1/10/10

Sa buhay natin may mga bagay na kahit anung higpit ang gawin natin hawak sa kanila eh hindi maiiwasang iwan din nila tayo... hindi natin mapipigilan ang ikot ng mundo...


Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula oh kung dapat ko bang isulat ito. pasintabi sa mga mambabasa ko, dapat kasi masaya ako ngayon pero wala talaga akong maisip kundi ang pag lisan niya sa akin.

para sa aking pinakamamahal,


Hindi talaga kita makakalimutan, ang iyong ma aamong mga mata, ang iyong buhok, ang iyong amoy, kahit ang iyong kakulitan mamiMISS ko din yun. Hindi ko alam kung sino ba ang sisisihin ko sa pagkawala mo, ang tatay ko ba? ang kapit bahay o ako mismo na nag mahal sa iyo?

Simula nung dumating ka sa buhay ko, hindi matumbasang kaligayahan angt idinulot mo sa akin, sa tuwing uuwi ako galing sa trabaho o sa lakwatsahan tinig mo agad ang aking nadidinig na tila ba miss na miss ako. Kahit anung gawin ko kasama kita at kahit sa pag tulog ay magkatabi tayo.

Kaya nung nawala ka kamakailan lang, halos hindi ko alam ang gagawin ko... natagpuan kitang walang buhay sa may kusina, naliligo sa sariling suka. Niyakap ka at sinigaw ng tahimik(may ganon ba) "bakit mo ako iniwan... parang gumunaw ang aking mundo... sino na lang magpapa saya sa akin? sino na lang ang kukulit sa akin ngayong wala ka na...

Lumipas ang ilang oras at napag pasyahan ko ng ihatid na kita sa huling hantungan mo... at habang pinag mamasdan ko na tinatabunan ka na ng lupa... isang luha ang pumatak sa aking mata... paalam aking mahal.... paalam aking booboo...



17 comments:

Renz said...

my condolences sa pagkamatay niya. :[

January 10, 2010 at 12:33 PM
batanggala said...

waaaah!!! kuya, kundolens sa pag kawala ng alaga mo. minsan na rin akong namatayan ng alaga,(malay ko ba namang mamatay ang goldpsih pag nilagay sa waterjag.) ayun, isipin mu na lang masaya na si booboo kung nasan na sya ngayon, baka magkasama na sila ng aking si goldpish. :)

January 10, 2010 at 12:51 PM

..WaaH.. miss ko na talaga c booboo..haaay.. hindi ko man lang siya nakita :(

ilove you hon..wala na tau baby..

January 10, 2010 at 12:51 PM
Lord CM said...

mapapalitan din yan parekoy, hindi man ngayon, bukas meron na :D

January 10, 2010 at 1:45 PM
Goryo said...

death is inevitable... aw!

January 10, 2010 at 2:33 PM
gege said...

haaaaaaaayst.
takot talaga ako sa mga kalahi ni booobooo.
pero gusto ko sila...
paalam booboo.

my deepest sympathy.

:(

January 10, 2010 at 8:12 PM

TAT!! nauunawaan kita~! ilang beses na din akong umiyak dahil sa pagkamatay ng mga lagang aso namen dito sa bahay..mahal na mahal ko din kc ang mag aso..>.< huhuhu

condolence talaga~!T_T

nga pala..peborit ko din yung kismet pero ako lang..wala akong lovelife pero astig kc yung lyrics diba..? parang nanagnagngarap pa kaong may gagawa saken nun..hehe..

yung kay glenn..? hmmpp.._-- e di tanong mu sa kanya!! hmmpp!!

January 10, 2010 at 10:04 PM
tim said...

oh, that is bad, anyway things will gonna be okay soon...

January 11, 2010 at 12:40 AM
Kosa said...

anu nangyari parekoy?

ok lang yan!
isipin mo nalang, pet na sya ni papa jesus ngayon!

my condolences parekoy!

January 11, 2010 at 5:34 AM
Ish said...

awww. sorry to hear that. condolence.

January 11, 2010 at 6:40 AM
saul krisna said...

@renz
naks naka base ka ah... salamat sa pakikiramay... wala ka bang abuloy?

@batanggala
ADIK kang BATA ka!!! sino may sabing ilagay mo yung isda sa water jug? hahaha tubig ba laman nun o icetea? teka ayaw sa tubig ni booboo kaya malamang di sila mag kasama nun... hehehehe

January 11, 2010 at 2:49 PM
saul krisna said...

@ honey ko

huhuhuh wala na tayong baby wawa naman tayo

i love you honey

January 11, 2010 at 2:50 PM
saul krisna said...

@Cm
naku sana next time di na ako mamatayan ng aso.... pusa na lang kaya para syam ang buhay

@LOLO
aba nabuhay si lolo ah.... salamat sa pag dalaw

January 11, 2010 at 2:51 PM
saul krisna said...

@gege salamat sa pakikiramay sa alaga kong si booboo... nasaan yung perang pang abuloy mo?hahahaha

@AYU
wala kang lovelife? hahaha akala ko si glenn... hahahaha parang ang init ng dugo mo dun ah... di na nga dumadalaw siya sa akin eh

January 11, 2010 at 2:56 PM
saul krisna said...

@kuya kim este TIM pala
salamat sa pag dalaw at pakikiramay sa pagkawala ng alaga ko...

@parekoy kosa
di ko nga alam kung anu nangyari dun... biglang nag sususka lang siya at di makakain eh haaaay

January 11, 2010 at 2:57 PM
saul krisna said...

@ish
wawa ako hhuhuhuh salamat a pag dalaw sis

@marco
naku saan ka nag suot at ngayon ka lang napadalaw sa akin? tagal mong nawala ah

January 11, 2010 at 2:59 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz