1/23/09


"Biro Noon... Totoo na ngayon"


Sa isang biro nag simula ang lahat,
Isang biro na hindi inaasahang magkatotoo.
Na ang tanging intensyon ay mang asar,
Pero dahil sa birong ito ako'y
Tunay na nag mahal.

Ako'y nagpapsalamat sa Maykapal,
Dahil ika'y natagpuan sa dami ng sagabal
Sa dami ng aking minahal
Tanging ang iyong pangalan
ang di malimutan.

Sa tuwing ika'y aking pagmamasdan
Ako'y humahanga sa iyong kagandahan
Kahit inaasar o pinag titripan mo ako
Ayos lang kasi Mahal naman kita

Kapag tayo ay magkasama
Nais ko sanang patigilin ang ang oras.
Matinding traffic ang dinadasal sa Maykapal
Upang tayo'y 'di mag kahiwalay

May mga araw na ako'y nasasaktan
Na para bang walang sapat na dahilan
Ngunit kapag ika'y nag lambing na
Ang lahat ng sakit ay nawawala na

Sa iyo lamang ako nag kaganito
Para akong baliw sa kaka isip sa iyo
At sa mga problemang dumarating
Ano ba ang iyong ginagawa sa akin at ako'y nagtino.

May mga araw na ako'y nangangamba
Dahil ayaw kong ika'y mawala sa aking tabi
Ngunit kung ano man ang iyong desisyon
Aking tatanggapin dahil ganyan kita ka mahal


* Ano na ba ang nangyayari sa akin at medyo nasalinan ako ng dugong makata? hahahahaha.
Anyway feel ko lang talagang mag sulat ng mga tula.... inspired kasi ang hari ng kadramahan sa blogsphere eh... Alam niyo ba guys na mas magaling mag sulat ang gf ko kaysa akin ng mga short stories at poems? Hahahaha idol ko yun eh... Ako'y hahayo na at susunduin ko ang aking iniirog(lolz).Late na ako.... yari na naman ako nito sa kanya... hahaha

4 comments:

kosa said...

taena.. habang binabasa ko to, tumutugtog yung kanta na di ko alam ang title.. kinikilabutan ako at tinatamaan..

di ko tuloy alam kung anu ang sasabihin ko..

balik nalang ako mamaya..kinig muna ako sa tugtog mo..

January 23, 2009 at 1:21 PM
MarcoPaolo said...

hmm... nagiging makata ka na bro ah. gawa ka pa ng marami bro... hehehe

January 23, 2009 at 1:50 PM

halatang nagmamahal k nga pre..

January 23, 2009 at 1:53 PM
la.la.la.la said...

ikw ba yn?
mukang ms nging mdrama ka aaa.

keep on writing.
wla na kcng kwenta ung akin ee.
haha:))

January 24, 2009 at 3:08 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz