4/7/10


Hindi ko maalala kung kailan ako nag post bout sa ipapakilala na ako ni gerlpren sa kanyang mga magulang... hindi ko na nasundan yung post ko na yun kasi di naman natuloy yung plano na yun pero hindi ko ineexpect na kahapon na yung araw na makikilala ko na sila(magulang niya)... so ganito yung kwento ko...

Kahapon medyo di maganda ang araw ko sapagkat(naks tagalog na tagalog ah) medyo may konting tampuhan kami ng aking butihing gerlpren.. so ayun habang nag eemote ako may labas ng bahay namin at nakaupo sa plant box biglang nag text din siya sa wakas at anak ng jueteng wrong send lamang pala siya... pero na shock ako sa nabasa ko...

"Ma, maya pag uwi ko isama ko si saul sa bahay"

hala ano ito? ipapakilala na niya ako sa kanila bilang bf niya... nakaka 14 months na kami pero medyo illegal pa din kami.. although legal kami sa ama ko at alam naman sa kanila na ako ang bf ng magandang anak nila eh hindi pa ako nakaka apak sa bahay nila... kaya nga kahapon super kabado ako..

FAST FORWARD!!!!!

Sinundo ko siya kahapon sa pinag o-ojt-han niya sa may metro east robinson... at ayun habang nakasakay na ako sa jeep katabi siya di ko mapigilang kabahan kasi ewan... siya yata yung kauna unahang gf ko na ipinakilala ako sa magulang niya. Pakiramdam ko nga that time para akong masusuka... parang hinahalukay ang tyan ko habang iniisip kong makikilala ko na sila(mga magulang niya, kapatid at kakambal ni gf)... at dahil sa kakaisip ko di ko namalayan na bababa na pala kami ng jeep... bigla ko naisip anak ng jueteng naman oh... sasakay na lang kami ng tricycle at presto!!! nasa bahay na nila ako...

Di ko maexplain yung kaba ko talaga nun... nasabi ko nga kay gf na sa buong buhay ko nakaka 100 na job interviews na yata ako at iisipin ko na lang na isa itong job interview para di ako kabahan... hehehe...

Tinext ni gf si ina niya na malapit na kami at if okay lang na isama ako... aba natawa ako sa reply ng ina niya

"bahala ka... pero wala tayong ulam"

huh? naguluhan ako a reply niya... anyway nung makababa na kami sa harapan ng bahay nila eh ayun halos himatayin ako dahil sa kaba... pero nung ipinakilala na niya ako una sa mama niya eh ayun medyo ayus naman... naging mabait sa akin at si ama naman niya eh speechless... kasi wala naman sinabi o nagsalita siya habang nandun ako ehehehe..

Mga 2 oras akong nakigulo a pamilya niya at sa bunsong kapatid niya... so anu ba gusto kong ipoint out sa post ko na ito? wala lang it's just that....

LEGAL NA KAMI SA WAKAS!!!


I LOVE YOU HONEY!!!!!

30 comments:

Rah said...

Hehehe, congrats. Ngayon mas malaki na ang responsibility mo dahil mas mataas narin ang expectation sayo. Pero at least may basbas +1 level up for you. :)

April 7, 2010 at 11:12 AM
darklady said...

You know what..Im so happy for you!! Nainggit ako..oo promise!! Sana dumating din yung time na yan sa amin ng bf ko.

April 7, 2010 at 11:58 AM

wow~congrats~~
Paano ba yan,,may blessing na kayo..
wohooo...
Goodluck and stay in love forever..
WEiiii,,,cheeseburger naman jan hehe..

April 7, 2010 at 12:47 PM
Jules said...

Wow! Congrats! Mas malaki na nyan ang ineexpect sa inyo ng mga parentz nyo lalo na ang parents nya. Bsta, lagi lang may respeto sa isa't-isa. At lagi kayong magmahalan. Bless you guys. =D

Jules
Soloden.Com
The Brown Mestizo

April 7, 2010 at 1:32 PM
MarcoPaolo said...

Good to hear that...paburger naman dyan... hehehe!

Ingatan ang isa't isa at magmahalan kayo! ok? :D

Paki-hi nalang sa kanyan... hehehe!

April 7, 2010 at 2:33 PM
Kosa said...

wow!
hahaha.
wala ako masabi:D

April 7, 2010 at 5:13 PM
KESO said...

congrats ! nainggit ako. tsk. sana payagan na din ako ng tatay ko mgboypren haha.

April 7, 2010 at 8:00 PM
roanne said...

congrats naman! haha sana may ipakilala narin ulit ako na bf sa magulang ko! haha gumaganun?! congrats ulit

April 7, 2010 at 10:03 PM

..aun..super hapi ako..hehe

iloveyou..mua..

April 7, 2010 at 10:17 PM
mr.nightcrawler said...

wow... congrats parekoy. next step... kasalan na! wahaha.

April 8, 2010 at 2:16 AM
batanggala said...

**KONGRATSULEYSYON!**

hehe;)) sow hapi por yu kuya!=) ayun, wala na kong iba pang masasabi... basta masaya ko para sa inyo ni ate mitch!God bless! =)

April 8, 2010 at 8:56 AM
Renz said...

SUPER HAPPY FOR YOU :}
good job tol!
hehehe
kasalan na ba ito?

April 8, 2010 at 3:40 PM
April said...

Wow! Hey! Mukhang ok na lahat hehe. Naku enjoy mo lang yan, ngayong tanggap kna n parents nya. I-proof mo sa kanila na mahal mo ang princesa nila t dimo pababayaan. Wag kayong magtatanan agad. Hintay lang sa tamng panahon. Wag gagaya sakin. Lolz

April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run

April 8, 2010 at 4:25 PM
saul krisna said...

@rah
salamat sa pag dalaw at sa pag bati sa akin .... teka level up na ba ako? heheheh sa p[alagay ko nga ganun na nga yun

@darklady
naks naman... teka may bf ka pala... hehehe anyway malay mo dadating din yung time na magiging legal din kayo ni bf mo.... wait ka lang sis sa right time

April 8, 2010 at 6:45 PM
saul krisna said...

@sis unniey
chesse burger ba like mo? hahahaha wala pa akong pera eh ahehehehehe salamat sa pag bati sis..

@pareng jules
salamat sa pag bati... oo nga eh... dapat mas alagaan ko si gerlpren kasi ayun legal na kami.... laking responsibility yun pero kaya ko yun

April 8, 2010 at 6:47 PM
saul krisna said...

@marco... teka nag palit ka ba ng no.? di ka na kasi nag paparamdam eh... anyway wala pa akong pera kaya wala munag celebration ahahahaha

@parekoy kosa
adik toh... wala ba ako kahit congratulations? ahahahaha demanding ako eh

April 8, 2010 at 6:48 PM
saul krisna said...

@keso
wala ka pang bf? hala.... ayus lang yan... salamat sa pag dalaw sis

@ate roanne
mukhang may something sa comment mo ah ahahaha... malay mo malapit na yung time na may ipapakilala ka na ulit sa parents mo.... at sana siya na yung magiging future hubby mo...

April 8, 2010 at 6:50 PM
saul krisna said...

@ HONEY KO

i love you so much... mwaaah salamat talaga kasi ayun pinakilala mo na ako sa parents mo... super happy talaga ako dahil dun... dont worry di ko sasayangin yung love mo for me... pag kakaingatan ko yun palagi...

April 8, 2010 at 6:52 PM
saul krisna said...

@nightcraler
naks kasalan na ba? hehehehehe malayo pa yun bro

@batanggala(kapatid ko ito)
heheh salamat sis... naks naman parang may fans club kami ni mitch ah... kaw ba ang president? hehehehe

April 8, 2010 at 6:55 PM
saul krisna said...

@renz
isa ka pa.... di pa kami mag papakasal... wala pang ipon eh ahahahaha

@mommy basyon
salamat sa pag bati mommy basyon... hmmm di kami mag tatanan.... baka mapatay ako ng ama niya eh ahahahaha
salamat sa pag dalaw

April 8, 2010 at 6:56 PM
pau : ) said...

congrats kua.. : )
buti nmn nkilala mo n cla.. : D

April 10, 2010 at 1:04 PM
saul krisna said...

@sis pau
salamat sa pag dalaw ... hehehe oo nga eh... sa wakas nakilala ko na siya este sila pala....

April 10, 2010 at 4:03 PM
definella said...

wow.. congratz.. kasalan na!!! :D

April 10, 2010 at 7:50 PM
Skippyheart said...

congrats sa inyo!

btw, thanks for dropping by my blog at sa comment. :)

April 10, 2010 at 11:09 PM
--jhen♥ said...

haha nice blog kuya saul...clap1clap!

April 11, 2010 at 10:06 AM
fiel-kun said...

Whee congrats parekoy!

Isa na lang ang kulang...

KASAL!!!!

April 18, 2010 at 3:56 PM
♥superjaid♥ said...

naks naman!^_^ im soo happy for you kuya saul..as in super happy talaga..^_^ hehehe

April 21, 2010 at 10:30 AM
Jag said...

Wow! Kasalan n ba parekoy? hehehe congrats!

April 21, 2010 at 6:19 PM
klomster said...

wow congrats! sana forever na kayo! yikee! :)

April 30, 2010 at 3:55 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz