2/1/10


BUHAY NA NAMAN AKO!!!!!

Akala niyo patay na ako dahil sa sipon at ubo? hehehe di ako basta basta namamatay...joke... teka buwan na pala ng mga puso ah... ang bilis naman.. di pa ako nakaka ipon eh... anyway anu ba ang pwedeng maikwento sa inyo? Wala naman kasi akong ginawa kundi humilata sa kama at lumamon ng lumamon.. hehehe

Pero sige magbabalik tanaw na lang muna ako kasi up to now di pa rin ako maka get over sa ganda ng sunset sa manila bay
hehehe tapos ang tweet tweet pa kasi katabi ko si gerlpren with matching holding hands(keso!!!) Teka bakit nga ba ako napadpad ng manila bay eh taga rizal ako... kasi ganito yun....

May field trip si gerlpren sa FORT Santiago that day at sabi niya pwede daw mag sama ng outsider kaya ayun sige sama naman ako kaso mas nauna siya pumunta doon at yun ang problema ko HINDI AKO MARUNONG PUMUNTA SA MANILA!!!!

Lumaki kasi na puro bahay at eskwelahan(weh?) lang ang alam ko at nung panahong iyon eh sa Pasay ako nag aaral(airlink aviation school) kaya wala akong alam sa manila... pero sige exciting yun kasi panibagong experience...

Sumakay ako nun ng bus at akala ko malapit lang yun mula sa bahay namin pero di ko akalaing 2 at kalhating oras akong nag byahe(whew!)... at nang makarating ako eh hapon na kaya sa may intamuros na kami nag kita at naglakad lakad kami ng gf ko papuntang fort santiago at syempre PDA to the max si gf... ako naman si parang ewan... kinikilig ng sobra(ang baduy ko ah)

Pero di ko akalaing makikita at makakatitigan ko ang past este ex ni gf... hmmmm medyo di ako mapakali kasi ewan... bukod sa parang lalamon ng buhay kung makatingin si ex niya sa amin 2 eh parang na aangasan talaga ako... pero sabi ni gf deadmahin ko na lang daw...

Lakad lakad lang kami hanggang mapadpad kami sa luneta at doon ko na nasaksihan ang ganda ng sunset.. naku di ko nga maipaliwanag eh basta hang ganda ganda(kasi kasama ko si gf) hehehe PERO HINDI LANG SI GF KO ANG KASAMA NAMIN PATI DIN ANG BARKADA NIYA(magaganda din sila hehehehe)







Naging masaya ako that day talaga at thankful ako sa gf ko kasi wala siyang sawang ipush yung confidence ko.... kaya nga love ko yun eh... Natapos ang araw ko ng magkatabi kami sa jeep habang tulog siya sa balikat ko...


"Advance Happy Valentine's Day honey"
I Love You so Much



*P.S

kamakailan lang pinakilala ako ni gf sa tita niya kasama yung pinsan niya na si weng.. Mukhang unti unti na akong nakakapasok sa angkan niya ah hehehe galing naman...



17 comments:

Glampinoy said...

ganda nga ng Manila Bay sunset...

ang sweet naman ng gurlpren mo...

February 1, 2010 at 9:32 PM

btw..i have edited my post..and now im encouraging you to join a lil contest of mine..just a bit of a guessing game with a valentine award as prize~! :P check it out^_^

February 1, 2010 at 11:12 PM
roanne said...

aww kakamis ang manila! advance hapi hearts day! Have fun with your honey :)

February 1, 2010 at 11:37 PM
batanggala said...

kuya saul!! yu ar bak na!haha:)) nakita kitang onlayn sa pesbuk at nagkoment ka pa sa post ko...nyahaha...wala lang...eniweys, buti naman at nagbalik ka na kuya, musta naman,magaling na ba yu?haha... ang ganda naman ng sanset sa manila bey. makapunta nga dyan minsan.haha. ang swit nyo naman ni ate mitch...yihee!swak na swak sa buwan ng lab... ayun. God Bless. =)

February 2, 2010 at 7:59 AM
Lord CM said...

parekoy gaano ba kalake ang balikat mo at nakatulog sya jan? lolzz

Happy Valentines sa inyo pre

February 2, 2010 at 10:01 AM
♥superjaid♥ said...

ako rin gusto kong mapanuod ang sunset..huhuhu kainggit..

February 2, 2010 at 12:37 PM
Kosa said...

iba talaga ang dating ng magandang sunset sa khit na sinong lovers.

andami mo namang nilibre sa mcdo!!! hahaha.

at goodluck sa pagpasok sa kanilang angkan!

February 2, 2010 at 2:03 PM

kuya saul!!!!!!!! una sa lahat nais kong linisin ang pangalan ko..ganito kasi may naglagay sa cbox ni ate michelle na panlalait tungkol sayo at ginamit eh yung name ko...T_T galit ata saken si ate michelle >_< hindi ko po talaga alam kung sino yung gumamit ng pangalan ko pero nagsasabi po ako ng totoo sana maniwala kayong dalawa saken,,.hindi po ako yun..kahit hindi pa tayo matagal talagal naging blogger friends..lam nyo naman po siguro na hindi ko magagawang sabihin yun sayo o sa kahit kanino..hindi ako ganun..

at kakaOL ko lang 11pm na..at 8pm nagcommment yung hudas na gumamit ng pangalan ko..>_

nung 8pm hindi ako nakaOL promise..nasa kwarto lang ako at nagrereview for my MKM at FINANCE exams tom.. i just opened my blog and fb just a couple of minutes ago..>_< pls. maniwala kayo sakeng dalawa..

February 2, 2010 at 10:51 PM

@kuya saul:waaahh~! TAT!!!buti at naniniwala ka saken..grabe talaga yung frustrations ko mula nung malaman ko na may nanggagaya ng name ko T__T saka nver ko pang ginawang manlait ng tao lalo dito sa blogsophere~!!

isa pa..para saken..walang kwenta ang panlabas na anyo..hindi yun ang sukatan ng pagkatao sabi nga ni apreng bob ong..kaya kung sino man yun kuya..pinagpray ko na sya kanina nung nagsimba ako >.<

salamat po talaga sa pagtitiwala..>_<

February 7, 2010 at 7:53 PM
fiel-kun said...

haha ang sweet naman!

galingan mo pa parekoy para in no time, part ka ng kanilang family ^_^

February 7, 2010 at 8:19 PM
saul krisna said...

@glampinoy
uy salamat sa pag dalaw dito... hehehe uo nga eh next time punta ako ulit dun ... sana nga lang kasama ko ulit si gf ko hehehe

@ayu
sis ayus lang yun.. di naman ako nanniwala na ikaw talaga yun... tsaka immune na ako sa mga issue aba anak ng jueteng eh parang 5th time na yun na nangyari sa akin eh hehehe kaya sisiw na sa akin yun at kahit murahi pa ako di ako papalag kasi bad yun yaw ko ibaba level ko sa kanya heheheh

February 8, 2010 at 8:37 AM
saul krisna said...

@roanne
uu nga ate eh teka naka alis ka na ba ng pinas? di kasi ako nakakadalaw sa kahit kaninong blog lately eh busy kasi super...

@batanggala
oy ganda! may ka date ka ba sa feb14? ahahaha adik mag aral ka muna ah... upakan kita pag bagsak at absent ka ulit ahahaha

February 8, 2010 at 8:39 AM
saul krisna said...

@Cm
parekoy malaki balikat ko... kasya ka pa ahahahaha

@jaid
bakit? di ka pa ba nakakapunta ng baywalk? hehehe next time sama ka namin... hehehehe

February 8, 2010 at 8:40 AM
saul krisna said...

@parekoy kosa
nakapasok na ako ahahahaha

February 8, 2010 at 8:40 AM

uuyy! napadaan lang ulit, grabeh ang ganda pala ng "Sunset sa Manila bay no? Inshaallah if we have time makita namen ang sunset sa M bay, he!he! More power to ur coooooooool blog!

ka blog, i add u to my yahoo. tnx!

February 9, 2010 at 8:51 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz