7/23/09

(picture niya ito nung inaasar ko siya 'bout sa cute niyang ilong, wahahah)


Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag post sa kadahilanang medyo masakit pa ang katawan ko este wala akong maikwento sa inyo tungkol sa nakaraang kaarawan ko. Ano nga ba ang nangyari sa akin kahapon(july 22)...

Gumising ako ng maaga dahil excited ako... Akalain niyong kaarawan ko na. Na alala ko tuloy yung sinabi ng tatay ko na napulot lang daw ako sa takip ng Nestle Ice creame(Ube flavor). Dati kasi laging may libreng laruan sa bawat gallon ng ice creame nila. Parang dami kong gusto gawin pero sadyang kulang ang bente-kwatro oras para pag kasyahin yung mga gagawin namin ng girlfriend ko... Pero syempre bago ang lahat namalengke muna ako sa may "tinda ni citas" talipapa yun sa may amin(hayup sa pangalan noh?) Bumili ako ng 2 pusit pero parang singlaki ng octopus sa laki at ginamit ko yung powers ko sa pag tawad sa binili ko...
Ako: "Manong magkano po itong pusit?"
Manong: "60 per kilo hijo"
Ako: "Ang mahal naman manong pwede po bang 50 na lang kasi wala na akong pera at birthday ko naman eh"
Manong: "Hijo laos na yang palusot mo... tumatawad ka lang eh... sige na nga tutal bwena mano ka"
Ako: "Salamat po manong"(YESSSSS gumana ulit yung palusot ko!)
Habang pauwi na ako bigla akong nakaramdam ng pagkagutom kaya ako'y lumingon lingon sa tabi ko at nakita ko yung "maming tayo"(mami ang tinitinda nun pero nakatayo ka habang kumakain ka kasi naka bike lang yung mamang nag titinda). Aba teka muna may na aamoy na naman ang maliit kong ilong... parang amoy dinuguan yun ah... bigla kong nakalimutan si maming tayo at dali dali akong bumili dun sa tindahan sa likod ng maming tayo... Hala sige subo lang ng subo hanggang mabusog ako pero makalipas ang ilang saglit biglang sumakit ang tyan ko... hala parang sira yata yung nakain ko ah... so in short buong umaga akong masakit ang tyan ko sa mismong kaarawan ko... Anak naman ng jueteng oh! ! !

Pero dahil sa will power ko at kagustuhan kong makita si gf ko pinilit kong pumunta ng Marikina para sumundo... Tumambay na lang muna kami sa isang mall dahil nahihirapan akong maglakad dahil masakit ang tyan ko... upo upo lang tawanan at kulitan lang ang ginawa namin dun sa mall. Dapat kakain kami sa paborito kong Mcdo pero 'di ko talagang kayang kumain dahil ang hapdi ng tyan ko so niyaya na lang ako ng gf kong umuwi sa bahay namin at sabi niya aalagan na lang daw niya ako...

Dapat nag Nursing na lang ang gf ko kasi parang biglang gumaling yung pagka hapdi ng tyan ko nung binigyan niya ako ng isang matagal na "kisspirin" at matinding "yakapsule". Humiga lang kami at nag kwentuhan(Nabasa niyo ba yung sinulat ko? Sabi ko nag KWENTUHAN LANG KAMI! ! ! Tawanan, kulitan at lambingan lang pala ang kailangan ko para gumaling ako at nung mga bandang hapon na napag tripan naming mag luto ng tanghalian... Ang menu ay....



Tama kayo! Isang pritong tilapia na may sukang maasim at napakalamig na Icetea... heheheh. Siguro nag tataka kayo kung saan napunta yung pusit... hmmm sabihin na lang natin na may mabait akong alaga na dumagit sa ulam dapat namin ng gf ko... hahahaha
After namin kumain at nag pababa ng laman ng tyan ay humiga kami ulit at napagtripan ko yung camera ng phone niya... kung anu anong pose ang pinag gagagawa namin at mga kwelang pose.... pero ang pinaka paborito namin ay ito(honey ganda mo dito talaga)...


Huwag kayong mag isip ng kung anu-ano kasi tangin pictorial lang ang ginawa namin kahit wala akong kaalam alam sa pag kuha ng mga pictures hahahaha. UULITIN KO! Nagkuhanan lang kami ng mga litrato,(wahahaha ayaw niyo maniwala noh?)... After kaming mag sawa sa pag kukuha ng mga pictures ay natulog kaming mahimbing habang mag kayakap sa ilalim ng kumot ko...

Kahit hindi nasunod ang mga balakin ko sa araw na yun dahil sa sakit ng tyan ko dahil sa pesteng dinuguan na yun eh naging masaya naman ako at ang girlfriend ko... madami pa naman araw para mag gala sa Luneta(hindi pa talaga ako nakakapunta ng luneta waaaah!!!!). Ang mahalaga ay nag celebrate ako na may kasama di tulad nung nakalipas na mga taon na si Mcdo lang ang ka date ko. Sobrang nag enjoy talaga ako with my girlfriend that day at sana araw araw akong may kiss este araw araw akong may kasama para di na ako nalulungkot sa buhay...

GUSTO KONG MAGPASALAMAT SA MGA SUMUSUNOD:
  • Sa Girlfriend ko- Honey thank you so much sa lahat ng mga naibigay mong love sa akin at salamat sa pag ta-try na mapasaya ako palagi.... na aappreciate talaga kita as my partner. Salamat nga pala sa t-shirt na gift mo... Ang ganda ganda talaga nun... I LOVE YOU HONEY
  • sa LAHAT ng bumati sa akin dito sa blogsphere- Thank you sa inyo
  • Pau- Uy Pau salamat nga pala sa post mo about me... Na touch talaga ako sa mga sinulat mo dun. Di ko akalain na ganun ako ka special sa iyo... wowowowow
  • Kox- Hahahaha naks ang cute nung ginawa mong parang slogan ah....teka anu ba tawag dun sa ginawa mo for me? hehehehe

25 comments:

HARI NG SABLAY said...

hapi bday tsong! sensya na ha madumi talaga utak ko, iba kasi naiisip ko eh,haha pero naniniwala naman ako sa mga sinasabi mo promise!

July 23, 2009 at 8:54 PM
gesmunds said...

wow answeet niyo naman...
no wonder, talagang wish mo sana araw araw nalang bday mo!

teka,, photoshoot lang nga ba talaga un??!! hhmmm... ;)

July 23, 2009 at 9:14 PM
Camil said...

happy borndey belated na.. ahaha.. ipost daw ba ang pic ng gf hahaha cool!!..

July 23, 2009 at 10:05 PM
Goryo said...

ME: nak-nak...
YOU: husder?
ME: AMI..
YOU: ami hu?
ME: (to the tune of hapi bertday 2u)

AMI-mert ney, nu yu...
AMI-mert ney, nu yu...
AMI-mert ney, AMI-mert ney...
AMI-mert ney, nu yu

July 23, 2009 at 10:20 PM
mavs said...

ala eh
hapi bertdey pala sayo
pareng saul...
may you have many more bertdeys to come ha...
tsaka more power and Godbless...
dapat lang na magsaya ka ng
b0nggang-bonggang sa bertdey mo parekoy...

July 23, 2009 at 10:42 PM
Amorgatory said...

HAPPY BDAY KAPATID NOW LANG NAKPAGBATI KASI AKOY UMALIS NANG WLANG PAALAM,LOLS.. LEO KA PALA LEO, SAME TAYOW HAHAHA..ANG SARAP NANG TILAPIA PROMISE!!WAAAAA!!NAGUGUTOM TULOY AKOWSHNESS WAKKNESS , ETO RH CATCH MO!! YAN GIFT KOW SAYOW WAHAHAH HAPPY BDAY GODBLESS AT GUDLCK!!

July 24, 2009 at 12:30 AM
Niqabi said...

oist! bakit mo pinost yung ganung pic ng gf mo hahaha kung ako girlfriend mo kinalbo na kita kuya saul as in skin head yung tipong di na tutubo buhok mo..hehehe conservative :P

anyways happy birthday ulit.... wish you more birthdays to come..teka san napunta yung pusit? bakit tilapia ang nasa menu?

July 24, 2009 at 1:14 AM
chikletz said...

uy buti naman nag-enjoy ka kasama ang gf mo kahit masakit tyan mo.. :D

talagang kinarir ang photoshoot ah. hehe.

July 24, 2009 at 2:48 AM
Jepoy said...

Happy Burtdey ulit parekoy...

At tama ka hindi ako na niniwalang nag kwentuhan lang kayo... Sa paraan palang ng panunulat mo defensive na ka kaagad (parang manang bola lang manghuhula?!)

Seriously buti nalang nag enjoy ka kasama ng chikabebe mo! Hanep!

July 24, 2009 at 3:09 AM
saul krisna said...

@hari ng sablay
thank you parekoy sa pag bati mo sa akin ng hapi baday.. pero mas gusto ko yung cash... wala bang cash? hahahahaha

@gesmunds
uo naman photoshoot lang gnawa namin ni gf ko... hahaha ayaw maniwala oh... hahahaha

@sis camil
syempre... kakatayin ako ng buhay pag di ko nilagay pics ng gf ko... hahahahaha

@lolo goryo
musta na at nag balik ka sa lungga ko... hehehehe.... salamat sa pag bati

@Mavs
masaya naman ako nung bday ko , yun nga lang masakit katawan ko(bakit?) hahahaha secret!!!!

July 24, 2009 at 9:34 AM
saul krisna said...

@amor
hahaha parehas nga tayong LEO... teka bakit now ka lang napadpad sa tahanan ko? busy ka ba? salamat sa pag bati...

@ate niqabi
hmmm conservative naman ako ah.... slight lang hahahahaha

@sis chikletz
hahahaha talagang ganun pag walang magawa sa kwarto kaysa naman laging _______ yun na lang gagawin namin... hahahahaha papayat kami dun

@jepoy
syempre nag enjoy ako... hahahaha sarap ng gnawa namin eh... enjoy talaga....

July 24, 2009 at 9:37 AM
superjaid said...

wahaha haypee haypee burdee ulit kuya sauL..haha buti naman nagenjoy ka sa birthday mo kahit di kayo natuloy sa luneta..tsaka tama,san napunta ung pusit?hehe

July 24, 2009 at 10:17 AM
bea trisha said...

haha,...
belated happy birthday..

kabirthday mo close friend ko dito..
Andok's kami nun..

July 24, 2009 at 11:09 AM
Solo said...

Hehehe.. La nga ba kayong ginwa? Mmmm di bale, at least ayush ang bert dey haha. =D Keep on posting friend. =D

Summer
A Writers Den
The Brown Mestizo

July 24, 2009 at 2:08 PM
lucas said...

belated happy birthday :)

July 24, 2009 at 2:16 PM
patola said...

belated hapi birthday poh... :)

bat ganun? parang di nga kapanipaniwala na wala kayong ginawa... pero cge, naniniwala ako... apir! =)

July 24, 2009 at 5:43 PM
saul krisna said...

@superjaid
uy thank you sis pero nasaan na ung gift ko? hehehehehehe

@ate bea
uy andok's? sarap nung sauce dun ah... yum yum

@solo
WALA kaming gnawa... wala wala wal... parang guilty ako ah... defensive

@lucas
parekoy salamat sa pag bati....

@patola
hahaha promise wala kaming gnawa ni gf....

July 24, 2009 at 6:19 PM

ayos ang mga sinulat mo tungkol sa birthday mo..i hope iyon lang ang picture na kuha mo sa iyong gf at wala ng iba..medyo naniniwala ako sa sinabi mo..medyo lang ha, hehe..

July 24, 2009 at 11:22 PM
kox said...

hahaha.. ur welcum kuya saul :) mabuti nman at naging masaya, hahaha.. di ko din alam kung anong tawag dyan, hahaha.. :)) akala ko nursing student ung gf mu, hahaha.. mkikitanong din ako, photoshoot lng ba talaga? hahaha.. ang kulit nmen, hahaha.. grabe!

July 25, 2009 at 1:43 PM
RaYe said...

samahan kita sa pag wish na sana araw araw birthday mo.. ehehe :D

July 25, 2009 at 4:34 PM
Hi! I'm Grace said...

Hindi pa ba huli para batiin ka ng Happy Birthday? :)

July 26, 2009 at 10:33 AM
Ish said...

belated happy birthday! :)

July 27, 2009 at 6:46 AM
janis said...

happy birthday! :)

July 27, 2009 at 4:14 PM
bangz said...

kuya saul..

hehehe..
hanep ang gnda nung bground ni kosa kaya mo ba gwin un..

hehhe

belated hahaha..

dami ko ng napopost ..
dami ng ding ngview..
ang sya2x
nominate mo ko hahaha..

July 27, 2009 at 8:51 PM
pau : ) said...

ei kua ngaun ko lang nbsa ung blog mo.. wow nmn isa p ko s special mention,,

la un noh..
mas mdmi ka p ngang ngwa pra sken e...
tas parati mo p ko dndmyan...

belated hapi bday...

ui txt mo ko ah kung anu nangyre 2ngkol dun s tnxt mo sken nung 1 arw..

July 30, 2009 at 12:14 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz