7/14/09


WARNING: ISANG NAPAKAHABANG POST PARA SA LAHAT NG SINUNGALING


Anak: Nay bakit kaya ganun ang buhay?

Nanay: bakit? anu meron at parang may problema ka?

Anak: Wala lang na isip ko lang... bakit kaya ang Mapag laro sa isang relasyon ay laging napupunta sa mga taong seryoso kung mag alalga ng isang relationship, bakit kaya ang mga taong two timers ay laging napupunta sa mga Loyal kung mag mahal at bakit yung mga taong trip nila or past time ang pananakit ng feelings ay napupunta sa mga taong kakagaling lamang sa isang heartache dahil sinaktan sila ng dati nilang minamahal?

Nanay: Hmmmm hindi ko alam kung bakit pero naniniwala ako na kaya sila ang pilit na pinag tatagpo at pinag sasama kasi kung katulad nilang two timers, mangloloko, at di seryoso sa isang relationship ang makakapareha nila... wala silang matututunan at wala din pag kakataon na magbago sila kasi nga parehas silang mapag laro... isipin mo na lang na kaya naging kayo kasi may dapat kang baguhin sa kanya...isipin mo na lang na naging kayo para tulungan siyang mag bago....


Usapang seryoso naman tayo dahil baka akalain niyong puro kalokohan na lang ang kinukwento ko dito(lolz). Anyway nung last time akong nag ikot ikot dito sa blogsphere biglang may napansin akong magandang title ng post.... ng pinuntahan ko ang blog ng kapatid nating si PAU.... ANAK NG JUETENG!!!! Biglang kumulo ang dugo ko sa mga nabasa ko sa post niya...

Isa si pau sa mga naging malapit sa akin dito at somehow tinatrato niya akong parang kuya kahit di pa kami nag kikita at ayaw ko din mag pakita sa kanya kasi tiyak na mag papalibre siya ng McDo sa akin at pakiramdam ko matakaw yun kaya siguradong ubos budget ko sa kanya(peace tayo pau hahahahah). Balak ko sanang kopyahin yung buong post niya para maintindihan niyo pero dahil wala naman akong sariling internet at 30 pesos lang ang pera ko....

PATALASTAS MUNA TAYO:
Alam niyo bang 15 months na akong nag bo-blog pero wala kaming computer at internet sa bahay.... just imagine kung gaano na kalaki ang inuubos kong pera sa kakablog ko.... hahahahaha POOR lang kami eh...


Mabalik tayo sa post ko.... yung post ni Pau is about how her FUC#!NG Bf treats her... bigla kasi akong nawindang sa mga nalaman ko sa kanya... oo nga pala ang title ng post niya ay


"7 Deadly Sins"
(pinaiksi ko para di gaun kahaba yung post ko)
  • "alm mo minsan iniicp ko, sna xa nlng gf ko para kainggitan ako ng lht"(biglang inopen ng walang kwentang bf niya yung topic na tungkol sa gustong gusto niyang idate na gurl... taena oh topic ba yun?)
  • "minsan lalabas kame para magdate.. pero maya maya maglalaro siya ng teken o dota.. at 30 mins o 1 oras akong magmumukhang tanga sa likod nia habng nglalaro xa..."(sino naman ang nasa matinong pag iisip na pag hintayin ang mahal niya ng 30 mins. o isang oras dahil busy kakalaro ng computer games.... adik ba siya o sadyang may tuliling)
  • "simula ng naging kami wala pa siyang ngagawang special na bagay para sa akin.. kahit simpleng regalo nga di nia ko mabigyan dahil inuubos niya lahat sa laro niya e,,."(Alam kong to give is much better to recieve pero takte naman yung bf niya kasi mas inuuna pa niya yung pag lalaro ng dota at teken kaysa sa gf niya)
  • usapan na namen na magdadate kami..kasi ilang araw kaming di nagkita dahil sa trabaho nyia..naka ayos na ako..handang handa na..bigla siyang magtetext.. "di na tau tuloy... kailangan daw ako ni kua sa office.. pxenxa na babawi nlng ako nxt tym.." ang masaklap dun..pang 5 beses na niyang sinbi yun sa akin..ung "bawi na lang ako next tym". Lahat nung next time na yun, di natutuloy..(Kapag ikaw di mo kayang tuparin ang pangako mo wag kang mangangako or mag papaasa...)
  • Minsan nag text ang bf ko na mamaya na lang kami mag text dahil may klase pa sila so ayun di muna ako nag text at napag isipan ko na lang na mag gala sa SM Bacoor at hulaan niyo kung sino nakita ko at nag lalaro ng arcade? Ang Bf ko naabutan ko dun sa laruan.(anak ka jueteng!!! wag ka din mag sisinungaling... sino ba ang gf mo si PAU ba o si XIAOYU ng tekken 6?)
  • tapos na ang klase ko nun, kaya pumunta na ko sa sm para makipagkita sa kanya.. nagkta kami saglit dahil break niya.. maya maya nagpaalam na siya dahil my klase na siya.. napag usapan naming hihintyin ko xa hnggng uwian nia... naghinty ako ng 4 na oras, ng mag-1 pagod na pagod at gutom na gutom.. ang saya saya ko sa pagbalik nia.. sinalubong ko pa siya ng isang napakatamis na ngiti... at kinamusta ko pa kung anong nangyari sa klase nila.. alam niyo ba kung anong sinagot niya?
    "wala kaming klase eh.. nagpaprint lang ako dun sa computer shop katapat ng school namin.. tapos nanuod na din ako kay mark ng dota"
    imagine, 4 hrs akong naghintay kahit na pagod na pagod ako galing school,at gutom na gutom pa.. mag 1 pa ko ah! tapos sasabihin niya nanuod lang siya ng dota! hindi man lang niya naisip na mag 1 ako sa sm! hindi man lang siya nagtxt para papunthin ako dun.. di man lang nia inisip ang kalagayan ko..(No comment ako dito ayaw kong mapamura dito)
  • Nag-away na naman kami at nagbreak ng arw na yun..magkatxt kame at hingi siya ng hingi ng twad... Maya maya na isip namin ng clamate ko na pumnta sa sm.. habang nasa byahe kami. Napatingin ako sa opisina nila.. (malapit lang un sa s.m, di ako stalker ah) Guess what kung anong na kita ko habang nagmamakaawa siya at lumuluha sa mga txt niya skin.... AYUN! MAY KALANDIANG BABAE... TAWA NG TAWA.. HABANG NAKIKIPAGKURUTAN PA SIYA NG ILONG..

    ayun.. dahil nga sa UBOD ako ng TANGA... pintwad ko p din xa...(kumukulo na ang dugo ko!!!!!!)


Bakit kaya gunun? May mga taong kahit na anung pananakit ng kanilang minamahal ay patuloy pa din sila sa pag bibigay ng pag mamahal sa partners nila... bakit kahit anung buti ng mga partners nila ay nakakagawa pa din sila ng mga kalokohan na nag dudulot na sakit sa kanilang mahal.... teka mahal ba tawag dun? Alam kong di ako isang specialista pag dating sa mga usapang love pero alam ko yung pag kakaiba ng tama sa mali.... MALI yung ginagawa ng mga tao sa pananakit sa mahal nila at MALI din yung SOBRANG martyr....


Dear pau,

'di masamang mag mahal.... pero di na pag mamahalan yung ginagawa niyo.... at one more thing TAKTE KA!!!! Bakit mo ako inaagawan ng trono? Dapat ako lang ang MARTYR sa buong blogsphere hahaha.

22 comments:

Rosa said...

Hi bro, pa voted naman ok lang? please voted Rosa of pink-precious.com at www.j4fashion.com in the poll sa sidebar. Please? I will highly appreciate it. Thanks

Rosa Meanderings Istarblog Express Life Life In Palawan Baby Blog Pink Precious

July 14, 2009 at 11:51 AM
saul krisna said...

@ rosa
okay okay iboboto ko siya... may bayad ba ako(kapal ko ah) hahahahaha

July 14, 2009 at 12:08 PM
Joni Rei said...

waa. grabe naman. lam mo kdalasan tlga ng2ng complicated ang isang relationship dhil sa computer games n yan e. tsk

July 14, 2009 at 12:09 PM
DETH said...

may clasmate ako nung college pinapili daw sya ng gf niya counterstrike o gf niya...aba pinili niya counterstrike! ahahaha...pero mas may respeto pa ko sa kanya, dahil alam niya kung ano ang gusto niya. anakanang anong klaseng lalake yan... at kay pau...naku girl wake up? do you really love that guy?

July 14, 2009 at 12:47 PM
MarcoPaolo said...

Hahaha... natawa ako sa comment ni deth... akalain mong pinili ang counterstrike... tsk tsk tsk!

hanap ka na kamo ng bago... yong matino! ;)

July 14, 2009 at 12:58 PM
chikletz said...

walang patutunguhan ang relationsh*t na yan. pau!! gising!! at ung lalake..no comment na din. haha!

July 14, 2009 at 3:04 PM
Solo said...

hahaha.. O di may kaagaw kna sa trono mo..;D Hay naku! May mga ganyang tao tlga kung magmahal eh sobra sobra. Eh pero mukha nman nasobrahan tlga tong si Pau ah..Pero la tayong maggawa kundi ang payuhan ang ating ka-blogspheran..;D Isipin moh ang kinabukasan moh, at ang nararamdaman moh sa tuwing lolokohin k ng lalakeng yun!!!!!!!!!! Ooooppss, di ako galit, naiinis lang ako.... Well, hanggang dito nalang. Salmat sa pag-post ng kakaibang post. Peace out! ;D

July 14, 2009 at 3:43 PM
superjaid said...

parang lahat ng post na nababasa ko ngayon eh tinatamaan ako..haaay..madalas talaga kapag nagmamahal ka nagbubulag bulagan ka dahil umaasa ka parin na darating ang panahon na magbabago sya ng pakikitungo sayo..

July 14, 2009 at 4:07 PM
Niqabi said...

kuya teens pa ba sila?..
para kasing napakaimmature nung guy.
ang suntukin ng bonggang bongga hehehe...

July 14, 2009 at 5:49 PM
kheed said...

talaga naman, si saul pala ay isa ding martyr hehe. magkaibigan nga kayo ni pau.. naaawa naman ako kay pau, sana naman matauhan na sya o maisipan man lang ng bf nya na masama yung ginagawa nya hehe

July 14, 2009 at 7:47 PM
krishA said...

HAHAHAH kuya natatawa ako sayo kapag nag iinit ang ulo mo.. kasi imbes na magalit ako with you, natutuwa pa ako kasi wala lang, parang you're trying to be seryoso pero di halata?

tama pau, dapat pag isipan mo if he is still worth it..

July 14, 2009 at 9:00 PM
Kosa said...

ang haaaaaaba nga!

pero binasa ko naman lahat..lols

astig nga naman si Pau... baka naman hanggang ngayun eh tangengot parin sya?

teka parekoy, magkaiba ba ang TANGA at MARTYR?

parang pareho lang anooh?

siguro kulang lang sila sa bonding... baka naman pwedeng matuto si Pau ng mga games na yun at sasabayan nya yung boyfren nya sa paglalaro para naman walang naa-out of place dun! yun lang yun.
sa pagsisinungaling at pagpapakatanga eh wala na akong alam na solusyon dun... wala pa yatang nadidiskubreng gamot dun..hehe

July 14, 2009 at 11:02 PM
Rwetha said...

nakanaman... nabaliw ako sa post mo ha.
di ko alam kung ano talaga e.. wuhahaha...

Tekken ako..
ayoko ng usapan nila nanay.. me naaalala ako weh. ahaha

July 14, 2009 at 11:26 PM
Jepoy said...

Dear Pau,

Wake up wake up in the blue blackship ispel yes Y-E-S ispel no N-O... Alis!


Jepoy

July 15, 2009 at 3:07 AM
ACRYLIQUE said...

for Pau,

Kung gnun ang boyfriend mo, malamang friend lang yun na boy. sinumang tanga na ikumpara ka sa ex o kahit ikuwento lang ang kahit anong bagay tungkol about an ex sa harap mo pa. hindi na binubuhay ang mga kagaya nun. wala nang pag-asa. gaya ng ego nya. dont get yourself involve even a little with that kind of person. hayaang mong sya na lang ang mamili sa tekken o ex nya.


at kung sasabihin mong ganun ka talaga magmahal. at ganun ka talaga. wag na wag kang magrereklamo. stop any rants. sa sarili mo lang din magsisimula ang solusyon. dahil kahit anong magandang payo pa ang ibigay ng mga tao sa yo. malamang, di mo susundin.


:)

July 15, 2009 at 5:39 AM
eEh jHaY said...

.,pcomment lng foeh ha...
grve ang cute ng blog moeh...heheheh:D

PAU..
wg k foeh mgpkatnga z isng guy kng xobrang nssktan k n....hehehehehe:)

July 15, 2009 at 8:28 AM
pau : ) said...

kua saul, di ako online nung ngmssge ka s blog ko..
tnx s pag gwa mo nian..
excuse me kua, d ako mtkaw noh..
sa french fries pwede p..
hehehe
slamat po s mga nagpayo d2 sken..

tska po ung nagcomment na kulang kme s bonding..

cnubukan ko na ding maglaro ng dota at teken para sknia..
aun wa epek p din..

tnx tlga sainio..lalo na kay kua saul.. : )

July 15, 2009 at 8:44 AM
saul krisna said...

@ sis joni rei
computer games talaga noh? hahaha nakakasira ng relationship ang computer games buti na lang kami ng gf ko iba nilalaro namin.... heheheh kung anu yun? secret na lang.... bata ka pa sis... pero alam mo ba yung bato bato pik? yun ang fave game namin... hahahaha

@ate deth
anak naman ng jueteng yung classmate mo.... ipinag palit si gf niya sa tekken... hahahaha... ayus yun...

@pareng marco
hanap mo si pau ng matinong guy.... teka available ka pa ba? naks naman... baka may gf ka na....

@ sis chikletz
apir tayo... no comment na lang sa bf niya... pag nakita ko yung bf niya gigilitan ko ng leeg yun...

July 15, 2009 at 1:35 PM
saul krisna said...

@solo
teka maiba muna tayo, ka anu anu mo si hans solo sa star wars? hahaha joke lang... anyway kanina ko lang napansin di pa pala kita na aadd sa blog list ko ah,,, sorry poh...
kakaibang post ba ito? super seryoso ko nga dito eh... halata ba? hehehe

@sis superjaid
naku naman sis bakit mo binanggit itong linyang :

"madalas talaga kapag nagmamahal ka nagbubulag bulagan ka dahil umaasa ka parin na darating ang panahon na magbabago sya ng pakikitungo sayo.."

apir tayo!!! umaasa pa rin ako sa kanya(gf ko) pero nag bunga na ang pag hihintay ko ng matagal....

teka bakit ka tinatamaan? ikaw huh!!!!! be good dapat!!!!

@ate niqabi

pag kakaalam ko teens pa lang sila... pero wala naman sa edad yun di ba? nasa pag dadala yun... tara upakan natin yung guy... hawakan ko at suntukin mo ng bonggang bongga...

@pareng kheed
anak ka ng tokwa.... wag kang maingay na isang martyr din ako... hahahahaha secret lang natin yun...

July 15, 2009 at 1:41 PM
saul krisna said...

@ sis krisha
ngek super seryoso na nga ako sa post ko pero wa epek... di talaga bagay sa akin na mag seryoso.... ahahahaha...

@parekoy kosa
hmmmm mukhang pareho lang yung tanga at martyr.... minsan kasi sa sobrang pagiging inlababo nakakalimutan natin gamitin yung utak natin.... uy kelan beer day mo?

@ ate rwetha
hmmm bakit ayaw mo yung usapan nina nanay at yung anak? aminin mo na!!!!!

July 15, 2009 at 1:45 PM
superjaid said...

Kuya good girL naman ako,hehe pareho kasi kami dati ni pau,kaya ako tinamaan..

July 18, 2009 at 5:48 PM
언니 said...

dear saul,
ang haba ng post mo hahaha..pero kahit ganun kahaba iyon di pa rin ako nag skip read nyahaha...
at kamusta naman si PAU wawa naman,,,naalala ko tuloy sarili ko sa knya dati dahil tanga tangahn mode din ako ano hehhe..
pwede bang magpaka BAD nalang para din ako masaktan habang nagmamahal nyahha ang selfish noh,,
buti nalang mabait bf ko now ayeiii,,,
naku po ako lng ang mataray sa kanya kaya sorry sa bf ko hehe...

nga pala bat di ka nlng bumili ng pc na installment meron naman ata nun dba para naman pagpatuloy mo kaadikan mo sa pagbblog hehehe

nag-iingay

UNNI nyahahah..

June 1, 2010 at 8:11 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz