1/12/10


ANAK NAMAN NG JUETENG!!! 'Di ko mapigilang magalit, mainis, at lahat yata ng kaibigang maligno eh tinawag ko at yayayaing kong rumesbak... oh wag kayaong mag taka wala akong kaaway... may kinaiinisan lang akong tao... siguro kung kasing talas ng kutsilyo ko ang mga memorya niyo eh maaalala niyong naipost ko na siya dito... sino kamo siya? Itago na lang natin siya sa pangalan na "Mr. A"...

Kasi ganito yun... kahapon sinundo ko si gerlpren at ayusna sana ang eksena... holding hands sa loob ng jeep, masayang nag tatawanan at nag aasaran pero biglang may isinumbong si gf sa akin...

"Hon sakit ng tenga ko"
"Oh bakit? anu nangyari?"
"Kasi si Mr. A kinagat ang tenga ko"


ANAK NAMAN NG TIPAKLONG, TINAPA AT JUETENG... nakakalalaki na yun ah... dati hinihila lang niya yung strap ng *toot* mo tapos now may pakagatkagat pa siyang nalalaman.. Dahil likas akong tahimik at nasa loob ang kulo... nag mistulang mayon volcano ako at di napigilan mag init...

Crossing the line na yun ah... Gf ko eh ginaganun ng ibang lalaki? Sinong hindi mag iinit dun... butina lang pinigilan ako ni gerlpren na sumugod at kausapin siya ng malumanay(asa pa akong maging malumanay) Lakas ng toyo nung lalaking yun ah... Correct me if I'm wrong pero mali naman siya diba? ewan nakaka bad trip talaga...

Sarap niyang sunaglngalin ang nguso at tusukin lahat ng pimples niya ng karayom...

Dito ako ngayon sa may skul ni gerlpren at nag aabang sa pag labas ng mokong... ipakulam ko kaya? O ipa salvage ko na lang... hahahaha joke lang yun huh... Mabait akong tao pero wag lang magkakamaling mag cross ng line ang mga tao sa paligid ko...

Whew... (inhale exhale inhale)

17 comments:

miryamyam said...

wahaha..hinay hinay brad..

pero seriously, dapat nalalaman ng mr.a na yan na mali yung ginawa nya. nakakabastos yun sa part ng gerlpren mo. babae rin ako, AT ang panget ng ginaganun.super

January 12, 2010 at 4:52 PM
kox said...

pwede mag comment db?

hmm...

hmm..

inhale.. inhale lang.. haha

:)

kuya, mali nga si mr.a :) at sobra sobrang mali. ang manyak nya ah! gusto mo kulamin ko? echos! ^^,

pero..

anong ginawa ni mich nung hinihila yung strap nya? nagalit ba xa? kung hindi, parang binigyan or binibigyan nya ng chance c mr.a na maging maxadong madikit sakanya.

ahmm.. nung kinagat naman xa, sana sinampal nya at nagalit xa. tapos,, pwede bang hindi malaman ni mich na kakagatin n yung tenga nya nung lalakeng yun? xempre,, malalaman nya db? na may papalapit na sa tenga nya.. or kung biglaan, di yun makakagat kc iiwas agad.. parang madadampi lang yung lips. ganun..

ahmm.. opinyon ko lang ah!

condolence nga pala sa dog mo :D

January 12, 2010 at 6:25 PM
Renz said...

aw bastusan yun ah..tsk..ipagdasal mo na lang.

January 12, 2010 at 6:30 PM

ang masasabi ko lang!! ang kapal ng mukha nya!! slut! >.< kung ako sayo pagtanggol mu gf mu nago sya matuluyang harassin ng sira ulong yun!!

January 12, 2010 at 8:14 PM

chillax...
Don't problem him..
let him problem you..hehe
Basta..yaan mo na xa..
but if he will still do that..
i-lay hands mo na.
at lift up kay God..
para magbagong buhay na..
God Bless!

January 12, 2010 at 9:06 PM
batanggala said...

kuya! relaks ka lang...baka ma hayblad ka nyan.kalma lang.haha... eniweys... hala sige dalhin mo dito yan, uupakan natin. haha... jowk lang po. sabagay, nakakainis pag ganun ang tao e. sobra namang kabustasan... tssk...bahala na si Bro. siguro mas mabuting kausapin mo na nga lang ng maayos...then pag inulit pa nya... wala ng usap-usap pa, bugbugan na...haha

January 13, 2010 at 12:55 AM
glentot said...

Nakakagalit nga yun ako nga binabasa ko pa lang yun entry mo nakaramdam na ako ng galit kay MR. A sabihin mo kung kailangan nya talaga maghanap sya ng tengang hindi pag-aari ng iba...

Mali yun... at sana iwasan na sya ng GF mo simpleng advice lang...

January 13, 2010 at 5:12 AM
Lord CM said...

*kagaya ng comment ni kox*

opinyon ko rin lang parekoy, kailangan mo rin tingnan ang side ng bawat isa

January 13, 2010 at 7:32 AM
SCOFIELD JR. said...

ipakulam na yan...

ganito n lang gawin mo, pag nakita mo si mr. A, kagatin mo din...heheheh.

kung edukado si mr.A, alam nya na mali yun, pero kung talagang manyak sya, paiwasin mo na si GF sa kanya.

January 13, 2010 at 1:06 PM
Amorgatory said...

hay juice kow, un lang muna lols

January 13, 2010 at 5:47 PM
Kosa said...

Chillax parekoy!
Kinagat Lang pala eh.
Baka naman tinging Nya Kay GF eh isang masarap na ulam o di Kaya meryenda!

Wahahaha

Kung lagi kang ganyan parekoy, tatanda ka ng maaga.

January 13, 2010 at 7:24 PM
Kosa said...

Chillax parekoy!
Kinagat Lang pala eh.
Baka naman tinging Nya Kay GF eh isang masarap na ulam o di Kaya meryenda!

Wahahaha

Kung lagi kang ganyan parekoy, tatanda ka ng maaga.

January 13, 2010 at 7:25 PM
fiel-kun said...

wuy parekoy. relaks lang. ang puso mo baka mahulog hehe...

tiningnan ko yung link ni Mr. A at mukha nga syang maangas.. ang sarap sapakin ahaha XD

kakarmahin din yung lokong yun... asa pa siyang makaisa sa gf mu.

January 13, 2010 at 9:17 PM
Jag said...

nkkpag init nga ng ulo ang ganun...bad trip...pero relak lng pre may award ako sau hehee...

January 15, 2010 at 6:43 PM
ELAY said...

nakakapanginit nga ng ulo ipabarang na natin si MR.A agree ako sayo!

nagmamahal,
elay

January 15, 2010 at 7:06 PM
iya_khin said...

huwwat! besfwen nkakalalaki nga yun! nak ng pating asawa ko nga eh galit na galit ako pag may mag kokoment lang sa kanya ng MWAAH yun pa kayang touching da property na! resbakan natin! manyakis na yun!

January 16, 2010 at 4:09 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz