11/26/08
I want you all to meet Rachelle... my sister... although 'di talaga kami mag kapatid still I treat her as if tunay ko siyang kapatid... sa amin na siya nakatira and honestly napapasaya niya ako everytime na inaatake ako ng depression lalo na this past 2 weeks... she really lifts me up when I'm down... I hope you too can have your own stress reliever
11/20/08
Wouldn’t it be nice if there is someone who would care for you, love you, or even hold you tuwing nalulungkot ka at nag-iisa? Wouldn’t it be nice na may nakakasama ka tuwing sad and feeling blue ka? Wouldn’t it be nice if there is someone out there who really do anything just to make you smile? Ang sarap siguro ng ganoong feeling… yung feeling that somehow you belong to someone…someone who cares for you, someone who loves you, someone who is willing to go heaven and hell just to see you smiling…Earlier while I was bumming around sa mall I saw this young couple who is very much in love sa isa’t-isa…I thought it would be nice to check them out so I sat beside them. As I was watching them I saw them doing those P.D.A stuff… They were holding each other’s hand so tight and talking to each other as if sampung taon silang hindi nag kita.. Get the picture? I watch them silently wishing that I was that guy… I can’t help but to feel kinda lonely. “When was the last time somebody did that to me?”
Damn! I can’t even remember when (sucks!!). Ang sarap sigurong may kayakap pag nag-iisa, may nakakausap pag nalulungkot at may nahahawakan pag tila ba ang lahat ay iniwan ka. Pero ang lahat ng ito ay para sa akin hanggang pangarap na lang… Simula pa lang nung bata ako lagi na lang akong iniiwan ng mga taong pinakamamahal ko, ewan ba! ‘Di naman ako masamang tao it’s just that before I get too attached sa isang tao… lagi na lang kinukuha siya at inilalayo sa akin. I guess I was destined to be always left behind.
All I wanted is to feel loved and be loved… yun lang! Mahirap ba yun? Gusto ko lang maranasan yung sinasabi nilang bliss na nakukuha kapag may nag mamahal sa iyo. Napapa-isip tuloy ako… bakit ba ang hirap makakita ng taong mag pupuno sa heart mo ng kind of love you are looking for… and sometimes when you do find that person… and after mong ibigay ang lahat-lahat sa kanya you would soon realize that isa lang pala siya sa stepping stone mo towards sa true love mo… pero bakit ganun? Bakit kailangan mo pang masaktan para lang makita mo yung tunay na ugali nya? Bakit? Minsan nakakasawa na din yung ganito tayo palagi… yung iniiwan ng mga taong pinakamamahal natin.
After a couple of minutes of staring at them.. They suddenly stood up and left me all alone sa bench… haaay pati ba naman dito sa upuan iniiwan akong mag-isa.

Have you seen those documentaries about wives being beaten to death, daughters being molested by their own fathers or their brothers, mothers who have been their son’s punching bag? I’m pretty sure na nakapanood na kayo ng mga ganyan palabas or nakabasa na kayo ng mga ganyang balita… pero let me ask you something, may kakilala ba kayong ganyan ang situasyon sa buhay nila… yung araw-araw nabubuhay sila sa takot at sakit hindi lang sa katawan kundi pati na sa damdamin nila? Kung nababahala at na aawa kayo sa situasyon nila kahit you don’t know them personally well let me tell you this, iba ang mararamdaman mo pag sa kakilala mo nangyari ang mga ganyang bagay! I don’t know kung lingo ba ng pananakit sa mga babae ngayon or nagkataon lang na madaming nag o-open up sa akin ‘bout their situations now with their love ones…
“LOVE ONES…” ‘di ba dapat yung mga love ones natin ang nag bibigay strength sa atin pag tayo’y nanghihina, ‘di ba dapat sila yung nag tatanggol sa atin sa mga kaaway natin at ‘di ba dapat sila yung nag paparamdam na mahal nila tayo? Pero what the *&^$%#G hell are they doing? Bakit nila kinakailangan saktan ang mga mahal nila sa buhay…
I have this friend whom I really treasured, kasi siya yung isa sa mga kakaunting tao na nag papahalaga sa akin… she’s already married na and to tell you the truth… hindi nagiging maayos ang relationship nya with her hubby lately… lagi siyang binubugbog sa bawat maling ginagawa niya at pag nalalasing yung pesteng asawa niya at niyayang mag make love sila ng friend ko binubugbog niya muna ito bago niya simulan yung bagay nay un… $H!+ siya! Asawa ba tawag mo dun? Na awa ako nung nakita ko yung mga pasa niya sa buong katawan niya… parang dinudurog yung puso ko tuwing napapa iling siya pag hinahawakan ko yung mga sugat at pasa niya sa katawan. ‘di ko napigilan umiyak noong gabing iyon… Bakit ba may ganung tao sa mundo? Hindi sila marunong mag pahalaga sa mga taong mahal nila… For me kasi girls should be treated as if para silang mga princess, whether maganda siya or hindi, dapat pa din sila igalang at mahalin… Call me old fashioned guy or corny pero ganun talaga ako eh… And I won’t change ‘coz you find me corny or what… Lahat tayo may mga kapatid na babae(kahit makulit), may mga nanay(kahit nagger at super strict), may mga kaibigan na babae(kahit madalas ‘di mo siya maintindihan) at may gf ka(kahit madalas away-bati mode kayo) Pero ang point ko is mahalin mo sila bilang “sila” ‘wag mo sila sasaktan kasi if you truly love that person ‘di mo magagawang saktan sila… Maswerte ka kasi may kapatid ka, may nanay ka, may kaibigan at maswerte ka kasi may gf ka… yung ibang tao wala kahit isa sa mga nabanggit ko…

Communication na yata ang isa sa mga pinaka-mahalagang tool sa isang relationship along with trust, love, patience, etc… and without it, I really don’t think that whatever you’re having right now will last… Madami na akong narinig na mga relationships na nasira dahil sa kawalan ng communication sa isa’t-isa… and to tell you honestly… I’m stuck with this kind of situation (again…) It’s really hard to express your love for that person when she’s literally a hundred miles away from me. Well enough of me and back to my insights…
For me walang reason para ang isang relationship ay mawalan ng communication… my God napakarami ng ways for you to reach out your love one kaya ‘wag mong gagawing reason yung wala kang mahanap na ways para ma-contact siya… May internet, may cell phone, may LBC na din and not to mention our snail mail… mamili ka kung what soothes you best… basta ang mahalaga mapa-abot mo sa minamahal mo yung gusto mong sabihin… ‘Wag mong hahayaan na maputol ang communication niyo!!! Importante yun!!! Huh? You’re asking me why it is important. HELLO!!! Isipin mo nga ito…
Kapag naputol ang communication niyo may tendency na manlamig siya sa iyo and of course ikaw din for sure manlalamig ka sa kanya… and that’s a big NO! NO! And one more thing what if mag karoon siya ng problema? Sino ang makakasama niya kung isang daang milya naman ang layo niyo sa isa’t-isa at ‘di ka pa nagpaparamdam kahit through text messaging man lang… Hindi mo siya masisi if makahanap siya ng isang tao na willing siyang samahan at pakinggan siya sa mga problema niya… and you know damn well na once naging close sila… you might lose her/him…
Siguro if matagal ka ng nag babasa ng BLOG kong ito medyo mapapansin mo na parang kakaiba ako sa lahat ng mga taong nakilala niyo… well except for the fact na para akong emo kung magi sip… may mga paniniwala akong medyo di pang karaniwan or ‘di na uso… Gusto kong mag concentrate dun sa part ng pagiging emotional kong tao… or better yet yung pagiging negative thinker ko… Madami ang nagtatanong or nagtataka if bakit ba ganito tumakbo ang isip ko? Or bakit ba masyado akong malungkutin? Siguro yung tanong kung bakit ba ako laging malungkot ay nasagot ko na sa mga previous articles ko. Dun ako iikot sa pagiging negative ko….
Negative thinker… bakit nga ba ako nag ka ganito? Kailan ba ito nag simula? At sino ang may dahilan kung bakit ako nag ka ganito? Yan ang mga tanong na medyo nahihirapan pa akong sagutin up to now… siguro kaya ko nga sagutin ang mga tanong ko sa sarili ko its just that natatakot lang ako sa katotohanan…
Madami akong pwedeng ibigay na reason kung bakit ako nag ka ganito pero I could fit all of those reason sa isang phrase… “WALA AKONG CONFIDENCE” … siguro dala na din ng mga past experiences ko sa buhay kaya unti unting nawala yung tiwala ko sa sarili ko… for example… everytime I tried to get up para mag bago tsaka naman may dadating na 100 reason why I should feel bad ‘bout myself…gets mo ba? Sa totoo lang gusto ko na talagang mag bago pero how? Yan lagi ang tanong ko sa sarili ko…Paano ako mag babago if wala naman akong mahanap na reason why I should change… lagi na lang kasing may dadating na bad news or news na nakaka panghina kaya yung plano kong baguhin yung way of thinking ko napapako na lang madalas. Oo madaming taong nag sasabi na mahal nila ako pero…. Haay… pero ‘di naman talaga nila ako naiintindihan.
Pag uunawa at pasensya… yan minsan ang hinahanap ko sa mga taong nag sasabing mahal nila ako… I’m sorry nga pala sa mga kaibigan kong nag mamahal sa akin… It’s just that gusto ko lang i-explain why I’ve been acting kinda strange lately and
Sa totoo lang gusto ko na talagang mag bago kaso natatakot lang ako ‘cause baka one day masaktan lang ulit ako… siguro you can call that as my greatest fear… TAKOT AKONG MASAKTAN ulit… pero we both know na normal lang sa buhay natin ang masaktan… YUN NGA ANG POINT KO EH!!! Bakit kailangan maging normal sa buhay natin yung pain and sufferings… nakakasawa na kasi eh… What? For we can learn something from our pains, for us to be strong emotionally, for us to be prepared sa mga darating na mas matitinding hirap? Dun ako naguguluhan…
Sana sa mga makakabasa nito… I hope that you could be one of my reasons kung bakit ko nanaising mag bago at ‘wag naman sana na maging another reason kayo ng pag stay ko as a negative person… please help… please try to understand me… I really do wanna change… IKAW!!! Yes you!!! Would you be that person na mag bibigay sa akin ng reason for me to quit or are that person who’ll pick me up and try to give me reasons why I should change…









