7/10/09


Habang ako'y nagkakalkal ng aking mga lumang diary bigla na lang may nalaglag na munting papel na tila ba parang naninilaw na dahil sa tagal ng nakatago.... nagulat ako sapagkat di ko alam na tinago ko pala ito... siguro nag tataka kayo kung ano ito noh? hhmmmmm pilitin niyo muna ako... wahahaha say PLEASE!!!! Joke lang... ito yung nilalaman ng munting papel na pinag lumaan na ng panahon.


Paalam... Salamat....


Nagbago ako para sayo
Ginawa ko ang lahat
Mapansin mo lang ako
Para lang mahalin mo

Pero anong ginawa mo sapuso ko
Iniwan mo lang na parang aso

Kung alam ko lang na gagawin mo ito

Sana hindi na ako nagpatuloy

sa pag-ibig ko sa iyo


Sana wala na lang akong puso
Para hindi na ako nakakaramdam

Sana hindi na lang ako umibig sa iyo
Para hindi ako nasaktan ng lubusan


Bakit paulit-ulit ang pangyayari?

lagi na lang may iyakan

Bakit kailangan pang magpaalam?

Kung maaari namang walang iwanan.


Lagi na lang akong nasasaktan

sa isang bagay na walang katuturan
Masama bang magmahal ng lubusan

At lagi na lang akong naiiwan


Paano kita magagawang kalimutan?

Kung ang aking mundo ay ikaw

Paano ko matatanggal sa aking isipan

ang masasayang araw at tawanan?

Kay hirap gawin ng ganitong bagay

Dahil ikaw ay naging parte ng aking buhay

Ngunit kung hanngang dito na lang talaga
Ito'y aking tatanggapin


Kaya naman nais kong magpasalamat
Sa iyong mga alaalang iniwan sa akin

Sa mga araw na hindi
maaaring malimutan

At sa mga kasiyahang
walang katapusan.


Ngayon, malamig ang aking kaarawan

Dahil wala ka na sa aking tabi

Mahirap
sabihin,mahirap tanggapin
Nawala ka na ngayon sa aking piling


I wrote this 2 days before my birthday... 4 years ago para sa babaeng inakala kong magiging kami habang buhay(sniff sniff). Pero na saan na siya sumama na sa pesteng Pinsan niya(yuck!)

Anak ng jueteng kasi.... di ko alam if na nanadya ang tadhana.... biruin mo 5 years na akong nag se-celebrate na birthday na mag isa... teka di pala actually mag isa...kasama ko nga pala si Ronald McDonald(lolz). Usually ganito lang ang ginagawa ko dahil wala akong makasama pag birthday ko...
  • Pumunta sa mall(Megamall, Galleria, MOA, or Sta. Lucia)
  • Kumain sa Mcdo ng Cheese burger, Caramel sundae, large sprite,2 large fries at spaghetti(diet pa ako ng lagay na yan)
  • Manuod ng sine(dalawang beses kong papanuorin yun dahil gusto kong makabisado yungmga scenes)
  • Mag laro sa amusement center ng arcade(oo nag lalaro paako up to now ng mga video games)
  • Bumili ng fave book ko(kahit ano basta maganda)
Pero I think this years different...may makakasama na kasi ako sa birthday ko... pero alam mo ba na parang gusto kong maiba yung gagawin ko this year? This time parang gusto kong:

  • Pumunta sa Luneta(takte di paako nakakapunta dun)
  • Mag date kami ng gf ko sa isang sossy na restaurant(takte kulang pa ang budget)
  • Manuod ng Transformers(anak ng jueteng matatapos na yata yun sa mga sinehan di ko pa napapanuod ah)
  • Maipagawa ko na yung blogger na T-shirt ko(Kulay black yun. May Blogger na logo at name ko sa likod, at sa harap naman nakalagay yung word na "pinoy blogger")

Pero kahit anung mangyari sa birthday ko I'm glad kasi makakasama ko ang jowa ko.... pagpasensyahan niyo na if ganito ang post ko... NAGPAPARINIG LANG KASI AKO SA INYO! BIRTHDAY KO NA!!!! Regalo niyo mga kapatid at mga parekoy nasaan na? hahahahahaha

JULY 22 19??
Birthday ko!!!




Pa BURGER NAMAN KAYO!!!!


P.S

Birthday ni Ms. Donna nung July 9(yata) hahahahaha
Happy Birthday Ms. Donna!!!!




P.S(ulit)

nagtataka ako sa iba sa inyo... bakit niyo hinahanap yung pinag mumulan ng background song ko? hahahahaha haaaay sige na nga ilalabas ko na... nandun sa baba... pero dati nasa ibaba ng header ko.... naka hidden.... ingat

21 comments:

khuletz316 said...

happy birthday!!! advance...oh yan ha...greet nakita...pero la ako gift...kc wla ka rin gift nun bday ko...hahahha...joke!!!wish ko...sna happy kana forever ksama ung gf mo..
Godbless and stay happy!!!

July 10, 2009 at 3:58 PM
kox said...

advance hapi bertdey kuya.. haha :))
ang drama naman nung tula! haha.. di kp nakakapunta ng luneta? lols,, dun n lng kau mag d8 ng gf mu :)) hehe.. kipsafe! :]

July 10, 2009 at 5:15 PM
saul krisna said...

@khuletz316
hmmmm di ko nga alam kung kelan bday mo eh... parang ang dami nating july ah....

kwits na lang tayo sa gift para tipid... kuripot ako eh

@sis kox
yup pangarap ko makapunta ng luneta.... bakit ililibre mo ba ako ng pamasahe? hahahahaha

July 10, 2009 at 6:29 PM
krishA said...

haha advance happy birthday kuya koy.. tampo na ako sayo. di mo na ako dinadalaw :(


aysus!! andun pala code ng music mo, dami mo kasi widgets nakakawindang :P

July 10, 2009 at 9:29 PM
Amorgatory said...

hmmm cge mauna ka muna magbeedie kapatid akow na ung next in line,hahaha..lols.. hapy beedie in advance cge greet mo dn akow ksi sakin super advance pa lols

July 10, 2009 at 10:14 PM
Kosa said...

haaaaa?
hapibertdey din ni Ms.Donna nung nakaraan?
belated hapibertdey sa kanya at advance hapibertdey naman sa atin parekoy!

July 10, 2009 at 10:51 PM
kheed said...

ABA NAMAN! BAKIT KAMI PA ANG MAGPAPACHEESE BURGER, IKAW ANG MAGBIBIRTHDAY KAYA DAPAT IKAW ANG MAGPABURGER -galit- hehe

ay hindi mo pa napapanuod ang transformers? naku po, ang ganda! alam mo bang namatay si.. haha wag na nga, hindi naman ako spoiler eh hehe..

advance happy birthday pare

July 11, 2009 at 12:14 AM
superjaid said...

Otanjoobi Omedetto gozaimasu!^_^ happy birthday po kuya saul!i wish you all the happiness you deserve..God bless!Ü ung gift ko wait mo nalang naihagis ko na..haha Ü

July 11, 2009 at 1:39 AM
chikletz said...

uy advance happy birthday baka makalimutan ko kasi eh. hehe. dapat ikaw magpa berger. :P

luma na ang transformers 2 di mo pa din napapanood? wahahah! (ang sama ko)

oist! ung regalo ko utang muna. hehe.

July 11, 2009 at 4:58 AM
saul krisna said...

@krisha
uy sorry poh sis... medyo busy lang lolo krisna mo... hahaha na miss din kita

@amor
kailan ang bday mo? pa blow out ka naman.... libre mo ako sa mcdo... yung fries at sundae lang hahahahaha cge na!!!

@kosa
uy kailan ang bday mo?
takte ang tanda na natin..... asan ang gift ko?

@kheed
uy wag mo ikwento!!!! hahahaha wala akong time manuod ng transformers eh... at walang pera.... hahahahaha lilibre mo ba ako?

@superjaid
ano kamo? naihagis mo na? nasaan na? takte ang tagal naman dumating.... taga saan ka ba?

@sis chikletz
naku luma na ba yun? ayus yun para solo namin ng gf ko ang movie house... walang storbo sa gagawin namin este walang storbo sa panunuod namin... hahahah(dumi talaga ng utak ko... hahahaha)

July 11, 2009 at 9:24 AM
aDz said...

oh parekoy, advance happy bday na!!
naku tatanda ka nanaman nyan..hehe
gudluck sa lablyf parekoy..hehe
padalhan mo ako ng blogger shirt pag nagtagumpay yan ha..haha

dba sa dapat kaw magliligbre? kaw ang may bday eh!haha

July 11, 2009 at 11:34 AM
aDz said...

muntik ko na mkalimutan..

ung transformers ganto kc un eh, kwento ko nlang?haha kaso di ko makwe2nto sound efects at cam tricks..haha kaya panuoren mo nlang..haha

July 11, 2009 at 11:37 AM
Jepoy said...

Kuya advance Happy burthdey sayo....

Maiiyak na sana ko dun sa Pagkain mo sa Mcdo magisa at kumain ng cheeseburger at dalawang fries at sundae at extra large sprite kasi nakaka relate ako being MR loney...Atleast iba ang ang ang mga nangyayari ngayon...

Happy na birthday pa ulet

July 11, 2009 at 12:09 PM
ELAY said...

advance happy birthday kapatid n_n

July 11, 2009 at 4:11 PM
batang narS said...

wow.parehas pla kayo ng bday ng mama ko.adbans hapi bday saul!:D

July 11, 2009 at 10:30 PM
krishA said...

sus ganyan ka na kuya nakakalimut na <_< hmp wala ka burger sa birthday mo

July 11, 2009 at 11:26 PM
Kosa said...

hahaha... mauuna akong magbibirdey sayo parekoy..kaya ako ang unang dapat humingi ng regalo sayo! haha

July 12, 2009 at 1:06 PM
kumagcow said...

penge burger...pero brothers burger ah!

FREDDIE AGUILAR SAYS CHARICE AND ALAN PINEDA ARE MONKEYS?! REACT NOW! @ http://www.kumagcow.com & http://techcow.blogspot.com

July 12, 2009 at 2:48 PM
ACRYLIQUE said...

Nakas, mauuna ako ng isang araw sayo dude! :)

July 12, 2009 at 11:21 PM
ACRYLIQUE said...

Nakas, mauuna ako ng isang araw sayo dude! :)

July 12, 2009 at 11:21 PM
pau : ) said...

kua advance hapi bday..
tnx sa comment mo s blog ko at s mga txt mo..
kw nlng laging dumdmy sken pag my problma ako,.

kya lang..
kainis k nnmn..

binaboy mo nnmn ung picture ng bf ko.. "C mcdo"

hehehe

sma mu..
bkit nmn pinataba mo xa?
e ang pogi pogi ng bf ko..hehehe

July 13, 2009 at 9:49 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz