2/12/10


Oha buhay na naman ako... medyo madami lang akong ginawang sideline kaya ayun napabayaan ko na ang aking pinaka mamahal na blog... anu ba ang nangyari sa akin lately? Wala naman masyado kasi puro pag rerestore ng pics ang pinag kaka abalahan ko lately at pag gawa na din ng isang katutak na design ng sticker para sa mineral water(mga sideline ko yun)... Anyway anong petsa na ba? teka sa linggo na pala yung araw ng mga puso... pero bakit wala pa din laman ang aking pitaka.. sus naman oh... Honestly wala naman akong maisusulat na maganda ngayon... parang wala ako sa mood pero dahil obligasyon kong mag kalat ng lagim dito sa blogsphere heto at sisimulan ko na ang post ko.....

Pebrero na at papalapit na naman ang araw ng mga puso... mga taong masasaya at hawak hawak nila ang mga mahal nila sa buhay, mga ngiting abot tenga dahil sa araw na iyon eh magkasama sila, mga malalagkit na tinginan ng mga mag singirog... mga taong naka kulay pula...pero hindi naman sa emo ako now dahil di naman talaga... panu yung mga taong walang ka date o mas masakit pa eh walang nag mamahal sa kanila... panu na yung mga taong iniwan ng mga mahal nila at ipinag palit sa iba, paano sine-celebrate ng mga namatayan ng mahal sa buhay ang araw na yun? At panu na kaya yung mga asawa o mahal sa buhay na nasa ibang bansa at malayo sa mga mahal nila? paano na kaya sila?

Actually di ko din alam kaya nga nag tatanong ako sa inyo... hehehehe pero kidding aside(wow english yun ah) paano nga ba? At paano din pinapakita o pinaparamdam ng isang tao na mahal mo siya kahit nasa ibayong dagat siya o kahit nasa probinsya lang siya?

At dahil sa nalalapit na ang araw ng mga roses, mga chocolates at mga walang kamatayang "i love you's" wag kayong mahiyang sabihin sa inyong mga mahal sa buhay whether sa gf niyo,bf niyo, mga magulang, mga kaibigan kung gaano niyo sila ka mahal... wag kayong mahiyang sabihin yun kasi walang masama dun at lalong di yung dapat ikahiya... samantalahin niyo na ang dadating na araw para ilabas ang buong feelings niyo para sa kanila.. kahit corny ayus lang basta ang mahalaga masabi niyo yun...

Maiksi ang buhay...



Ako: "i love you"

Ikaw: "i love you too"

Ako: "No, you don't understand...I wanna tell you WHY i Love you"

Ako: "I have to tell you this and you have to hear it"

Ako: "I loved you since the first day i met you"

Ako: "I have always been in love with you but I couldn't bear to say this until now"


Ako: "But from the moment I met you have showed and taught me so many things and my life completely changed because of you.


Ako: "honey, if not for you... and if not for today...i would never have known love at all..so thank you for being the peson who taught me to love... and to be loved. I know I may sound weird but I can't help it...


Ikaw: "Idont know what to say..


Ako: "You don't have to say anything.. i just wanted you to know how much I LOVE YOU thats all....



Dito ko na lang sinabi yung sasabihin ko dapat sa iyo sa sunday... see you soon.






*sana okay na tayo....

23 comments:

choknat said...
This comment has been removed by the author. February 12, 2010 at 11:48 AM
choknat said...

wow punong puno ng pagmamahal! :D

hapi balentayms! hehe

nagkamali comment ko, take two. wahaha

February 12, 2010 at 11:51 AM
Lord CM said...

buti pa sila may ka-date :(

sandali...may problema na nmn kayo?

February 12, 2010 at 11:54 AM
SCOFIELD JR. said...

mabuhay ang mga single...(bitter)

hapi balentayms slash chinese new year sau parekoy...

February 12, 2010 at 12:06 PM
KESO said...

hapi balentayms hahaha.


scofield jr-tama tama, mabuhay ang mga single. wahahahaha

February 12, 2010 at 12:23 PM
batanggala said...

hilow kuya saul!!yu ar bak na ulet, long taym no blag ah...hahaha:D musta naman?hihihi

bay da wey, Hapi Balengtayns dey sa inyo ni ate mitch... howp maging hapi ang inyong balengtayns! ingat! =)

February 12, 2010 at 12:51 PM
batanggala said...
This comment has been removed by a blog administrator. February 12, 2010 at 1:03 PM
MarcoPaolo said...

happy puso saul... :D

February 12, 2010 at 1:44 PM
Cayy Cayy said...

awww ! ang sweet naman. swerte ni gerrpreen
pero may sorry sa dulo, meaning war kayo ? aww ;c yaan mo na, yan naman ang nagpapatibay sa mga relasyon

February 12, 2010 at 3:13 PM
Renz said...

"I have always been in love with you but I couldn't bear to say this until now"

yan ang tumatak sa isip ko sa post na toh..ayyyy

hapi valentines

February 12, 2010 at 4:34 PM
saul krisna said...

@choknat
ahahaha take two pala.. nag tataka pa naman ako kung sino yung unang nag comment eh ahahaha kaw pala yun

@parekoy CM
panu mo sinecelebrate at araw ng mga puso brod? haaaay tawagan mo na lang si misis mo...

February 12, 2010 at 5:20 PM
saul krisna said...

@scofield
single? ahahaha teka nga muna... bakit may pagka bitter ka? hehehe asan yung dati mong love?

@sis keso
kaw pa ang isa... wala kang ka date? ay ayus lang yan di din naman kami mag date ni gerlpren eh... tipid tipid daw

February 12, 2010 at 5:22 PM
Kosa said...

happy Puso day!

minsan talaga dyan nagkakatalo ang opinyon ng mga tao...
madalas kase, may nagssabing masmagandang ipinapakita nalang... Hindi lang basta sinasabi..lol

February 12, 2010 at 5:23 PM
saul krisna said...

@batanggala...
hehehehe salamat sa pag comment.. sanan nga maging okay ang araw ng mga puso namin ahahaha

February 12, 2010 at 5:25 PM
saul krisna said...

@marco
uy salamat..kaw saan ang gala mo sa araw ng mga hearts

@sis cayy2
long time no comment ah... musta na? na miss kita ah... BTW... wala yung sorry na yun... sweet ba ako? adik corny nga eh

February 12, 2010 at 5:26 PM
saul krisna said...

@renz
teka mukhang may something fishy ah.... bakit di mo sabihin sa kanya na mahal mo siya hehehehe kaya mo yan

February 12, 2010 at 5:27 PM
saul krisna said...

@parekoy kosa
tama ka sa sinabi mo kosa... action speaks louder than words pero syempre masarap din sa tenga yung sweet words... kahit corny

February 12, 2010 at 5:29 PM

answeet naman ng post na to..haha..kaso kapag ganitong araw ng mga puso..hindi ako nkakarelate hahahahaa :3

( / ・ω・)//!!!
(P.S. if you'll reply to this comment..pls. put it in my blog's comment box so that i can update my comments :D)

February 12, 2010 at 9:02 PM

..sobrang cheesie.. :))

iloveyou soo much hon..

imissyou na sobra..

happy hearts day. :D

hope maging happy tau tomorrow.. :p

mua.mua.

THERES ONLY ONE YOU IN A LIFETIME..ONLY YOU.. AND YOU ARE MINE.. FOREVER... :))

February 12, 2010 at 9:06 PM
saul krisna said...

@sis ayu
bakit di ka nakakarelate? hehehehe wala kang bf? ngek... ayus lang yan bata ka pa naman eh

February 13, 2010 at 2:31 PM
saul krisna said...

@honey ko
naks naman cheesy daw oh pero deep inside kinikilig ka na naman ahahaha

i love you so much honey ko

HAPPY HEARTS DAY sa atin.... mwah

February 13, 2010 at 2:31 PM
Life Moto said...

what makes the world go round and relationship stronger is our ka cornihan. hapi love day!

February 14, 2010 at 2:45 PM
manik_reigun said...

sabi ng beatles:
love is all you need.

sarapnamannun, yeehaa!

February 19, 2010 at 6:14 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz