
Isang napaka saya at nakakawindang na gabi sa inyong lahat... naks ganda ng intro ko ah... di dapat ako mag popost ngayon dahiol wala pang 3days old ang last post ko pero di dapat palagpasin ang pag kakataong ito....
masaya lang ako ngayon kaya heto at biglang sinipag mag sulat... Walang kokontra!!!
Kilala akong bilang isang saksakan ng mahiyain ng mga taong nakapalibot sa akin, ayaw ko sa mga matataong lugar, sa mga parties at pakikihalubilo sa mundo... shy kasi ako eh pero lately malaki na ang aking pinag bago... well di naman totally nag bago... nagsisimula pa lang ako sa pag babago.
Medyo kumakapal na kasi ang aking mukha... hehehe, at dahil yun sa effort ni gf... Lagi na kasi niya akong isinasama sa mga happenings ng mga friends niya at dahil no choice dahil magagalit siya... ayun na sasanay na akong makipag usap sa tao... putek wag kayong mag taas kilay...
di ako takot sa tao at lalong di puro maligno ang kinakausap ko.... sadyang mahiyain lang ako.
Mula kasi nung bata ako gumawa ng batas ang aking ina na bawal makipag laro sa mga kapwa bata ko at dahil masunurin ako(joke lang) di ako lumalabas ng bahay, kadalasan puro libro ang hawak ko o kaya mga comics ko. Kaya ang resulta,
lumaki akong di sanay humarap sa tao.
Ewan ko nga ba pero pag nasa isang lugar akong madaming tao eh di ako mapakali at nahihilo ako dahil maingay... pero nakakatuwang isipin na ngayon unti unti na akong kumakapal ang aking pag mumukha dahil na din sa tulong ni gf...
Alam kong wala tong kwenta pero big deal na ito sa akin kasi nagagawa ko ng ngumiti(kasi buo na teeth ko ahahahaha) sa harap ng mga tao, nagagawa ko ng mag salita at di nag mumukhang statwa pag may kasama akong mga tao at may confidence na ako... yehey!!!!
Sabi nga niya sa akin...
all in all ma ayus naman daw ako as a person pero kulang lang daw talaga ako sa tiwala sa sarili... at nakakahiyang aminin pero tama nga siya. Kaya heto at trying hard akong i-conquer yung pagiging mahiyain ko..
*yun lang sa ngayon... wala na akong maipost eh... hehehe