Habang binabasa ko yung mga lumang post ko bigla akong napadaan doon sa post ko bout sa “Ano ba yung 3 things na hinahanap ng isang gf sa bf niya na dapat ibigay?” Guess what guys… natupad ko yung isa sa tatlong bagay na yun… too bad kasi nagawa ko yun nung wala na kami… pero at least nagawa ko pa din at yun ang mahalaga… “Better Late than Never”
Nabuo yung plano na yun habang nakatulala ako sa kisame ng bahay namin at pinag mamasdan ko yung butiki…
“Teka magkano ba ang pera ko?”
“Anak ng Jueteng! 1000 na lang at matagal pa ang sahod… Panu kaya yun?”
“Bahala na! Basta bukas na bukas din kailangan kong maibigay yun”
Alas 4 ng hapon ang uwian niya kaya if ever na gagawa ako ng ka-kornihang bagay dapat mas maaga ako… Umalis ako ng bahay ng mga bandang alas dos ng hapon dahil mag hahagilap pa ako ng flowershop sa Sta. Lucia Mall or kahit sa Robinson MetroEast… Habang naglalakad ako papasok ng nasabing mall bigla na naman nag isip ang munting utak ko at tinanong ko ang sarili ko… “Worth it ba itong gagawin ko?” Napangiti na lang ako at binulong ko sa sarili na lahat gagawin ko maging masaya lang siya… “Worth it itong gagawin ko”
Sa wakas at nakahanap na din ako ng flowershop at dali dali akong nag tanong kung magkano ang 3 red roses?
Ako: “Miss excuse me po, magkano po ba yung 3 red rose?
Sales lady: “385 sir pag walang kahon, 595 pag naka box…”
Ako: “Takte ang mahal pala(bulong ko sa aking sarili) Ahh miss yari ba sa ginto yung kahon at ang mahal? sige na nga miss… kukuha ako ng 3 red roses pakilagay sa box”
Sales Lady: “Okay sir pakihintay na lang po”
Makalipas ang 15 minuto lumabas ako sa mall na may bitbit na bulaklak and take note ang get up ko… Naka black na slacks, black shoes at polo na kulay apple geen(Anak ng Jueteng para akong aakyat ng ligaw sa ex ko) pero sige lang sa pag lakad kahit pinag titinginan na ako ng mga tao.
Nagsimula akong mag hintay sa overpass ng 3:35pm at juice ko po! Alas 5:25 na dumating ang ex ko sa usual na babaan ng jeep… pero anu itong nakikita ko… may kasama siya. Hindi ko na i-elaborate yung details basta masakit! Ahh sige lang ako sa pag kuha ng tiempo para maibigay yung bitbit kong bulaklak pero habang sinusundan ko sila ng tingin eh biglang nalingat ako at pag balik ng tingin ko sa kanila ay bigla silang naglahong parang bula…Anak ng Jueteng ang tanga ko! Bakit sila nawala? Dali dali akong tumakbo at hinanap ko sila… Baka naman pumasok sila sa mall? Pumasok ako sa at… napahinto ako bigla… “Ano naman ang gagawin ko dito at paano ko siya mahahanap?”
Nagpunta ako sa customer service… yung lugar na nag p-page ng mga batang nawawala at pina page ko siya
“Ding-dong… Miss Michelle Bernardino please proceed to the customer service area someone is waiting for you”
Makalipas ang 15 minuto aba wala pa din… nanglulumo akong lumabas ng mall at halos umiyak na ako. Bigla ko na alala si BRO, ”Bro if nakikinig kayo, kailangan kong maibigay sa kanya itong regalo ko… kayo na bahala sa miracle…”
Sumakay ako ng jeep at habang pauwi na ako… bigla siya nag text(si ex).
“Sana sinabi mong susunduin mo ako para nahintay kita” sabi niya.
“Nasaan ka?” reply ko sa kanya.
“Malapit na sa Estrella"(lugar yun sa Cainta)text back niya sa akin.
Biglang tumalon ang puso ko kasi nasa Parola lang ako(Sa Cainta din yun mga 1 ½ kilometro lang ang pagitan namin dalawa.)
“Bumaba ka na ng Jeep!!!!! Hintayin mo ako may ibibigay ako sa iyo”
Anak ng jueteng di ako nag dalawang isip na bumaba ng jeep dahil traffic at takbuhin ko yung 1 ½ kilometro para lang ibigay ko yung bitbit kong mga rose. Pinag titinginan na ako ng mga tao dahil para akong si Jerry sa Meteor Garden na tumatakbo na tila ba may hinahabol niya yung leading lady niya. Di ko inisip yung tingin ng mga tao sa akin basta isa lang ang nasa utak ko that time… kailangan kong abutan siya at maibigay ko ito.
Makalipas ang 1 ½ kilometro at 1 timbang pawis, inabutan ko din siya…
“Hon, I love you”(habang kinakapos pa ng hininga dahil sa pagtakbo ko) sabay abot ng bulaklak… OHA!!!! Parang pelikula lang noh? Pero totoo ito at proud ako sa ginawa ko dahil naipakita ko na mahal ko siya talaga.
Speechless siya habang hawak niya ang mga bulaklak niya… sabay sabi ko… tara ihatid na kita pero hanap muna ako ng sari-sari store… nang makahanap ako ng tindahan bumili muna ako ng softdrink at nagpahinga…
“Michelle, hope you like your flowers…”
Di pa ako nakakatapos mag salita ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit sabay iyak…
“Sorry sa lahat ng pain na nagawa ko sa iyo… hon, babalik ako hintayin mo ako” sabi ni ex..
Takte sarap naming kunan ng video… sa pelikula ko lang kasi napapanuod itong eksenang ito eh…
Bait talaga ni BRO, gumawa siya ng way para maging maganda ang pagbibigay ng regalo ko sa ex ko.
The EnD
*The things I do in the name of love… try to beat that!!!!
*Kaso hindi pa din “kami” eh… kaya heto balik ako sa paghihintay ulit na maging kami…
*Love you honey hintayin pa din kita kahit abutin pa ako ng siyam siyam.... worth it naman eh....
haaaay miss na kita
29 comments:
huhuhu nakakainis ka kuya di ko alam kung bakit pero naluha ako sa pinaggagagawa mo,huhuhu sana bumalik na sya, para maging masaya ka na ulit..
September 6, 2009 at 11:26 AMpwedeng makichismis??/ san ba sya pupunta? hehe..
September 6, 2009 at 4:10 PMgaling mo!
nice naman kuya saul. ang sweet mo ah! astig! :) galing talaga. nakakakilig naman at nakakainggit. sana may gumawa din sakin nyan :( (emotera) hehehe..
September 6, 2009 at 6:10 PMATE MICHELLE,, wag mu masyado pag antayin si kuya saul. hehehe.. lab n lab k nya.
@sis syperjaid
September 6, 2009 at 7:00 PMhmmmm bakit ka naluha? ahhh wait parang alam ko na... ahh masyado akong nag papaka martyr sa kanya noh? ahhh ayus lang yun.... masakit pero dahil love ko siya i have to endure all this pain ... wag na sad huh... ayus na ako at ayus na din kami....
@chiklets
saan siya pumunta? ahhh what do you mean?
naghiwalay na kami sis...
@sis kox
September 6, 2009 at 7:03 PMhahahaha emotera ka pala... laslasin ko pppulso mo pag di ka nag bago... hahahaha
anung kakainggit dun?
sweet ba yun?
hahahahaha nice talagang may message ka para kay michelle noh? nag babasa pa din siya ng blog ko.... hahahahaha
oi saul anung nangyare?
September 7, 2009 at 12:35 AMnaku sorry, wala ako nung mga panahong iyon kya d ko alm d tuloy kita ndamayan, nag inuman man lang sana tau..haha
namatay kc blog ko e. peor now mukhang buhay n ulet,. sana nga tuloy2 na..
pero msasabi ko lang..
wag mawalan ng pagasa..
kaya mo yan bro..
kung may maitutulong lang kame.. :D
darating din kayu dun...
September 7, 2009 at 12:55 AMiba ka talaga parekoy.
astig.
ang porma? ayus na ayus!
@pareng adz
September 7, 2009 at 9:11 AMaba aba aba nabuhay ang kakambal ko(dati) hahahaha anung nangyari sa blog mo? tagal mong nawala ah.... anyway salamat sa concern at tama ka.... dapat wag mawalan ng pag asa....
@parekoy kosa
takte ka subukan mong tumawa sa get up ko... hahahaha para akong aakyat ng ligaw di ba? teka anung astig dun? nagmukha akong olympic runner sa ginawa ko.... hahaha pero sulit naman
aba! may ganun pala dito...sweeeett...galing...sana magawa ko din...ang magbigay ng flowers sa aking Grasya...almost 6 years na kami pero kahit once inde ko pa sya nabibigyan nun...pero nun sinubukan ko kasi minsan sa mall n bilhan sya nun...papalapit pa lng ako sa flower shop...nasermunan na ako... ahahaha...
September 7, 2009 at 11:48 AMkatwiran nya...mahirap na ang buhay ngayon, mas gusto ko na nanjan ka lng kasya sa bulaklak na yun...
dun ko lng din na-realize na hindi lahat ng inaakala mo na gusto nya ay gusto nya tlaga...
...sabi nga nya: maging masunurin ka lang sa akin matutuwa na ako nun.... ayt!.. :D
.. ahehe my ganon..
September 7, 2009 at 12:36 PM..naalala ko tuloy ung time na un..super na touch at kinilig talaga ako..kaw pa lang gumawa nun sa akin..astig ka tlaga!!!..you're one in a million :))
..gling gling mo..tinupad mo ung isa sa mga pangarap ko.. i love it!! :D
..thank you tlaga s laht ng mga effort na ginagawa mo para bumalik lang ako.. i really appreciate it.. :))..maraming thank you tlga..
It's nice to know that you're back. I've been going through what you're feeling right now. I so feel for you. Life has thought me. Optimism kept me going.
September 7, 2009 at 12:41 PMLife is a change. Sometimes it's painful. Sometimes it's beautiful. but most of the time it is both.
Everything happens for a reason. it's a cycle. What comes around goes around.
Just hold on. We're happy for you dude! :)
anak ng pating. nada2la ako s mga kwento mo kuya. npkasweet mo. ang swerte nya sayo promise. hehe. ^_^ ang gling :) nice.
September 7, 2009 at 1:04 PMehehehehe.. bago ang lahat.. welcome back.. whoot... hehehe...
September 7, 2009 at 4:50 PMang sweet niyo naman.. parang pelikula nga... hehehehe.. :)
Weeeeeeeeeeee...Sobrang cheeesssyyy..Naks! Ayus yun ah, parang naalala koh din ang meteor garden hahaha. ;D Pero atleast naibulalas moh yang nasa loob moh. ;D Goodluck! Sana maging kayo ulit. Hintay ka lang dba sabi nya? hehe
September 7, 2009 at 5:06 PMSolo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
Wow! Bumalik kna pala hehe. Noon kasi nabalitaan ko nilayasan mo ang iyong blog. Pero eto ka ngayon at nagbabalik. Naks! Mukhang nakakuha kna nmn ng inspirasyon, at mukhang babalik na sya. ;D Magtagumpay ka sana. ;D
September 7, 2009 at 5:29 PMApril
Stories from a Teenage Mom
Mom On the Run
@super G
September 7, 2009 at 6:04 PMhahahaha anak ng jueteng natawa ako sa sinabi mo.... na sermonan ka tuloy... salamat sa sinabi mo at natawa talaga ako... hahahahaha
PARA SA INSPIRATION KO> michelle
September 7, 2009 at 6:06 PMhoney hahaha salamat at nagustuhan mo yung mga bulaklak mo.... naks kilig siya... hahahahah love you pa din... mwaaah....
@crayola
September 7, 2009 at 6:10 PMuy wag ka naman seryoso... pansin ko nga sa post mo parang puro death... ako lang dapat ang EMO dito sa blogsphere... wahahahahah... i'm not sad anymore kasi i know babalik na siya sa akin... worth it yung mga pakikipaglaban ko for her.... mahal ko kasi eh
@sis joni
aba aba aba kapatid na pala kita now kasi anak ka ng pating... ako anak ng jueteng... hahaha
ngek anung sweet dun? sweet ba talaga? hahahahaha
@ patola(pinaka paborito kong gulay)
September 7, 2009 at 6:14 PMhahahaha syempre di ko kayang iwan ang mga tao dito sa blogsphere... musta na? salamat nga pala dati huh
@solo
hahahah cheesy ka jan.... sweet tawag dun... jokeness lang... maghihintay ako sa kanya at nag promise na kami sa isa't isa na magiging okay na kami...
@basyon
aba aba aba panu mo nalaman na lumayas ako ng blogsphere... tama ang tsismis mo ate... hahahahahaha welcome sa blog ko
ay ganun? kahit na cnung gurl nman no mata touch sa ginawa mo! naaalala ko 2loy si sm... heheh! ^__^
September 7, 2009 at 8:59 PMit may be emo, it may be cheesy, pero you make it uso and cool tsong. apir!
September 8, 2009 at 12:42 AMat gudlak!hehe
@sis cynderrelaz
September 8, 2009 at 5:11 PMmusta na? long time no dalaw ah..... musta na kayo ni SM?
@pareng reigun
musta na? aba anung cheesy? hahahaha salamat sa pagdalaw bro
Ahahaha..Ako pa! Eh xmpre noh, isa ata ako sa masugid mong mambabasa.hehehe Di koh nga lang alam kung paano mag-comment noon. nyahahaha. Pero ngayon may blog na ako, at makaka-comment na ako hehe..;D
September 8, 2009 at 5:48 PMApril
Stories from a Teenage Mom
Mom On the Run
wow ang sweet mo naman...parang ako ang pinawisan sa iyo sa pagtatakbo takbo mo..
September 8, 2009 at 11:22 PMpero ang sweet mo ha..wala akong ma- say...
nga pala, bakit noong mga nakaraang araw di ko ma-access itong webpage mo?
*nyay ang Sweet *nearly cry*
September 9, 2009 at 9:11 AM@basyon
September 9, 2009 at 10:40 AMnaks naman masugid pala kitang mambabasa... hahahaha touch naman ako... saan mo nahagilap ang blog ko? hahaha wow alam mo mukhang interesting ang buhay mo... naks makagawa nga ng post bout you
@ate meryl
sinarado ko blog ko for 1 month eh... anyway sana lang bumalik na siya... honestly naiinip na ako at natatakot... parang masyado na siyang lax na wala ako sa tabi niya... and that's a really bad sign... haaay... pero i still love her at kahait mag hintay ako gagawin ko....
@jancaholic
hmmm bakit ka naman muntik ng umiyak? walang iiyak ! Bawal! ako lang pwede...
HONEY IF YOUR READING THIS:
September 9, 2009 at 10:41 AMI LOVE YOU.... SANA NARAMDAMAN MO YUNG LOVE KO FOR YOU KAHAPON
Yep . kapatid
September 9, 2009 at 6:56 PMkung Mahal mo Talaga sya You should wait for her
Hindi Imposible na Mag mahal ang isang tao ng Dalwa pero imposible na Pantay lang yun. merong isa dun na PINAKA MAHAL
at sa ginawa nya Ikaw ang Pinaka mamahal nya.
Ok nga yung Ginawa nya kase binibigyan nya ng Space at Time ang Sarili nya .. Hintayin mo muna sya sooner or Later babalik din yan
Hindi mas maganda na Bumalik sya sayo na Buong Buo uli yung pag mamahal nya sayo, Gusto nya muna siguro kalimutan yung Isa para hindi naman Unfair sayo yun pag Balik nya sayo .
hehe ^^ i think she made the Right Choice :) Go!go!Go! haha
@sis jancaholic
September 11, 2009 at 10:06 AMhmmmm i'll wait naman for her kahit anung mangyari... sabi niya narealize na daw niya yung worth ko nung nawala ako.... for the first time sinabi niya yun sa akin....
Post a Comment