11/29/08


Love is blind but it ain't dumb... yan lagi kong sinasabi sa mga kaibigan at kapatid ko... pero parang di ko mai-apply sa sarili ko... kasi patuloy pa rin akong nag papakatanga ... don't even ask kung saan ako nag papaka tanga. Bakit ba ganito na lang lahat ng storya ng love story ko? Lagi akong kontrabida? Lagi na lang akong 3rd party? Lagi na lang akong may kahati? Lagi na lang akong nasasaktan? Ano ba ang ginawa ko to deserve this kind of love story? Naging maayoas naman ako sa mga past relationships ko ah?... Sorry if I've been so emotional sa mga sinusulat ko lately.. may na aalala lang ako thats why bumabalik yung pains, hurtings and everything that makes me blue... Tulad nga ng unang title ng blog na ito " i just wanna be loved thats all". Now tell me mahirap ba yun? Siguro sa ibang tao madali lang makahanap ng true love... at kahit na-paka pasaway ng guy sa isang relationship it doesn't matter to the girl... mahal pa rin siya... yun ang weird! Imagine nasasaktan na yung partner niya dahil sa mga ginagawang kalokohan ng mahal niya... eh mahal pa rin niya yung bf or gf niya... yun ang martir!!! Teka ako yata yung tinutukoy ko...

Anyway sa love alam kong walang certainty... lahat pwedeng magbago... 'di natin hawak an buhay o pag iisip ng ating minamahal... all we can do is to love her or him and hope for the best... hope for what their having right now will last... Bigla ko lang na isip ito... totoo bang nothing last forever? Pwedeng totoo at pwedeng hindi totoo.. Tulad ng sinabi ko it's up to you kung gaano kayo mag tatagal. Nalulungkot lang talaga ako now kasi pagod ng masaktan ang puso ko... haaayyy ang kawawang puso ko... dapat by this time mastered ko na yung pag control sa pains at hurtings ko pero parang kahit ilang daaang beses na akong masaktan... parang it always feels like the first time...

Gusto ko lang naman mag karoon ng maayos na relationship, maayos na love story... although I know hindi natin mapipigilan na may dumating na problema pero I think we could deal any kind of problem basta 'WAG lang yung may 3rd party or worst malalaman mong ikaw pala yung 3rd party... Yun ang mahirap sa mga panahong ito... kadalasan ang mga tao hindi makuntento sa isang ka-relasyon... usually kasi nowadays ang motto ng mga tao pag dating sapag re-relasyon ay "collect...collect... then you'll select" ABA TAMA BA YUN!!!!! Alam kong naranasan niyo na ang ganitong scenario sa buhay niyo and if not be thankful kasi hindi niyo pinag dadaanan ang mga dinaranas ng karamihan... I hope kahit magulo ang article ko may naintindihan kayo sa nabasa niyo... and if not... mas okay yun kasi that means wala kayo sa situation ng karamihan... hindi kayo myembro ng 3rd party group...

11/28/08

Have you ever been out of placed? Whether sa school, sa family occasions, sa friends? Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pag ka out of placed mo pero I can only say that I too have been left out most of the time, I have been dished out so many times that my heart is kinda immune to that awful feeling... Pero bakit ganon? Bakit parang 'di ko pa rin ma-master yung feeling of being left out or being unwanted? Mahirap kasing i-deal yung mga ganong mga feelings. I'm sorry if I'm not making any point in here, medyo sobrang daming pangyayari ang dumadating sa akin lately at lahat yun parang 'di ko na kayang i-contain... Siguro nag tataka kung anong ka dramahan na naman itong sinasabi ko... Oo siguro nga nag dadrama ako but what can I do? Actually masarap sanang i-deal itong mga garbage feelings na ito if theres someone na tutulong sa iyo... OH 'WAG KANG MAG RE-REACT!!! I really appreciate the things that you do for me... wether mapa kaibigan man kita, churchmates or LOVE... I really appreciate your help... Gusto ko lang ilabas itong sama ng loob ko. I really feel damn alone right now! The only thing that kept me from doing stuffs na ikakasakit ko or ikamamatay ko ay yung love mo... yes you read it right... yung LOVE mo!!! I really appreciate the way you treat me... how you love me gives me strength para 'di ako tuluyang ma-depress.

I hate being alone although I know that there are a handful of souls na nag sasabing mahal nila ako and they truly care and I thank you for that. I just wished I have somebody na pwede kong sandalan pag tila ba nanghihina na ako, may mag papakalma sa akin habang pilit kong binabaha ang bahay namin sa mga luha ko, may babatok sa akin para magising ako sa bangungot na ito... sana nga bangungot lang ito pero sad to say... I'm not deaming... This is really happening to me... (poor me).

alam mo actually nag bago na ako nitong lagay na ito... sati kasi pag nalulungkot ako at nag durugo ang puso ko... I usually cut myself until ma-over come nung sugat ko yung pain ng heart ko... I'm happy to say na hindi na ako ganun... I finally found a reason kasi to stop hurting myself... pero now that I'm feeling blue, torn and left out parang unti-unting bumabalik yung dati kong ways... I'm scared kasi parang I'm starting to feel all alone again... although I know that I shouldn't feel that way kasi nga I have those people that are trying so hard to fill me up with their love and of course I have her... Haaayy! Ang gulo ko talaga noh? Sorry if medyo mahaba itong article ko... Next time na may makita kang friend na nag sisimulang ma-out of place sa group niyo... try mong kausapin siya... maybe ikaw lang pala ang hinihintay niya... you could really make a difference by showing them that they are not alone... that they have you as their friend... maybe you could even save them from certain death... They are waiting for you... lapitan mo na siya and reach out...
Isa sa mga pinaka ayaw kong mangyari sa akin ay yung maiwang mag-isa… sino ba naman ang gusting maiwan na mag-isa? ‘di ba wala? Anyway kanina… naramdaman ko na naman yung pagiging “lonely” ewan ko ba kung bakit or siguro alam ko yung dahilan ayoko lang aminin sa sarili ko. I know pagod na kayo sa kaka sabi na hindi ako nag-iisa or mahal niyo ako… don’t get me wrong, I know that you all love me… pero hindi ko naman ma-express sa iyo how much I care, how much I need you, how much I love you. Mahirap din kasing i-express yung love mo kung puro text lang ang gagawin niyo… kailangan din naman siguro ng physical presence ng taong mahal mo… tell me how can you express you love that person if kahit minsan ay hindi mo pa nakakasama yung taong mahal mo…

Naiisip ko tuloy kung ano kaya ang feeling ng may karamay ka sa bawat problems na dumadating sa buhay niyo? Grabe ang sarap siguro nun… I’m so pathetic… masyado na yata ako naghahanap or nag crave sa love…ganun nab a ako ka desperado? Hindi naman siguro… gusto ko lang may makasama, may makakulitan, may malambing, may mag aangat sa akin everytime I’m down or something… oo nga at madaming nag sasabing mahal nila ako pero… ewan! Siguro ako ang may mali or may problema. Hindi lang siguro ako marunong mag appreciate or insensitive lang talaga ako… I admit madalas mali ako or sarado masyado ang puso ko pag dating sa love… you know why? Kasi up to now takot pa rin akong masaktan, takot pa rin ako sa mga promises, takot pa rin akong umasa at mag hintay pero believe me when I say I really appreciate all the things, all the love and caring that they gave me… what I’m having right now is kinda what you call
“phobia”. Pero hindi mo ako masisi kasi nasktan talaga ako sa mga past relationships ko… I wanna learn how to trust again pero my stupid fears are stopping me… I wanna love… don’t get me wrong… I’m in love now pero I’m still holding back… I really anna give her my everything… my all to her. I’m hoping that someday she will take this fears away from me… madami ang mag sasabing only me lang ang makaka pag pagaling sa broken heart ko at sa mga fears ko… yes may point kayo pero wouldn’t it be nice if may tutulong sa akin upang makapag bago. Diba sabi nila “time heals all wounds” Yah! Tama sila pero if time alone ang aasahan mo aba good luck na lang sayo… Mas mapapabilis pag may pupuno sa emptiness sa heart mo, mas mapapa bilis if may mag mamahal sayo ng tapat at patutunayan niyang hindi lahat ng tao ay parepareho pag dating sa love… I’m happy what I’m having a good time right now with her at mahal na mahl ko siya… and I think I finally found the one who will truly love me…

11/26/08


Love can be the greatest feeling on earth but it can also be the worst feeling anyone could ever feel in his entire existence… pero bakit ganon? Kahit alam natin na walang kasiguraduhan na mag-tatagal kayo at may possibility na in the end masaktan ka lang bakit pilit natin hinahanap yung feeling that we are loved? Bakit lagi tayong sumusugal pag dating sa pagmamahal? Bakit lagi tayong handang masaktan? Sa totoo lang hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong ko… pero isa lang ang alam ko… “It makes me feel alive” Why? Siguro whether I feel the greatest hurt or the greatest love, sheer bliss or bucket of tears, on top of the world or at the bottom of the damned chain… mas gugustuhin ko pang ma-in love at masaktan ng paulit-ulit kaysa naman sa mga libo-libong tao na nakukuntento na lang sa patingin-tingin at laging nag play safe when it comes sa love at relationships. Oo nga at walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay lalo na pag relationships na ang pinag usapan… Pero that doesn’t stop me from falling in love again... kaso minsan nga lang nakakasawa na yung laging nasasaktan, yung laging iniiwan at laging pinag itripan lang ang puso kong walang ibang ninais kundi ang maramdaman na mahal siya.. I'm really tired and I'm about to lost hope and the will to survive... ewan ko ba kung bakit na lang laging lapitin ako ng mga kamalasan pag dating sa pag ibig... Pero just like I've said... whatever I'm having right now with the one I love kahit medyo malabo kung saan ba talaga papunta itong "relationship" namin HINDI ako susuko... kahit in the end I know isa nanaman akong talunan... Talunan nga pero at least kahit sa sandaling panahon naranasan kong mag mahal at mahalin... Some of you would say that masyado akong pathetic or masyado akong nag ccrave sa love and affection... siguro nga yun yung dahiln kaya hanggang ngayon nag papaka martir ako... siguro sobrang mahal ko talaga siya kaya willing akong mag hintay sa kanya... siguro sobrang matindi yung loveko for her that I'm being blinded by the truth... Mahal ko siya... kahit di pa kami nag kikita.. Yah you read it right... 'di pa kami nag kikita... and I really don't know if mag kikita pa kami... okay lang, Mahal ko naman siya... yun nga lang naiinggit ako pag may nakikita akong couple... I wish this time I'm making the right decision. I will be forever faithful sa taong 'di ko pa nakikita... life's sucks and mas lalo na ang love pero if ang masaktan lang ang reason para ma feel ko na somehow I'm still alive... hindi ako mag sasawang mag mahal...


*mahal na mahal kita
Naiinis na talaga ako sa nangyayari sa kaibigan kong may asawa na… Remember her? Siya yung topic ko before na laging binubugbog ng hubby niya tuwing nalalasing siya at pag tumatanggi yung friend ko makipag make love sa kanya… Last weekend nag kita kami and when she saw me she hurridly hugged me… sobrang nadurog heart ko when I saw her eyes… namumugto at yung left eye niya may black eye… Damn that bastard!!! I really don’t know what to do or what to say so I just hugged her so tight until kumalma na siya sa pa-iyak niya. We went inside and she kept on crying… wealness ko pa naman yung mga girls na umiiyak… natataranta ako at ‘di ako mapakali habang kinukwento niya yung mga nangyari sa kanila ng asawa niya. Habang sinasabi niya sa akin yung mga pinag gagagawa ng abnormal niyang asawa sa kanya… I can feel this anger slowly swelling sa heart ko… gusto kong patayin yung asawa niya… well actually hindi ko muna siya papatayin… papahirapan ko muna siya tulad ng pag papahirap niya sa kinakapatid ko… Kung alam ko lang talaga na mag kakaganito yung buhay niya with that bastard… tumutol n asana ako sa marriage nila in the first place.

I really feel bad about her situation, ano ba pwede kong maitulong? I have to help her… Na alala ko tuloy nung medyo bata pa kami… isa siya sa mga tumulong na ‘wag akong sumuko sa buhay… cause before sobrang baluktot ang pananaw ko sa mundo… galit ako sa mundo and everything in it pero dahil sa love nila for me… nabago ako… and now that she needs my help… I have to do something…

Habang nag-iisip ako ng pwede kong maitulong sa kanya, napaisip ako bigla… bakit ba may mga ganoong klaseng lalake? Sa umpisa ang bait bait, akala mo santo… Wala daw siyang bisyo, ‘di nananakit ng babae, mamahalin daw niya yung girl pag nagging sila, hindi paiiyakin at kung ano-anong pangako ang sasabihin na akala mo tatakbong pag ka presidente ng Pilipinas… Wala silang ibang ginawa kundi ang mag pa bango ng pangalan sa lahat ng kaibigan at pamilya nung girl… Sagana sa pag bibigay ng regalo at pag bibigay ng love, attensyon at kung ano-ano pa…
Pero pag nagging sila na… AYUN LALABAS NA ANG TUNAY NA UGALI!!! Kung dati ang sweet-sweet niya pag mag kasama kayo, pero ngayon malamig pa siya sa ice candy na mabibili sa tindahan, kung dati ‘di ka niya masigawan kahit isang bundok ang atraso mo sa kanya… pero ngayong kayo na… kahit maliit na pag kakamali mo sobra na siyang magalit.. naninigaw, nananakit at nag babantang makikipag hiwalay sa iyo… LOKO ba siya?!?

What’s my point? Gusto ko lang imulat ang mga bulag mong mata!!! Bago ka makipag relasyon, kilalalin mo muna yung taong mamahalin mo, napaka liit ng porsyento na hanggang huli ay maayos siya… lahat ng tao nag babago kahit ako mismo nag-babago din hindi ako exempted dun … it’s either mapapasama siya or mas magiging maayos siya… it’s up to you… Ayokong matutulad ka sa kinakapatid ko… tama nga sila… nasa huli ang pagsisisi…. Kaya ‘wag ka ng dumagdag pa please lang. Mahirap pag kayo ang nag katuluyan tapos malalaman mo na ‘di pala kayo ang bagay sa isa’t-isa… Hindi lang yun para sa mag aasawa… pati din yun sa mga papasok sa mga relationships… Be sure that you really know your soon-to-be gf or bf… Kasi pag pumasok ka sa relasyon ng ‘di mo siya gaanong kakilala may tendency na sooner or later lumabas na yung tunay na kulay niya sa iyo… I just don’t want you to get hurt tulad ng pinagdaanan ko dati and still pinag dadaanan ko pa rin up to now…

I want you all to meet Rachelle... my sister... although 'di talaga kami mag kapatid still I treat her as if tunay ko siyang kapatid... sa amin na siya nakatira and honestly napapasaya niya ako everytime na inaatake ako ng depression lalo na this past 2 weeks... she really lifts me up when I'm down... I hope you too can have your own stress reliever

11/20/08

Wouldn’t it be nice if there is someone who would care for you, love you, or even hold you tuwing nalulungkot ka at nag-iisa? Wouldn’t it be nice na may nakakasama ka tuwing sad and feeling blue ka? Wouldn’t it be nice if there is someone out there who really do anything just to make you smile? Ang sarap siguro ng ganoong feeling… yung feeling that somehow you belong to someone…someone who cares for you, someone who loves you, someone who is willing to go heaven and hell just to see you smiling…

Earlier while I was bumming around sa mall I saw this young couple who is very much in love sa isa’t-isa…I thought it would be nice to check them out so I sat beside them. As I was watching them I saw them doing those P.D.A stuff… They were holding each other’s hand so tight and talking to each other as if sampung taon silang hindi nag kita.. Get the picture? I watch them silently wishing that I was that guy… I can’t help but to feel kinda lonely. “When was the last time somebody did that to me?”
Damn! I can’t even remember when (sucks!!). Ang sarap sigurong may kayakap pag nag-iisa, may nakakausap pag nalulungkot at may nahahawakan pag tila ba ang lahat ay iniwan ka. Pero ang lahat ng ito ay para sa akin hanggang pangarap na lang… Simula pa lang nung bata ako lagi na lang akong iniiwan ng mga taong pinakamamahal ko, ewan ba! ‘Di naman ako masamang tao it’s just that before I get too attached sa isang tao… lagi na lang kinukuha siya at inilalayo sa akin. I guess I was destined to be always left behind.

All I wanted is to feel loved and be loved… yun lang! Mahirap ba yun? Gusto ko lang maranasan yung sinasabi nilang bliss na nakukuha kapag may nag mamahal sa iyo. Napapa-isip tuloy ako… bakit ba ang hirap makakita ng taong mag pupuno sa heart mo ng kind of love you are looking for… and sometimes when you do find that person… and after mong ibigay ang lahat-lahat sa kanya you would soon realize that isa lang pala siya sa stepping stone mo towards sa true love mo… pero bakit ganun? Bakit kailangan mo pang masaktan para lang makita mo yung tunay na ugali nya? Bakit? Minsan nakakasawa na din yung ganito tayo palagi… yung iniiwan ng mga taong pinakamamahal natin.

After a couple of minutes of staring at them.. They suddenly stood up and left me all alone sa bench… haaay pati ba naman dito sa upuan iniiwan akong mag-isa.

Have you seen those documentaries about wives being beaten to death, daughters being molested by their own fathers or their brothers, mothers who have been their son’s punching bag? I’m pretty sure na nakapanood na kayo ng mga ganyan palabas or nakabasa na kayo ng mga ganyang balita… pero let me ask you something, may kakilala ba kayong ganyan ang situasyon sa buhay nila… yung araw-araw nabubuhay sila sa takot at sakit hindi lang sa katawan kundi pati na sa damdamin nila? Kung nababahala at na aawa kayo sa situasyon nila kahit you don’t know them personally well let me tell you this, iba ang mararamdaman mo pag sa kakilala mo nangyari ang mga ganyang bagay! I don’t know kung lingo ba ng pananakit sa mga babae ngayon or nagkataon lang na madaming nag o-open up sa akin ‘bout their situations now with their love ones…

“LOVE ONES…” ‘di ba dapat yung mga love ones natin ang nag bibigay strength sa atin pag tayo’y nanghihina, ‘di ba dapat sila yung nag tatanggol sa atin sa mga kaaway natin at ‘di ba dapat sila yung nag paparamdam na mahal nila tayo? Pero what the *&^$%#G hell are they doing? Bakit nila kinakailangan saktan ang mga mahal nila sa buhay…

I have this friend whom I really treasured, kasi siya yung isa sa mga kakaunting tao na nag papahalaga sa akin… she’s already married na and to tell you the truth… hindi nagiging maayos ang relationship nya with her hubby lately… lagi siyang binubugbog sa bawat maling ginagawa niya at pag nalalasing yung pesteng asawa niya at niyayang mag make love sila ng friend ko binubugbog niya muna ito bago niya simulan yung bagay nay un… $H!+ siya! Asawa ba tawag mo dun? Na awa ako nung nakita ko yung mga pasa niya sa buong katawan niya… parang dinudurog yung puso ko tuwing napapa iling siya pag hinahawakan ko yung mga sugat at pasa niya sa katawan. ‘di ko napigilan umiyak noong gabing iyon… Bakit ba may ganung tao sa mundo? Hindi sila marunong mag pahalaga sa mga taong mahal nila… For me kasi girls should be treated as if para silang mga princess, whether maganda siya or hindi, dapat pa din sila igalang at mahalin… Call me old fashioned guy or corny pero ganun talaga ako eh… And I won’t change ‘coz you find me corny or what… Lahat tayo may mga kapatid na babae(kahit makulit), may mga nanay(kahit nagger at super strict), may mga kaibigan na babae(kahit madalas ‘di mo siya maintindihan) at may gf ka(kahit madalas away-bati mode kayo) Pero ang point ko is mahalin mo sila bilang “sila” ‘wag mo sila sasaktan kasi if you truly love that person ‘di mo magagawang saktan sila… Maswerte ka kasi may kapatid ka, may nanay ka, may kaibigan at maswerte ka kasi may gf ka… yung ibang tao wala kahit isa sa mga nabanggit ko…

Communication na yata ang isa sa mga pinaka-mahalagang tool sa isang relationship along with trust, love, patience, etc… and without it, I really don’t think that whatever you’re having right now will last… Madami na akong narinig na mga relationships na nasira dahil sa kawalan ng communication sa isa’t-isa… and to tell you honestly… I’m stuck with this kind of situation (again…) It’s really hard to express your love for that person when she’s literally a hundred miles away from me. Well enough of me and back to my insights…

For me walang reason para ang isang relationship ay mawalan ng communication… my God napakarami ng ways for you to reach out your love one kaya ‘wag mong gagawing reason yung wala kang mahanap na ways para ma-contact siya… May internet, may cell phone, may LBC na din and not to mention our snail mail… mamili ka kung what soothes you best… basta ang mahalaga mapa-abot mo sa minamahal mo yung gusto mong sabihin… ‘Wag mong hahayaan na maputol ang communication niyo!!! Importante yun!!! Huh? You’re asking me why it is important. HELLO!!! Isipin mo nga ito…

Kapag naputol ang communication niyo may tendency na manlamig siya sa iyo and of course ikaw din for sure manlalamig ka sa kanya… and that’s a big NO! NO! And one more thing what if mag karoon siya ng problema? Sino ang makakasama niya kung isang daang milya naman ang layo niyo sa isa’t-isa at ‘di ka pa nagpaparamdam kahit through text messaging man lang… Hindi mo siya masisi if makahanap siya ng isang tao na willing siyang samahan at pakinggan siya sa mga problema niya… and you know damn well na once naging close sila… you might lose her/him…

Siguro if matagal ka ng nag babasa ng BLOG kong ito medyo mapapansin mo na parang kakaiba ako sa lahat ng mga taong nakilala niyo… well except for the fact na para akong emo kung magi sip… may mga paniniwala akong medyo di pang karaniwan or ‘di na uso… Gusto kong mag concentrate dun sa part ng pagiging emotional kong tao… or better yet yung pagiging negative thinker ko… Madami ang nagtatanong or nagtataka if bakit ba ganito tumakbo ang isip ko? Or bakit ba masyado akong malungkutin? Siguro yung tanong kung bakit ba ako laging malungkot ay nasagot ko na sa mga previous articles ko. Dun ako iikot sa pagiging negative ko….

Negative thinker… bakit nga ba ako nag ka ganito? Kailan ba ito nag simula? At sino ang may dahilan kung bakit ako nag ka ganito? Yan ang mga tanong na medyo nahihirapan pa akong sagutin up to now… siguro kaya ko nga sagutin ang mga tanong ko sa sarili ko its just that natatakot lang ako sa katotohanan…

Madami akong pwedeng ibigay na reason kung bakit ako nag ka ganito pero I could fit all of those reason sa isang phrase… “WALA AKONG CONFIDENCE” … siguro dala na din ng mga past experiences ko sa buhay kaya unti unting nawala yung tiwala ko sa sarili ko… for example… everytime I tried to get up para mag bago tsaka naman may dadating na 100 reason why I should feel bad ‘bout myself…gets mo ba? Sa totoo lang gusto ko na talagang mag bago pero how? Yan lagi ang tanong ko sa sarili ko…Paano ako mag babago if wala naman akong mahanap na reason why I should change… lagi na lang kasing may dadating na bad news or news na nakaka panghina kaya yung plano kong baguhin yung way of thinking ko napapako na lang madalas. Oo madaming taong nag sasabi na mahal nila ako pero…. Haay… pero ‘di naman talaga nila ako naiintindihan.

Pag uunawa at pasensya… yan minsan ang hinahanap ko sa mga taong nag sasabing mahal nila ako… I’m sorry nga pala sa mga kaibigan kong nag mamahal sa akin… It’s just that gusto ko lang i-explain why I’ve been acting kinda strange lately and sana ‘wag kayo mag-sawa sa akin. Gusto ko lang malaman niyo kung bakit ba ako negative thinker for you to understand me a little bit more.

Sa totoo lang gusto ko na talagang mag bago kaso natatakot lang ako ‘cause baka one day masaktan lang ulit ako… siguro you can call that as my greatest fear… TAKOT AKONG MASAKTAN ulit… pero we both know na normal lang sa buhay natin ang masaktan… YUN NGA ANG POINT KO EH!!! Bakit kailangan maging normal sa buhay natin yung pain and sufferings… nakakasawa na kasi eh… What? For we can learn something from our pains, for us to be strong emotionally, for us to be prepared sa mga darating na mas matitinding hirap? Dun ako naguguluhan…

Sana sa mga makakabasa nito… I hope that you could be one of my reasons kung bakit ko nanaising mag bago at ‘wag naman sana na maging another reason kayo ng pag stay ko as a negative person… please help… please try to understand me… I really do wanna change… IKAW!!! Yes you!!! Would you be that person na mag bibigay sa akin ng reason for me to quit or are that person who’ll pick me up and try to give me reasons why I should change…



11/16/08


Sorry again if I hadn't been writing this past few days(again) Anyway, I really don't know what to write.. correction, maybe I have an idea on what I'm suppose to write kaso natatakot ako isulat ito.... what the heck... here I go again.


Lahat tayo na inlove na di ba and for sure lahat tayo naka expirience na ng iba't-ibang klaseng relationships. May long distance, may "May-December-love-affair", yung iba nga may same sex relationships pa... pero na in-love ka na ba sa isang tao na pag aari na ng iba? I'm not talking about yung type of relationship na nain love ka sa gf ng friend mo or bf ng friend mo.... you got me all wrong... I was trying to explain if na in-love ka na sa isang taong may asawa na? Shocking right?

Madami akong nababasa at naririnig na mga ganitong kwento... for me it's kinda wrong... well, MALI pala dapat yung word na ginamit ko. But I can't blame them... 'coz na expirience ko na yun a few years back
when I was still confused and pretty messed up... I met this girl sa isang waiting shed sa Ortigas.. She's really pretty and kinda hot... and I found myself drawn to her by her beauty... we started dating and soon we really got close. Kaso this angelic girl has a secret... she's married and she's a battered wife.. lagi syang sinasaktan ng hubby nya, I really don't know what to say or even what to do after I heard her say that she's in love with me.... kaso may asawa na siya. Ang nag pagulo pa nun ay unti-unti na akong nahuhulog sa kanya... I know it's wrong but it felt son good... eventually naging kami... and to tell you the truth it was a bumpy ride for 8 long months.. until nag kahiwalay na kami kasi ako na rin yung umayaw... binatukan yata ako ng konsensya ko... ayokong makasira ng relationship... I have to let go of love kahit na I'm craving sa pag mamahal na kahit kailan 'di ko naramdaman...

Tuwing na iisip ko yung chapter ng buhay kong iyon natatawa na lang ako kasi ganon pala ako ka desperado sa pag hanap ng taong mag mamahal sa akin... well actually desperado pa rin naman ako eh... pero not that much...

11/12/08


Sorry if I hadn't been writing this past few days... well i'm not that busy.. it's just that madami lang akong iniisip... Ano iniisip ko? MADAMI!!!! mostly about how my heart acts kinda weird this couple of weeks...

Well what to write?... hmmm

You know what it's kinda sucks pag yung kaisa-isang tao sa buhay mo na nagpapasaya sa iyo ay unti unting lumalayo... (hey I know your reading this) Actually hindi naman totally lumalayo... siguro unti-unti ng nawawalan siya ng time for me... I promised before that I'm not gonna use the first person perspective here sa blog ko but what the heck...

Anyway lahat tayo may mga pinag kukunan ng lakas to overcome each and every damn obstacle sa buhay natin... yung tipo bang sa kanya tayo lumalapit pag nalulungkot tayo or nangangailangan ng taong makikinig sa atin at mga walang kwentang problema natin, sa kanya tayo humuhugot ng lakas para mabuhay, sa kanya tayo yumayakap pag tila ba tinalikuran tayo ng mundo and we always expect that may maibibigay siyang payo or comforting words sa atin each time we run to our "lifesavers" pero what if yung taong iyon ay unti-unting nawawalan ng time sayo... hindi siya lumalayo pero hindi mo na rin siya maramdaman.. gets mo? Buti ka pa gets mo kasi ako HINDI!!!! All I want is to have someone to hold on pag nanghihina ako, someone who will love me, someone who I can call"mine". Would it be nice to have that kind of "someone"? Everyday parang nararamdaman ko na nawawala na yung taong pinaka mamahal ko... mahal ko siya... and I know that she loves me too... I hope bumalik na siya... I really miss the old "her"



*
paki usap bawal ka mag comment if alam mo na ikaw yung tinutukoy ko and for the rest of the readers you can make your comments here...
just text me...

11/5/08


I really hate it somebody leaves me... hindi ko ma-explain yung pain and heaviness within me... I know all of us are afraid to wake up one day knowing that our friends, families and even our special someones are going to leave us... that really sucks... take it from me.. halos lahat yata ng nakilala ko at pinahalagahan ko ay kinukuha sa akin agad. I don't know why but it feels like I'm destined to be all alone for the rest of my existence... Maybe your wondering kung bakit ako nag kakaganito... actually hindi ko din alam.. Maybe it's just that medyo madami na naman ang umiiwan sa akin... specially my friends... ewan ba, kasi kapag ako nag pahalaga sa tao I make sure that I won't give them any reson to leave me pero bakit nangyayari ito(ulit) sa akin? Hindi ba ako naging mabait sa kanila? Hindi ko ba naibigay ang lahat-lahat ko?

I just wish that someday maiiba naman yung takbo ng buhay ko... nakakapagod na kasi na laging iniiwan at binabaleawala ka ng taong kahit kailan ay 'di mo binalewala... I know I'm not making any sense her.. All I want you to know guys is that before you leave somone behind... isipin mo man lang yung mga good memories niyo... yung mga pinag daanan niyo... kasi it's painful pag lagi ka na lang iniiwan...

11/3/08


Trust.... Mahirap pag ito ang nawala... mahirap mawalan ng tiwala sa sarili... sa mga kaibigan... sa pamilya... at sa taong pinaka mamahal mo...

Pero bakit ba tayo nawawalan ng tiwala sa mga taong pinaka mamahal natin? Ewan... siguro it's just that may ginawa silang 'di maganda sa'yo at ang resulta ay pagkawala ng tiwala mo sa kanila... lahat tayo ay may mga ganitong situwasyon... siguro nasaktan ka ng kaibigan mo, ng magulang mo or worst nasaktan ka ng taong pinaka mamahal mo...

For me ito na yata yung pinaka worst... just imagine na that person taught you how to trust.. how to love and yet in the end siya din pala ang sisira ng tiwala mo and not to mention pati yung puso mo.. I don't know kung paano niya sinira yung tiwala mo sa kanya... siguro naging two timer siya at naging unfaithful, nag sinungaling siya sayo about something, or may binali siyang pangako sayo pero isipin mo ito... kahit in the end eh magka hiwalay kayo... hindi na maibabalik yung tiwala mo sa sarili mo at sa mga taong nakapaligid sayo... feeling mo lahat sila is out there to hurt you... siguro thats why may mga man haters at woman haters.. I can't blame them... Biktima lang sila ng mga mapaglarong tao...

Anyway, matagal bago mabuo ulit yung trust sa sarili natin at sa mga taong nakapaligid sa atin... it takes time... and a great deal of love... one time in their life may dadating na bagong tao na willing na mahalin ka pero... may problem... nahihirapan kang magtiwala... I don't know if ano ba talaga ang tawag dun... phobia ba? At kahit alam mong that person is true at mahal ka nga niyang talaga... 'di mo magawang magtiwala... Effect yun ng past expiriences mo thats why you find it hard to trust again... your afraid that isa na naman siya sa mga taong mang loloko sayo... I know takot ka pero how can someone love you if hindi mo sila papapasukin sa buhay mo... life's a gamble... pero if lagi ka na lang mag play safe dahil your afraid... you won't get that far... learn to trust, forgive and forget... And maybe... dahil sa takot mong masaktan ulit... 'di mo na mamalayan na pinalalagpas mo na yung true love mo....
 


Blogger Template By LawnyDesignz