4/21/10


For all the times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, though I was to blame
I still cursed that rain
I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, I'm finally free
I truly believe

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

In your arms I'm someone new
With ever tender kiss from you
Oh must confess
I've been blessed

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why (didn't know why)
Now I do (I finally do), 'cause God gave me you (God gave me You)


*wala naman bago sa akin lately.... medyo busy sa new work ko at syempre sa gf ko din... natuwa lang ako sa picture namin sa taas kasi epekto yan ng walang magawa... umupo lang kami sa may labas ng bahay nila for 3 hours at kwentuhan to the max... tapos pictorial kuno... hehehe... next time mag post na ako ng matino...

Ano nga ba ang usual na ginagawa namin sa kanila? Ahhh kwentuhan lang usually kasama yung mama niya, then kakain ng kakain ng kung anu ano, tatambay sa labas nila at uupo lang sa kalsada... So far medyo close na kami ng parents niya...

Bout sa work ko... naku naku para na akong bampira na naman.... WALANG TULUGAN!!!!


*love you honey

4/7/10


Hindi ko maalala kung kailan ako nag post bout sa ipapakilala na ako ni gerlpren sa kanyang mga magulang... hindi ko na nasundan yung post ko na yun kasi di naman natuloy yung plano na yun pero hindi ko ineexpect na kahapon na yung araw na makikilala ko na sila(magulang niya)... so ganito yung kwento ko...

Kahapon medyo di maganda ang araw ko sapagkat(naks tagalog na tagalog ah) medyo may konting tampuhan kami ng aking butihing gerlpren.. so ayun habang nag eemote ako may labas ng bahay namin at nakaupo sa plant box biglang nag text din siya sa wakas at anak ng jueteng wrong send lamang pala siya... pero na shock ako sa nabasa ko...

"Ma, maya pag uwi ko isama ko si saul sa bahay"

hala ano ito? ipapakilala na niya ako sa kanila bilang bf niya... nakaka 14 months na kami pero medyo illegal pa din kami.. although legal kami sa ama ko at alam naman sa kanila na ako ang bf ng magandang anak nila eh hindi pa ako nakaka apak sa bahay nila... kaya nga kahapon super kabado ako..

FAST FORWARD!!!!!

Sinundo ko siya kahapon sa pinag o-ojt-han niya sa may metro east robinson... at ayun habang nakasakay na ako sa jeep katabi siya di ko mapigilang kabahan kasi ewan... siya yata yung kauna unahang gf ko na ipinakilala ako sa magulang niya. Pakiramdam ko nga that time para akong masusuka... parang hinahalukay ang tyan ko habang iniisip kong makikilala ko na sila(mga magulang niya, kapatid at kakambal ni gf)... at dahil sa kakaisip ko di ko namalayan na bababa na pala kami ng jeep... bigla ko naisip anak ng jueteng naman oh... sasakay na lang kami ng tricycle at presto!!! nasa bahay na nila ako...

Di ko maexplain yung kaba ko talaga nun... nasabi ko nga kay gf na sa buong buhay ko nakaka 100 na job interviews na yata ako at iisipin ko na lang na isa itong job interview para di ako kabahan... hehehe...

Tinext ni gf si ina niya na malapit na kami at if okay lang na isama ako... aba natawa ako sa reply ng ina niya

"bahala ka... pero wala tayong ulam"

huh? naguluhan ako a reply niya... anyway nung makababa na kami sa harapan ng bahay nila eh ayun halos himatayin ako dahil sa kaba... pero nung ipinakilala na niya ako una sa mama niya eh ayun medyo ayus naman... naging mabait sa akin at si ama naman niya eh speechless... kasi wala naman sinabi o nagsalita siya habang nandun ako ehehehe..

Mga 2 oras akong nakigulo a pamilya niya at sa bunsong kapatid niya... so anu ba gusto kong ipoint out sa post ko na ito? wala lang it's just that....

LEGAL NA KAMI SA WAKAS!!!


I LOVE YOU HONEY!!!!!

4/5/10


Maaga akong nagising kaninang umaga kasi dadalawin ko yung isa kong kinakapatid… medyo matagal tagal ko ng hindi nadadalaw yun kaya naisipang kong pasyalan siya sa bahay nila..

Tok Tok Tok!!!! Tao poh…

“Nandyan po ba si Mikah?” pasigaw kong sinabi sa nanay niyang may pag kabingi.

“Oh Saul, buti na lang at dumaan ka(hikbi hikbi hikbi)” sabi ng nanay niya.

“Bakit po? Ano pong nangyari?

“Si Mikah.. nag tanan kasama ang boyfriend niya” humahagulgol na sabi ng nanay ni Mikah

After ng ilang oras na pag papakalma sa nanay niya ako’y umuwi na at habang naglalakad ako… biglang pumasok sa utak ko… “What if kami ng jowa este gf ko ang mag tanan… mag kano kaya ang gagastusin ko?” Dahil hindi ako mapakali sa kakaisip kung mag kano ba talaga ang gagastusin napag desisyunan ko na pumunta sa kapit bahay kong mall na SM City Taytay(walking distance lang sa amin yung mall kasi eh)

Pag pasok ko(hmmm lamig) pumunta ako agad sa Abenson at iba’t ibang mga appliance center at ako ay nawindang sa mahal ng mga gamit… hahahahaha

Plantsa: 500(standard…(tatak standard… tibay standard)

2 Electricfan: 600/pc(Fukuda)

Refrigerator: 10,000

5 Plato, 5 Baso, 5 pares ng kutsara at tinidor, 3 Mangkok, mga Platito,at kung anu-ano pa: 650

1 Normal size na Cabinet: 450

Sala Set: 8,000

Dining Set: 4,000

Television: 6,500

Radio: 1,200

1 Queen Size bed w/ 4 Pillows at isang malaking Kumot: 9,500

Gas range at Tangke ng Gas: 500(double burner) + 1,250 (Tangke ng gas)

Toilettries: 200

Apartment: Base ito sa mga available apartments dito sa may amin…

4,000 monthly kaso dapat 2 months Deposit at 2 month Advance so that means: 16,000(grabe ang mahal)

Budget para sa pag kain for the next 6 months: 150/day x 30 days x 6 months:27,000

Kuryente for the next 6 months: ipag palagay natin na 600/ months x 6 = 3,600

Tubig for the next 6 months: 21 pesos/ cu meter... ang isang cu meter ay katumabas ng 5 drum: 504 pesos

TOTAL: tumataginting na 91,054... pinag palagay ko na 6 months kasi alangan naman na after a week lang eh tag hirap na kami agad... dyahe yun...

Grabe!!! Ayoko ng mag tanan or kahit mag asawa(joke lang)… hahahaha.Naku wag na lang... hintayin ko na lang yung right time... mag iipon muna ako tapos ... GO!!!!! joke lang...


love you so much honey... advance happy 15th monthsary sa atin...

4/3/10


WHEW!!! Tapos na din sa wakas ang holy week ay teka may isang araw pa pala... ano na mga pinag kakaabalahan niyo nung mga nakaraang araw? Ako? Wala tambay lang ako pero kahapon Byernes(araw ng pagkamatay ni Jesus) naisipan kong manuod ng parada kasi ayun nga wala magawa sa bahay...

Alam niyo ba yung senakulo? Yung mga taong naka damit na parang hudyo at may Jesus na may buhat buhat este pasan pasan ang isang crus na pagkalaki laki...OO YUN NGA!!!!

ABA!!! Mga tinamaan ng jueteng... di ko akalaing makakapanuod ako ng aksyon nung mismong oras na yun nung bumaba ako ng bayan...

Siguro nag tataka kayo kung ano nakita ko noh?

May 3 grupo ng mga kabataan na kasalukuyang nag sesenakulo.... isang taga sitio impyerno, sitio tibagan at isang dayo lang(hindi tatga taytay)

cristo #1 (sitio impyerno)
hoy mga P%T@NG !N@ niyo bakit kayo nandito? teritoryo namin ito ah....

cristo #2 (sitio tibagan)
T@NG@!!!! kami nauna dito.... pumila kayo....

cristo #3 (mga dayo)
hoy mga cristo! padaan muna at may pupuntahan pa kami...

cristo #1 (sitio impyerno)
hoy sinong inuutusan mo jan.... kilala mo ba ako? sumagot ka!! Kilala mo ba ako?

may sumagot sa grupo ng mga dayo:

"kilala kita! si cristo ka diba? tama ako di ba?(sabay tawanan ng 3 pangkat)


At nakakalungkot isipin na doon nag simula yung isa sa pinaka malaking rambol na nakita ko sa buong buhay ko... Itinapon ni cristo #1 yung crus at hinablot yung sinturon ng hudyo niya at sinugod si cristo #3....
parang sa pelikula ko lang napapanuod yung mga ganung eksena eh....

isa pang kakaibang eksena na nakita ko kahapon ay nung sinuntok ni cristo yung pumapalo sa kanya kasi:

cristo: putcha ka naman pare! nasasaktan na ako sa mga hampas mo ah... (sabay upak sa hudyo)

ngayon lang ako nanuod ng parada tapos ganito pa ang nasaksihan ko...

sana next year wala na akong makitang ganun... nakakalungkot kasi eh...
 


Blogger Template By LawnyDesignz