9/22/09



Pain makes us forget so many things… Madalas sa sobrang pagka intense ng pain sa heart natin nakakalimutan na natin yung iba pang aspeto ng buhay tulad ng love, understanding, faith, endurance at forgiveness… at kadalsan kahit di natin sadya nawawala na yung pagiging positive natin sa buhay… madalas tinatanong natin “kalian ba ito matatapos?”

But pain also makes us remember one thing, our offender. He or she seems to be the villain in our life, ang KONTRABIDA sa buhay natin. Halos isumpa mo na yung taong iyon, at ilang appointment na sa mangkukulam ang ginawa mo para lang magkasakit siya, magka pimples, o magka dandruff(eewww). Wala na sa vocabulary mo ang salitang pag papatawad.

Habang nagbabasa ako ng isang libro este reader’s digest kanina, napadaan ako sa isang kwento na parang tinamaan ako… share ko lang sa inyo baka sakaling tamaan din kayo;

Let me tell you a story ‘bout a father. He’s very rich. He has a kind and lovely daughter. One night, a robber entered his house and took away all their money, jewelries and important belongings. He raped his daughter and killed her. He mourned for a long period of time for her daughter’s death. Finally the police caught the robber and put him to prison. But to the robber’s surprise, the father freed him from the prison, sent him to school, and supported his financial needs. He couldn’t explain his feelings of shame, joy, and gratefulness to the father. But the father wholeheartedly forgave him for what he has done.

Ewan ko ba… alam ko naman kathang isip lang ang kwentong iyon pero tinamaan talaga ako, Nagawa pa kasi niyang patawarin yung lokong taong iyon after patayin yung anak niya… he’s forgiving despite the intense pain na pinagdaanan niya. Nagawa niya mahanap yung positive side ng problem instead mag dwell sa mismong problema niya at hayaang sirain siya ng sarili niyang feelings(Hatred).

Isa lang ang natutunan ko… Forgiveness healed the pain, not time. We can never forget our experience, especially if masyadong nakaapekto yun sa atin… kaya nga why waste our time in trying to forget something bad from the past?

Accept that it happened tapos na yun at wala ka ng magagawa dahil past is past(diba), forgive the person who had done it and go on with your life! Mga anak kayo ng jueteng sumunod kayo sa akin… ala naman mawawala di ba?


SIDETRACK muna tayo: Usapang keso muna tayo

Tutal parang usong uso yung word na cheesy at keso.... wala lang naisip ko lang itong storya na ito

Nakasimangot ka na naman. Ang tagal mo na kasing naghihintay sa labas ng gate ng school namin eh.

“Sabi ko naman sa iyo, huwag mo na akong sunduin!”

“Wala naman akong ginagawa sa bahay eh… tambay lang kasi pang gabi ako.”

“Wala ka pa rin naman ginagawa dito.”

“Wala nga pero kasama naman kita…”

Ayan ka na naman ! Nagsisimula ka na naman sa mga sweet mong mga hirit. Pamatay ka talaga! Kinikilig tuloy ako.Napangiti tuloy ako nang wala sa oras.

Masaya ako kapag nandiyan ka. Ang taas-taas ng energy ko. Kaya lang, hindi malinaw kung bakit mo ginagawa ito. Mahal kita aminado ako. Pero sa tuwing dinadalhan mo ng mga ngiti ang mga labi ko, kasabay nito ang pangambang baka umasa lang ako sa wala. Umasa na baka nagmumukha na akong tanga. Pero wala akong magagawa, hindi mo naman sinabing “MAHALIN KITA”. Pero heto, ginagawa ko pa rin.

“Huwag mong sabihing mahal mo ako?!”

“Hindi no!”

Mukhang hindi ko talaga ma aamin sa iyo. Ngunit aasa pa rin ako, maghihintay na mahalin ako… ng boyfriend ng ate ko.

Mali sa paningin ko, mali sa paningin ng iba, pero anu magagawa ko? Kalimutan na lang kita. Ililihim ko na lang sa iyo na mahal kita….


9 comments:

Kosa said...
This comment has been removed by the author. September 22, 2009 at 10:30 AM
saul krisna said...

@parekoy kosa

anak ka ng jueteng O.L ka pala.. bakit di tayo mag abot sa YM.... hahahaha

takte anung kakaibang level ito? sira sinaniban lang ako ng espirito ng pagiging positive.... lilipas din yan...

pero tama ka... nasa tao yun... at kung gaano ka intense yung ginawang kasalanan.. pero wala lang mas maganda kasi pag nag papatawad... joke... tgnan mo ako... ay no comment pala bout that muntik na akong madulas ah....

salamat sa pag dalaw... teka anun ba yung itatanong mo?

September 22, 2009 at 10:51 AM
Joni Rei said...

yeah that's right. not time but forgiveness. and acceptance. pero still kailangan mo pdin palipasin lahat ng nr2mdaman mo. learn to accept things whole heartedly. Don't make your life miserable because of what had happen. Life is full of surprises. Malay mo meron png mas better n mngy2ri sayo in the future. God knows what's best for us. (base on experience hahaha)

September 22, 2009 at 11:38 AM
Kosa said...

kakaibang level na to parekoy...

ayus ang MGA hirit ahhh..

pero madalas, hindi sa lahat ng oras eh ganun ang kaisipan ng isang tao.

past is past oo GIVEN na yun!
pero past will always be a part of our life werein we will going to base our next moves.

basta it's still defends upon the SITUATION and the KINDS of people involved.

sorry.. mali-mali kase yung type ko sa taas. itinama mo lang..lols

September 22, 2009 at 1:32 PM
Superjaid said...

Kuya sauL..Ü kamusta na?nweiz, bout sa topic, truly its not time that heals but the forgiveness youve given, pero kailangan pa rin ng time para naman magawa nating magpatawad.Ü

September 22, 2009 at 2:09 PM
Unknown said...

If you forgive you can accept good things in return. I am not saying na forgive so you can receive back. Matuto tayong magpatawad, para lalo pa tayong pagpalain ng nasa itaas. ;D


Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

September 22, 2009 at 3:47 PM
saul krisna said...

@joni
hmmm mukhang napaka lalim ng sinabi mo sis ah.... hahaha salamat sa sinabi mo....

@parekoy kosa
teka akala ko kung anu na nangyari sa comment mo... hahahaha... typo lang... sensya ka na if bigla ako nawala sa YM kanina... bigla nag text si gf... sunduin ko na daw siya kaya ayun.... humaripas ako ng takbo...

September 22, 2009 at 5:18 PM
saul krisna said...

@jaid
uy sis musta na din? ako okay naman... hmmm na mis kita ah.... tama ka din sa sinabi mo... teka makadalaw ng sa blog mo kasi aalamin ko kung bakit nawala ka bigla

September 22, 2009 at 5:19 PM
Jules said...

As far as i am concern. Forgiving a persons mistake really take time. It also takes time to heal when it hurts. Pero darating din ung time na yun for sure. =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

September 23, 2009 at 2:11 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz