1/6/10


HAPPY NEW YEAR!!!!

OHA akala niyo nasabugan na ako ng pla-pla noh kaya di ako nag paparamdam sa inyo... mali kayo dun... buhay pa ako!!!!


Ayun sa wakas at naka hawak na din ako ng computer... ganda kasi ng salubong ng bagong taon ko... biglang sumabog ang computer ko habang nag haharvest ako sa farmville ko... anak naman ng jueteng kung kelan mag level 24 na ako tsaka naman inatake ng toyo ang computer ko.

Anyway naging maganda naman ang bagong taon ko... masaya akong kumain ng spaghetti na mag isa, kumain ng ice cream na mag isa(ulit) at inupakan ko yung kalhating kilong liempo(tsaka na lang ako ulit mag d-diet)

Tama yung nabasa niyo na mag isa lang akong sumalubong ng bagong taon na ang tangin kasama eh ang aso kong si booboo. Dahil wala akong computer, wala din unli ang mga anak ng jueteng na si SMART, at wala din akong TV sumabog din kasi nung november kasi 110V lang yun pero dahil adik ako sinaksak ko sa 220V kaya ayun sumabog din... bigla ko na alala yung sinabi ni gf na kapag mag asawa na kami eh bawal daw akong humawak ng remote ng TV o kahit magsaksak ng TV sa outlet... (daya naman)

Oh panu ba yan isa na namang taon ang nakalipas at anu ba ang napala ko last year? Meron ba?
Wala akong maisip eh... siguro mag papasalamat na lang ako sa lahat ng naging kaibigan ko dito sa blogsphere...
kosa
aneng(idol)
ate deth
bangz
batanggala
chikletz
choknut
cindyrella
crayola
egat
fiel
jag
gege
doll
jepoy
kheed
kissha
kox
LORD CM
marco
mommy peach
mommy basyon
night crawler
pajay
reigun
joni rei
scofield jr
'lil sis dhianz
super G
tekla este superjaid pala
roanne

pasenxa na sa mga hindi ko na isama sa list kasi lapit na matapos ang oras ko dito sa computer shop... di ko pa kasi napapa ayus ang kawawang computer ko kasi eh... salamat sa lahat ng nag commento, bumatok, dumaan, nangasar at naging kaibigan ko dito sa blogsphere... maraming salamat talaga... oh pano ba yan isa na namang taon ang pag sasamahan natin... nawa wala lang umalis o huminto sa pag susulat... naging masaya at memorable ang nakalipas na taon at sana maganda din ang taong ito para sa ating lahat

P.S

Medyo napapaisip ako ngayon kasi ayaw ni gf na magregalo ako or gumastos sa anniversary namin... pag daw gumastos ako wala daw kiss sa lips for 1 WHOLE MONTH(nyay!!) di ko yata kaya yun ah... panu na yun... sayang yung mga binili ko...

25 comments:

Lord CM said...

bigay ko address ng anak ko jan sa pinas at ipadala mo na lang lahat ng binili mo para kay gf lolzz

happy new year parekoy!

January 6, 2010 at 2:07 PM
kox said...

sayang nga! hayyy.. sabihin mo n lng n nkabili kn tlaga.. ayun, or bigay mo sa ibang kamag anak mo. hapi new year..

wag kc mag haharvest ng harvest!! adik.

January 6, 2010 at 6:15 PM

ganun..? hehehe..belated happy new year din po~! ^_^

siuro ayaw nya lang na masyado kang mag abala at gumastos..concern lang sya..XD

:P nga pala..advance hapi anniversary senyo!

January 6, 2010 at 7:14 PM
DETH said...

akin na, padala mo dito sa singapore yung mga gifts, ahahaha...

happy new year!

January 6, 2010 at 9:36 PM
Kosa said...

happy new year parekoy!
akala ko kung ano na naman yung sumabog.hehe

akalain mong napakaswerte mo at naging kaibigan mo ako..lololz

ingats parekoy.
kitakits

January 6, 2010 at 9:50 PM
Jepoy said...

Happy New Year Saul!

January 7, 2010 at 8:51 AM
batanggala said...

kuya saul!!yu'r bak na!hehe...HAPI NYU YIR din! :D salamat din sayo kuya! :)

January 7, 2010 at 9:24 AM
saul krisna said...

@lord CM
hahaha natatawa naman ako sa mga comment niyo... lalo na sa iyo... hahaha... talagang pag fi-fiestahan niyo yung mga binili ko ah... teka parekoy pagkaka alam ko bata pa anak mo... may binili kasi ako na medyo parental guidance eh... ahaha...

@sis kox
wag mag harvest ng harvest? hahaha kung alam ko lang kaw din naman puro harvest ginagawa mo sa FB eh... salamat sa pag dalaw sis... musta bagong taon niyo?

January 7, 2010 at 1:39 PM
saul krisna said...

@ayu
salamat ulit sa pag dalaw sa kuta ko... anyway ganun nga siguro uing iniisip niya... yaw lang niya akong gumastos... dapat yata konting tipid siguro ako... hahahaha

@ate deth
nakow isa ka pa... teka teka yung gift ko kasi di ko alam kung kakasya sa iyo... hahahaha
medium yata size mo eh.. si gf extra small kasi

January 7, 2010 at 1:41 PM
saul krisna said...

@kosa
anak ka ng jueteng parekoy.... bakit ako naging maswerte nung nakilala kita? hahaha... oo nga maswerte na kung maswerte pero mas magiging hapi ako pag pinadala mo na yung shoes ko... size 8... hahaha joke lang parekoy

@jepoy
happy new year din parekoy... usta na? salamat sa pag dalaw

January 7, 2010 at 1:43 PM
saul krisna said...

@batanggala
ellow sis... musta na? nabuhay na naman ako at kukulitin na naman kita sa lungga mo.... akala mo siguro patay na ako noh? matagal mamatay ang isang katulad ko ahahahaha

January 7, 2010 at 1:45 PM
Rej said...

kahit tapos na ang Pasko at matagal pa ang birthday ko, tumatanggap pa rin ako ng regalo.

happy new year!

January 7, 2010 at 5:05 PM
ANENG said...

wahahaha.
ang adik mo tlga kuya!!!!
oh cge.
dahil may baon na gf mo.
paload ng p30. haha.
ikw nagopen nun db!?
ahaha.
HANEP ka tlga kuya saul!
penge din pala ng gift sa farmvile!

January 7, 2010 at 5:05 PM

Happy New Year!


Kahit wala ako sa mga nabanggit mo... Hehe :)

January 7, 2010 at 6:12 PM
April said...

hello! :D happy new year sayo :D hihihi. kakilig naman at andun ako sa list :D mwah! ingat lagi!

January 7, 2010 at 8:28 PM

..hon bawal mag regalo huh!..hahaha

lagot ka talaga sa akin..
mahalaga magkasama tayo..

iloveyou..mua :*

January 7, 2010 at 9:02 PM
chikletz said...

next month mo na lang bigay lahat ng gifts mo sa kanya..or pwede din sakin. haha! :D happy new year! sabugan na!

January 8, 2010 at 9:30 AM
fiel-kun said...

Wuy Happy New Year parekoy ^_^

Aww, wawa naman pc mu. Bili ka ng brand new. Wag mo na pagawa yung luma hehe XD

naks touch naman me... kasama ako dun sa special mention ng pinasalamata mu :)

January 8, 2010 at 10:35 AM
manik_reigun said...

mukhang nasobrahan ang pagpapaputok mo ah. ika nga ni papa lloydie:" ingat!"

*p.s., akina lang mga gip kung ayaw ni gf mo. happy nu yir! ktnxbye

January 8, 2010 at 8:22 PM
saul krisna said...

@rej
adik ka talaga... anung regalo? wala nga akong pera eh... very poor si ako now... pwedeng utang na lang hehehehe

@aneng(idol)
isa ka pa... anu ako? si santa at hinihingan mo ako ng load? hahaha teka di nga kita kapitbahay sa farmville eh... hehehe teka panu ba maging kapitbahay kita? wala akong alam masyado sa farm farman ko eh...; hehehehe

January 10, 2010 at 9:37 AM
saul krisna said...

@manyan
naku poh sorry talaga... paspasan lang kasi yung post na yun eh... dont worry next time mag post ako na kasama ka... sorry talaga parekoy

@mommy basyon
naks naman kinilig daw ang lola oh... hahahaha syempre naman kahit di ka na nakakadalaw dahil busy ka na eh dehins pa rin kita nakakalimutan at yung mga praning mong comment

January 10, 2010 at 9:39 AM
saul krisna said...

@ sa mabait kong GIRLFRIEND
daya mo talaga... bakit kasi bawal mag regalo? hehehehe kiss na lang gift ko sa iyo hehehehe

LOVE YOU POH HONEY KO

January 10, 2010 at 9:41 AM
saul krisna said...

@chikletz
hala naman oh... pati ba ikaw gusto yung gift? anyway mukhang kasya naman sa iyo yung gift eh... teka noh ba height mo? hehehehe

@fiel
syempre naman kahit adik ka eh syempre kasama ka sa mga special mention dito... kung tutuusin eh kapit bahay lang kita kasi taga taytay lang ako eh

January 10, 2010 at 9:43 AM
saul krisna said...

@reigun
ngek pang babae yung gift ko eh... unless nag susuot ka ng *toot* na kulay pink? hahahaha

January 10, 2010 at 9:46 AM
miryamyam said...

salamat sa pag-follow!:) ang ganda dn ng blog na to..!follow ko na dn..:)

January 10, 2010 at 10:49 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz