4/3/10


WHEW!!! Tapos na din sa wakas ang holy week ay teka may isang araw pa pala... ano na mga pinag kakaabalahan niyo nung mga nakaraang araw? Ako? Wala tambay lang ako pero kahapon Byernes(araw ng pagkamatay ni Jesus) naisipan kong manuod ng parada kasi ayun nga wala magawa sa bahay...

Alam niyo ba yung senakulo? Yung mga taong naka damit na parang hudyo at may Jesus na may buhat buhat este pasan pasan ang isang crus na pagkalaki laki...OO YUN NGA!!!!

ABA!!! Mga tinamaan ng jueteng... di ko akalaing makakapanuod ako ng aksyon nung mismong oras na yun nung bumaba ako ng bayan...

Siguro nag tataka kayo kung ano nakita ko noh?

May 3 grupo ng mga kabataan na kasalukuyang nag sesenakulo.... isang taga sitio impyerno, sitio tibagan at isang dayo lang(hindi tatga taytay)

cristo #1 (sitio impyerno)
hoy mga P%T@NG !N@ niyo bakit kayo nandito? teritoryo namin ito ah....

cristo #2 (sitio tibagan)
T@NG@!!!! kami nauna dito.... pumila kayo....

cristo #3 (mga dayo)
hoy mga cristo! padaan muna at may pupuntahan pa kami...

cristo #1 (sitio impyerno)
hoy sinong inuutusan mo jan.... kilala mo ba ako? sumagot ka!! Kilala mo ba ako?

may sumagot sa grupo ng mga dayo:

"kilala kita! si cristo ka diba? tama ako di ba?(sabay tawanan ng 3 pangkat)


At nakakalungkot isipin na doon nag simula yung isa sa pinaka malaking rambol na nakita ko sa buong buhay ko... Itinapon ni cristo #1 yung crus at hinablot yung sinturon ng hudyo niya at sinugod si cristo #3....
parang sa pelikula ko lang napapanuod yung mga ganung eksena eh....

isa pang kakaibang eksena na nakita ko kahapon ay nung sinuntok ni cristo yung pumapalo sa kanya kasi:

cristo: putcha ka naman pare! nasasaktan na ako sa mga hampas mo ah... (sabay upak sa hudyo)

ngayon lang ako nanuod ng parada tapos ganito pa ang nasaksihan ko...

sana next year wala na akong makitang ganun... nakakalungkot kasi eh...

6 comments:

Kosa said...

haaaays.
ganun talaga..
my mga bagay na hindi napipigilan ng pahanahon at hinihingi ng pagkakataon.

kakaiba nga yan!

April 4, 2010 at 6:35 AM
saul krisna said...

@parekoy kosa
hehehehe nagulat lang ako kasi di ko ineexpect na ganung ang magiging reaksyon ng mga cristong iyon

April 4, 2010 at 9:45 AM
bad_mj97 said...

Hahaha kung ako siguro hihimatayin ako sa kakatawa!!!!

April 4, 2010 at 10:24 AM
saul krisna said...

@bad_mj97
hehehehe kahit ako nga natawa ako nung nakita kong nag uupakan yung 3 mokong eh hehehehe

April 4, 2010 at 12:59 PM
pau : ) said...

hla.. hnd b un ksma lang dun sa prang play nila??

hmm hirap nmn ng gnun..
takot p nmn ako pag nkkkita ng gulo..bka kc mdmy ako..

April 4, 2010 at 5:47 PM
Jag said...

totoo b to? hehehe...kakaiba nga hehehe

Happy easter!

April 5, 2010 at 12:48 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz