"Ang tao parang kahoy..kahit balutan mo ng kahit anung kolorete,pinturahan mo man yan at pakinisin mo ng liha...di mo maitatago ang tunay na saloobin nito..darating ang panahon susuko yan sa anay,rurupok,mabubulok,at tuluyang mawawala...gaya ko...lahat tayo may hangganan dito sa mundo."
"Magsuot ka man ng napaka daming maskara, punuin mo man ang mukha mo ng make up o itago mo ang iyong mukha sa likod ng sombrero... di mo pa rin mapepeke ang tunay mong nadarama... lilitaw at lilitaw ang katotohanan dahil magawa man nating mag sinungaling at sabihing okay tayo pero ang mga mata natin ay mananatiling totoo"
"Minsan hindi gamot ang kailangan ng isang may sakit.... kadalasan nag hahanap lang sila ng importansya na nanggagaling sa kanilang minamahal... Iparamdam natin na sila'y importante din bago mahuli pa ang lahat... Mahirap mag bigay importansya sa minamahal natin kung sila'y nakabaon sa ilalim ng lupa"
"Mahirap mamatay dahil sa isang sakit pero mas mahirap kung buhay ka nga pero unti unti kang pinapatay ng puso mong ang tangin kasalanan ay ang mahalin ka"
Dahil malapit na ang ISANG MINUTONG SMILE bigla kong naisipang kong sumalat tungkol sa batgong pinag kakaabalahan ko ngayon kasama ang aking ama at ang aking butihing may bahay este gerlpren lang pala.
Mag dadalawang buawan na din ng una kaming maki bakas sa munting proyekto ng aking ama...
Wala kasi kami magawa ng gf ko sa bahay... lagi na lang kasing puro pag tulog ang pinag kakaabalahan namin nung mga panahong iyon pag nasa bahay kami, kaya ayun dahil boring eh sumama kami sa feeding program ng aking ama.
AKO: Deh malayo ba yung pinupuntahan mo sa feeding program mo? sama kamni michelle ala magawa dito eh. DEH: ah malapit lang yun, sa may taas lang nitong subdivision natin. AKO: ah sige sama kami... DEH: buti pa nga at ng may magawa kayo ni michelle kesa puro tulog ginagawa niyo dyan sa kama mo.
Alas 2 nung umalis kami at di ko akalaing malalaman ko na napaka palad ko kesa sa ibang mga kapatid natin sa bundok.
Malayo pa ba deh? Malapit na... ahm mga 2 bundok pa at 2 ilog na lang at nandun na tayo sa falls. Akala ko nag bibiro lang siya pero nang malaman ko kung saan kami pupunta eh ayun nanglumo ako kasi may bitbit akong isang kahon na pag kain na tumitimbang ng 15 kils (naks ng jueteng ginawa pa akong kargador) ahahahaha
Makalipas namin akyatin ang 2 bundok at 2 ilog nakarating na kami sa paroroonan namin... Namangha at nalungkot ako sa nakita ko, mga bahay na yari sa pinag tagpi tagping yero, mga ply wood na luma, mga bato, mga lona, etc. Wala akong makitang maayos na bahay at ang mga bata dun grabe nakakaawa ang sitwasyon, mga suot nila ay tila ba mga basahan, punit-punit at kadalasan wala pang saplot. Nasa Pilipinas pa ba ako?
Sinimulan na ni gf ang pag luluto ng lugaw na galing sa states salamat na din sa pakikipag tulungan ng KIDS AGAINTS HUNGER na isang organization na tumutulong sa pag papataba ng mga batang malnourish sa buong mundo. At ng matapos na ang pag luluto ay sinimulan na namin magpakain sa mga bata, nakakatawa at nakakatuwa kasi may batang sumisigaw ng "KAKAIN NA!!! NANDITO NA SI PASTOR!!!"
Di nagtagal nagsimulang humaba na ang pila ng mga bata dala dala nila ang mga mangkok,plato,platito,baso at kahit tabo may dala din. Bakas sa mga mukha nila ang kasabikang makakain ng lugaw namin. Lahat sila nakangiti at tila ba isang maagang pamasko ang dala namin, bakas sa mga mukha nila na kahit gaano kahirap ang situasyon nila eh hindi sila nag papaapekto.
Bakit sila nakakangiti eh simpleng lugaw lang ang dala namin, bakit kung titingnan ko sila eh parang wala silang problema? Bakit? Tayong mga matatanda este kayo lang pala ang matanda ... bata pa ako eh twenteen six palang ako eh, bakit tayo di natin sila magaya na pag may problema o na ppressure sa dami ng iniisip, napahiya lang ako sa sarili ko habang iniisip ko yung mga bagay na yun... oo nga't wala silang pera, bahay na matino, o kahit pagkain lang na sasapat sa 3 beses isang araw pero heto sila at abot tenga ang mga ngiti nila.
May nakilala kaming dalawang magkapatid, si mac-mac at ron-ron... maagang nilisan sila ng ina nila, at ang napaka bait nilang ama eh walang ginawa kundi ang mag inom ng mag inom pero ng lumapit sila sa amin para iabot ang dala nilang plato para humingi ng pagkain eh bakas na bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan... wala silang tsinelas, maduduming mga damit na tila basahan ang suot nila pero bakit ganun nakangiti pa din. Nakatuwaan ni gf na bigyan ng cloud 9 yung si macmac at ayun tuwang tuwa na tila ngayon lang nakakain ng chocolate... at ng dumating ang kapatid niya eh hindi siya nag dalawang isip na hatian niya si ronron... kakatuwa talaga yung dalawang bata na yun... di mo mababakas ang kahirapan nila sa buhay dahil sa mga ngiti nila... bakit di natin sila tularan... alam kong mas nakaka angat tayo sa kanila, kumpleto ang mga damit at may mga brand pa, 5 beses nakakakain sa isang araw, may laman ang mga wallet, pero bakit di natin magawang ngumiti....
gayahin natin sila na pag may problema eh tinatawanan lang at nginingitian lang...
smile na kayo bawal naka simangot dito sa blogsphere....
Sa wakas buhay na naman ako... saktong sakto sa araw ng mga patay... teka bakit nga ba ako nawala? ehem ehem... wala lang...akala niyo siguro naging good boy ako kaya kinuha na ako ni Lord noh? kailangan ko lang mag concentrate sa tunay na mundo... tsaka pinag handaan ko kasi yung kaarawan ng gerlpren ko kasi "DEBUT" na niya... naks pwedeng pwede na siya kasi dalaga na siya... HOY mga utak niyo wag berde!!! :)
Anyway saan ba ako mag sisimula? Siguro kwentuhan ko na lang kayo 'bout sa kaarawan ni gerlpren..
BABALA!!! Isang napaka habang post!!!
sa mga 'di nakaka alam.... HRM ang kurso ni gerlpren at napag kasunduan na ang finals nila sa mga major subjets nila ay mag daos ng isang party para sa 50 na katao at ang theme ay isang DEBUT na party... Nag kataon din na si Gf na lang ang di pa nakakapag Debut so instantly siya na yung "taya".
Dahil yun na din ang magiging celebration ni gf kasi October 12 kaya siya ang taya sa cake, mga invitations, giveaways at tarpaulin... at dahil medyo todo support ako sa kanya kaya ako na din ang nag volunteer gumawa ng mga invitation, giveaways at yung picture para sa tarpaulin niya(lugi yata ako) pati yung isusuot niya ako din taya... hehehe anyway nag simula ang kalbaryo ko nung sinimulan ko na yung pag gawa ng invitation, anak ng jueteng naman oh 50 piraso ang gagawin ko.... gupit dito gupit doon at pati daliri ko nagupit ko din(promise!) at makalipas ang 6 na araw eh heto na ang kinalabasan(pasensya malabo yung gamit na cam eh)
Medyo di na masama para sa first timer sa pag gawa ng invitation(hehehehe) at ng matapos ko iyo sinimulan na ang pag gawa ng damit niya at laking gulat ko na mag mumukhang diwata pala yung isusuot niya ahahaha isang malaking mariposa este paru-paro... nakita niyo ba yung pakpak? ahahaha gawa ko yun... may gusto ba umorder? 500 pesos lang ahahaha
OHA OHA may talent pala ako... hehehe.. Dumating ang mismong araw ng kaarawan niya at kabado ako kasi unang beses ko pa lang makaka attend sa mga ganitong ka ek ekan este mga pag diriwang. 'Di ko nga alam kung anu sinusuot sa isang semi formal na event event eh. Sanay kasi ako sa maong na butas butas, puting sapatos at puting damit... yung tipong pang bahay look ahahaha... Nagulantang na lang ako ng malaman kong katabi ko sa gf the whole time ng party, hehehe with matching spotlight pa.
OO ako nga yung parang engot na yun... yung naka pink na long sleeve, black slacks at black shoes, yung may hawak sa bewang ng celebrant teka sa bewang ba ako nakahawak? hehehehe. Kahit parehas kaliwa ang paa ko at naapakan ko ng 2 beses si gf eh hala sige pa din sa pag sayaw.... hehehe.
Sobrang memorable ang araw na yun kasit na medyo may pasaway na agaw eksena... Aba parang humihirit pa yata sa gf ko eh tapos na sila.... buti na lang nakapag pigil ako hehehehe.
I hope napasaya ko siya that day.... at sana may mag comment naman dito... aba juice ko po.... ahahahah parang awa niyo na mag comment na kayo ahaha...
Ako si Saul Krisna Villanueva ipinanganak noong July 22, 198?... Pero lam niyo ba nagtataka ako... ikinasal ang mga butihing magulang ko nung January same year pero ipinanganak ako makalipas ang pitong buwan? Premature daw ako pero nito ko lang nalaman na bunga pala ako ng maagang pag bubuntis ni ina ko... hehehe anyway musta naman yun 3 araw na lang at kaarawan ko na... pero parang wala lang... 'di ako extited este excited pala. Bukod sa tatanda na naman ako(kasing edad ko nga pala si kosa) eh parang isang ordinaryong araw lang yun for me.Mas excited pa nga ako sa kaarawan ni gerlpren sa October 12 dahil debut na niya kasi.
Anyway wala naman ako maikkwento sa inyo kasi wala naman nangyari sa akin na maganda.. ay meron pala nung isang araw kasi 18th monthsary namin ni gerlpren.
Umaga pa lang eh maaga ako gumising kasi kailangan mag papogi dahil may date kami, plantsa dito, pabango doon, sabay naglagay ng gel sa bagong gupit na buhok ko... oo tama kayo bagong gupit ako after 4 months...3 times a year lang ako kung mag pagupit kasi nagtitipid ako kaya imagine mo na lang from long hair eh halos gupit binata ulit ako hehehe.
Wala akong pera that day kaya todo ako sa pag pplano para lang magkasya yung kakaunting ipon ko... napag desisyonan namin na pumunta na lang sa greenhills para bumili ng slippers niya doon... so ayun first bus ride namin together kaya medyo happy happy ako... kadalasan kasi jeep lang at tricycle lang ang sinasakyan namin eh hehehehe. Dumating kami sa greenhills after ng mga isang oras at anak ng jueteng laki na ng pinag bago nung lugar na yun... pero nakakagulat nung malaman ko na may tsinelas pa lang nagkakahalagang 1,200... "Hav... Havai... ahhh ewan di ko alam yung spelling pero sounds like "habayanas" yata yun...Ano ba meron sa tsinelas na yun? Mukha naman ordinaryo lang siya, gawa sa mabahong goma(ahahaha). Di ako mahilig kai sa mga ganung bagay... sanay lang ako sa simpleng pamumuhay... yung tipo bang ang almusal ko eh 5 pandesal, tanghalian ay 6 na cups ng rice at 1 hotdog at sa hapunan dahil diet pa din ako eh 4 na cups na lang ng kanin at inihaw na ulo ng manok hehehe... joke lang... kuntento na kasi kung ano man yung meron ako... in short di ako mahilig sa mga mga mamahaling gamit... hehehehe.. nangangati balat ko pag branded ang damit ko, yung paa ko makati din pag nakapag suot ako ng mamahaling sapatos o tsinelas...
Pagkatapos makipag siksikan sa greenhills pumunta naman kami sa Robinson Galleria at tumingin lang ng mga daga... oo tama daga nga... ngayon ko lang nalaman na mahilig pala si gf sa mga daga... ayus next time na may makita akong daga sa bahay yun na lang ireregalo ko... hehehe habang nag lalakad kami biglang nakarammdam kami ng gutom kaya lumipat kami ng mall para mag tanghalian...
Megamall... masakit na talaga ang paa ko kakalakad pero dahil kasama ko si gf at may paholding holding hands pa siya sa akin at take note may pa sway sway pa eh nawawala yung pagod ko... Daming tao... dami din nilang pinamimili... puro mamahaling gamit, mga walang kwentang gamit naman... yung tipo bang di naman mapapakinabangan o wala naman maidudulot sa buhay pero hala sige bili lang ng bili...
minsan napapaisip lang ako... kapag ba bumibili sila ng mga mamahaling gamit pero wala naman kwenta yung bagay eh naiisip ba nila na sa halagang 1,200 na tsinelas o bag na tig 20,000 eh malayo na ang mararating ng perang iyon sa kamay ng mga mahihirap o kapus palad?Pwede na yung pang bili ng pag kain na tatagal sa loob ng ilang linggo di ba? Di naman ako kontra sa ganung klaseng pamumuhay... siguro dapat lang nila malaman yung mga mas importanteng bagay sa buhay... thats all lang...
Anyway isa pa sa mga nagpasaya sa akin nung araw na yun eh yung pinakain ako ni gf ng ice cream na nagkakahalaga ng tumataginting na 79 pesos eh samantalang pagkaliit liit lang nun pero sobrang sarap naman ahahaha..
Natapos ang araw namin na sobrang saya at punong puno ng pagmamahal... hehehehe
Wala naman talaga akong maipopost now dahil medyo busy ako sa buhay ko... hehehe medyo napapabayaan ko na kasi ang farmville este buhay ko pala... hehehe anyway ano ba bago sa akin?ahhh wala nga pala bagong balita except sa BIRTHDAY KO NA SA JULY 22 19??... OO tama ang nabasa mo... madadagdagan na naman ang edad ko...
Kanina nag iisip ako kung ano ano ba ang nangyari sa akin this past whole year...
-naka dalawang work ako this past year -nagkaroon ng bagong shoes(big deal para sa akin yun) -naka punta ako sa luneta -isang tambak na masasayang moments with my girlfriend -at nawala man kami ni gf nung August pero bumalik pa rin siya at dahil dun thankful ako sa kanya -nagkaroon ng madaming kaibigan dito sa blogsphere
I know madami akong sad moments this past year at isang katutak na problema pero nag silbing teacher yun sa akin at nagpatibay sa aking katauhan(naks taglog na tagalog ah)...
Minsan tuloy naiisip kong kaya ako paulit ulit ng mga problema kasi hindi ko pa natututunan yung lesson na ibinibigay sa akin ni PAPA JESUS... kaya ayun kahit gustuhin ko man na makawala sa mga problema eh di pa din ako makawala...
Minsan iniisip ko din na napaka swerte ko kasi kahit madami akong problema sa buhay eh madami din akong nakakadamay... this past year medyo dumami ang nag tatyagang umunawa sa akin tulad nina:
Batanggala Darklady Unnie Bettina at syempre ang... ...GIRLFRIEND ko
Speaking of my beloved girlfriend... this second chapter namin eh mas ramdam na ramdam ko yung pag mamahal niya sa akin, mas maayos at MAS TUMIBAY kami... nag mature na din kami... Corny pero utang ko sa kanya kung ano ako ngayon... mahal na mahal ko yung babaeng iyon... madalas nga kahit puyat at pagod ako sa work... pag sinusundo ko siya sa skul niya at nakikita kong nakangiti siya, agad kong nakakalimutan pagod ko...lalo na pag may kasamang hug ahehehe nakaka alis talaga ng pagod.Hindi talaga ako mag sasawa sa kanya... kahit anong mangyari papatunayan ko sa lahat na may word na forever... I will never grow tired of her... kasi ayun loving her is what I do best
At sa darating kong kaarawan eh hindi ako mangangako...hindi ako aasa... basta pipilitin ko mag improve sa lahat ng aspeto ko sa buhay, sa relationship ko kay GOD at sa relationship ko sa mahal ko...
Pero teka teka teka lang!!!! Aasahan ko yung mga pag bati niyo sa akin... hehehe tsaka next time ipost ko yung bank account number ko para dun niyo na lang ipadala yung regalo niyo...
YOUR GREETINGS ARE GOOD... BUT I NEED CASH!!!!
*PS* malapit na debut ng gerlpren ko ahahahaha bigay kayo ng magandang idea para sa kaarawan niya... naks dalaga na ang aking mahal ahahaha... mahal kita honey... BTW gawa nga pala ni gf itong video sa baba para sa akin... naks hang sweet niya talaga..
Anong araw na ba ngayon? aba teka June 15 na pala.... naknang jueteng bukas na pala ang kaarawan namin ng aking pinaka mamahal... 17th monthsary na kasi namin... naks naman ang taga;l na pala namin... parang kelan lang eh nag tatatakbo ako sa gitna ng kalsada para habulin si gerlpren.
Kanina habang nag dadasal ako dahil sahod na naman(sana may laman na ATM ko) biglang nag text si gerlpren,
"hon ano size ng paa mo?"
Huh? Bakit kaya niya tinatanong? Siguro may regalo yun...hehehe... pinalagpas ko na yung text niya na yun kasi di naman siya nag text back... Mag aalas dos na nung nag simula akong maglakad papuntang SM Taytay para kunin ang aking sahod ng biglang nagtext ulit siya at sinabing pupuntahan daw niya ako sa sm.. sabi ko ayus lang tutal wala naman ako gagawin.
Habang hinihintay ko siya naisip ko kung ano ba magandang iregalo sa kanya sa DEBUT niya... oo tama ang pag kaka basa niyo... mag 18 pa lang siya at ako... ahhh secreto ang edad ko... basta magka age kami ni chikletz at mas matanda sa akin ng 3 taon si unnie. Kasi ganito yun... kuripot talaga ako... ni hindi nga ako bumibili ng damit hanggat di ito kumukupas, di din ako bumibili na sapatos o tsinelas until butas na. Pero syempre pag dating kay gerlpren eh all out ako sa pag bibigay... yung tipo bang "isusubo ko na lang ibibigay ko pa sa kanya" hehehehe...
After akong mag muni ,uni bigalang dumating si gerlpren at may biglang inabot na plastic bag na pula with matching na tsinelas sa loob...NAK NG JUETENG!!!! Sa wakas makakatikim na ang paa ko ng mamahaling tsinelas... sanay kasi ako sa alpombra at yung tsinelas na de ipit(yung tig 400 pesos lang) Naka halata yata si gerlpren na butas na yung suot suot kong tsinelas... at hindi pa natapos doon ang pagiging galante niya... inilibre pa ako ng pizza, mami na may kung fu panda na something(honestly di ko alam tawag dun sa kinain ko na yun)... sobrang binusog ako ni gf sa mga pag kain niya... hehehe
Di dapat ako mag popost now pero wala lang talaga ako magawa kaya napilitan lang ako magsulat kaya expect niyo na ubod ng walang kwenta ang post na ito ahahaha
Ang kwento ko now is about how laughter saves our relationship....(naks english yun ah)
Anyway kasi ganito yun napapansin ko lang na ilang pung beses na nailigtas ng pag tawa ang relasyon namin ni gerlpren... Di naman matatawag na perfect ang pinag sasaluhan namin ni mitch , may mga pag kakataon na tila ba world war 3 ang style namin, may mga iyakan blues, at habulan na para bang nag lalaro kami ng mataya taya...
Pero isa sa secreto namin kung paano kami nag kaka ayos ay ang pag tawa... oo tama ang nabasa mo.... minsan pag nag aaway kami eh tila ba parang hahantong na yun sa pag wawakas ng relationship namin... iyakan, habulan, mga mala telenovelang eksena sa gitna ng kalsada at kung minsan sa gitna ng hi-way...
bigala ko lang na alala yung mga eksena na yun....
SCENE 1... Action!!!!!
Ako: Honey i'm sorry na... please... GF: Bakit mo ako hinabol? Galit ako sa iyo. Ako: Sorry na nga eh... di na mauulit.... GF: Wag ka nga sunod ng sunod sa akin.... wag mo akong sundan!!! Ako: Huh? sunod ng sunod? Eh ako kaya ang nauunang nag lalakad sa ating dalawa... kaw ang wag sumunod sa akin...sabay tawa ng malakas at pa beautiful eyes epek pa.
SCENE 2... Action!!!!
Ako: uy bakit di mo ako pinapansin? may nagawa ba akong bad o ayaw mo? GF: No comment Ako: sige na naman oh mag salita ka naman... sorry na po GF: No comment pa din habang nag lalaro ng laruan ng bunso niyang kapatid...
*kaso yung laruan niya eh napunta sa ilalim ng ano ko sabay wala naman sa loob ni gf na habulin yung laruan at di niya sinasadyang tamaan si ano ko.... kaya ayun habang nag papagulong gulong ako sa sakit eh napapangiti si gf kaya ayun nag kabati din kami sa wakas dahil sa aksidenteng iyon.
Ang point ko? wala lang... minsan wag papairalin yung init ng ulo... wag kakalimutan na walang magandang idudulot ang pagiging mainit....except sa....(joke lang ahahahaha)
Sino ba sa atin ang hindi pa nasasabihan nito o sino pa sa atin ang di pa nakakagawa ng ganito sa buong buhay nila?
Siguro wala naman mag mamalinis dito dahil di ko kayo bati pag nag comment kayo na di pa kayo nag sisinungaling... hehehehe
Anyway isang maiksing post lang ito promise(peksman mamatay man yung daga ng kapit bahay namin)
Madalas ginagawa nating escsape hatch yung pag sisinungaling para lang makalusot tayo sa ilang bagay...at di niyo ba napapansin na kapag ang isang kasinungalingan eh tinapalan mo pa ng isa pang kasinungalingan eh parang mas lalong gumagrabe ang situation mo...
Nakalimutan ko na kung sinong mokong ang nag sabing
"walang kasinungalingan ang di nabubunyag"
Naniniwala ako dito kasi kahit na..... hmmm okay aaminin ko na nung bata pa ako eh malufet akong mag sinungaling... yung tipo ba na may back up plan este lies ako to support the first lie... pero wala pa din epekto kasi after ilang araw nabubunyag pa din ang kasinungalingan ko hehehe...
Kaya isa lang ang natutunan ko.. hangga't maaari eh wag mag sisinungaling... trust me,,, ilang beses na akong nadapa dahil sa kasinungalingan...
Ayun oh buhay na naman ako after ng ilang panahon ng pananahimik... Ano ba pinag kaka abalahan ko? As usual wala naman puro trabaho at gerlpren lang ang kina-carrer ko..
Wala naman talaga akong balak mag post now pero biglang umandar na naman ang munti kong utak at na alala ko yung mga nasaksihan kong kalokohan habang sinasamahan ko si gerlpren sa pag eenroll lat... teka kelan nga pala yun?(memory gap)
Habang nakaupo kami ni gf sa may harapan ng registrar ng skul nila... biglang tumabi sa akin si Petty sa amin at tinanong si michelle kunga magkano ang kupit este kickback niya.... kasi daw siya 2 thou daw...
Ano kamo? kickback? bigla bumalik ang memorya ko nung college student pa lang ako.... inaamin ko na naging past time ko ng gumawa ng diskarte para maka kick back... Tulad ng karamihan sa umpisa lang ako matino pero habang tumatagal na ako sa aking eskwelahan eh parang nahahawa na ako sa sakit ng bayan... ang kumick back sa magulang nila...
Na aalala ko tuloy na sa tuwing mag eenroll ako... nag sisimula na akong mag handa ng pekeng resibo with matching pekeng pirma ng matandang hukluban na si Mrs. Villa(registrar namin siya)... kailangan ko din makiusap sa janitor namin para ikuha ako ng 3 pares ng skul uniform namin kasi half lang ang pice nun dahil nga illegal ko makukuha yun... hehehehe... Usually sa entrada ng pasukan makaka kick back ako ng 5 thou sa tuition pa lang at mga 1 thou sa uniform at another 2 thou sa mga kung ano anong project kuno...
That time di ko naisip na masama yun at parang laro lang yun for me... pero ngayong matanda na ako(teka bata pa pala ako) nauunawaan ko na yung mga ka abnormalan na ginagawa ko that time... di ko kasi naisip na perang pinag hirapan ng magulang ko ang inuubos ko dahil sa kagustuhan ko lang may pera ako... di ko naisip na pinahihirapan ko sila sa ginagawa ko...
Kaya nga ngayon... medyo naiinis ako sa mga kabataang tulad ko dati eh malakas mag nakaw sa mga magulang nila... sana di ito nababasa ng tatay ko ahehehehe
Teka una sa lahat isisingit ko lang itong post na ito para sa inay ko.... teka di pa nga pala ako nakakareply sa mga comments niyo sa akin sa last post ko... dont worry.... maya maya ayusin ko din yun.....
Teka muna(ulit) honey i love you hehehehe
BABALA!!!!!!!!!!!
Nais ko lang ilabas yung saloobin ko(naks tagalog na tagalog ah) patungo sa isang issue sa amin ng inay ko....
Ehem ehem ehem..... I know nag babasa ka nitong blog ko at di ka sang ayon sa akin.... teka kelan ka ba naman naging sang ayon sa mga ginagawa ko sa buhay? Kahapon nag text sa akin ang gf ko at sinabing nag reply ka sa message niya sa facebook... pero anong nireply mo...
"hwag ka ng mag aksaya ng panahun .ok fine at least masaya ka pala sa kanya"
Aksaya ng panahon? Sino huwag mag aaksaya ng panahon? si gf ko sa akin? Teka bago pa tuluyang isugod ako sa hospital dahil sa high blood... heheheh kelan ba ako nakialam sa iyo lalong lalo na sa pakikipag relasyon mo sa ninong ng kapatid ko? Di ba wala naman akong nasabing masama(silent type kasi ako eh heheheh). Di naman ako galit... pero parang di mo ako kilala, sa lahat ng ayoko yung pinakikialaman yung mga nakakarelasyon ko... sakit mo na yan dati pa ah...
Naalala ko tuloy na sabi mo pupunta ka ng Baguio pero nasaan ka? Nasa isang motel ng 4 na araw sa may cubao? at sinong kasama? Aba malay ko at wala akong pakialam... di pa naman kayo anulled that time diba? Ang point ko?... ewan... gusto ko lang na sana ibaon mo na sa limot ang galit... masyadong mahaba na ang panahon... ilang taon na ba ang huling kita ko sa iyo... 3,4,5 actually di ko na maalala itsura mo(wala ka naman iniwang larawan mo)... di ako galit pero medyo di ko trip yung nireply mo sa gf ko... wag ka mag alala kasi okay naman kami... at ipinapangako ko di ako susunod sa naging takbo ng pamilya natin dati...
Next time siguro pag okay ka na sa amin ng daddy... baka mag kita kita tayo... someday... ingat ka na lang at sa mga kapatid ko... love you(ayiee!!!!)
isa lang ako simpleng tao na may simpleng pangarap.... gusto kong manalo ng 100M sa lotto!!! hahahahaha about me ba? enjoy lang kayo sa mga walang kwentang storya ng buhay ko at ng lablayp ko....