Kaninang umaga naisipan kong mag kalkal ng mga basura sa mga cabinet ko kasi parang isang malaking basurahan na ang kwarto ko (teka muna alam niyo ba na kulay PINK ang room ko? Hahaha kikay)… sa sobrang sinop ko sa mga gamit parang wala na yata akong tinapon dahil ang katuwiran ko ay “wag mong itapon yan… may sentimental value yan sa akin” kahit na ang tinutukoy ko ay isang balot ng BAZOOKA BUBBLE GUM(Inabutan niyo pa ba yung babol gam na yun). Teka napaghahalata na yata ang edad ko sa mga pinag sasasabi ko ah… change topic na nga… hahahaha
Anyway buong tapang kong binuksan ang 2 cabinet ko, hawak ang isang stick at dahan dahan kong binuksan ang unang drawer…baka kasi may ahas na naninirahan na sa loob o baka may daga na kasing laki ng pusa(Iba na ang boy scout “laging handa”)
Pagkabukas ko laking pasalamat ko ng walang tumuklaw sa akin… pero nagulat naman ako sa dami ng mga basura sa mga drawer ng cabinet ko, may mga balat ng kendi(TARZAN bubble gum-pamana ng tiyo ko vintage na daw kasi yun, JUDGE, STORK, HALLS, MAXX na pula, at ang pinaka paborito ko… BAZOOKA babol gam kasi may comic strip yun sa likod ng balot niya), mga papel na ginamit ko bilang scratch paper sa pag gawa ng mga love letters at kodigo pag may exams(expert ako sa pag gawa ng mga kodigo), mga lumang litrato ng mga babae(Hoy mga kinakapatid ko sila! UTANG na loob!!! Baka may mag selos… peace honey…love you), mga ballpen na walang tinta, Isang kahon ng pirated CD’s, mga bagsak este mga mabababang class cards nung college pa ako(ahh wait… bagsak pala ako sa P.E 4 kasi di daw ako marunong mag ballroom, kaya nasagot ko ang Prof. ko, “ano naman ang koneksyon ng ballroom dancing sa pagkukumpuni ng mga sirang eroplano?”), at ilang dangkal ng mga comics ko.
SIDETRACK TAYO:
Alam niyo ba na mahilig akong mangolekta ng mga comics… Marvel at DC. Hilig ko si Spiderman,Ghost Rider, Batman, gusto ko rin si Constantine… Pati si Superman… May tanong nga pala ako sa inyo… i-comment niyo mga sagot niyo ha… dapat may explanation yung sagot niyo(demanding)… heto tanong ko:
Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na magkaroon ng kapangyarihan… anong klaseng kapangyarihan ang gusto niyo magkaroon at bakit? Be creative ha!
For ex. Gusto kong makalipad…. Kasi para mas tipid sa pamasahe…
Balik na tayo sa post ko… ano nga pala ulit yun? Ahh yung makalat kong cabinet,ito na yata ang napapala pag masyado akong sentimental sa lahat ng mga basura este mga gamit ko…. Imagine ultimo resibo ng bawat date ko tinatago ko pa. Bakit ko nga ba tinatago ang mga bagay na yun? Siguro masarap alalahanin yung mga storya sa likod ng bawat piraso ng mga papel, sa bawat balat ng kendi, mga resibo at mga love letters… Lahat yun nagpapaalala sa akin kung gaano ako naging ka tanga, kung gaano ako naging mabuting kaibigan at kung paano ko nalagpasan ang bawat problema. Nahanap ko na din yung 2001 Diary ko…. Teka nagulat kayo noh? Yup tama ang pagkakabasa niyo… nagsusulat ako ng diary for the past 13 years… although minsan may mga panahon na di ako nakakapagsulat dahil may sakit ako or pag puyat sa work pero di pa naman lumagpas ang 3 araw na di ako nag susulat sa diary ko. Next time ko na lang ikukwento sa inyo kung anong laman ng diary ko nung 2001(Basta medyo madaming 1st nung taon na yun para sa akin).
Pinag iisipan ko kung itatapon ko ba yung mga basura ko o hindi… Anak ng jueteng parang nanghihinayang ako ah… siguro basura ito para sa iba pero para sa akin may nakalakip na kwento ang bawat basura na ito… maganda man o pangit ang kwento na yun… di ko maipagkakaila na dahil sa mga pangyayari na yun ay naging ganito ako… good or bad man yung experience na yun, still hindi ako magiging ganito katatag, hindi ako magiging ganitong kasaya o ganito mag-isip if not for those experiences…
Lumipas ang ilang oras at kahit isang basura ay hindi ko nagawang itapon… inayos ko na lang ang mga yun at tinago…hahahaha nakakatamad mag linis ng kwarto… next time na lang siguro pag may ahas at daga na sa loob ng cabinet ko tsaka ako maglilinis. Hahahahaha.
*ahhh sis chikletz naguguluhan ka sa akin sa mga post ko? hahahaha ako nga mismo naguguluhan eh... happy ako pero not totally happy...kaya nga dinadaan ko na lang sa mga happy post eh baka sakaling malibang ako... pero don't worry kaya ko ito.... magiging okay din ako... salamat sa concern sis...tats ako sa concern mo... takte ayaw ko magdrama now....!!!!
*at para kay kosa nabanggit mo na fan ka ng freestyle nung mga bagets pa tayo... takte halos magkasing edad lang pala tayo... heto at kumanta ka na lang parekoy...
ONCE IN A LIFE TIME
by
Freestyle
Been thinkin bout ya baby
And I don't know what to do
All I think about is you
Seems everything around me
Things I've never understood
They all make sense when I'm with you.
Refrain:
Oh, I've heard it all before
Finding so called love then you leave it behind
But now I feel so sure
I listen to my heart this time
(So I lay it on the line/ put my heart before my mind//
Chorus:
I know that what I've found is once in a lifetime
(and) I know there's no way out
Coz it's once in a lifetime
I've always been so lonely
No one there for me to hold
And every night was just so cold
Oh don't get me wrong i've been around
But i've resigned myself to thinking
Mine is just another story often told
Repeat refrain then Chorus:
Coda:
It's not like im runnin' outta time
I'm takin' everything in stride
It's just i never thought i'd find
What would make me change my mind
Repeat chorus:
* at para kay Mitch... salamat sa lahat... i love you
30 comments:
MAxado ka palang maalaga sa mga maalaala mong mga gamit at kalat hehehe.. Magnda nmn yan eh. ;D
September 10, 2009 at 5:26 PMSolo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
Wow pink! Ashtig! Ang cool nmn pala ng kwarto moh. Pwd pa-enter? lolz. Baka may magalit haha, joke lang poh kuya. At least at nakapagligpit ka kahit papano. ;D
September 10, 2009 at 5:51 PMHangga sa uling pagbisita!
April
Stories from a Teenage Mom
Mom On the Run
Kung ako magkakaron ng kapangyarihan ang pipiliin ko eh ung kapangyarihang matupad lahat ng gusto ko sa isang kupas ng aking wand o mga daliri, para all in one, wahaha Ü
September 11, 2009 at 6:48 AMkuya may syndrome din akong ganyan, hehe kaya ang kalat dn ng kwarto ko, hahaha kaya dapat may kahon ka rin o isang lalagyan para sa mga abubot mo, para kahit papaano eh maayos pa rin ng kwarto mo, o kaya mas maganda kung ilagay mo lahat un sa isang scrapbook,Ü
@solo
September 11, 2009 at 9:44 AMmaalaga ba tawag dun.... tawag nga sa akin ng daddy kobasurero eh hahahaha
@mommy teenage mom
hahaha naks naman... ahhh sige pwede pumasok kaso may entranc eh... anung cool dun sa room kong pink? kikay nga masyado eh...salamat sa pag dalaw mommy teen
@sis jaid
September 11, 2009 at 9:45 AMnaku parehas palatayong makalat este mahilig mag tago ng mga abubot...
taray ng gusto mong powers ah... parang genie lang
anyway may kahon naman ako eh...kaso puno na din ng mga kalat ko...... anung kulay ng room mo?
uy mega drama ah. haha! wag ganun... :P
September 11, 2009 at 10:47 AMhahahaha.. grabe gulat ako na may mga lalaki palang ng da-diary din??
September 11, 2009 at 4:41 PMnaiintindihan kita saul krisna..
madami din akong tinatagong maliliit na papel at talagang may sentimental value kahit mukhang walang kwentang papel..
di ka nag-iisa sa mundo!! hahhaha
ingats!!
Eeeiii. la pa palang kasunod na entry lolz. Excited kasi ako hahaha. ;D Btw, are you ok with exchange links? If yes, pls let me know. Thanks a lot. ;D
September 11, 2009 at 4:43 PMApril
Stories from a Teenage Mom
Mom On the Run
wow. bazooka babol gam. db yan yung pink? paborito ko yan ng maliit p ko. este nung bata pa. haha. cool. ngdadiary k pla. ayos yun. sarap basahin nian. :)
September 11, 2009 at 4:58 PMHaha. Ako din. Super tago ng mga kung anu-anong basura. Lalo na resibo. Takte. Kahot mga bagay na nu'ng panahon pa ni kopong kopong eh asa'kin pa din. hahaha xD
September 11, 2009 at 8:40 PMGusto ko yung kay Darna. Pag lumunok ng bato, magiging super hero. Well, in my case, pag nalunok ko NANAMAN ang hikaw ko. Hahaha :))
hmnn, makapasok nga ulet sa kwarto ko.. isang buwan na ata akong di natutulog dun e.. ehehe
September 11, 2009 at 9:52 PMwow, mahabang post... marami rin akong ganyan pero ewan ko ba, kapag naka-move on na ako eh tinatapon ko na. hehe...
September 12, 2009 at 8:33 AMyung tanong mo sa kapangyarihan... nung bato ako gusto kong mapahinto ang oras. tapos maiiwan ako sa mall at lahat ng mga nandoon ay gagamitin/kakainin ko... hehehe... bigla kong naalala yung mall na lagi kong naiisip na titirhan ko. luma na at medyo cheap na compared sa mga naglalakihang malls ngayon...
nice article saul.. keep our spirit on!
September 12, 2009 at 2:48 PMThanks
From me
boeditea
Distance Learning
Manajemen 2000
wow senti ka din pala, ako nga din eh pero para di matapon ang mga gamit ko naku nilagay ko sila sa isang box, basta ino- organize ko siya, saya kasi minsan magbalik tanaw no? hehe!
September 12, 2009 at 9:04 PM@chikletz
September 12, 2009 at 10:16 PMadik anung mega drama ka jn... hahah oi yung 5 min. film mo nasaan n... hahahha niinip na ako... sabi ko sa iyo mag luto ka na lang pra educational.... hahahahaha
@love
aba bakit ka nagulat? hahh pero di ko pinag kakalt n ngusult ko ng diary kasi corny daw yun eh...
hahaha di pal ako ng iisa sa mundo na maklt na tao
@mommy bayon
September 12, 2009 at 10:19 PMsyempre okay lang n mag ex link tayo.... excited ka pa sa akin ah... wait mo lang yung susunod na kabanata ng loe story ko.... takte sana magnda naman.... nakakasawa kai puro sad ang ending... dapat next time wala ng ending di ba?
@sis joni
curious ako.... anu height mo? hula ko mga 4'11 hahahah parang ang liit mo kasi eh.... bakit mo inabutan yung bzooka babol gam?
@ becs
September 12, 2009 at 10:22 PMhmmmm parng ang daming mkaklt este masisinop na to sa blogphere ah... pati ikaw pala? hahaha natawa ako sa sinabi mong nalunok mo yung hikaw mo....
@ ate raye
teka san ka ba natutulog? sa sala? hahahah bugla ako napusip sa sinbi mo ah
@ nuriko
September 12, 2009 at 10:27 PMwow first timer ka dito sa blog ko noh? hahah ayun sa wka may hindi sentementalist na nag comment... hahahahahah.... parang matakaw kng girl noh? hahahah
@
haaaa?
September 12, 2009 at 11:16 PMtaena parekoy...
bakit naman ganun? lols
hindi ko lubus maisip naidadaan mo sa kantahan to..lol
*******************
basura?
hahaha.. kahit naman anung bagay eh, kapag inayos at inalagaan, hindi basura yan kundi kayamanan!
kaya sa susunod, instead na tawagin mong basura, tawagin mong Kayamanan..hehe
apiiiir!
ganyan din ang kwarto ko, makalat!este, maraming "sentimental" things na natira, hehe.
September 13, 2009 at 12:33 PMpaborito ko ang bazooka.kala ko tuloy2 ang komiks nun dati, kaya bili ako ng bili. ay, este kwento lang pala ng kuya ko yun sa kin..
pag ako naging superhero, gusto ko ako si invisible man!
para, nakastalk nako, di ko pa kelangang ng mamahaling damit!wuhoo!
parekoy itago mo lang mga yang
September 14, 2009 at 1:19 AMmga balat ng kendi
ilagay mo sa illustration board
then lagyan mo ng cover na plastik
pwedeng i display. hehe
parang matagal kang nawala. hmm.. it's either ako ang nawala or ikaw talaga. Ayus lang magsenti kuya, ako rin mahilig magtago ng mga papel at kung anu anung anik anik. nawa'y makabisita ka rin sa bahy ko.
September 14, 2009 at 6:32 PMWow amg Senti. Congrats sa iyong bonggang bonggang love life :-D
September 15, 2009 at 5:31 AMhaha. nakakatuwa ang mga posts mo. at tama ka, parang sa pelikula ko lang nakikita ang ilan sa mga happenings sa buhay mo. daig mo si johnlloyd sa pagka-cheesy. haha. pero ayos yan. masarap ma-inlab
September 15, 2009 at 7:21 AM:P
Eeeii..Hi poh! ;D Thanks nga pala sa comment moh sa blog koh. ;D And don't worry, mgiging ok rin nmn yang love life moh noh. At ok lang na maglagay ka ng pagkahaba-habang comment sa blog koh hehe. ;D Back on the topic. Kaya moh yan, eh db sya nmn ang nagsabi na maghntay lang ng tamang panahon. Edi ibig sabihin mahal ka nya, at kung mahal moh nmn sya natural na mahihintay moh ang time na yun. ;D Hhhmm ako nga eh, dami kaya nming napagdaanan ni hubby bago kjami natahimik at nagsama hehe. ;D Ang haba din ng kwento nmin nun. Kaya wag nalang hehe. ;D Bsta if you need help or kausap andito lang me ah. I-link narin kita ;D
September 15, 2009 at 4:17 PMApril
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit
@parekoy kosa
September 16, 2009 at 5:26 PMhahaha anak ka ng jueteng kosa... syempre dapat maging happy kaya kanatahan na lang tayo....
@ reigun
naku akal ko din tapusan yung mga kwento dun kaya bili ako ng bili kahit na ngungupit na ako para lang makabili nun.... hahahaha..
@jettro
September 16, 2009 at 5:28 PMhmmm magandang idea yung sinabi mo ah.... makabili nga ng mga illustation board.... artistic ka pala parekoy
@elay
hahaha parang nag kakasalisi lang tayo pag nag babakasyon tayo sa blogsphere.... musta na nga pala... sige sige dadalaw ako sa site mo... ingats bro
@jepoy
September 16, 2009 at 5:30 PMhoy anak ka ng jueteng.... bakit paang usong uso sa iyo ang salaitang "cheesy"? hahahaha.
@night crawler
hahaha takte john L. ba kamo? mas gwapo yun kaysa sa akin.... teka idol mo ba siya...joke... ganda nga pala ng site mo.... kip it up bro... salamat sa pag dalaw
@ mommy basyon
September 16, 2009 at 5:32 PMhahaha mahaba ba yung comment ko sa iyo? dauig pa yata nun yung mga post mo sa haba...
anyway salamat sa magandang payo... mukhang nakahanap ako ng mommy dito sa blogsphere.... takte mukhang mas matanda pa yata ako s iyo.... kasi twenteen five na ako....
ang buhay ay parang gulong lang.... minsan nasa baba tayo... minsan nasa itaan naman kaya dapat di tayo magpa apekto sa mga problema di ba mommy?
ganyan din ako, may mga tinatago akong bagay. kahit yung resibo sa kinainan tinatago ko, basta special sakin yung nakasama ko nun. haha
September 16, 2009 at 7:31 PMalala ko pa yung bazooka saka tarzan, sobrang tamis ng mga bubble gum na yun. masaya pag nagcocolor fink ang bibig. ahaha
Post a Comment