5/30/09
PAKIUSAP: Para mapakinggan niyo yung video paki off muna yung song sa slideshow ko... paki mute
Patay tayo dyan... hahahaha sa wakas nag pakita na din ako sa inyo.... buti na lang at malabo yung video... at least di niyo ako matititigan ng mabuti kasi medyo blurred...
hahahaha OHA KOSA!!!!! Sabi ko sa iyo LALAKI ako eh...
5/29/09
Habang nag kukwentuhan kayo ng mga barkada mo, nilapag mo ang cellphone mo sa mesa para mag CR lang sandali. Tapos pag balik mo may na recieve kang text, nagulat ka kasi yung message galing sa taong pinaka mamahal mo!
Excited kang basahin, tapos ang nakalagay sa message niya...
"Wag kang uminom ng madami ha, uwi ka ng maaga kasi mag aalala ako sa iyo sige ka. Mahal na mahal kita kahit di ko pinahahalata!"
... nagulat ka,
... sobrang saya mo,
Tapos biglang lumapit sa iyo ang bestfriend mo at sabi niya...
"best friend nakitext ako kanina sa iyo nung umalis ka... nag reply na ba?"
* paki daanan naman itong blog ni sis pau.... bagong blogger siya
5/28/09
Darkness, tears and pain;.
There, the three things I was well aware of when you said that one painful word... "goodbye."
Tears... I felt the sudden dryness in my throat. My vision begun to blurred as I slowly bowed my head. "goodbye" was the only thing on my mind now. I didn't even bother listening to your pathetic excuse.
Since the begging I had always known it was her. Yet I forced myself blindly. I was blinded by my love for you. I was hoping... believing that... I was the one you would choose...
I made myself believe to the point that I let my guard down for you to see the real me. The real person that I was. I showed it... only to you. You made me believe and live in a dreamland you had created... with all your promises. Do you even know how happy I was whenever you made a promise? Yet now... not one of them come true.
I had loved you far too much to realize the difference between of dreams and reality and it really hurts when reality itself slapped my face.
Pain. I slowly turned my back away from you; away from all the memories. You had given me far too much pain to bear. You know, I already blamed everyone I knew. You, Him and I; I even blamed my friends for not saving me from you,. I blamed everyone, yet the pain still burned inside me.
Anger and pain rolled into one. What had I done to deserve this? Why? WHY! I ran home like a frightened child. I didn't know whom to trust anymore. Am I really unworthy for you?
I compared myself to him. He could sing, dance and act a smart guy and everyone's favorite. BAMM!!! I punched my fist againts the wall Crying like I'd never be okay again... I had realized that.... I AM UNWORTHY.
Darkness. It was pitch black. My hope and my everything was slowly slipping away from me. I really don't know what to do anymore. I hated my life Had I never done anything good? Iwas tired. I was exhausted. I wanted to die. I just fell in love and this was all I got broken, lonely and cold....
*picture ni Heidi yan... (kaibigan ko) ganda noh? hahahaha
ito ang FS niya HEIDI NICOLE
PAHABOL: hahaha may blog na din sa wakas si gf.... visit niyo naman oh... visit mo si gerlpren ko
5/24/09
my friend wrote:
> kuya!!
>
> huhuhuhuh..:(
>
> lately i've been very bc and i forget to think of my situation..
> nagusap kmeh ng nanay koh kgb..
> and she made me realize everything..
> kuya sbhin mo nga sken..
> nkakaawa bah tlgah koh?..
>
> buti pah dati khit papanu napplit ko ung srili koh maging happy..
> pero ngayon i can't find even a single reason for me to be happy..
> every second namro2blema koh kung panu nah ang bukas..
>
> sb ng nanay koh..
> xah lng ang mei krapatan magdesisyon kung anoh ang ggwin koh..
>
> mamimili lang daw akoh..
> and i have only 2 choices..
> d nya pah cnsb kung anoh ung choices nah un..
> pero sb neah..
> it's either maaus koh ang buhay koh o ccrain koh nah ng 2luyan ang buhay koh..
> tingin koh ibig sbhin nun..
> iiwan koh ung bf koh pero pagaaralin nla koh or sasama nah koh sah bf koh at maghihirap hbang buhay..
>
> kuya ndeh koh lam ggwin koh..
> lam moh nung bata pah koh ang pangarap koh lang nman ay sumaya..
> pero ngayon kailangan kong mamili sah kasiyahan koh o ikabubuti koh at ng anak ko..
>
> bkit gnon..
>
> ndeh koh kyang magkahiwalay kmi ng bf ko at ng magiging baby namin..
> ndeh koh din kyang ipagkait sah knya ung anak nya..
> pero mukhang keilangan kong icpin ang future namen..
>
> nahihirapan tlga koh magdecide..
> kuya mhal nah mhal koh ung bf ko pati ang magiging anak namin..
> anoh bah ggwin koh.
>
> 2lungan moh nman akoh magdecide..
> kuya pacenxa kah nah kung nag nobela akoh ng problema seoh..
> wulah nman kzeh kong ibang masabihan..
> pagpacenxahan moh nah koh ah..
> tzkah tenkyu kzeh ur always there for me..
> i really thank God dhil bngay kah nya saken..
>
> sna ma2lungan moh koh kuya..:(
You see? hirap ng situation nya diba? To tell you frankly hindi sya nag iisa.. I know madami dyan sa paligid natin na may ganitong problema... Tell me... what do you do to help them? Those poor kids na may mga problema.. hindi lang sa teen age pregnancy, pati din as mga broken hearted, sa mga kids who feel broken, sa mga kids na affected sa broken family nila, sa mga kids who are depressed, sa mga taong gusto ng mamatay dahil walang nakaka intindi sa kanila or nag mamahal...
PAG MAMAHAL.... siguro kung may nag mamahal lang sa kanila hindi sila mag kaka ganyan... hindi sila mawawalan ng pag asa... hindi nila pag dadaanan na mag isa yung mga dinadanas nila... Ewan ko ba, parang kakaunti lang ang mga taong nag papahalaga sa kanila... I for myself would liketo help them with all my strenght, gusto ko iparamdam sa kanila na hindi sila nag iisa, na hindi nila kailangan pag daaanan na mag isa yung mga problema nila. Sorry if medyo nakakagising yung article ko now... siguro it's time to show love sa kapwa natin... maybe yung friend pala natin ay nasa brink na ng self destruction and he or she is only waiting for you to pick them up... waiting for you to love them...waiting for to show them that you care... you'll be amaze that a simple " hello" or a simple " how are you doing" will save them... don't wait until tomorrow to show that you love that person... baka ikaw lang ang hinihintay niya...
5/22/09
(the word) who became flesh. Such is the power of words, and we often take this power for granted. So much so, that our character can be judge by the words we speak But do we take caution with the words that we utter? That is a question I will leave you to reflect on.
If this is the power of the spoken word, how much for the written word that is immortalized in pen and paper? It is as if you have captured your very essence in that writing you have made. Your very being is in what you have created and what you have created will last forever.
As a writer looking back at what you have written, let's say a few years ago can be an interesting experience. It is a whole spectrum of emotions ranging from hilarious laughter as to how you how written something so silly, to raging anger as to how naive you were at that time you wrote that piece. It may also be a self-discovery as to how much you have grown and matured with the many ideas that you have expressed in paper.
It is an experienced to relive because all the details can be remembered. All the senses are awake: the ears can remember every rhythm and every melody; the eyes can remember every shades and colors; All this feelings can be relived.
This is one of the things that writing can offer. This one of it's magic that endears so many followers.
The future is the first shaped by words; the past is immortalized in writing them and the present is waiting to be written....
PATALASTAS: It's been 21,489 minutes since I last saw my gf... haaay nakaka miss na talaga siya.... gusto ko siya makita kaso di pwede(mahabang storya). Hirap iexplain yung pakiramdam ... pero parang... haaaay.... Gusto ko na siya makitang muli... mayakap at makasama. Nakaka drain kasi pag di ko siya nakikita. Sana... sana lang makita ko siya this week...
If nakita niyo siya(hahaha) ipag bigay alam ka agad sa may ari ng blog na ito. hahaha may reward kung sino man ang makakapag turo ng kinaroroonan niya....
5/20/09
Maaga akong nagising kaninang umaga kasi dadalawin ko yung isa kong kinakapatid… medyo matagal tagal ko ng hindi nadadalaw yun kaya naisipang kong pasyalan siya sa bahay nila..
Tok Tok Tok!!!! Tao poh…
“Nandyan po ba si Mikah?” pasigaw kong sinabi sa nanay niyang may pag kabingi.
“Oh Saul, buti na lang at dumaan ka(hikbi hikbi hikbi)” sabi ng nanay niya.
“Bakit po? Ano pong nangyari?
“Si Mikah.. nag tanan kasama ang boyfriend niya” humahagulgol na sabi ng nanay ni Mikah
After ng ilang oras na pag papakalma sa nanay niya ako’y umuwi na at habang naglalakad ako… biglang pumasok sa utak ko… “What if kami ng jowa este gf ko ang mag tanan… mag
Pag pasok ko(hmmm lamig) pumunta ako agad sa Abenson at iba’t ibang mga appliance center at ako ay nawindang sa mahal ng mga gamit… hahahahaha
Plantsa: 500(standard…(tatak standard… tibay standard)
2 Electricfan: 600/pc(Fukuda)
Refrigerator: 10,000
5 Plato, 5 Baso, 5 pares ng kutsara at tinidor, 3 Mangkok, mga Platito,at kung anu-ano pa: 650
1
Sala Set: 8,000
Dining Set: 4,000
Television: 6,500
Radio: 1,200
1 Queen Size bed w/ 4 Pillows at isang malaking Kumot: 9,500
Gas range at Tangke ng Gas: 500(double burner) + 1,250 (Tangke ng gas)
Toilettries: 200
Apartment: Base ito sa mga available apartments dito sa may amin…
4,000 monthly kaso dapat 2 months Deposit at 2 month Advance so that means: 16,000(grabe ang mahal)
Budget para sa pag kain for the next 6 months: 150/day x 30 days x 6 months:27,000
Kuryente for the next 6 months: ipag palagay natin na 600/ months x 6 = 3,600
Tubig for the next 6 months: 21 pesos/ cu meter... ang isang cu meter ay katumabas ng 5 drum: 504 pesos
Grabe!!! Ayoko ng mag tanan or kahit mag asawa(joke lang)… hahahaha.Naku wag na lang... hintayin ko na lang yung right time... mag iipon muna ako tapos ... GO!!!!! joke lang...
5/18/09
”The best things in life are for free…” Hindi talaga ako naniniwala sa saying na ito… I just can’t imagine that what really makes us happy are free of charge… Pinalaki kasi ako na ang mahalaga lang sa buhay ay pera lamang and I can still recall what my mom always said to me… “ Pera lang ang mahalaga sa mundo… without it your nothing…” weird and very disturbing di ba? Pero ito ang pinaniwalaan ko for almost a decade and a half… well dati yun, before I figured what’s really important sa buhay… Dati I believed that money can buy anything… including love and happiness pero I was wrong.
It’s not about how much you earn or how much money you’ve got. It’s not about the position in your company, or kung gaano ka ka powerful. Nung isang araw habang nag iisip ako kung ano kaya ang magandang movie na pwede kong panuorin when I saw this movie… ”Pursuit of Happiness” ni Will Smith… Actually I’m not really a big fan ng mga madramang pelikula kasi my life itself ay pang MMK na (lolz)hahaha! Anyway, may narealize akong isang bagay dun sa panunuod ko…Hindi pala lahat kayang bilhin ng pera… I can’t even buy a hug or love or kahit mismong caring ng isang tao.
Oo nga noh? Ngayon lang naisip ng munti kong utak yung fact na yun. Ever since I met my girlfriend parang kahit wala akong gawin or ibigay sa kanya na material na bagay she doesn’t fail to give me those things that I’ve been longing for like care, love, yung the way that she treats me whenever I’m down and even those hugs and kisses…
PATALASTAS: mga blogero ALAM NIYO BA na lately ko lang nalaman yung “XoXo” ay actually HUGS AND KISSES pala yun… hahahaha. Peste nakakhiya nga eh, ang buong akala ko yun yung larong XOXO (hahahahaha).
Anyway balik na tayo sa pinag uusapan natin, what I’m trying to say is that minsan masyado tayong naka focus sa mga material na bagay kaya nakakalimutan na natin yung mga tunay na mahalaga at nag papasaya sa atin tulad na lang ng mga special moments na kasama natin ang mga mahal natin sa buhay, mga “xoxo” este mga yakap at halik, mga tawanan, mga kulitan… Yung mga bagay na yun ay libre… ‘di mo kailangan gumastos.
Teka matanong nga kita…. Kailang yung last time na may yumakap sa iyo or kalian yung last time na may binigyan ka ng big hug? Tagal na noh? Bakit hindi mo subukan? Siguradong gagaan yung loob mo… Don’t worry libre yan…
*isa na namang walang kwentang post mula sa malikot kong utak… hahahaha
*love you honey… hug mo ako next time huh…
5/15/09
Ako'y mag papaalam muna sa inyong lahat... medyo madami lang talaga akong kailangan ayusin sa buhay ko, mga kamalian na dapat kong itama at dapat harapin ng buong tapang(kahit nanginginig na ang tuhod ko)... Wag kayong mag taas kilay... babalik pa ako.
Bakit nga ba ako mawawala? Actually hind ko pwedeng sabihin let's just say na may nangyaring di maganda sa buhay ko now. Some will say it's a blessing pero yung iba problema at hanggang ngayon di ko pa alam kung saan siya ilalagay na kategorya.Isang problema na kailangan harapin at pagtuunan ng panahon. Problema na pwedeng ika bago ng buhay ko... ganung katindi pero kayang kaya ko ito kasi kasma ko si GOD...
Gusto ko maging open sana dito bout my problem pero mukhang hindi pa ito ang right time... May hihilingin lang sana ako... sana ipag dasal niyo ako... mamimiss ko kayong lahat... hindi ko alam kung kailan ako babalik... basta sabi nga dati ni kosa(pogi)... matagal mamatay ang mga katulad ko kaya babalik ako... hahaha. Kailangan ko lang talagang ayusin ito dahil 'di talaga ako makapag focus sa kahit anong bagay dahil naiisip ko yung pwedeng mangyari sa akin sooner or later.
Pero bago ako mamaalam heto ang last post ko, happy reading:
Sino ba talaga ako? Hmmm alam kong medyo matagal tagal na kayong nag babasa ng mga kurokuro ko dito sa blog ko, nabasa niyo na yung mga magaganda at pangit na experiences sa buhay ko, nabasa niyo na yung mga hinanakit ng loob ko sa madaming bagay, nabasa niyo na din pati yung sarili kong love life pero naikwento ko na ba sa inyo kung sino ba talaga si Saul Krisna Villanueva?
Isa lang akong simpleng tao na may simpleng buhay… hindi ko nga alam kung bakit kailangan magpakilala pa ako sa inyo… siguro gusto ko lang malaman niyo kung sino ba talaga yung tinatawag niyo ka-blog, kakwentuhan at kaibigan… Saan ba ako mag sisimula? Hmmm siguro unahin ko na yung mga basic info ‘bout me.
Ako si Saul Krisna Villanueva, dalawangpu’t limang taong gulang, of course lalaki ako(100%) hahahaha… Anak ako ng nanay at tatay ko(duh?) joke lang… Sa Rizal province ako pinanganak at siguro dito na din ako mag kakapamilya at mamamatay. Isa akong Inventory Analyst sa isang food corporation pag madaling araw at isa din akong asst. cook sa isang hotel sa Makati(on-call lang ako dun kungbaga part time job ko yun). Kaso matagal tagal na yung huling duty ko dun siguro di na nila ako kailangan. Hehehehe. Part time yaya din ako ng mga anak ng kapit bahay ko, taga gawa ng mga assignment at thesis ng kung sino sino(syempre may bayad yun), taga ayus ng mga kung anu-anong sirang kagamitan sa bahay, at taga ayus din ng mga tinotopak na kompyuter.(Dami kong side line noh? Hirap kasi ng buhay dito sa pinas).
Maniwala kayo o sa hindi, anak ako ng isang pastor, dati din akong youth leader sa isang daughter church naming dito sa Rizal. Hindi halata diba? Medyo baluktot kasi ang pag iisip ko lately kaya nag stop akong mag turo… aaminin kong masyado akong emo dati and maybe up to now pero pinag aaralan ko ng kontrolin yung emotions ko. Simula kasi pag kabata ko up to my college days medyo negative thinker ako eh… by the way isa akong undergraduate student sa isang flying school sa Pasay… 3rd year lang ang natapos ko dahil nung mag fo-fourth year na ako tsaka naman tinopak ang mga magulang ko na mag hiwalay(hindi pa pastor ang dad ko that time) kaya napilitan akong huminto… Sa Jollibee ang una kong trabaho, sumunod sa mcdo, greenwhich,yellow cab, pizza hut, waiter sa isang hotel sa Makati at ortigas, bartender, pastry chef, collector sa banko, basta madami na akong napasukang trabaho… Sabi nga nila sayang daw yung sipag ko kasi ayaw ko daw makipag sapalaran sa ibang bansa… honestly takot ako… parang ‘di ko kakayanin yung ganung mag isa ako sa lupain ng mga dayuhan. Kaya nga SALUDO ako sa mga kapamilya at kapuso ko dito sa blogsphere na nag tatrabaho sa ibang bansa para sa pamilya nila.… Hindi ko kaya yung ginagawa niyo.
Mapunta naman tayo sa mga kinababaliwan kong mga bagay, mahilig akong mangolekta ng mga kung anu-anong bagay, comics, old coins, mga papel na pera galing sa ibang bansa, mga stamps, pins, ballpen, mga DVD’s, mga libro ni Bob Ong, Nicholas Sparks (A walk to remember), J.k Rowling (harry potter), mga novels o kahit anong babasahin. Mahilig din akong mag edit ng mga pictures salamat na lang kay pareng photoshop(CS3), pero ang pinaka paborito kong gawin ay mag sulat.
Mahilig akong mag sulat ng mga tula, kanta(kahit hindi ako marunong kumanta), mag sulat ng mga storya ng buhay, mga love stories. Pero alam niyo ba na never pang nabuhay ang bida sa aking mga storya, ewan pero mas feel kong maging sad ang ending ng mga ginagawa ko, mas tumatagal kasi sa memorya ng isang tao pag sad ang ending eh, mahilig akong gumawa ng mga script ng mga storya ko, gusto ko talagang mag MasCom dati pero di kaya ni erpats at ermats eh. Ang pag susulat para sa akin ang nakaka alis ng pagod at pagka yamot sa buhay… parang therapy ko yun… Alam niyo ba na simula grade 6 up to now nag susulat ako ng diary? Baduy noh? Ano pa ba ang pwede kong sabihin sa inyo bout me? Hmmm parang wala na eh..
Simple lang ang buhay ko… tulad niyo may mga pangarap din ako na gusting matupad.. Pangarap kong mag kapamilya, gusto kong matulungan ang magulang ko, gusto kong makasama habang buhay ang jowa ko, gusto kong makita ko kayong lahat…
Ito ang tunay na ako walang kokontra… hahaha.
P.S
MamiMISS ko kayo:
'lil sis dhianz, chase, mayyang, Kryk, dangel, ate angel, Lord CM, Kosa, ang nawawalang si Pajay(okay na ba siya), khuletz316, si fruitcake, Deth, si Celine na parang kapit bahay ko lang, si Cynderellaz, Jez, Jhosel, Kulets, love at si lovely,Marco, Marlon, Ms. Donna, Si Purple, Si panda at si Zelle...
yung ibang di ko nabanggit pasensyana kayo..
Habang nag mumuni ako kanina bigla akong napatingin sa kalendaryo… haaay dalawang taon na pala ang nakakalipas mula nung mangyari yung bagay na nakapag pabago sa paniniwala ko…
Nag tatrabaho ako that time sa Yellow Cab Pizza Co. sa Robinson Galleria nung panahon na nangyari yun, pang gabi ang pasok ko that time(1pm to 10pm ang duty ko)… Late na ako as usual kaya napag isipan kong mag G-Liner na lang papuntang trabaho… nung ako’y makasakay sa bus pumili ako agad sa may parting unahan kasi nakakahiya man aminin pero mahihiluhin talaga ako pag nakasakay ako sa de aircon na sasakyan(hahahaha) nakakahiya noh? Anyway mabalik tayo sa kwento ko, makalipas ang ilang minute may sumakay na isang Nursing student. Huwaw! Nakakatunaw siya sa ganda…pasintabi poh sa jowa ko…(Honey dati pa yun kaya wag na mag worry huh). Siya yung typical na nursing student, madaming dalang libro, may dalang parang tool box na puno ng mga benda at mga first aid kit at paying dahil mainit… Dahil wala akong jowa that time at likas na madaldal talaga ako… nilakasan ko ang loob ko at kinausap ko siya… “Mis anong oras na? Wala kasi akong orasan eh…” Bumenta sa kanya yung style ko ng pagtatanong kaya ayun dun na nag simula yung pag kukwentuhan namin…
Analyn Cruz ang pangalan niya at mabilis kaming nag kagaanan ng loob… kwentuhan doon… kwentuhan dito… Pauwi na daw siya that time kasi nag duty daw siya. Sa maiksing panahon madami na akong nalaman sa kanya… pati yung pangarap niya na makapunta sa ibang bansa para maiahon sa hirap ang pamilya niya… Saludo ako sa kanya… ang bata bata pa niya pero yun ka agad ang pangarap niya sa buhay… Makalipas ang ilang minuto at palitan ng mga numero ng cellphone nag paalam na siya kasi bababa na daw siya… Habang pababa, lumingon pa siyang muli para ngumiti at mag paalam… tumango ako at ngumiti din… “Ang ganda niya grabe….” Hindi natatapos yung sinabi ko ng bigla may marinig akong tunog na parang nadudurog na bagay… Ako’y lumingon at nakita ko yung katabi naming ng mixer ng semento na gumegewang… “flat yata” sabi ko sa sarili ko…
Pero laking gulat ko nung sinilip ko ng mabuti yung gulong ng truck…. Nakita ko yung payong ni Analyn… kasunod nun ay yung duguan na katawan niya… $%!+ !!! Nagulungan pala siya ng truck… after kong Makita siya or whats left of her bigla akong nasuka at biglang nanginig yung mga tuhod ko… Sa isang iglap nag laho siya na parang bula at kasabay nun ay yung pag asa ng pamilya niya na umahon sa hirap… Hanggang ngayon tandang tanda ko pa yung pangyayari na yun at mukhang din a siya ma aalis sa isip ko…
Ganun kabilis ang buhay… today okay ka pero hindi natin alam if hanggang kailan tayo magiging okay at mamamalagi dito sa mundo… Hindi natin alam if hanggang mamaya na lang tayo o magtatagal pa tayo para tuparin ang mga pangarap natin… Live your life as if it is your last day dito sa mundo… say I LOVE YOU sa much as you want, make them realize na mahal mo sila and be thankful kay God kasi buhay pa tayo…
*in memory of my seatmate sa bus Analyn
5/13/09
Ito sinabi ng girlfriend ko sa akin kanina nung tinanong ko kung bakit parang problemado siya palagi… And to be honest medyo na iinis ako sa mga magulang niya o kahit sinong magulang na hindi patas ang pag trato sa mga anak nila... Hindi ba pwedeng parehas ang pag trato nila sa mga anak nila? Hindi ba pwedeng iwasan yung salitang “favoritism”
Hindi ko alam if ano ang estado mo sa pamilya mo right now… maaaring ikaw ang favorite or baka ikaw naman yung laging di pinapansin. Actually naguguluhan ako sa mga ganung magulang… Oo nga at sabi nila hindi daw maiiwasan yung pag kakaroon ng paboritong anak pero hindi ba naisip ng mga magulang na minsan parang sobra na yung binibigay na attention at pag mamahal sa paborito niya at panu naman yung iba pa niyang anak?
Tinanong ko ang girlfriend ko kung bakit ba ganun ang trato ng mga magulang niya sa kanya… at ito ang sinabi daw ng nanay niya sa kanya nung tinanong niya kung bakit sila ganun… “inexplain niya kung bakit ganun sila sa kakambal ko.. dahil daw nung first 2 years ng kakambal ko ay ‘di sa amin siya limaki, kaya daw ngayon nila pinupunan yung pag kukulang nila…”
Nung mabasa ko ang dahilan daw ng magulang niya bigla na naman nag isip ang munti kong utak.. EH ano if hindi sa kanila lumaki ang anak nila… kasalanan ba ng gf ko if ganun ang nangyari sa kakambal niya? Fault ng mga magulang yun… Oo nga at kailangan nilang mag make up para sa mga pag kukulang nila dun sa kakambal ng gf ko pero sana naman wag naman balewalain yung isa. Mabuti if matinong anak yung kakambal niya eh the last time I heard ay nag lahong parang bula yung tao after niya makuha yung pang tuition niya and guess what…. Inubos niya lang yung pera tapos todo sila sa pag hahanap dun sa anak nilang sira ang tuktok… Bigla ko lang na alala yung sinabi ng gf ko before… sabi daw ng nanay niya na pag ang gf ko ang nawala pababayaan na lang daw nila ito at ‘di hahanapin… ANAK NG TINAPA!!!! Sagot ba yun ng matinong ina at kahit biro yun… hindi yun nakakatawa.
Parang unfair ‘di ba? I’m sure hindi lang ang girlfriend ko ang nakakadanas ng ganitong treatment ng mga magulang… I myself ay napag daanan ko na ito… siguro ikaw din. Hindi ko lang talaga makuha ang punto ng mga ganung magulang. Bakit nila kailangan mag karoon ng paborito eh lahat naman ng anak ay galing kay GOD. Hindi pa ako isang magulang pero kahit kalian hindi ako mag kaka paborito.
Ikaw paborito ka ba ng magulang mo?
5/10/09
Last night habang bumibili ako ng gamot sa Mercury Drug sa may amin nakasalubong ko ang mga batchmates ko nung high school… laking gulat ko nung makita ko sila kasi it’s been quite a while na since I last saw them… The last time I saw them was nung umaakyat ako ng entablado para kunin yung diploma ko at yung kaisa isang medal ko (super loyalty award) hahahaha mula kasi pre school up to 4th year high school sa TUMCS ako nag aral…
Anyway nung nakita ko sila binate naman nila ako pero kakaiba na sila… may mga putting buhok na ang ilan sa kanila at may mga wrinkles na(signs of old age)hahaha… As usual umulan ng kamustahan, batian at asaran… Somehow na miss ko sila… Biglang tinanong ako nung isang classmate ko if may asawa na daw ako… sabi ko WALA pa at nagtawanan silang lahat…. “Teka anong masama if wala pa akong asawa”… What the heck I’m just 25 at maaga pa for me yung mga ganung bagay… Lahat kasi sila ay may mga asawa at anak na… Hmmm ano ba problema nila sa buhay at pati ba naman yung pag aasawa ko ay pinakikialaman nila..
Makalipas ang ilang siopao, mami at malamig na sofdrinks nag paalam na ako sa kanila, habang nag lalakad ako pauwi hindi ma alis alis yung sinabi nung mokong kong kaklase… “bakit ‘di ka pa nag aasawa?” Bakit nga ba? Dahil ba hindi pa ako ready sa commitment? Dahil ba takot pa ako? Dahil ba masyadong maaga pa para mag asawa ako?
Actually maaga akong namulat sa kahirapan, nakita kong madalas nag aaway ang mga magulang ko dahil sa pera at sa kung anu-anong bagay… Kaya siguro medyo may takot pa ako… Don’t get me wrong ‘di ako takot mag asawa… takot akong danasin ng magiging pamilya ko yung dinanas kong hirap sa buhay… Ayokong mararanasan nilang matutulog ng walang laman ang sikmura nila, ayokong danasin nila yung isang kahig isang tuka, ayokong maghirap sila… Yun ang dahilan ko.
þ Gusto ko pag mag aasawa na ako may sariling House and Lot na ako kahit walang kotse basta may bahay. Mahirap kasing mag apartment.
þ Gusto ko may maipundar akong hanap buhay kahit maliit lang basta meron. Para naman may pag kukunan kami na pang gastos sa pang araw-araw.
þ Gusto ko may permanente na akong work mahirap kasi pag hindi ako regular sa trabaho tapos mag aasawa ako… Hirap kasi ditto sa pinas dahil uso now yung contractual lang pero buti na lang ako at Provi na ako sa pinag tatrabahuhan ko.
þ Gusto ko makapag tapos ako ng pag aaral ko(kahit na medyo matanda na ako para mag college ulit). Hirap kasi pag wala akong diploma pero pwede na din yung diploma na gawa sa recto. Hahahaha.
Madaling mag asawa pero mahirap maging asawa… Hindi biro for me ang pag aasawa… dapat pinag paplanuhan yun ng matagal… sabi nga ng tatay ko
“hindi nakakabusog ang pag ibig…” Mag aasawa din ako pero not now… siguro 5 to 6 years from now at pag 21 na ang gf ko…. Sabi niya sa akin yun… Huwaw!!! Naka sched na ang kasal naming ng jowa ko este girlfriend pala… Pwede pa bang maging flower girl si “dhi”? or ring bearer si “kosa”? hahahaha
5/1/09
BAGO ANG LAHAT: paki off yung sound ng slideshow ko para mapakinggan niyo ng maayos ito...
Hmmmm honey pag pasensyahan mo na if ganito yung way ko ng pag greet sa iyo ng
HAPPY MONTHSARY.... ito lang ang nakayanan ng munti kong utak eh... hahahaha... anyway lahat dapat ng isusulat ko dito ay sinabi ko ka dun sa voice record ko... I LOVE YOU.... naks in love na in love talaga ako ahhh....
At para sa mga ka-blog ko... hahahaha wag kayong umangal if ganito ang post ko... actually kinakabahan talaga ako kasi first time ko ginawa ito... nakasanayan ko na kasi na hindi mag lagay ng kahit anong info bout me pag dating sa internet... kahit picture nga wala ako sa friendster eh... well actually may 3 pics dun kaso may kasama ako pero as usual hindi ko sasabihin kung nasaan ako... hahahaha shy type ako eh.. anyway wag niyo sanang pagtawanan ang mala palaka kong boses.... hahahahaha... ginawa ko ito kasi ahhhh wala lang... in love eh... ano magagawa ko.... ganyan daw pag in love sabi ni kosa at marco sa akin dati.