9/9/09



Minsan ba nangyari na sa inyo yung nakatayo kayo sa isang mataong lugar and yet kahit mala langgam sila sa dami somehow pakiramdam mo nag iisa ka pa din?

Minsan ba pakiramdam mo kahit buo ang pamilya mo, may mga magulang, mga kapatid, mga kamag anak somehow nararamdaman mong para kang isang ulila?

Minsan ba kahit napapalibutan ka na ng lahat ng mga kaibigan mo still parang may kulang?

Minsan ba kahit nasa iyo na lahat ang mga magagandang gamit sa mundo pero kahit halos matabunan ka na ng mga ito parang may hinahanap ka pa din na isang bagay o tao na pupuno sa empty space sa puso mo….

Lahat tayo may hinahanap dito sa mundo… pwedeng pag mamahal galling sa magulang, appreciation mula sa mga kaibigan, attention at love galling sa special someone mo… or maybe hinahanap mo pa siya up to now.

Ano ba talaga ang hinahanap mo? Pag ibig? Attention? Pagkakalinga ng magulang? Madalas sa pag hahanap natin minsan sa maling lugar tayo nakatuon kaya hindi natin ito matagpuan kahit anong pilit natin. Minsan naman nasa harapan na natin yung hinahanap natin pero di mo lang pinapansin at na a-appreciate. Minsan naman nahanap na natin pero pinakawalan pa dahil sa impluensya ng mga tao sa paligid natin…

Pag nahanap na natin yung mga bagay na yun wag mong hahayaan na maagaw o mawala pa ito… baka hindi na kayo makahanap ng katulad nun. Ipaglaban niyo, at ipaalam niyo kung gaano sila ka importante. Hindi aksidente na nahanap mo siya… “Everything happens for a reason”
Ano ba ang point na post na ito? Wala!!! Wala lang akong maisip, hindi ko nga alam kung may moral lesson itong pinag sasasabi ko dito eh. Gusto lang ng mga daliri kong mag exercise kaya nag type ako…

Oh ikaw anu pang hinihintay mo hanapin mo na siya kasi ako nahanap ko na yung taong kukumpleto sa akin... (ikaw yun Michelle)

P.S

ika 30 days na kaming wala... haaay.... Nakakapanghina na talaga... pero sige lang... kaya ko pa...

10 comments:

Jepoy said...

Part of finding happiness is moving on. You will never find it unless you have learned to move on.

Ingats!

September 9, 2009 at 11:27 AM
Deth said...

minsan masyado nating pinagtutuunan ng pansin ang empty space sa buhay natin, hanap tayo ng hanap ng pupuno sa kulang na iyon na hindi natin napapansin ang mga bagay na meron tayo...yung mga taong andyan para saten na nagbibigay ng atensyon at pagmamahal...

September 9, 2009 at 11:36 AM
Anonymous said...

kaya pa yan saul :D

ako ndi na naghahanap..dadating na lang un. naks. haha! may ganun?!!

September 9, 2009 at 12:41 PM
2ngaw said...

Bilangin mo pre kung anong meron ka, at wag yung wala sayo...dahil panigurado mas marami ang nasa sayo na kaysa yung sinasabi mong kulang..

Ang akin lang naman, sana makuntento tayo sa kung anong meron tayo, yun lang ang binigay Nya sa atin, kung hahanap ka ng kulang, parang kinuwestiyon mo na kung anong lamang ibinigay Nya sayo...

September 9, 2009 at 2:07 PM
Unknown said...

Sabi nga ni bro: Wag mong hanapin o hingin ang kulang sa iyo. Bsta ang alamin moh ay kung ano ang meron ka, na marami ang wala nun. ;D Keep smilin friend. ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

September 9, 2009 at 2:16 PM
April said...

very true! Pero sa tingin koh malapit nang makumpleto ang buhay moh. Weee..;D At sana maya na yon. Kung sa akin nmn, eh cguro la na akong mahihiling pa dahil meron na akong buong pamilya, mapagmahal na asawa at malambing at ubod na kulit na anak. ;D Ang tangi ko nlang na hiling ay ang mejo maginhawang buhay para sa aming lahat. At alam kong makukuha koh rin yun! Amen! hehe

April
Stories from a Teenage Mom
Mom On the Run

September 9, 2009 at 2:27 PM
Superjaid said...

Tama sila ate deth at kuya cm kuya saul, minsan masyado tayong nakatutok sa mga bagay na wala sa atin kaya nababalewala natin ung mga bagay na meron tayo, kung hindi baka mawala din sila sa atin.

September 9, 2009 at 3:59 PM

..' eizzt....

"LAPIT NA AKO BUMALIK"

supher love talaga kita..

we're destined together d v'?

kc ikaw nga c kHizmHet Qu..

mahal na mahal tlaga kita..after our break up mas narealize Qu ung worth mo at mas na appreciate ko ung mga bagay na ginawa mo for me para bumalik ako sayo..

SALAMAT sa effort.. I STILL LOVE YOU.. :*

September 9, 2009 at 8:30 PM
RaYe said...

kapag may void, lahat apektado..
di mo naman pwede baliwalain coz its a part of you..

take a step at a time..
madami ka talagang mami-miss and you might feel na you're not complete..

September 10, 2009 at 4:33 PM
Anonymous said...

Part of finding happiness is moving on. You will never find it unless you have learned to move on."

-jepoy


mejo sang ayon ako kay kuya jeps. hehehe :) pero kaya mu yan! go go go!

gawin mu kung ano ang sa tingin mo'y tama. :D

September 10, 2009 at 5:36 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz