1/29/09

Minsan may nag tanong sa akin kung ano daw sa dalawa ang pipiliin ko…

Kapag mamatay ka daw with the person you hold most dear, ano dito pipiliin mo?

*Ikaw ang mauunang mamatay or
*Siya ang mauunang mamatay?

Napaisip ako bigla sa tanong niya… ano nga ba? Sino ba ang kailangan mauna? Ako ba o ang taong pinaka mamahal ko? Tinanong ko sa kanya if pwedeng sabay na lang… sabi niya hindi daw pwedeng sabay, I only have to chose one sa mga choices… ang hirap ah! Peste dumudugo na ang utak ko pero napag pasyahan kong yung taong mahal ko ang maunang mawala/mamatay kaysa sa akin. Oops! Siguro madaming napataas ang kilay, kumunot ang noo at nagulauhan sa sinabi ko… After maubos at matuyo ang utak ko ito ang pinili ko kasi ganito yun…

Alam naman natin na sobrang sakit yung nararamdaman natin sa tuwing iniiwan tayo ng taong minamahal natin… what more pag alam mong habang buhay na siyang mawawala sa iyo… I just can’t imagine the pain knowing that the only person who trusted you, who cared for you, the only person who loves you is going to die… so, are you getting my point? Mahirap pag ikaw ang maiiwan… I’d rather feel that pain kaysa siya ang makaramdam nun. For me yung pain sa heart is far more greater intense kaysa sa physical pain. Ewan ko if may mag aagree sa mga sinasabi ko or am I the only one who’ll be choosing that option? Basta gusto ko lang i-point out yung sacrifice ko for the person I hold most dear, ayokong makakaramdam siya ng kahit anong klaseng pain at kung pwede nga lang angkinin ko lahat ng sakit na mararamdaman niya for the rest of her life… Masyado na ba akong martir? I don’t care if isang martir ang tingin niyo sa akin… what matters to me is how I can I show my love for that person…

Ikaw? Yes you! Ano ang pipiliin mo? Will you chose to die first and let her feel that awful pain or will you let her/him be the first one to die and have that pain in your heart…

17 comments:

2ngaw said...

di ko alam, gulo pa utak ko ngayon..di ko pa kaya mag isip, pwede ba tumawa na lang? lolzzz

January 29, 2009 at 7:35 PM
saul krisna said...

@ LORD

*oh bakit yata tuliro ang utak mo ngayon? bugbug ba sa trabaho? hahaha kaya mo yan bro...

January 29, 2009 at 7:43 PM
2ngaw said...

Kung trabaho lang, kayang kaya yan..per kahit di naman natin kayanin pwede naman tumawa n lang ng tumawa eh...

Kaya daan ka sa page ko at tumawa ka muna lolzzz

January 29, 2009 at 8:14 PM
Anonymous said...

i really would like to die first before all my friends and loved ones die.

January 29, 2009 at 8:39 PM
saul krisna said...

@joshmarie

tama tama tama

mas gugustuhin ko ng mauna ako kaysa sa mahal ko....

@LORD

hahaha medyo lately nga nakakatawa na din ako unlike nung nag iisa pa ako... may private clown ako eh... c gf... lagi niya ako pinapatawa

January 29, 2009 at 8:46 PM
2ngaw said...

buti na nga lang at laging anjan lang sa tabi natin ung privae clown lolzz

di ba pwedeng ung nasa taas na lang ang pumili kung sino mauuna? mas alam nya un eh...

January 29, 2009 at 8:53 PM
cyndirellaz said...

kahit ako kung d pwedeng sabay siya na lang muna.. basta ba alam ko susunod din ako after 5 secs. ^^

January 29, 2009 at 9:17 PM
just.aian said...

pwede sabay na lang...
para fair.

January 29, 2009 at 9:52 PM
Anonymous said...

usually may twist or catch tong mga to eh. anyway, mauuna ako di dahil sa gusto kong masaktan siya or takot akong masaktan pero umaasa pa din ako na baka magbago ang "kapalaran" na kapag nauna ako di na niya kailangan sumunod pa at makapamuhay pa.

January 30, 2009 at 2:58 AM
Kosa said...

iba iba tayo ng pananaw at paninindigan sa buhay...
pero unang una, AGREE AKO SAYOOO!

taena.. pero tanung ko nman,
BAKIT BA KASE NALULUNGKOT ANG MGA TAO KAPAG MAY NAMAMATAY? di ba dapatnatutuwa tayo kse napunta na sila sa LANGIT.. lols

seryoso... sabi nga nung kaklase ko nuong college, hindi naman daw tayo dapat malungkot at masaktan.. dapat maging maligaya nalang tayo para sa kanila...

ayun.. pero kung akong tatanungin, sige mauna nalang silang mamatay basta ba may life insurance sila ahhhh.. taena ng guminhawa nman ang buhay ni kosa.. hehehe joke

January 30, 2009 at 5:24 AM
eMPi said...

hmm... hirap ah!!! hirap sumagot sa tanong na yan ah... pero i leave it to God na lang kung sino man ang mauuna sa ming dalawa... alam nating lahat na masakit ng mawalan ng minamahal... kaya naman habang buhay pa tayo ipakita natin sa kanya na mahal natin siya.

January 30, 2009 at 8:17 AM
Anonymous said...

uhm, don't know yet what to choose...

maybe, i have to weigh everything first, kung cnu karapat-dapat na unang mawala samin... meaning, kung kaya ba niang mawala akong habang s knya, or kaya ko knbng mawala xa ng habang buhay sakin... kxe s totoo lang, sobrang hirap mwalan ng minamahal, i haven't experience that situation yet, but, i know, it really, really hurts...

uhm, sympre, minsan, you have to get hurt, for you to grow...

hehehe...

January 30, 2009 at 9:54 AM
kuletz said...

hmm para sken mas gusto ko na mauna ako coz i cant bear to see the person dying whom i loved the most.. :(

January 30, 2009 at 7:42 PM
~~m$. DoNNA~~ said...

usapang kamatayan na itoh!

syempre gusto koh, mauuna ako.. para aasikasuhin nya ako..

at saka baka hindi ko kayanin kung mauna sya... baka sumunod din ako agad...

January 30, 2009 at 8:30 PM
saul krisna said...

@KOSA

tama ka! bakit ba kailangan maging malungkot tayo pag may namamatay? dapat nga hapi tayo kasi hindi na sila makakaramdam ng pain at sufferings di ba?

@ AIAN

bawal yung sabay sis, dapat pili ka na lang ng isa... salamat sa commento mi amiga

@ MARCO

hmmmm yah i know si God ang master planner kaya siya lang ang may power para malaman kung sino ang next in "line"

@ JOSHMARIE at KULETZ

ayos ah! parehas tayo ng wave length josh... mas gusto ko ako yung mauuna

@ CYNDIRELLAZ

Daya! bawal yung mamamatay ka din after 5 secs.... parang sabay na din kayo nun eh... hahahaha

@ AISA

WOW! lalim nun ah... pero tama ka sa mga sinabi mo na "uhm, sympre, minsan, you have to get hurt, for you to grow..."

@ MS. DONNA

Last post ko na ito about death for this month... kasi di ba araw na ng mga PUSO!!!!!!!!


SA LAHAT:

BUKAS GF KO ANG MAG SUSULAT SA BLOG KO KAYA SUPPORTAHAN NATIN SIYA... NAG PUSTAHAN KAMI KASI NA LALAGPAS NG 15 ANG COMMENTS NA MATATANGGAP NIYA FROM YOU GUYS..

need ko manalo sa pustahan namin...

January 31, 2009 at 11:18 AM
EǝʞsuǝJ said...

Kung ako ung tatanungin?...

mas gust0 ko na xa na lng ung mauna, kasi mas gugustuhin ko pang ako ung mag-suffer for his loss kesa naman xa ung masaktan pag ako ung unang nawala...

pero sa totoo lang aukong maiwan ng mahal ko sa buhay..nyak..ang gulo..hehe...:)

January 31, 2009 at 11:58 AM
Anonymous said...

ako? i wanna die first bgo sila. ang lungkot2 kaya maiwanan. huhu.. madali pa nmn ako mlungkot. Babantayan ko nlng ang taong mahal ko. Naks naman! hehe..

January 31, 2009 at 12:07 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz