ang pwede kong sabihin sa inyo bout me? Hmmm parang wala na eh..
Simple lang ang buhay ko… tulad niyo may mga pangarap din ako na gusting matupad.. Pangarap kong mag kapamilya, gusto kong matulungan ang magulang ko, gusto kong makasama habang buhay ang jowa ko, gusto kong makita ko kayong lahat…
Ito ang tunay na ako walang kokontra… hahaha.
P.S
MamiMISS ko kayo:
'lil sis dhianz, chase, mayyang, Kryk, dangel, ate angel, Lord CM, Kosa, ang nawawalang si Pajay(okay na ba siya), khuletz316, si fruitcake, Deth, si Celine na parang kapit bahay ko lang, si Cynderellaz, Jez, Jhosel, Kulets, love at si lovely,Marco, Marlon, Ms. Donna, Si Purple, Si panda at si Zelle...
yung ibang di ko nabanggit pasensyana kayo..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
parekoy, andami mong talent... siguro nuong nagpamudmod si Lord ng Talent eh kinamal mo lahat...
May 16, 2009 at 1:35 PMpero ganyan talaga ang Buhay!
think Positive.. hehehe
walang masama..
tumingin ka sa magagandang bahagi ng iyung buhay...
at sa Prblema, ayus lang yan! ang bawat Biyaya eh may kalakip na Problema.. pero kapag naovercome mo na yun, masmasaya ang iyung madarama..
Kuya Saul, mamimiss talaga kita. :(
May 16, 2009 at 2:06 PMPagpepray talaga kita. :( Matagal-tagal ka din mawawala sa ating mundong mga blogger. Haay. Sana makayanan mo lahat ng obstacles. Alam ko na yung problem mo, kuya saul. Don't worry, nagets ko na.
wahhh...mamimiss kita=(
May 16, 2009 at 4:19 PMtext lng kung ano na nangyari..kung d man ako mkareply, tatlo lang ibig sabhin nun:
a. tulog ako.
b. duty ako
c. wala akong load.
kaya mo ung prob mo. believe me.
ung mga snabi ko sayo wag mong kalimutan.pra din sa inyo un at sa gf mo. owrayt?
isa ka sa mga nag inspire sakin kya asahan mong prati ko kayong isasama sa prayers ko.kayo ng gf mo.pramis yan parekoi.
nainggit nman ako dun. dami mong alam sa buhay. bstah hihintayin ka nmin dito..hanggang sa sunod mong post!!aja!!
@ kosa
May 16, 2009 at 5:39 PMsalamat nga pala sa munting kwentuhan kanina sa ym... naks marunong na akong mag chat. hahahaha
at parekoy.... LALAKI AKETCH!!!!!! hahahaha
@ chase
hmmm sabi ko sa iyo mabigat ang problema ku eh... haaaay... nalulungkot tuloy ako
@ friutcake
salamat kanina kasi nag spend ka ng time with me... super na aapptrciate ko lahat ng mga ginawa mo kanina sa akin.... nakakalungkot naman. huhuhuhuhu
kuya saul,
May 17, 2009 at 12:00 AMi hope you'll be fine soon.
just text me po if you need help okay?
:D
kaya mo po yan. Ü
naiintidihan ko kung aalis ka man pero siguraduhin mo na babalik ka ok? kailangan pa rin nating mabuhay at isantabi minsan ang pagblo blog. oo nga pala, parang ang llayo ng mga nabasa ko dito sa post na to from your other blogs. well, i must say, na so happy to be your blogmate ^^
May 17, 2009 at 2:25 AMuwo nga tama ka kasi minsan ang hirap na talagang maging positive kakasawa lols..kaya go negative!!hahaha tc brod..you should be proud of your accmplishments kakaiba ka kapatid.
May 17, 2009 at 10:40 AMparang may idea na ako pre kung anong prob mo...pero basta kaya mo yan, okay! mamimiss ka namin dito sa blogosperyo...balitaan mo kame pagbalik mo:D
May 17, 2009 at 3:07 PM@ kryk
May 17, 2009 at 8:08 PMui sis.. hahaha tag hirapakosaloadnow kasi yung sim ko tinotopak...hehehe..pero text parin kita soon....
@ cynderellaz
talaga sis?happy ka dahil blogmate mo ako?wowowow touch naman si ako hahahaha
@ amor
wala kabang npansin sa title ng post ko? hahaha .... don't worry negative siya joke
@ Deth
hahahaha ganda ng titleko noh? gets mo na problem ko? waaaah!!!!
wag kang magalala, kaibigan.
May 17, 2009 at 9:04 PMkahit di mo ko sinama sa mga mamimiss mo (lol), nasayo pa rin ang suporta ko. alam ko ang problema mo, napagdaanan ko na yan. buti na lang at hindi ako minalas ngunit alam ko ang pakiramdam.
may oras ka pa para magisip ng gagawin, ituwid ang kamalian.
sa muling pagbalik, ipagtitira mo ako ng kwento ha?
ahmm nakakatuwa naman at kasama ako sa mamimiss mo kahit d pa tayo close ^____^
May 18, 2009 at 12:49 AMakala ko nung una tatambay ka lng atdadaan dun sa chatbox ko pero matapos nung nabasa ko ang iyong mahaba at nkakanose bleed na entry humanga ako sayo i salute you! ang dami mo na palng napagdaanan...
regarding sa problema mo don't worry walang imposible kay GOD bsta mgdasal ka lng at ipgdadasal ka din namin *turo sa taas*im sure walang hindi nkukuha sa prayer
kaya
cheer up na kuya! :)
Bow!!! yon lang parekoy... dami mong talent ah... ipapaayos ko nga tong phone ko sayo, pwede? hehehe!
May 18, 2009 at 10:37 AMingat ingat Saul!
big bro... hmmm.... mawawala ka na naman... hmmm... sige pray kitah... i know naman you'll be fine... pero u love magsulat... eh di mawawala 'ung isang therapy moh... ang pagsusulat d2 sa blog... pero may diary ka paren naman so ayos lang...actually akoh den... mula 4th grade pa lagn atah may dear diary na akoh... pero nakeep koh lang 'ung from 6th grade... pero bihira koh masulatan lately.... palitaw lang...ewan koh bah... pero 'un ang gusto kong gawin... mag-balik journal... oo nakakasulat akoh d2 sa blog pero limited... kc may mga bagay na nde pa ren puwede sabihin... hayz... hmmm..... feel free to email meeh if u want... d2 koh ba ibigay... sa yahoo... sweetzerosevendiane ... yan.. para nde hatalah... wehe... zeroseven gawin mong number ha... nde word... so 'unz... pero i know you'll be fine... kung anong situation ka man ngaun eh for sure God put u there cuz He thinks ur strong enough to handle it... kaya moh yan... nde ka Nyah pababayan... teka.. abah... akoh nga una mong nabangging sa mamimiss moh pero parang ayaw mong pabasa 'ung name... muntik kong nde na mabasa... halos nde lumabas ang kulay nagn font na pinili moh for meeh... nag-complain eh noh... lolz... pero love it... biglagn naging makulay ang post moh... aliw... eniweiz... u know nasa tabi tabi lagn akoh... i'm willin' to pray for yah kapag kelangan moh... sige pray kita w/ ur situation right now... kapit lang sa Kanyah... kaya moh yan... okz... ingatz lagi kayo ni khizmet... nd ahh... kakatuwa palah ang pagpapakilala moh sa amen.. pangarap koh ren makita awa ni God in d' future ang mga taon sa likod nang mga blog na itoh... lalo na ang mga naging close koh... ingatz... Godbless! -di
May 18, 2009 at 11:32 AMhi bro!
May 19, 2009 at 11:40 AMjust pray and have Faith to HIM...
Godbless :)
talented ka...galing!...for sure madami ka pwede puntahan...lalo if you will decide to go abroad...yayayman ka...heheh..yan ha nabasa ko na mga post mo na namiss ko..
May 22, 2009 at 9:17 AMPost a Comment