7/16/09


Nung isang araw may nag regalo sa akin ng 7 polo shirt na iba't iba ang kulay... at dahil dun ako'y natuwa at dali dali akong nag punta sa kwarto ko at sinukat ang pink na damit at nang maipasok ko na yung ulo ko sa damit at nung inilapat ko yung damit ko sa katawan ko..... ANAK NG JUETENG naman oh!!!! 'Di kasya sa akin!!! Takte di ko malaman kung may sira ba yun o sadyang tumataba na naman ako. Nag mukha akong suman na kikay dahil kulay pink.
Dahil sa sama ng loob ko dahil minsan na nga lang may mag regalo sa akin at MINSAN na lang ako mag karoon ng bagong damit ito pa ang mapapala ko(huhuhuhu). Nag punta ako sa banyo namin para tignan sa salamin yung katawan ko... peste!!! kahit sa salamin namin di na mag kasya katawan ko...ganun na ba ako kataba?(sabay tingin sa katawan ko)... Hmm okay okay medyo mataba nga ako at di ko ipag kakaila na may abs ako, yun nga lang pahalang ang itsura... parang 3 french bread na itinapal sa tiyan ko.

'Di naman talaga ako matakaw sadyang mabilis lang akong tumaba, 3 beses lang akong kumakain kada araw...

Almusal:
  • Kadalasan 20 pan de sal ang kinakain ko at kalhating bote ng peanut butter or isang latang sardinas(yung pula at dapat LIGO sardines para malasa)
  • Mga 3 basong juice
Tanghalian at Hapunan:
  • Dahil dalawa lang kami ng tatay ko sa bahay konti lang ang sinasaing kong bigas... usually 3 gatang lang ang niluluto ko...(yung 1/2 na gatang ng bigas sa tatay ko at yung 2 and a half sa akin)
  • Mga kalhating kilo ng karne ang usually niluluto ko para tipid(Takte mahal na ang karne dito, 180 per kilo na!!!)
Na aalarma na talaga ako kaya napag diskitahan kong mag DIET... Teka pano ba yun? Ibig sabihin ba na di ako kakain ng madami? Ibig bang sabihin kailangan ko ng mag excercise? Panu ba mag diet? Kinunsulta ko ang aking butihing girlfriend at sabi niya subukan ko daw mag AFTER 6 diet... Anu yun after ba ng 6 cups ng rice di na ako kakain pero anak ng jueteng napahiya ako ng malaman kong AFTER 6pm pala di na pala ako dapat kakain.

So far tatlong araw na akong nagda-diet at parang pinapatay ko lang ang sarili ko dahil di na ako nakakakain ng mga paborito kong pag kain tulad ng Adobo(yung maraming mantika), Kare-Kare(yung saksakan ng creamy yung sauce), mga tsokolate. Sabi din ng gf ko dapat kumain daw ako ng gulay... di kasi ako kumakain nun dahil di yun tatanggapin ng systema ko at mag kakasakit ako(joke lang). Pero pwera biro, kumakain naman akong gulay ah... at naisip kong gumawa ng list ng mga gulay na kinakain ko:
  • Patatas
  • Potatoes
  • French Fries(dapat Mcdo)
  • Potato Chips
  • Hash Browns
  • Mashed Potatoes
  • Mojos(sa shakeys)
Hahahaha parang puro patatas lang ang naiisip ko ah... haaay oh mauna na muna ako at mag excercise pa ako... wish me luck na sana bago mag kaarawan ko mag kasya na ako sa pink kong damit.(nagugutom na naman ako ah nakakapagod talagang mag type...)

16 comments:

Summer said...

Nyahahaha...Ganun ba! Pero tama ang butihin mong gf. Pati sa kapatid koh yun ang dati nyang ginagwa. Yun bang pagkatapos mag 6 pm di na kakain ng kanin..=D Kya moh yan..hehehe Alang alang sa iyong kaarawan.=D

July 16, 2009 at 2:31 PM
DRAKE said...

Wala yan sa akin dati... sinabihan kasi ako ng ex ko na "sebong naglalakad". Kaya hayun dalawang buwan payat na uli ako.

Secret sa pagpapayat. Daanin sa tubig ang bawat pagkain. Basta tandaan small serving lang lagi pero dapat bawat subo inom ng tubig para busog agad. Wag gutumin ang sarili kaya pag gutom subukang kumain ng konti saka daanin sa tubig. Then ang pinakamahalaga exercise.

Effective yan sa akin, sana sa iyo rin

Ingat
Drake

July 16, 2009 at 2:35 PM
Solo said...

Wuehehe..Uiy mag-diet kana nga. Ang ganda ng gf moh, tas ikaw nagpapakataba ka?! Mahiya k nman! Peace out! ;D Sabagay yung kay Drake ok din, try moh lang para sayo rin nman yan. Mahirap ang mazadong tumataba. May atake yan friend..;D Diet ka with exercise.;D Good luck. Happy birthday.

July 16, 2009 at 2:58 PM
saul krisna said...

@summer
parang ang hirap di kumain ng rice... hahahhha pero kayang kaya yan

@drake
ayun oh bagong dalaw sa blog ko... heheheheh hello pareng drake... nice nme ah.... dalaw ka ulit add kita mya

@solo
pasaway ang gf ko... gustong gusto yung chubby ako..... para daw unan na may kasamang kama...

July 16, 2009 at 5:17 PM
DETH said...

try mo gumamit ng chopstick kapag kumakain ka ng kanin...

basta try mo...ewan ko lang, ahahaha

July 16, 2009 at 5:25 PM
saul krisna said...

@deth
chopsticks? tatamarin talaga akong kumain nun... hahahahaha

July 16, 2009 at 5:38 PM
CHONG x] said...

natawa ako sa Listahan mo ng guLay. haha . yung kpatid ko super taba dati. tas ang sLim na ngayon. gumigising siya ng 5am araw araw para magbasketbaLL . try mo rin. haha . kaso baka busy ka . kaya after 6 diet na Lang paLa. nvm. haha.

July 16, 2009 at 6:50 PM
Rwetha said...

hmnn.. after6 na diet, effective daw yun.

pero kung tipong madali kang magutom, try mo yung 6small meals.
every 2hours, kakaen ka pero 1/3 lang ng usual mong kain..

it goes well daw kung you're doing exercise.. :D

July 16, 2009 at 7:14 PM
superjaid said...

tama sila kuya saul,effective talaga ung 6 small meals at tama puro dapat tubig,inom ka ng 3baso ng tubig bago ka kumain para madali kang mabusog at di na matempt pa na kumaen pa..

go,go,go fight kuya saul!Ü para sayo din yan,para iwas sakit,lalo na sa high blood at heart disease..Ü

July 16, 2009 at 8:27 PM

ahehe..hon..try mo un..malay mo effective,,hehe :p

i love you po..mas guz2 ko chubby..hehe

July 16, 2009 at 9:21 PM
rich said...

yung after 6 effective sya... :) tnry ng friend ko dati and nakita ko talaga yung results... ^^

hitting the gym will be good din for you... your muscles will be toned pa! :)

pero ok lang naman na di na magdiet... di naman important kung mataba man or payat... nasa kung anong klaseng tao ka lang yan... ^^

July 16, 2009 at 9:50 PM
Jepoy said...

Change topic please lol...Guilty ako dyan

Masarap ang buhay kumain tayo ng kumain :-D Walang diet diet wag lang din sobrang dami yung tipong steady lang mga 3 galong ice cream, 5 mcwings, 3 french fries large mga ganun lang dapat ahahaha

July 16, 2009 at 11:49 PM
Niqabi said...

effective ung after 6 diet..ako nun naglose from 52 kgs-43 kgs in a matter of 2 months dahil jan hehehe.

Pero dapat yung rice half lang, and yeah wag ka papagutom, small frequent feeding will do.

At higit sa lahat, napatunayan ko effective talagang panlose ng weight ang break up hahaha akalain mo blessing in disguise pala yun? but that I don't recommend you.. :P

July 17, 2009 at 5:30 AM
Bingkay said...

sinubukan ko after 6 diet dati kaya lang di ko kaya..haha..takaw e.

disiplina lang yata talaga. kaya mo yan :)

July 17, 2009 at 5:58 AM
kox said...

hahha.. hindi ka pa matakaw nyan kuya saul ha?! hahaha.. :) after 6 cups! lols. tawa ko ng tawa d2.

wag na mag diet, diet diet pa.. masama yun! hahaha.. ako nga gusto ko tumaba eh, ayaw naman ng taba sken! :( kahit matakaw ako :((

July 17, 2009 at 7:55 AM
p0kw4ng said...

halos lahat naman yata ng pagda diet eh nagiging effective...basta natutuloy tuloy...at isa pang payo...pag nagda diet ka wag mong sasabayan ng inum ng alcohol..hindi tumatalab,hehehe

napadaan lang po at nag enjoy ako sa pagbabasa!

July 17, 2009 at 8:01 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz