7/31/09


Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula sa post ko na ito... wala naman talaga akong balak mag post dahil di pa ako okay sadyang may nangyari sa akin kanina na sa tingin ko ikakabago na ng buhay ko... or whats left sa sira sirang buhay ko...
Sa last post ko natuwa ako sa mga taong nag comment at nag pakita ng pag aalala sa akin... kung iisipin natin hindi naman tayo magkakakilala personally pero somehow aminin ko man o hindi naging parte kayo ng buhay ko... Nung una akong pumasok sa blog 16 months ago hindi ko inakala na makakahanap ako ng mga taong makakaintindi or nag ta-try intindihin yung mga baluktot kong paniniwala sa buhay, pero naging masaya ako talaga for having all of you... Mga anak kayo ng jueteng wag kayong tatawa sa post na ito... pakiusap pakibasa ng mabuti...

Sa buong buhay ko madami ng dumating at lahat sila nag paalam din. Ultimo nanay ko at dalawang kapatid ko ay iniwan ako at pinag pamigayan sa ibang tao. "Bakit?" yan ang lagi kong tanong sa sarili ko... madalas na iinggit ako sa mga taong may kasama sa buhay, may nasasabihan ng mga problema... unlike me tangin blog lang ang napag sasabihan ko ng mga hinanakit ko sa buhay.. may mga pagkakataon na lagi akong nag iisa at minsan masaya na ako sa ganun pero sa di inaasahang pag kakataon ang munti kong puso ay biglang nangarap na may makasama. Lumipas ang ilang panahon at nakita ko na siya... i'm sure kilala niyo siya dahil ilang pung beses ko ng na itatapal ang maganda niyang mukha sa mga post ko...

Okay naman kami... madalas masaya at nagkukulitan tulad ng mga ordinaryong couple...
Minsan may tampuhan minsan naman masaya kami... Pero siguro nag tataka kayo kung saan papunta ang post na ito... actually hindi ko nga alam... sobrang nalulungkot lang talaga ako now. Gusto ko lang may makinig sa akin kaya ako nag sulat.

Minsan nangarap ako sa salitang habang buhay... kasi pag ako nag sabi nun pinaninindigan ko.... Pero sadyang malupit ang mundo... may mga bagay na kahit anong gawin mong hawak sa isang tao at kahit anong gawin mo.... sooner or later mawawala din yung nararamdaman niya sa iyo... yun ang sad part sa laro ng buhay....
"Masarap ang pakiramdam kung mapatawad mo ang isang tao ng dahil sa pagmamahal, di ko lang alam kung anong pakiramdam kung sa susunod na pagpapatawad ay ang nakaraang pagkakamali NA NAMAN ang dahilan...masarap pa rin kaya?" sabi yan ni Lord Cm sa akin last time... Hindi ko alam kung anu ang meron at tinamaan ako sa comment niya... siguro nakakarelate lang ako sa sinabi niya...

Hindi ako yung matatawag niyong ideal guy... madami din akong mali sa buhay at madaming baluktot na pag uugali... pero ..... haaay parang di ko na kayang ituloy ito....

Sa mga sumabaybay sa blog ko... salamat... salamt dahil dahil sa inyo nailabas ko ang mga nararamdaman ko... salamat talaga....


at para sa iyo(kilala mo kung sino ka)

I'm so sorry if hindi ako naging knight in shining armor mo, sorry if naging pasaway ako, sorry if selfish ako(sabi mo nga selfish ako)... gusto ko lang malaman mo na sobrang sa iyo ko pinaikot ang mundo ko.... ikaw ang unang taong iniisip ko sa pag gising at sa pag pikit ng mata ko ikaw pa rin ang laman ng utak ko.... hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko now that your gone... 3 days ago lang okay pa tayo at masaya pero look at me now.... basag ulit... sana wag mo akong iiwan kasi HINDI ko talaga kakayainin pag nawala ka... ikaw ang lahat sa akin... at ikakamatay ng puso ko pag nawala ka sa piling ko... mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko... wag mo akong iwan honey...





At para sa inyong lahat.... paalam na din... di ko lama if makakabalik pa ako dito sa blogsphere.... salamat sa lahat lalong lao na kay
  • lord cm
  • kosa
  • 'lil sis dhianz
  • marco
  • ate deth
  • ate yanah
  • celine
  • chikletz
  • kryk
  • aisa
  • chase
  • pau
  • crayola este acrylique
  • gello
  • dolly
  • jepoy
  • kheed
  • kissha
  • sis kox
  • ate niqabi
  • mommy peach
  • donna
  • pajay
  • purple
  • reigun
  • sis joni
  • collen
  • cayy
  • sis jelai
  • shen
  • panda
  • kuletz
  • yza
  • skyflakes
  • hari ng sablay
  • waleey
  • superjaid

Ingat kayong lahat....

hon please stay....
i'm lost without you

7/30/09


Ayun sa WAKAS at nakapag Blog na din after 3 days sa hospital at another 3 days na pahinga sa kama kong punong puno ng memories(ayan na naman kayo huh... mga utak niyo! ! !) Pero mabalik ako sa kwento ko, dahil wala akong maisip na topic para sa pagbabalik ko dahil nalunod ang katawan ko sa ilang bag ng dextrose ikukwento ko na lang kung bakit ako muntik ng makipag appointment kay kamatayan.

Ganito yun....

Nung Saturday ng hapon may isang pangyayari na ikinasama ng loob ko sa isang tao dahil sa isang rason na di ko pwedeng sabihin dito (basta secret!!!) At dahil sa ginawa niya para bang umiikot bigla ang paningin ko at nag chill ako agad... at parang pag iniikot ko ang mga mata ko eh nasusuka ako dahil sa hilo. Isinugod ako ng butihin tatay ko sa pagamutan at doon napag alaman kung ano ba talaga ang nangyari sa akin....

LOW BLOOD daw ako dahil sa sobrang depression at medyo slight nervous breakdown. Habang pinag papraktisan ako ng ilang nag o-OJT sa hospital at nagtatalo kung sira ba yung gamit nilang thermometer o sadyang mga mangmang lang sila....

Nurse 1: "uy bakit ganun? Parang sira yung thermometer natin?"
Nurse 2: "Bakit ano problema?
Nurse 1: "Eh kasi yung paseyente natin parang di na tumutibok ang heart niya"
Nurse 2: "Tignan ko nga! Hmmmm ou nga noh? Ano gagawin natin baka mamatay sya eh 1st day pa lang ng duty ko dito sa Hospital"
Doctor: "Oh ano yang pinag tatalunan niyo?
Nurse 2: "Sir parang may sira yung thermometer natin"
Doctor: "akin na nga yan! Anak kayo ng tokwa! Mamamatay na pasyente niyo, di niyo pa ako tinawag aba'y 90/30 na ang BP niya!!!!

Kaya ayun ang mga mokong na mga nurse pinagtalunan pa kung sira ang gamit nila pero sa totoo lang sila ang may mga sira(hehehehe). Sa totoo lang aside sa pagka hilo at pag susuka parang ayus naman ako at di ko man lang namalayan na muntik na akong pumirma sa kasunduan ni kamatayan... Pero bakit nga ba ako nagkakaganito? Hmmm siguro next time ko na lang sasabihin pag ready na ako...

Kaya pala before my birthday may ilang post ako tungkol sa kamatayan
... hala! Nagpaparamdam yata si kamatayan sa akin kaya ako nag sulat ng mga ganun... Anyway okay na ako now at kailangan magpahinga daw ako... in short ang gagawin ko lang for the next 1 week ay Matulog, kumain, mag basa ng mga books, at sabi wag ko daw kakalimutan yung kisspirin at yakapsule at least every other day daw(Naks naman!!!) O pano ako'y mag take na ng yakap sule at kisspirin ko now.... ingat kayo at salamat sa mga dumalaw nung nawala ako....

P.S

hindi para sa mga bloggers ito... hehehehe

Corinthians 13:4-7:

Love is patient and kind.

Love is not jealous or boastful or proud or rude.

It does not demand its own way.

It is not irritable, and it keeps no record of being wronged.

It does not rejoice about injustice but rejoices whenever the truth wins out.

Love never gives up, never loses faith, is always hopeful, and endures through every circumstance.


Love is patient and kind daw kaya maghihintay ako hanggang maging okay na ang lahat

Love is Love is not jealous or boastful or proud or rude daw kaya nga minsan lang ako magselos(aba tao din ako at nagseselos din,pero never akong naging boastful

It is not irritable, and it keeps no record of being wronged... hmmmm minsan guilty ako sa part na ito... I forgive but sometimes it's so hard to forget

It does not rejoice about injustice but rejoices whenever the truth wins out... i'm sure alam mo where do I stand kaya whatever happens di talaga ako papayag dun

Love never gives up, never loses faith, is always hopeful, and endures through every circumstance.... that's why di ako susuko or susukuan sa atin dalaw... patuloy pa rin akong mangangarap na magiging okay na ang lahat.

Basta I want you to know na okay na ako and I already forgiven you.... I love you so much... Alam mo naman na UNCONDITIONAL YUNG TYPE NG LOVE KO FOR YOU... LOVE me or HATE me ... still I will continue to love you

7/23/09

(picture niya ito nung inaasar ko siya 'bout sa cute niyang ilong, wahahah)


Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag post sa kadahilanang medyo masakit pa ang katawan ko este wala akong maikwento sa inyo tungkol sa nakaraang kaarawan ko. Ano nga ba ang nangyari sa akin kahapon(july 22)...

Gumising ako ng maaga dahil excited ako... Akalain niyong kaarawan ko na. Na alala ko tuloy yung sinabi ng tatay ko na napulot lang daw ako sa takip ng Nestle Ice creame(Ube flavor). Dati kasi laging may libreng laruan sa bawat gallon ng ice creame nila. Parang dami kong gusto gawin pero sadyang kulang ang bente-kwatro oras para pag kasyahin yung mga gagawin namin ng girlfriend ko... Pero syempre bago ang lahat namalengke muna ako sa may "tinda ni citas" talipapa yun sa may amin(hayup sa pangalan noh?) Bumili ako ng 2 pusit pero parang singlaki ng octopus sa laki at ginamit ko yung powers ko sa pag tawad sa binili ko...
Ako: "Manong magkano po itong pusit?"
Manong: "60 per kilo hijo"
Ako: "Ang mahal naman manong pwede po bang 50 na lang kasi wala na akong pera at birthday ko naman eh"
Manong: "Hijo laos na yang palusot mo... tumatawad ka lang eh... sige na nga tutal bwena mano ka"
Ako: "Salamat po manong"(YESSSSS gumana ulit yung palusot ko!)
Habang pauwi na ako bigla akong nakaramdam ng pagkagutom kaya ako'y lumingon lingon sa tabi ko at nakita ko yung "maming tayo"(mami ang tinitinda nun pero nakatayo ka habang kumakain ka kasi naka bike lang yung mamang nag titinda). Aba teka muna may na aamoy na naman ang maliit kong ilong... parang amoy dinuguan yun ah... bigla kong nakalimutan si maming tayo at dali dali akong bumili dun sa tindahan sa likod ng maming tayo... Hala sige subo lang ng subo hanggang mabusog ako pero makalipas ang ilang saglit biglang sumakit ang tyan ko... hala parang sira yata yung nakain ko ah... so in short buong umaga akong masakit ang tyan ko sa mismong kaarawan ko... Anak naman ng jueteng oh! ! !

Pero dahil sa will power ko at kagustuhan kong makita si gf ko pinilit kong pumunta ng Marikina para sumundo... Tumambay na lang muna kami sa isang mall dahil nahihirapan akong maglakad dahil masakit ang tyan ko... upo upo lang tawanan at kulitan lang ang ginawa namin dun sa mall. Dapat kakain kami sa paborito kong Mcdo pero 'di ko talagang kayang kumain dahil ang hapdi ng tyan ko so niyaya na lang ako ng gf kong umuwi sa bahay namin at sabi niya aalagan na lang daw niya ako...

Dapat nag Nursing na lang ang gf ko kasi parang biglang gumaling yung pagka hapdi ng tyan ko nung binigyan niya ako ng isang matagal na "kisspirin" at matinding "yakapsule". Humiga lang kami at nag kwentuhan(Nabasa niyo ba yung sinulat ko? Sabi ko nag KWENTUHAN LANG KAMI! ! ! Tawanan, kulitan at lambingan lang pala ang kailangan ko para gumaling ako at nung mga bandang hapon na napag tripan naming mag luto ng tanghalian... Ang menu ay....



Tama kayo! Isang pritong tilapia na may sukang maasim at napakalamig na Icetea... heheheh. Siguro nag tataka kayo kung saan napunta yung pusit... hmmm sabihin na lang natin na may mabait akong alaga na dumagit sa ulam dapat namin ng gf ko... hahahaha
After namin kumain at nag pababa ng laman ng tyan ay humiga kami ulit at napagtripan ko yung camera ng phone niya... kung anu anong pose ang pinag gagagawa namin at mga kwelang pose.... pero ang pinaka paborito namin ay ito(honey ganda mo dito talaga)...


Huwag kayong mag isip ng kung anu-ano kasi tangin pictorial lang ang ginawa namin kahit wala akong kaalam alam sa pag kuha ng mga pictures hahahaha. UULITIN KO! Nagkuhanan lang kami ng mga litrato,(wahahaha ayaw niyo maniwala noh?)... After kaming mag sawa sa pag kukuha ng mga pictures ay natulog kaming mahimbing habang mag kayakap sa ilalim ng kumot ko...

Kahit hindi nasunod ang mga balakin ko sa araw na yun dahil sa sakit ng tyan ko dahil sa pesteng dinuguan na yun eh naging masaya naman ako at ang girlfriend ko... madami pa naman araw para mag gala sa Luneta(hindi pa talaga ako nakakapunta ng luneta waaaah!!!!). Ang mahalaga ay nag celebrate ako na may kasama di tulad nung nakalipas na mga taon na si Mcdo lang ang ka date ko. Sobrang nag enjoy talaga ako with my girlfriend that day at sana araw araw akong may kiss este araw araw akong may kasama para di na ako nalulungkot sa buhay...

GUSTO KONG MAGPASALAMAT SA MGA SUMUSUNOD:
  • Sa Girlfriend ko- Honey thank you so much sa lahat ng mga naibigay mong love sa akin at salamat sa pag ta-try na mapasaya ako palagi.... na aappreciate talaga kita as my partner. Salamat nga pala sa t-shirt na gift mo... Ang ganda ganda talaga nun... I LOVE YOU HONEY
  • sa LAHAT ng bumati sa akin dito sa blogsphere- Thank you sa inyo
  • Pau- Uy Pau salamat nga pala sa post mo about me... Na touch talaga ako sa mga sinulat mo dun. Di ko akalain na ganun ako ka special sa iyo... wowowowow
  • Kox- Hahahaha naks ang cute nung ginawa mong parang slogan ah....teka anu ba tawag dun sa ginawa mo for me? hehehehe

7/21/09


Haaaay bukas na ang kaarawan ko pero bakit parang ganun? Parang 'di ako excited? Ahh ewan I just hope maging maganda ang araw ko bukas... Habang nag papaikot-ikot ako dito sa blogsphere at nag iisip kung ano ba ang magandang maisulat bigla ko na lang na alala yung isang taon nakalipas... ano ba ang nangyari sa akin? Ano ba ang mga kapalpalakan na nagawa ko na ikinabago ng buhay ko? Ano ba yung mga bagay o tao na nagpaligaya sa akin?

Habang iniisip ko ang mga bagay na iyon biglang pumasok sa maliit na kokote ko yung mga unforgettable moments ng buhay ko at maniwala kayo oh hindi walang ibang pumapasok sa utak ko kundi yung mga taong namatay sa harap ko... 'di naman ako weird, sadyang laman lang ako ng kalsada at natsatsambahan ko lang makakita ng mga taong namamatay sa harap ko mismo...

Tulad na lang nung last time kong sinundo ang butihing girlfriend ko, na aksidente ako along with 7 other people sa isang banggaan ng jeep at truck... at guess what kung ano ang una kong nakita pag baba ng jeep? Isang buntis na duguan ang tumambad sa akin... patay na siya at hindi na nagawang isalba yung buhay niya... gustuhin ko mang huwag siyang tignan pero di ko magawa ... para bang natulala ako sa itsura niya... sa tingin ko mga 23 to 28 years old lang siya at parang bagong kasal lang. Habang pinag mamasdan ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin bigla akong napaisip sa mga taong naiwan niya? Naisip ko yung sanggol niya na hindi man lang nasinagan ng araw o nakaramdam ng yakap ng kanyang mga magulang, naisip ko din if niyakap ba niya ang asawa niya bago siya umalis ng bahay.

Makalipas ang ilang minuto bigla na lang akong nagulat ng may sumigaw na lalaki sa likod ko...

"Mary bakit ka tumawid? Bakit mo ako iniwan? Bakit!!!!! Hindi ko man lang nasabi sa iyo kung gaano kita ka mahal"

Sa pag kakadinig ko sa kanya, may alitan pala sila ng asawa niya at bigla na lang tumawid ang babae dahil sa inis sa lalaki.

Ang bilis ng buhay... Sabi nung lalaki 'di man lang niya na sabi na mahal na mahal niya yung babaeng nakahandusay sa harap ko... Bakit parang madalas binabalewala natin ang mga importanteng tao sa buhay natin... Bakit laging kailangan pang mawala sila bago natin ma-appreciate ang worth nila...

"Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo" yan ang sabi nila at sang ayon ako dito, bakit kapag wala na sila tsaka natin sila iniiyakan, tsaka tayo mag so-sorry, tsaka natin sasabihin na MAHAL natin sila? Hindi ba pwedeng sabihin ito habang kasama pa natin sila? Hindi ba pwedeng iparamdam natin kung gaano sila kahalaga at kung gaano natin sila ka mahal habang katabi pa natin sila at nakakausap?

Pero sadyang ganyan ang buhay, kung kelan wala na sila at di na natin makakausap tsaka natin maiisip iparamdam na importante sila.
Ikaw, ano pa ang hinihintay mo at nakaupo ka pa dyan sa harap ng monitor.... mag text,tumawag o sumulat ka na sa mahal mo at sabihing importante at mahal mo sila bago pa mahuli ang lahat...



*Bakit ba ganito ang post ko? Aba malay ko? Wala akong maisip eh... hahahahaha



7/18/09


What if ito na yung last day mo na mabubuhay ka…. Sino ang gusto mong makasama? Kanino ka hihingi ng kapatawaran? Ano ang gagawin mo sa last 24 hours ng buhay mo? Try to visualize this thing and try to put yourself sa lugar ng libo-libong tao na bilang na ang mga araw nila dito sa mundo. Nakakatakot ‘di ba? Habang binabasa mo ano ang naiisip mo? Imagine that we only have 24 hours para mabuhay anu-ano yung mga gusto mong gawin? I’m sure madami kang gusto gawin, madami kang taong gusting makasama at madami kang dapat ihingi ng tawad sa mga nasaktan mo…. Naisip ko lang itong isulat dahil sa pesteng pelikukang “If Only”.
Parang hindi ko yata alam ang una kong gagawin if I only have a day to live… siguro hihingi muna ako ng tawad sa mga magulang ko sa lahat ng mga sakit ng ulo na naidulot ko sa kanila at mag papasalamat na din ako sa lahat ng mga ginawa nila sa akin… and about my mom… hahanapin ko siya at patatawarin ko na siya sa lahat ng pains na naibigay niya sa akin tapos yayakapin ko siya… gusto naman na kahit sa huling pag kakataon masabi ko sa mga magulang ko na mahal ko sila. Gusto maksama lahat ng mga kaibigan ko at mag spend ako ng kahit ilang oras with them, gusto ko mag pasalamat sa lahat ng mga ginawa nilang pag uunawa sa akin, sa walang kasawa-sawang pag bibigay ng payo sa akin, sa pag bibigay ng love at hope sa akin whenever I’m down. Siguro mag load ako ng madami sa cellphone ko at tatawagan ko lahat ng mga kaibigan ko pati na din sa mga kaaway ko para humingi ako ng sorry and hopefully mapatawad nila ako. Lastly, I wanna spend my remaining days ditto sa mundo with my girlfriend, I want to tell her how happy I am for having her as my girl, mag papasalamat ako sa kanya for teaching me to trust again… for teaching me how to love again. I wanna tell her na because of her nag bago ako… I’m not the saul I used to be… dati hindi mo ako makikitang tumatawa or kahit ngumiti man lang pero ever since I met her biglang nagbago lahat, gusto ko siyang yakapin ng matagal just for her to feel my heart beating for her… She’s the answer sa lahat ng mga tanong ko sa buhay…
Masyado yatang malakas ang imagination ko kasi tumutulo na ang luha ko habang sinusulat ko ito… I really don’t know what’s happening to me kung bakit ako nag kakaganito… Dati-dati wala akong paki alam sa buhay… at para sa mga hindi nakaka alam 9 times na akong nag try mag pakamatay(4 na laslas, 2 overdose ng gamot, at 3 times na pinag sabay ko yung pag lalaslas at pag inom ng isang boteng sleeping pills) and yet I’m still here. I don’t value my life before pero hindi ko talaga alam if anong nangyari at bigla akong nagkakaganito. Siguro dahil nga sa pesteng movie nay un kaya ako nag kakaganito.
Madami pa akong gusting gawin before my 24 hour deadline ends pero siguro enough na yung makahingi ako ng tawad, makasama yung mga minamahal ko sa buhay at makasama ko ang girlfriend ko ‘till my last breath.
Ikaw? Ano gagawin mo if you only have 24 hours to live? Will you say sorry sa mga naka away mo, will you hug your family? Will you spend your remaining hours with your special someone? Kung iisipin natin parang masyado natin nababalewala ang bawat araw na dumadaan sa atin… madalas sinasabi natin na “ bukas na lang ako makikipag bati… or bukas ko na lang gagawin yun” pero what if wala ng bukas na dumating sa iyo… what if last day mo na ito? Ipagpapaliban mo pa ba yung pag sasabi ng mahal mo siya, ipagpapabukas mo pa ba yung pag tawag sa magulang mo at hihingi ka ng tawad, hihintayin mo pa ba yung bukas para lang maparamdam mo sa mahal mo how much you love them?
Sa tingin ko lang we should live our lives na para bang wala ng bukas… tulad ng post ko dati… hindi natin hawak ang oras natin… pwedeng ito na nga yung last day natin so I suggest that you stop wasting your time and start spending time with your loved ones, start saying sorry’s sa lahat ng mga naka away mo at start expressing your love sa mga taong importante sa iyo…. Time is running out…

7/16/09


Nung isang araw may nag regalo sa akin ng 7 polo shirt na iba't iba ang kulay... at dahil dun ako'y natuwa at dali dali akong nag punta sa kwarto ko at sinukat ang pink na damit at nang maipasok ko na yung ulo ko sa damit at nung inilapat ko yung damit ko sa katawan ko..... ANAK NG JUETENG naman oh!!!! 'Di kasya sa akin!!! Takte di ko malaman kung may sira ba yun o sadyang tumataba na naman ako. Nag mukha akong suman na kikay dahil kulay pink.
Dahil sa sama ng loob ko dahil minsan na nga lang may mag regalo sa akin at MINSAN na lang ako mag karoon ng bagong damit ito pa ang mapapala ko(huhuhuhu). Nag punta ako sa banyo namin para tignan sa salamin yung katawan ko... peste!!! kahit sa salamin namin di na mag kasya katawan ko...ganun na ba ako kataba?(sabay tingin sa katawan ko)... Hmm okay okay medyo mataba nga ako at di ko ipag kakaila na may abs ako, yun nga lang pahalang ang itsura... parang 3 french bread na itinapal sa tiyan ko.

'Di naman talaga ako matakaw sadyang mabilis lang akong tumaba, 3 beses lang akong kumakain kada araw...

Almusal:
  • Kadalasan 20 pan de sal ang kinakain ko at kalhating bote ng peanut butter or isang latang sardinas(yung pula at dapat LIGO sardines para malasa)
  • Mga 3 basong juice
Tanghalian at Hapunan:
  • Dahil dalawa lang kami ng tatay ko sa bahay konti lang ang sinasaing kong bigas... usually 3 gatang lang ang niluluto ko...(yung 1/2 na gatang ng bigas sa tatay ko at yung 2 and a half sa akin)
  • Mga kalhating kilo ng karne ang usually niluluto ko para tipid(Takte mahal na ang karne dito, 180 per kilo na!!!)
Na aalarma na talaga ako kaya napag diskitahan kong mag DIET... Teka pano ba yun? Ibig sabihin ba na di ako kakain ng madami? Ibig bang sabihin kailangan ko ng mag excercise? Panu ba mag diet? Kinunsulta ko ang aking butihing girlfriend at sabi niya subukan ko daw mag AFTER 6 diet... Anu yun after ba ng 6 cups ng rice di na ako kakain pero anak ng jueteng napahiya ako ng malaman kong AFTER 6pm pala di na pala ako dapat kakain.

So far tatlong araw na akong nagda-diet at parang pinapatay ko lang ang sarili ko dahil di na ako nakakakain ng mga paborito kong pag kain tulad ng Adobo(yung maraming mantika), Kare-Kare(yung saksakan ng creamy yung sauce), mga tsokolate. Sabi din ng gf ko dapat kumain daw ako ng gulay... di kasi ako kumakain nun dahil di yun tatanggapin ng systema ko at mag kakasakit ako(joke lang). Pero pwera biro, kumakain naman akong gulay ah... at naisip kong gumawa ng list ng mga gulay na kinakain ko:
  • Patatas
  • Potatoes
  • French Fries(dapat Mcdo)
  • Potato Chips
  • Hash Browns
  • Mashed Potatoes
  • Mojos(sa shakeys)
Hahahaha parang puro patatas lang ang naiisip ko ah... haaay oh mauna na muna ako at mag excercise pa ako... wish me luck na sana bago mag kaarawan ko mag kasya na ako sa pink kong damit.(nagugutom na naman ako ah nakakapagod talagang mag type...)

7/14/09


WARNING: ISANG NAPAKAHABANG POST PARA SA LAHAT NG SINUNGALING


Anak: Nay bakit kaya ganun ang buhay?

Nanay: bakit? anu meron at parang may problema ka?

Anak: Wala lang na isip ko lang... bakit kaya ang Mapag laro sa isang relasyon ay laging napupunta sa mga taong seryoso kung mag alalga ng isang relationship, bakit kaya ang mga taong two timers ay laging napupunta sa mga Loyal kung mag mahal at bakit yung mga taong trip nila or past time ang pananakit ng feelings ay napupunta sa mga taong kakagaling lamang sa isang heartache dahil sinaktan sila ng dati nilang minamahal?

Nanay: Hmmmm hindi ko alam kung bakit pero naniniwala ako na kaya sila ang pilit na pinag tatagpo at pinag sasama kasi kung katulad nilang two timers, mangloloko, at di seryoso sa isang relationship ang makakapareha nila... wala silang matututunan at wala din pag kakataon na magbago sila kasi nga parehas silang mapag laro... isipin mo na lang na kaya naging kayo kasi may dapat kang baguhin sa kanya...isipin mo na lang na naging kayo para tulungan siyang mag bago....


Usapang seryoso naman tayo dahil baka akalain niyong puro kalokohan na lang ang kinukwento ko dito(lolz). Anyway nung last time akong nag ikot ikot dito sa blogsphere biglang may napansin akong magandang title ng post.... ng pinuntahan ko ang blog ng kapatid nating si PAU.... ANAK NG JUETENG!!!! Biglang kumulo ang dugo ko sa mga nabasa ko sa post niya...

Isa si pau sa mga naging malapit sa akin dito at somehow tinatrato niya akong parang kuya kahit di pa kami nag kikita at ayaw ko din mag pakita sa kanya kasi tiyak na mag papalibre siya ng McDo sa akin at pakiramdam ko matakaw yun kaya siguradong ubos budget ko sa kanya(peace tayo pau hahahahah). Balak ko sanang kopyahin yung buong post niya para maintindihan niyo pero dahil wala naman akong sariling internet at 30 pesos lang ang pera ko....

PATALASTAS MUNA TAYO:
Alam niyo bang 15 months na akong nag bo-blog pero wala kaming computer at internet sa bahay.... just imagine kung gaano na kalaki ang inuubos kong pera sa kakablog ko.... hahahahaha POOR lang kami eh...


Mabalik tayo sa post ko.... yung post ni Pau is about how her FUC#!NG Bf treats her... bigla kasi akong nawindang sa mga nalaman ko sa kanya... oo nga pala ang title ng post niya ay


"7 Deadly Sins"
(pinaiksi ko para di gaun kahaba yung post ko)
  • "alm mo minsan iniicp ko, sna xa nlng gf ko para kainggitan ako ng lht"(biglang inopen ng walang kwentang bf niya yung topic na tungkol sa gustong gusto niyang idate na gurl... taena oh topic ba yun?)
  • "minsan lalabas kame para magdate.. pero maya maya maglalaro siya ng teken o dota.. at 30 mins o 1 oras akong magmumukhang tanga sa likod nia habng nglalaro xa..."(sino naman ang nasa matinong pag iisip na pag hintayin ang mahal niya ng 30 mins. o isang oras dahil busy kakalaro ng computer games.... adik ba siya o sadyang may tuliling)
  • "simula ng naging kami wala pa siyang ngagawang special na bagay para sa akin.. kahit simpleng regalo nga di nia ko mabigyan dahil inuubos niya lahat sa laro niya e,,."(Alam kong to give is much better to recieve pero takte naman yung bf niya kasi mas inuuna pa niya yung pag lalaro ng dota at teken kaysa sa gf niya)
  • usapan na namen na magdadate kami..kasi ilang araw kaming di nagkita dahil sa trabaho nyia..naka ayos na ako..handang handa na..bigla siyang magtetext.. "di na tau tuloy... kailangan daw ako ni kua sa office.. pxenxa na babawi nlng ako nxt tym.." ang masaklap dun..pang 5 beses na niyang sinbi yun sa akin..ung "bawi na lang ako next tym". Lahat nung next time na yun, di natutuloy..(Kapag ikaw di mo kayang tuparin ang pangako mo wag kang mangangako or mag papaasa...)
  • Minsan nag text ang bf ko na mamaya na lang kami mag text dahil may klase pa sila so ayun di muna ako nag text at napag isipan ko na lang na mag gala sa SM Bacoor at hulaan niyo kung sino nakita ko at nag lalaro ng arcade? Ang Bf ko naabutan ko dun sa laruan.(anak ka jueteng!!! wag ka din mag sisinungaling... sino ba ang gf mo si PAU ba o si XIAOYU ng tekken 6?)
  • tapos na ang klase ko nun, kaya pumunta na ko sa sm para makipagkita sa kanya.. nagkta kami saglit dahil break niya.. maya maya nagpaalam na siya dahil my klase na siya.. napag usapan naming hihintyin ko xa hnggng uwian nia... naghinty ako ng 4 na oras, ng mag-1 pagod na pagod at gutom na gutom.. ang saya saya ko sa pagbalik nia.. sinalubong ko pa siya ng isang napakatamis na ngiti... at kinamusta ko pa kung anong nangyari sa klase nila.. alam niyo ba kung anong sinagot niya?
    "wala kaming klase eh.. nagpaprint lang ako dun sa computer shop katapat ng school namin.. tapos nanuod na din ako kay mark ng dota"
    imagine, 4 hrs akong naghintay kahit na pagod na pagod ako galing school,at gutom na gutom pa.. mag 1 pa ko ah! tapos sasabihin niya nanuod lang siya ng dota! hindi man lang niya naisip na mag 1 ako sa sm! hindi man lang siya nagtxt para papunthin ako dun.. di man lang nia inisip ang kalagayan ko..(No comment ako dito ayaw kong mapamura dito)
  • Nag-away na naman kami at nagbreak ng arw na yun..magkatxt kame at hingi siya ng hingi ng twad... Maya maya na isip namin ng clamate ko na pumnta sa sm.. habang nasa byahe kami. Napatingin ako sa opisina nila.. (malapit lang un sa s.m, di ako stalker ah) Guess what kung anong na kita ko habang nagmamakaawa siya at lumuluha sa mga txt niya skin.... AYUN! MAY KALANDIANG BABAE... TAWA NG TAWA.. HABANG NAKIKIPAGKURUTAN PA SIYA NG ILONG..

    ayun.. dahil nga sa UBOD ako ng TANGA... pintwad ko p din xa...(kumukulo na ang dugo ko!!!!!!)


Bakit kaya gunun? May mga taong kahit na anung pananakit ng kanilang minamahal ay patuloy pa din sila sa pag bibigay ng pag mamahal sa partners nila... bakit kahit anung buti ng mga partners nila ay nakakagawa pa din sila ng mga kalokohan na nag dudulot na sakit sa kanilang mahal.... teka mahal ba tawag dun? Alam kong di ako isang specialista pag dating sa mga usapang love pero alam ko yung pag kakaiba ng tama sa mali.... MALI yung ginagawa ng mga tao sa pananakit sa mahal nila at MALI din yung SOBRANG martyr....


Dear pau,

'di masamang mag mahal.... pero di na pag mamahalan yung ginagawa niyo.... at one more thing TAKTE KA!!!! Bakit mo ako inaagawan ng trono? Dapat ako lang ang MARTYR sa buong blogsphere hahaha.

7/10/09


Habang ako'y nagkakalkal ng aking mga lumang diary bigla na lang may nalaglag na munting papel na tila ba parang naninilaw na dahil sa tagal ng nakatago.... nagulat ako sapagkat di ko alam na tinago ko pala ito... siguro nag tataka kayo kung ano ito noh? hhmmmmm pilitin niyo muna ako... wahahaha say PLEASE!!!! Joke lang... ito yung nilalaman ng munting papel na pinag lumaan na ng panahon.


Paalam... Salamat....


Nagbago ako para sayo
Ginawa ko ang lahat
Mapansin mo lang ako
Para lang mahalin mo

Pero anong ginawa mo sapuso ko
Iniwan mo lang na parang aso

Kung alam ko lang na gagawin mo ito

Sana hindi na ako nagpatuloy

sa pag-ibig ko sa iyo


Sana wala na lang akong puso
Para hindi na ako nakakaramdam

Sana hindi na lang ako umibig sa iyo
Para hindi ako nasaktan ng lubusan


Bakit paulit-ulit ang pangyayari?

lagi na lang may iyakan

Bakit kailangan pang magpaalam?

Kung maaari namang walang iwanan.


Lagi na lang akong nasasaktan

sa isang bagay na walang katuturan
Masama bang magmahal ng lubusan

At lagi na lang akong naiiwan


Paano kita magagawang kalimutan?

Kung ang aking mundo ay ikaw

Paano ko matatanggal sa aking isipan

ang masasayang araw at tawanan?

Kay hirap gawin ng ganitong bagay

Dahil ikaw ay naging parte ng aking buhay

Ngunit kung hanngang dito na lang talaga
Ito'y aking tatanggapin


Kaya naman nais kong magpasalamat
Sa iyong mga alaalang iniwan sa akin

Sa mga araw na hindi
maaaring malimutan

At sa mga kasiyahang
walang katapusan.


Ngayon, malamig ang aking kaarawan

Dahil wala ka na sa aking tabi

Mahirap
sabihin,mahirap tanggapin
Nawala ka na ngayon sa aking piling


I wrote this 2 days before my birthday... 4 years ago para sa babaeng inakala kong magiging kami habang buhay(sniff sniff). Pero na saan na siya sumama na sa pesteng Pinsan niya(yuck!)

Anak ng jueteng kasi.... di ko alam if na nanadya ang tadhana.... biruin mo 5 years na akong nag se-celebrate na birthday na mag isa... teka di pala actually mag isa...kasama ko nga pala si Ronald McDonald(lolz). Usually ganito lang ang ginagawa ko dahil wala akong makasama pag birthday ko...
  • Pumunta sa mall(Megamall, Galleria, MOA, or Sta. Lucia)
  • Kumain sa Mcdo ng Cheese burger, Caramel sundae, large sprite,2 large fries at spaghetti(diet pa ako ng lagay na yan)
  • Manuod ng sine(dalawang beses kong papanuorin yun dahil gusto kong makabisado yungmga scenes)
  • Mag laro sa amusement center ng arcade(oo nag lalaro paako up to now ng mga video games)
  • Bumili ng fave book ko(kahit ano basta maganda)
Pero I think this years different...may makakasama na kasi ako sa birthday ko... pero alam mo ba na parang gusto kong maiba yung gagawin ko this year? This time parang gusto kong:

  • Pumunta sa Luneta(takte di paako nakakapunta dun)
  • Mag date kami ng gf ko sa isang sossy na restaurant(takte kulang pa ang budget)
  • Manuod ng Transformers(anak ng jueteng matatapos na yata yun sa mga sinehan di ko pa napapanuod ah)
  • Maipagawa ko na yung blogger na T-shirt ko(Kulay black yun. May Blogger na logo at name ko sa likod, at sa harap naman nakalagay yung word na "pinoy blogger")

Pero kahit anung mangyari sa birthday ko I'm glad kasi makakasama ko ang jowa ko.... pagpasensyahan niyo na if ganito ang post ko... NAGPAPARINIG LANG KASI AKO SA INYO! BIRTHDAY KO NA!!!! Regalo niyo mga kapatid at mga parekoy nasaan na? hahahahahaha

JULY 22 19??
Birthday ko!!!




Pa BURGER NAMAN KAYO!!!!


P.S

Birthday ni Ms. Donna nung July 9(yata) hahahahaha
Happy Birthday Ms. Donna!!!!




P.S(ulit)

nagtataka ako sa iba sa inyo... bakit niyo hinahanap yung pinag mumulan ng background song ko? hahahahaha haaaay sige na nga ilalabas ko na... nandun sa baba... pero dati nasa ibaba ng header ko.... naka hidden.... ingat

7/7/09


Maaga akong gumising kanina para sunduin ang jowa ko sa skul nila para gumawa ng assignment niya at bantayan yung mokong na si "ALGEON"(kontrabida siya sa amin ng jowa ko), swimming class kasi ng jowa ko kaya naka swim suit siya... yung mokong na yun laging umeepal sa gf ko(sarap gilitan ng leeg). Takte!!! anak ng jueteng 12 pa pala ang uwian nila at.... at... at 8:25 pa lang ng umaga(excited) hahahahaha anyway habang nag lalakad lakad ako dito sa Marikina biglang kumalam ang sikmura ko.... di pa pala ako nag aalmusal.... habang nag hahanap ako ng makakainan dito sa palengke biglang may naamoy ang munti kong ilong.... takte ADOBO yun ah!!! Dali dali akong umupo at umorder ng isang Adobo at ng makasubo na ako bigla ko naalala yung dati kong niluto para sa jowa ko.... "adobo".

Maagang umuwi kasi ang jowa ko that day at mula 10 am 'till 5 pm nag kulitan lang kami(mga utak niyo huh... ayan na naman kayo!) Wala talaga akong maisip na madaling iluto kaya adobo na lang ang napag tripan kong iluto para sa kanya...(first time ko mag luto para sa isang gf)

Hinanda ko na yung mga sangkap at sinimulan ko na ang mala cooking show na pag luluto kasi katabi ko ang jowa ko.


Adobo Ingredients:

  • 1/2 kilong baboy cut into cubes(cubes at HINDI mala giniling sa liit ng hiwa)
  • 1 heas ng garlic(pang taboy sa mga aswang at pati gf ko lalayo pag di ako nag toothbrush after kumain ng garlic)
  • 1 toyo(datu puti huh.... yung nasa pouch para tipid)
  • 1/2 suka(hindi yung galing sa kilili huh.... di natural yun dapat datu puti din)
  • 2 cups ng water(mineral daw sabi ni gf)
  • 1 teaspoon ng paprika(anu yun?nakakain ba yun?)
  • 5 dahon ng laurel leaves
  • mantika
  • 2 tablespoon ng cornstarch(pang papalapot)
  • salt and pepper to taste(wow parang cooking show lang talaga ah)

Adobo Cooking Instructions:

  • In a big sauce pan, heat 2 tablespoons of oil then sauté(anu yung sauté?) the minced garlic and onions(teka parang di ko nalagyan ng onions yung ingridients ah, basta lagyan niyo na lang para masaya)

  • Ilagay ang pork sa pan. Add 2 cups of water, soy sauce, vinegar, paprika and the bay leaves. Pakuluin(iba ang pakuluin sa tuyuin!). Takpan for 30 minutes hanggang sa lumambot.Kaya habang pinakukuluan ko yung baboy balik ulit kami sa kama ni jowa at...... nagkwentuhan ulit(hmmm utak niyo ang dumi ah!)

  • Makalipas ang 30 minutes na pag aanuhan este pag lalambingan balik ulit ako sa kusina this time kasama na si gf... pag malambot na yung baboy ihiwalay yung natitirang sauce at buhusan ng mantika yung kawali at iprito ang baboy until maging brown...Alam niyo ba yung iprito? Iba ang iprito sa sunugin!

  • Ater ng ilang minutong pag iiwas sa mga talsik ng mantika ihalo na ang natitirang sauce sa baboy na naprito niyo at mag lagay ng cornstarch para medyo lumapot ang natitirang sauce.

  • Add salt and/or pepper para mas masarap... samahan na din ng isang mahigpit na yakap at sweet na halik ni jowa....

  • Pakuluin ulit hanggang lumapot na ang sauce... kaya habang hinihintay namin lumapot ang natitirang sauce balik sa lambingan kami ng gf ko... hahahahaha
  • Ihain kasama ng mainit na kanin at malamig na ice tea... yung nestea huh..


Kakain na sana kami ng biglang nakaramdam ng pagod si gf kaya ihiniga ko muna siya.... at ayun... nakatulog na siya ng hindi nakakain yung adobo ko.... so no choice kaya tinabihan ko na lang siya sa kama at......natulog kami...hahahahaha. Pagkagising niya kinain na din namin sa wakas yung niluto ko....

Haaaaay isa yun sa mga pinaka magagandang memories ko with her... takte ang tagal mag 12 huhuhuhu....

7/3/09



Pag pasensyahan niyo na if naging busy ako lately at medyo napapabayaan ko na ang pag bo-blog ko sakit kasi ng katawan ko.... hmmmm bakit nga ba masakit katawan ko? Hahahaha itanong niyo sa gf ko... wahahahaha...


Anyway, nung July 1 ay 7 monthsary namin ng jowa ko at as usual wala naman kaming ginawang kakabalaghan este importante pala. Sinundo ko lang siya sa school nila at binitbit lang yung mabigat na bag niya na kulay pink at pumunta kami sa kwarto ko este bahay pala pero dumeretso agad kami sa kama para...... magpahinga.. napagod kasi siya. So ayun habang nakahiga kami at pinag mamasdan ko siya at ang magagandang mata niya bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam... HOY!!!! Alam ko ang iniisip niyo!!!! Kung anu man yung iniisip niyong madumi hindi yun ang naramdaman ko....hahahaha.

Hindi lang ako makapaniwala na 7 Months na pala kami.... Tandang tanda ko pa nung almost 8 months ago ang tawag ko lang sa kanya ay "baby couz" pero now parang higit pa kami sa mag jowa dahil sa mga ginagawa namin at mga pinag daanan namin
(HOY UTAK NIYO HUH AYUSIN NIYO!!!!).

Hindi naman matatawag na perfect ang relationship namin actually medyo magulo nga pero this past few weeks medyo nagiging ayus na kami. Although nakakapag inflick kami ng pain sa isa't isa still nakakapagpatawad kami at jahit isang katerba ang tumututol sa amin dahil sa age gap namin... 'wa kami pake at patuloy lang kami sa pagmamahalan(woooot!!!)

Teka mabalik ako sa mga ginawa naming milagro sa kwarto.... ayun humiga lang kami for almost 5 hours yata, nagpagulong-gulong at nag kulitan. Isa na siguro yun sa pinaka masayang araw ko sa buong buhay ko. Habang hinihipo ko yung....... pisngi niya bigla ko na lang naisipang sabihin sa kanya kung bakit ko siya minahal at bakit patuloy pa din ako sa pag mamahal sa kanya... ayun nag cry cry ang bruha.... hahahaha.

Pero siguro nag tataka kayo kung bakit masakit na naman ang katawan ko at bakit laging masakit ang mga laman laman ko sa tuwing sasapit ang monthsary namin.... hahahahaha SECRET YUN!!!! Binubugbog niya ako... joke...


HOney,

Salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin.... salamat for teaching how to trust again.... salamat sa pagmamahal... salamat sa mga panahong sinusoportahan mo ako sa tuwing walang taong mag tyagang sumuporta sa akin(teka parang ang gulo yata). basta salamat talaga.... I love you so much... at alam kong ilang daag beses mo ng nadinig ito pero gusto ko lang ipag sigawan sa lahat na ikaw ang reason ko why nakaka ngiti na ako. I love you.

P.S

honey sakit talaga ng katawan ko... kaw masakit pa ba katawan mo? hahahahaha Next month ulit huh....






Bago ko tapusin itong post ko gusto ko lang ipaalam na malapit na ang kaarawan ko...
July 22 19?? Ngayon pa lang tumatanggap na ako ng mga regalo at mga cash bilang donation sa birthday ko.... takte ang tanda ko na!!!!!





 


Blogger Template By LawnyDesignz