6/26/09


Dapat masaya ako ngayon dahil birthday ko at ng bestfriend ko. pero hindi, sa halip, nandito ako at nalulumbay, di ko pa rin matanggap ang nangyari noon.

Tandang tanda ko pa ang mga pangyayari isang taon na ang nakaraan.

Mas matanda ako kay Baby ng ilang taon. Kitang kita ko pa nga nang ipinanganak siya. Cute siya sa kanyang mamula mulang kutis at matatabang pisngi. Pero syempre, mas cute ako. Hindi yata ako papayag na mas cute siya sa akin.

Madalas kaming maglaro ni Baby. Kahit sa paliligo, sabay din kaming maligong dalawa. Para talaga kaming kambal tuko. Madalas kaming niloloko na kaming dalawa ang magkakatuluyan, pero napka imposible yung sinasabi nila kasi kapatid ang turingan naming dalawa.

Minsan isang araw, isinama ako ng nanay ko para magsimba sa Baclaran. Gusto ko nga isama si Baby kasi birthday naming dalawa, kaso lang, ayaw ni tatay. Baka daw mawala lang si Baby doon at saka dagdag lang daw siya sa abala.

Pagkatapos ng misa, hiniling ko kay inay na huwag muna kaming umuwi. Ipinagdasal ko kay papa JESUS na sana'y di na kami magkahiwalay. Mahal na mahal ko siya kaya kahit masakit na ang tuhod ko, sige pa din ako sa pag luhod at pagdadasal.

Pagdating namin ni inay sa bahay, nagulat ako dahil napaka daming tao sa bakuran namin. Kaya pala ako pinipilit ni inay na magsimba, may ihahanda pala siyang party. Nandoon lahat ng kaibigan namin ni Baby. Pero nagtataka ako dahil hindi ko mahagilap si Baby.

Pinuntahan ko siya sa paborito naming silong sa likod ng bahay at doon ko nakit ang ebidensiya ng malagim na katotohanan. Nilapitan ko ang mesa ng mga handang pagkain at doon ko nakita ang krimeng ginawa ng aking tatay.

Wala na si Baby, patay na siya. Pinatay siya ng tatay ko! Huli na ang lahat, kinatay na ni tatay si Baby.

Wala na ang BESTFRIEND ko...

Wala na rin kaming baboy.....

Huhuhuhuhu....

25 comments:

ahaha :))

hon natawa ako dun xobra hehe :D

mukha nanaman ako baliw hihi

i love you honey mwuah :*

June 26, 2009 at 8:07 PM
saul krisna said...

@ honey ko
love you so much honey ko... tulog ng maaga huh... magkikita naman tayo sa cubao bukas eh...

mag gagala ba tayo?

date?

kain sa labas?

kiss?

hug?

holding hands?

......?

June 26, 2009 at 8:12 PM
CHONG x] said...

"pigs are friends, not food. " hahaha . jowk. kaLa qo nmn kun anu na .

June 26, 2009 at 8:17 PM
Yza said...

naalala ko nga c Babe un baboy na maarte magsalita. hahaha. :)

June 26, 2009 at 10:11 PM
batang narS said...

hahahahaha.pambihira..akala ko horror.nyahahahah

June 26, 2009 at 10:26 PM
chikletz said...

putek.. haha! whew! bumilis tibok ng puso ko dun ah.. haha! kulet!

haberday!!

June 26, 2009 at 11:47 PM
iamloved said...

salamat po sau :)

June 27, 2009 at 12:13 AM
HARI NG SABLAY said...

haha sabay pala kayo maligo ni baby ah, hndi ba yuck gross eewww yun?haha

mhirap nga nman tlga pg napalapit ka sa isang hayop,ako walang alagang hayop...


bird lang,lols

June 27, 2009 at 2:26 AM
saul krisna said...

@celine(my kapitbahay)

musta na? hahaha friend ko si baby kaya love ko yun... hahaha

@sis yza

haha babe ba kamo? malandi yung baboy na yun... di ko siya type... hahaha

@batang nars
horror yun... medyo may comedy lang sa huli... fiction lang naman yung post ko eh... epekto ng kakapanuod ko ng babe

@sis chikletz

hahaha bakit naman bumilis tibok ng puso mo? may high blood ka ba? musta na ang sipon mo?

@iamloved

hmmm salamat saan?hahaha anu ba ginaa ni kuya saul mo at nag thank youka?ulianin na yata ako ah...

@hari ng sablay

loko... FICTION lang yun...wala pa akong nakakasabay maligo sa buong buhay ko except sa laruang duck at si jowa.. hahahaha joke lang huh... baka maniwala ka sa sinabi kong sabay kaming maligo ni jowa... how i wish. totoo wahahahaha

June 27, 2009 at 10:32 AM
khuletz316 said...

you got me!!!

hmmp...kala ko pa naman girl playmate mo un..baboy pala...kaw talaga...eheheh...galing mo talaga story teller...naaaliw ako

June 27, 2009 at 12:18 PM
khuletz316 said...

happy birthday sa'yo...kala ko july 22 ung birthday mo...

June 27, 2009 at 12:19 PM
collen said...

ahaha..akala ko kung ano naman na yung kwento mo!

June 27, 2009 at 2:41 PM
Cayy Cayy said...

Mygas ah! nagimbal ako! kala ko kung anong patayan na ang nangyari [[: hmpf ! nadali mo ko don kapatid [[:

June 27, 2009 at 3:33 PM
PABLONG PABLING said...

masarap ba si baby? :)

June 27, 2009 at 5:00 PM
superjaid said...

haha akala ko drama..naman!haha Ü piggy pala si babe..haha ngapla,di ako takot sa mumu,wala namang mumu talaga di ba?*tingin sa likod* di ako takot..promise!hahaha Ü

June 27, 2009 at 5:42 PM
saul krisna said...

@ate kuletz316
hmmmm july 22 talaga ang bday ko....lapit na ang kaarawan ko ate...gift ko?cash lang huh...bawal ang in kind(kapalko talaga) hahahaha

@collen(adik)
hahahaha mas maganda yung sa iyo na post..nakakalasing kasi

@ sis cayy cayy
hahaha patayan naman yung storykoah...este katayan pala ng baboy

@pappy
hahahaha yupmasarapsi baby....busog...perofiction lang yun eh...imahinasyon kolang...epekto ng movie na "babe"

@superjaid
mumu?ano kamo? hindi ako takot dun...mas takot ako sa gf ko... hahahahaha

June 27, 2009 at 6:20 PM
pau : ) said...

kua..
grbe ka..
gulat ako..
kala ko killer tlga tatay mu..hehehe
pasawy..
ingatz parati.. : )

June 27, 2009 at 8:56 PM
Ish said...

lol. kawawang baby! tsk tsk tsk.

June 28, 2009 at 12:39 AM
JasOnizeRs said...

Hi..heloO pOh, pwe bumati???

"Hi sa nanay at tatay ko diyan sa amin
at sa mga kapitbahay ko, kumusta na kayo!?
Mabuhay tayong lahat!! : )

Yun lng..Salamat ng marami.."NAPADAAN"

June 28, 2009 at 6:33 AM
saul krisna said...

@jasonizers

hahaha adik!!!! ginawa mong radio station ang blog ko... hahahaha natawa ako dun ah.... salamat sa pag dalaw parekoy

@ ish

hahaha bakit kawawa si baby? sarap nga niya eh

@ pau pau
musta na sis? anu okay ka na ba? hehehehehe ... miss you

June 28, 2009 at 4:55 PM
sMackDaT said...

prE, Aus Ah...

BaBoy lNg pLa un...

Gling mu...

Kip it UP..

MoRE POweR!!!!

June 28, 2009 at 8:56 PM
kheed said...

lintik! akala ko naman chickas itong si baby.. haha

paano ka naman nagpaalam kay baby? naiyak ka ba nung nakita mo sya habang nakahain sa lamesa? haha

June 28, 2009 at 9:17 PM
Dhianz said...

sad naman... nalungkot den akoh... teka... nga palah sensya nemen ngaun lang akoh nakarating ditoh bro... ayos kah nah?... okz na kayo nang mahal moh?... i'm so glad to hear from u again and i'm so glad dat 'ur back... i saw 'ur pixs... u look great naman.... aliw naman nag-reveal kah nah... pero eniweiz u don't really have to prove anythin' to anyone... u know da truth 'urself... eniweiz balik usapang baby... sad... sad akoh sa mga kinakatay na animals.. kaya never akoh puwede sa mga slaughter farm.. akoh atah unang mamamatay.... teka... ang swit nung first 2 komentz ohhh.... kaya nemen palah pagpasok koh pa lang ditoh eh nagkalat na ang langgam... i'm glad na ok na kayong dalawa.. wish yah two all d' best... take care good care of each other... trust lang and faith in Him... Godbless! -di

June 29, 2009 at 4:54 AM
saul krisna said...

@ kheed

hahaha ang dumi mo talagang mag isip... joke lang!!! babaeng baboy si baby!!!! cute nga eh

@ lil sis dhianz
teka 3 beses kong binasa yung sinabi mo? hahaha...i look great? adik ka ba sis? hahahahaha di nga ako cute or gwapo or ... ahhh basta... anyway glad at naka dalaw ka na sa blog ko... musta na ang emo kong kapatid? hehehehe ingat

@ smackdat

ano kamo? magaling ako? sino? saang banda ako magaling?(pa humble pa ako kuno) wahahahahaha

June 29, 2009 at 3:56 PM
raulxhikki said...

Jusko... baboy pala un hahaha, ung naiisip ko ehh "girl" na tao XD...

naalala ko kapitbahay namin na umiiyak nung kinatay baboy nila lol

July 2, 2009 at 6:11 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz