2/25/10


sana may remote din para sa buhay natin...

yung tipo bang pwedeng i-rewind ang lahat ng mga pag kakamali nang sa ganon eh maituwid natin ang mga pag kakamali natin...

yung tipo bang pwedeng i-fast foward ang mga eksena sa buhay natin na di gaanong kagandahan katulad ng mga problema, pahirap at pasakit...

yung tipo bang pwedeng i-stop ang lahat ng mga happy moments natin... para di na tayo malungot

sarap siguro ng ganun...

basta kahit anung mangyari dapat i-enjoy lang natin ang bawat pangyayari sa buhay natin....

2/22/10


I did my best but I guess my best wasn't good enough


*wala lang akong maipost ng matino kasi medyo wala ako sa mood(sad sad sad) ... hope maging okay na ako

2/20/10

Natuto akong mag hintay
pero natuto rin akong mapagod,
Natuto akong magtiis
pero natuto din akong sumuko,
ang masakit lang dito...
Natuto akong mag mahal ng buo
pero ang mahalin ako ng buo
ay di kayang matutunan
ng taong mahal ko



sinulat ng isang taong nag ngangalang micah sa likod ng upuan sa isang bus sa EDSA...sino ka ba at bakit napaka lungkot mo?


BTW para sa lahat ng dumadaan dito sa lungga ko paki dalaw naman itong mga bloggers na ito... salamat poh

BATANGGALA
BANGZ
ROSE

*pahabol post basahing mabuti at isa puso!!!!!!*


"What if....
you didn't know what you had...
until it was gone...
what if life gave you a second chance...
to love the one you lost?
what if you have only one day
to express how much you love him/her?

go ahead and tell her/him now before
it's too late...


MAHIRAP MAG "I LOVE YOU" KUNG
WALA NA SIYA SA IYO...
wala na kasing mag
i-"i love you too" sa iyo



I LOVE YOU HONEY






2/12/10


Oha buhay na naman ako... medyo madami lang akong ginawang sideline kaya ayun napabayaan ko na ang aking pinaka mamahal na blog... anu ba ang nangyari sa akin lately? Wala naman masyado kasi puro pag rerestore ng pics ang pinag kaka abalahan ko lately at pag gawa na din ng isang katutak na design ng sticker para sa mineral water(mga sideline ko yun)... Anyway anong petsa na ba? teka sa linggo na pala yung araw ng mga puso... pero bakit wala pa din laman ang aking pitaka.. sus naman oh... Honestly wala naman akong maisusulat na maganda ngayon... parang wala ako sa mood pero dahil obligasyon kong mag kalat ng lagim dito sa blogsphere heto at sisimulan ko na ang post ko.....

Pebrero na at papalapit na naman ang araw ng mga puso... mga taong masasaya at hawak hawak nila ang mga mahal nila sa buhay, mga ngiting abot tenga dahil sa araw na iyon eh magkasama sila, mga malalagkit na tinginan ng mga mag singirog... mga taong naka kulay pula...pero hindi naman sa emo ako now dahil di naman talaga... panu yung mga taong walang ka date o mas masakit pa eh walang nag mamahal sa kanila... panu na yung mga taong iniwan ng mga mahal nila at ipinag palit sa iba, paano sine-celebrate ng mga namatayan ng mahal sa buhay ang araw na yun? At panu na kaya yung mga asawa o mahal sa buhay na nasa ibang bansa at malayo sa mga mahal nila? paano na kaya sila?

Actually di ko din alam kaya nga nag tatanong ako sa inyo... hehehehe pero kidding aside(wow english yun ah) paano nga ba? At paano din pinapakita o pinaparamdam ng isang tao na mahal mo siya kahit nasa ibayong dagat siya o kahit nasa probinsya lang siya?

At dahil sa nalalapit na ang araw ng mga roses, mga chocolates at mga walang kamatayang "i love you's" wag kayong mahiyang sabihin sa inyong mga mahal sa buhay whether sa gf niyo,bf niyo, mga magulang, mga kaibigan kung gaano niyo sila ka mahal... wag kayong mahiyang sabihin yun kasi walang masama dun at lalong di yung dapat ikahiya... samantalahin niyo na ang dadating na araw para ilabas ang buong feelings niyo para sa kanila.. kahit corny ayus lang basta ang mahalaga masabi niyo yun...

Maiksi ang buhay...



Ako: "i love you"

Ikaw: "i love you too"

Ako: "No, you don't understand...I wanna tell you WHY i Love you"

Ako: "I have to tell you this and you have to hear it"

Ako: "I loved you since the first day i met you"

Ako: "I have always been in love with you but I couldn't bear to say this until now"


Ako: "But from the moment I met you have showed and taught me so many things and my life completely changed because of you.


Ako: "honey, if not for you... and if not for today...i would never have known love at all..so thank you for being the peson who taught me to love... and to be loved. I know I may sound weird but I can't help it...


Ikaw: "Idont know what to say..


Ako: "You don't have to say anything.. i just wanted you to know how much I LOVE YOU thats all....



Dito ko na lang sinabi yung sasabihin ko dapat sa iyo sa sunday... see you soon.






*sana okay na tayo....

2/1/10


BUHAY NA NAMAN AKO!!!!!

Akala niyo patay na ako dahil sa sipon at ubo? hehehe di ako basta basta namamatay...joke... teka buwan na pala ng mga puso ah... ang bilis naman.. di pa ako nakaka ipon eh... anyway anu ba ang pwedeng maikwento sa inyo? Wala naman kasi akong ginawa kundi humilata sa kama at lumamon ng lumamon.. hehehe

Pero sige magbabalik tanaw na lang muna ako kasi up to now di pa rin ako maka get over sa ganda ng sunset sa manila bay
hehehe tapos ang tweet tweet pa kasi katabi ko si gerlpren with matching holding hands(keso!!!) Teka bakit nga ba ako napadpad ng manila bay eh taga rizal ako... kasi ganito yun....

May field trip si gerlpren sa FORT Santiago that day at sabi niya pwede daw mag sama ng outsider kaya ayun sige sama naman ako kaso mas nauna siya pumunta doon at yun ang problema ko HINDI AKO MARUNONG PUMUNTA SA MANILA!!!!

Lumaki kasi na puro bahay at eskwelahan(weh?) lang ang alam ko at nung panahong iyon eh sa Pasay ako nag aaral(airlink aviation school) kaya wala akong alam sa manila... pero sige exciting yun kasi panibagong experience...

Sumakay ako nun ng bus at akala ko malapit lang yun mula sa bahay namin pero di ko akalaing 2 at kalhating oras akong nag byahe(whew!)... at nang makarating ako eh hapon na kaya sa may intamuros na kami nag kita at naglakad lakad kami ng gf ko papuntang fort santiago at syempre PDA to the max si gf... ako naman si parang ewan... kinikilig ng sobra(ang baduy ko ah)

Pero di ko akalaing makikita at makakatitigan ko ang past este ex ni gf... hmmmm medyo di ako mapakali kasi ewan... bukod sa parang lalamon ng buhay kung makatingin si ex niya sa amin 2 eh parang na aangasan talaga ako... pero sabi ni gf deadmahin ko na lang daw...

Lakad lakad lang kami hanggang mapadpad kami sa luneta at doon ko na nasaksihan ang ganda ng sunset.. naku di ko nga maipaliwanag eh basta hang ganda ganda(kasi kasama ko si gf) hehehe PERO HINDI LANG SI GF KO ANG KASAMA NAMIN PATI DIN ANG BARKADA NIYA(magaganda din sila hehehehe)







Naging masaya ako that day talaga at thankful ako sa gf ko kasi wala siyang sawang ipush yung confidence ko.... kaya nga love ko yun eh... Natapos ang araw ko ng magkatabi kami sa jeep habang tulog siya sa balikat ko...


"Advance Happy Valentine's Day honey"
I Love You so Much



*P.S

kamakailan lang pinakilala ako ni gf sa tita niya kasama yung pinsan niya na si weng.. Mukhang unti unti na akong nakakapasok sa angkan niya ah hehehe galing naman...



 


Blogger Template By LawnyDesignz