1/20/09

Dahil sa kahilingan ni Lord CM ito na yung article ko 'bout my girlfriend and how she means to me....
BABALA: ngayon lang ako susulat ng ganitong klaseng article kaya pag pasensyahan niyo na...

Siguro lahat naman tayo na in love na kahit isang bese sa ating buhay.... and if your gonna ask me kung ilang beses na akong na in love... hahahaha hindi ko na talaga mabilang sa dami... actually hindi ko nga alam if love ba yun or crush or maybe its just an ifatuation... pero this time I think I can boldly say that I am in love... Yup you read it right... ang hari ng kadramahan ng blogsphere ay "in love" kaya 'wag na kayo mag taka if madalang na akong mag post at lately naiiba na ang mga tema ng mga topics ko... hirap kasi akong mag sulat ng mga sad topics pag nasa ganitong state ako... you can blame my girlfriend for that(lolz)

Her name is Michelle Bernardino.... actually hindi ko alam kung paano kami nag kakilala... all I know is that sa friendster ko unang nakita yung mga ngiti niya na parang kayang tumunaw ng isang bundok na problema. Pasintabi sa mga taong hindi nakakarelate... November 05, 2008 ko siya unang nakita(sa friendster) and my first instinct is to befriend her so I may get her number which eventually binigay din niya sa akin... Nag start kami as mag kapatid... she called me her "kuya" and she's my baby sister... I really don't know kung paano ko nasabi sa kanya that time na mahal ko na "yata" siya... that time kasi broken pa rin ako at takot pa rin akong mag tiwala sa tao... Pero something happened to me... I let my guard down to her at nag simula na akong mahulog sa kanya.... after a few weeks of constant communication naging kami na din, that was last December 01, 2008. Pero hindi kung paano kami naging "kami" ang pag uusapan natin.... it's how she changed me completely.

You all know na sobrang negative talaga ako at parang lagi akong defensive mode sa lahat ng mga nakakasama kong tao, siguro dahil na din sa mga bad experiences na pinag-daanan ko kaya totally nawalan ako ng tiwala sa tao and sad to say pati din sa sarili ko.... pero ever since I met her unti unti niya akong binago, from the start pa lang lagi niya pinupuno ng love yung heart ko hanggang sa mawala yung empty space that I've been feeling this past few years... She taught me how to trust myself and eventually sa ibang tao din, she never failed to cheer me up pag tila ba isang bundok ang problema ko sa buhay, she always listens sa mga kadramahan ko sa buhay... and I am eternally grateful for having her as my girlfriend... Actually parang hindi lang girlfriend ang tingin ko sa kanya, she's also my bestfriend, my teacher, my pillow, ka asaran, kakulitan.... i know this may sound corny pero siya ang buhay ko...

Never I have felt this way sa isang tao, parang kahit saan ako tumingin siya pa rin ang nakikita ko, lahat ng fave things niya binibili ko at tinatago ko, it's like I'm collecting all her fave stuffs, kahit hindi ako nakikinig ng mga type ng music niya.... lately I found myself humming to her favorite songs, kahit pati sa mga fave colors niya... like pink, black, purple.... dati naman ayoko sa mga ganong kulay pero now, nagagandahan na ako sa pink.... I even painted my room's wall pink and nag pa-print ako ng mga pics niya size A4( 8x10.5 inches) at tinapal ko sa ceiling ko para pag naka higa ako siya pa rin ang nakikita ko.... Actually hindi ko alam if ano ba gusto kong ipoint sa mga sinasabi ko dito.... basta all I know is that I really love her and I don't think I can imagine my life right now if hindi siya yung taga pag-alaga ng puso ko... siguro I'm still broken at takot pa rin sa tao... Mahal na mahal ko talaga siya at lahat ibibigay ko wholly.... my time, effort, care, and of course pati yuntg love ko... sabi nila 'wag ko daw ibibigay lahat sa kanya kasi pag iniwan daw niya ako paano na lang ako makaka pag move on.... I replied, "wala akong pakialam if saktan niya ako.... ang mahalaga nagagawa ko yung part ko as her bf... at how can I say na minahal ko siya ng buong-buo if nag tira ako para sa sarili ko?"

Siya ang reason kung bakit nagugustuhan ko ng mabuhay, kung bakit nakakatawa na ako, kung bakit nag pupumilit akong maging positive thinker, siya ang sagot sa lahat ng tanong ko sa buhay...
She's my life and I swear hindi ako titigil sa pag bibigay ng love sa kanya.... utang ko sa kanya kasi ang buhay ko... kundi ko siya nakilala I'm sure patay na ako or matagal na akong sumuko sa buhay...
Her love is the only reason why I'm still holding on.... mahal na mahal ko talaga siya and sa tingin ko yung word na "mahal" is not even enough para idescribe yung feelings ko sa ka niya...




*Asawa ko(thats what we call each other), salamat sa lahat ng pag mamahal na binibigay mo sa akin... salamat talaga.... I LOVE YOU so MUCH!!!

17 comments:

Lord CM said...

Ayan!!!First paragraph pa lang ibang iba na...pero di ko pa nabasa lahat, be-based lang ako lolzzz

mmayang gabi ako magbabasa at trabaho muna :D

pero salamat sa paggawa, at sorry kung naabala kita...marami matutuwa nyan pre lalo mga blogero

January 20, 2009 at 3:04 PM
MarcoPaolo said...

inlab ka nga bro... good to hear that nakakangiti ka na ngayon sa kabila ng mga pinagdaanan mo... im happy for both of you and wish you all the happiness... :)

January 20, 2009 at 4:15 PM
Lord CM said...

Hehehe :D Nabasa ko na..sabi sayo at maganda ang kalalabasan ng istorya mo eh...

Ang pagiging corny part ng pagmamahal un, corny sa paningin ng iba pero para sayo pagmamahal un, at para sa lahat ng nagmamahal..

Pero sandali...parang ako n naman pasimuno ng entry na to ah?!!! lolzzz, xensya na nasanay ako sa forum eh :D ...

Sana magtuloy tuloy ang magagandang istorya mo pre, di lang dito sa blogsphere at sana sa reyalidad din...

January 20, 2009 at 5:02 PM
~~m$. DoNNA~~ said...

WOW! inlove na inlove ah..
kainggit naman..
sana magtagal ang inyong nakakainggit na relationship
.

January 20, 2009 at 5:05 PM
kuletz said...

huwaw inlababo nga si kuya saul ko ha? wish u all the luck sa inyong relationship!!

keep on loving her!! kun san ka masaya, masaya narin kami!!

take care!!

January 20, 2009 at 6:04 PM
MsDianeG said...

Ang sweet naman!!! She must be having goosebumps all over reading your post. (if she does) =)

January 20, 2009 at 6:38 PM
[ k r y k ] said...

kuya saul awwts :D

tagosh'! hehe

maybe both of you are really destined for each other.

naQx naman.

how sweet of you
kasi bihira sa guy yung ganan.
some will probably think its corny which is wrong.. very wrong. :D

i salute you for this'!

Ü

stay in LOVE..

January 20, 2009 at 8:07 PM
saul krisna said...

hahaha nakakatuwa nga Lord Cm kasi first time ko yata gumawa ng ganitong type ng article... hahahahaha


*ms donna bakit ka naman naiinggit? ahhhh gets.... hmmmm w8 mo lang xa... i'm sure nasa paligid mo lang yung guy....

*kuletz anung inlababo? baho naman nun.... joke....

*kryk sure ka ba na hindi korny yun? hahahahaha

*Ms DG.... bakit mag kaka goosebumps xa? yup xa ang number 1 taga basa ng mga post ko.....

*Marco salamat sa pag bati..... thanks talaga....

sa lahat salamat sa pag basa....

January 20, 2009 at 8:23 PM
[ k r y k ] said...

kuya,

alam mo ba walang corny pagdating sa expression Ü

yung mga takot mag-express ang corny kasi bilanggo sila ng sariling emosyon :D

alright?

well done. Ü

January 20, 2009 at 8:52 PM
Anonymous said...

..ahehe,..

..touch aman aqu don..

..wabz yah..

..thank you sa lahat..

..ingatz lague..

..khizmhet qu..

January 20, 2009 at 9:09 PM
cyndirellaz said...

ayan! nakakakilig na! siguro ginawa mo ang blog na ito para sa kanya ano? nakakakilig nman kayung dalawa!! hay basta stay strong ok?

January 20, 2009 at 9:19 PM
~yAnaH~ said...

naks naman! love is truly in the air ahihihhi..
kaya nga ba ayaw ko ng may tinatawag akong "kuya" dahila gn ending eh nagkaakron ako ng makulay na buhay... hahahaha di pa naman ako prepared ng rainbow colors na life..

January 20, 2009 at 9:30 PM
Gee said...

Kaya pala sumakit ulo mo..hehe...ang lalim ng pagkakasulat ng iyong mga nararamdaman sa iyung sinisinta...magpunyagi ka pa lalo para sa kanyang ikaliligaya... ;-D

January 20, 2009 at 10:21 PM
PaJAY said...

Tuloy mo lang yan Tol.

magmahalan kayo...

Takte!...eksayted pa naman akong magbasa .yun pala maiinggit lang ako......

Sidekick >yaaaa!..

lolz..

January 21, 2009 at 1:51 AM
khuletz316 said...

wow..thats good to hear...mabuti naman...first time ko nga makabasa ng happy story dito...keep it up...

January 21, 2009 at 3:27 PM
aisa said...

helow, napadaan lang ako s blog mu, and i read this post, i just want to comment out...

grabe, love is in the air tlga... i didn't know you exactly but i'm happy on what's happening in your life ryt now... i just hope that it will last...

maybe it sounds corny, but in real life, there's no "CORNY mode"... i salute you for making this blog, not all the guys out there have the courage to do it, you are a real man!

i'm hoping that this would not be the last...

god bless on your journey and may you be filled with happiness everyday...

January 22, 2009 at 5:13 PM
Mayyang said...

*like mommy "aisa" said.. there's no "CORNY mode"...

napapabilib mo tlga ako bro... iilan lang ang lalakeng katulad mo na gagawin ang lahat para sa pinakamamahal nya...hay! hope my "life" will do this for me :) (nainggit ba daw?)...

alam mo bro... na carried away ako sa love story nyong dalawa ni michele...

am wishing and praying for both of you...

February 2, 2009 at 1:48 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz