Hindi dapat ako mag po-post today kasi wala naman bago sa buhay ko at kakapost ko lang mag post the other day pero alam niyo naman na itong pag bo-blog lang ang outlet ko sa mga nararamdaman ko.
It all happened yesterday morning (September 24)… isang text message ang bumulaga sa akin habang nasa work ako and it says:
“..h0n.d2 aq emergency.d q n kya xkt tlga eh..”
Para sa hindi marunong bumasa ng short cut way ng pag te-text ito yung sinasabi
“..hon dito ako sa emergency. ‘di ko na kaya yung sakit eh..”
May sakit si gerlpren ko at hindi basta basta yung sakit na nadarama niya now… Ayon sa kanya nag low blood ulit siya(as in super low blood), umatake ulit ang UTI niya(super grabe din), nahihilo at nasusuka yata(Hoy hindi buntis si gerlpren!!!). Bigla ko lang na alala, kasi magkasama kami the whole day before at mukhang okay naman siya, di ko naman siya pinagod that day kahit isang tambak ang ginagawa namin project niya… tapos mababalitaan ko na lang sa kanya na nasa emergency hospital siya.
Sa tagal ko na siyang kakilala, 3 times na siyang nasugod sa hospital dahil sa sakit niyang UTI at pagiging low blood at this time mukhang lumala kasi kailangan daw niyang mag pa ultrasound(teka teka teka ang kulit niyo ah! Sabi nga’t hindi siya buntis…) Kailangan niyang mag pa ganun kasi baka may kidney stone na siya kaya nagkakaganun na siya.
Kahapon nung nag text siya parang gusto kong mag out na sa work para pumunta sa kanyang tabi at bantayan siya habang dinadanas niya yung pain na yun. Pero ano naman ang sasabihin ng mga magulang niya at ano naman ang sasabihin ko sa kanila?
Bigla akong napa imagine:
Ako: “Excuse me po, ah ako po yung BF ng anak niyo… kamusta na po siya?”
Tatay Niya: “Teka Bf ka niya? Iho hindi namin pinapayagan pa siyang mag BF… kaya habang maaga pa lang iwan mo na siya”
Peste! Kita niyo na? Ah wait ‘di ko pa yata nasasabi sa inyo na illegal kami sa side ng gf ko kasi “strict” daw ang parents niya… Anyway, ngayon ko lang na realize yung situation namin… before kasi, ayus naman kami kasi theres no need para mag kita o ipakilala ako sa mga magulang niya at okay na ako sa ganung set up(di pa lang siguro ito yung right time para ipakilala ako)pero biglang nag iba ang ihip ng hangin kasi heto ako ngayon at nag ta-type sa harap ng computer at siya naman ay nakahiga sa isang hospital bed at nahihirapan… gets niyo ba yung pakiramdam ko? I know it’s not my fault pero I just wish may nagagawa ako for her tulad ng pag bantay niya sa akin nung na hospital ako… ‘di niya kasi ako iniwan habang nagdidiliryo ako sa hospital.
Kanina nga naisip kong isuot ulit yung uniform ko ng Jollibee at mag panggap na isang delivery guy para lang makita ko siya at makamusta… pero parang sobra naman yun… ewan ko ba, natutuliro lang ako… Hope you understand me.
Guys… if okay lang sa inyo… if may time kayo kahit 20 seconds lang, pag pray niyo si Michelle…Alam kong powerful ang prayer kaya lumalapit ako sa inyo para ipag pray natin siya. Salamat sa mga mag dadasal… salamat.
*Get well soon honey…. I love you… hope to see that smile again across your lovely face.
17 comments:
sana gumaling na si ate michelle..lam ko kung gaano kasakit yung pain na dulot ng UTI, kasi naisugod na rin ako ng hospital dahil meron din ako nun dati..uhmm..try mong gawin yung magpanggap na delivery boy kuya..para makita mo siya o kaya magpanggap na nurse..i know its an absurb idea pero para matahimik ka gawin mo yung mga tulad nun para lang makita siya..
September 29, 2009 at 8:05 PMaw kawawa nmn....
September 30, 2009 at 9:40 AMhmm hirap nga ung gniang d legal...
pero hnty hnty lang kua...
magiging legal din kau..
d ka b pwedeng magpanggap na friend nia tapos dlaw ka dun?
o kya magsma ka ng madming tao para kunwari magkakatropa lang tlga kau, tas gusto nio xang dalawin..
db?
mis u kua.. : )
..ahaha..my ganon pa..eun..auz na ako..balik na sa dati :))
September 30, 2009 at 8:37 PM..hon, thank you sa prayer @ sa iba n rin..
..thank you tlaga..i love you po..mwuah.. :*
naku pareho pala kami ng gf mo. may UTI din ako kaso di pa naman ako nadadala sa hospital dahil sa UTI. anyway, sana gumaling na ang gf mo :)
October 1, 2009 at 6:05 PMI am praying for Michelle.
October 1, 2009 at 7:03 PMAbset ako kasi napagaod ako sa 3 days na paglalangoy sa baha. Isa kami a mga biktima ni Ondoy. hehe.
Thank God everything is ok now. Di pa kami tapos maglinis.
Parang isang scene sa My Sassy Girl yung pag nagsut ka ng jolibee uniform just o see her. i m so happy for you both. :)
@superjaid
October 1, 2009 at 7:12 PMhuh meron ka din nun? meron din ako nun... kaso medyo mas malala yung kay gf... salamat daw sa concern... kasama ko kasi siya now...
@sis pau
wow miss ako ng kapatid ko
anyway sana nga maging legal na kami... teka musta na lablyf mo? txt txt na lang sis
@my sweet mommy mitch
October 1, 2009 at 7:13 PMi love you too.... kip safe lagi.... mwah mwah mwah
@sis sparrow
October 1, 2009 at 7:14 PMhmmm isa ka pang may UTI... naku naku... ingat ka lagi.... wag pasaway... bawal ang maalat
@crayola
uy parekoy.... musta na? taga saan ka ba at nasalanta kayo? hope maging okay na kayo ng family mo dyan.... be safe parekoy....
umaattend ka pala ng consplay....
brod saul.... kawawa naman c gf... hmm... get well soon to her. ingats kau
October 1, 2009 at 9:46 PMI know the feeling. Ang sakit no. Hay. God bless her.
October 2, 2009 at 12:57 AM@sister doll
October 2, 2009 at 1:26 PMmusta na? di na kita nakakatext ah... pero baka i-invade ko ang globe mo kasi baka lumipat na kami ng network... hehehehe
salamat sa concern sa gf ko
@ish
salamat... teka dont tell me may UTI ka din? heheheh gagaling din tayo...
I understand what you are feeling right now na sgto mong magbantay at makita sya kahit konti, kaso la kang magawa. Bsta ipag-pray nalang ntin na gumaling na sya. ;D
October 2, 2009 at 2:29 PMSolo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
dont worry parekoy,
October 2, 2009 at 2:44 PMshe will be fine!
astig nga video ahhh!
sinu naman yung artista?
hehe
btw,
i will pray for michelle!
Hi saul! First, salamat sa pag-comment sa blog koh. And ayus lang ako. Speaking of ayus, magiging ok din si Michelle don't worry. Mag-pe-pray ako for her.
October 2, 2009 at 4:36 PMApril
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit
@solo
October 2, 2009 at 5:04 PMsalamat solo at naintindihan mo ako... hahaha nakakapraning kasing maghintay... di ko nga alam if ayus na siya or what... thanks sa prayer
@parekoy kosa
hahahaha astig ba yung video? hahahaha yun artista? malay ko... salamat sa dasal parekoy.... mukhang matagal ka ng absent ulit ah.... mukhang malakas ang raket natin dyan ah.... pa burger ka naman oh
@mommy basyon
naks naman .... dumalaw ulit si teen mommy ko... salamat sa prayer.... musta family mo? ayus ba after nung dumaan yung bagyo?
nakow,bawal magkasakit. at sabi ni papa lloydie, ingat!
October 2, 2009 at 8:14 PMpagaling agad. ;p
yung sa legality, dbale, papasaan pa at sa simbahan din ang tuloy...naks. hehe
late na nman ako. magaling nb xa? sana.. hayy.. darating din ang araw na maipapakilala at magiging legal kau. hehehe :D
October 4, 2009 at 3:48 PMmontalban (rodriguez) rizal ako kuya. hehehe.. gusto ko sana mag meet tayo nila jaid, kasama ung ibang blogger at si ate michelle :)
Post a Comment