6/28/10


Wala naman talaga akong maipopost now dahil medyo busy ako sa buhay ko... hehehe medyo napapabayaan ko na kasi ang farmville este buhay ko pala... hehehe anyway ano ba bago sa akin?ahhh wala nga pala bagong balita except sa BIRTHDAY KO NA SA JULY 22 19??... OO tama ang nabasa mo... madadagdagan na naman ang edad ko...

Kanina nag iisip ako kung ano ano ba ang nangyari sa akin this past whole year...

-naka dalawang work ako this past year
-nagkaroon ng bagong shoes(big deal para sa akin yun)
-naka punta ako sa luneta
-isang tambak na masasayang moments with my girlfriend
-at nawala man kami ni gf nung August pero bumalik pa rin siya at dahil dun thankful ako sa kanya
-nagkaroon ng madaming kaibigan dito sa blogsphere


I know madami akong sad moments this past year at isang katutak na problema pero nag silbing teacher yun sa akin at nagpatibay sa aking katauhan(naks taglog na tagalog ah)...

Minsan tuloy naiisip kong kaya ako paulit ulit ng mga problema kasi hindi ko pa natututunan yung lesson na ibinibigay sa akin ni PAPA JESUS... kaya ayun kahit gustuhin ko man na makawala sa mga problema eh di pa din ako makawala...

Minsan iniisip ko din na napaka swerte ko kasi kahit madami akong problema sa buhay eh madami din akong nakakadamay... this past year medyo dumami ang nag tatyagang umunawa sa akin tulad nina:
Batanggala
Darklady
Unnie
Bettina
at syempre ang...
...GIRLFRIEND ko

Speaking of my beloved girlfriend... this second chapter namin eh mas ramdam na ramdam ko yung pag mamahal niya sa akin, mas maayos at MAS TUMIBAY kami... nag mature na din kami... Corny pero utang ko sa kanya kung ano ako ngayon... mahal na mahal ko yung babaeng iyon... madalas nga kahit puyat at pagod ako sa work... pag sinusundo ko siya sa skul niya at nakikita kong nakangiti siya, agad kong nakakalimutan pagod ko...lalo na pag may kasamang hug ahehehe nakaka alis talaga ng pagod.Hindi talaga ako mag sasawa sa kanya... kahit anong mangyari papatunayan ko sa lahat na may word na forever... I will never grow tired of her... kasi ayun loving her is what I do best

At sa darating kong kaarawan eh hindi ako mangangako...hindi ako aasa... basta pipilitin ko mag improve sa lahat ng aspeto ko sa buhay, sa relationship ko kay GOD at sa relationship ko sa mahal ko...

Pero teka teka teka lang!!!! Aasahan ko yung mga pag bati niyo sa akin... hehehe tsaka next time ipost ko yung bank account number ko para dun niyo na lang ipadala yung regalo niyo...

YOUR GREETINGS ARE GOOD...
BUT I NEED CASH!!!!


*PS*
malapit na debut ng gerlpren ko ahahahaha bigay kayo ng magandang idea para sa kaarawan niya... naks dalaga na ang aking mahal ahahaha... mahal kita honey... BTW gawa nga pala ni gf itong video sa baba para sa akin... naks hang sweet niya talaga..


15 comments:

Unni-gl4ze^_^ said...

weeeii advance happy bertdei....ano handa mo???yung fansign mga next week na ha yung maganda na face ko hahahaa ,,jokes lng wala lng s mood pa may prob pa kasi eh....

ayun oh naging friends pa pala tau dito noh akalain mo yun may fren ka na baliw baliw at adik hehe...

stay inlove with your gf^^

June 28, 2010 at 8:47 PM
saul krisna said...

@ate unnie
naks naman naka base ka sa post ko ah hehehehe.... ayun gift ko huh... sana sagutin mo din yung pang handa ko ahahaha... igawa mo din si gf ng fan sign huh... heheheh

June 28, 2010 at 8:59 PM
Unni-gl4ze^_^ said...

adik wala nga akong pera ngaun eh ahahaa,,,fansign nlng gagawa ko kau ni gf mo...yung gift ko pa naging milyonarya na ako haha asa pa ikaw hehe,,jokes lng,,,

June 28, 2010 at 9:06 PM
saul krisna said...

@ate unnie
adik tumaya ka sa lotto para manalo ko o kaya maghanap ka ng DOM ahahahaha

June 28, 2010 at 9:21 PM
kikilabotz said...

advance happy bday pare.

June 29, 2010 at 4:56 AM
MarcoPaolo said...

bro, advance happy birthday! :)

June 29, 2010 at 7:55 AM
BatangGala said...

ow yess naman, speecial mention ang name ni batangG.hehe:)) walang anuman kuya, basta ikaw! :) advance happy birthday!!pa-burger ka naman!wahahaha:)))

June 29, 2010 at 10:25 AM
darklady said...

nandun name ko? wow naman maraming tsalamat!! ^_^

blowout naman dyan!!
ang ganda naman ng samahan nyo ni gf, may namimiss tuloy ako. nag emote daw ba dito.hehehe.

advance happy birthday!!

June 30, 2010 at 1:37 PM
CHONG x] said...

Advance Happy Birday sa inyo ng Gf mo ! :D

June 30, 2010 at 4:28 PM
Kosa said...

kelan ang debut ni GF?

ahhh.. advance happy bday parekoy! astig. masmauuna pa pala ang bday ko kesa sayo...(asan ang picture greeting ko?) hehe

well, wish u all the best Tsong! sana eh makuha mo lahat ng ninanais ng Puso mo.
wag ng masyadong emo at cool lang lagi!

July 2, 2010 at 7:50 PM
♥superjaid♥ said...

advance happy birthday kuya saul..^_^

July 4, 2010 at 9:39 PM
mr.nightcrawler said...

advance happy birthday sa iyo parekoy. pati na rin sa labs na labs mong girlfriend :P

July 5, 2010 at 6:17 PM
Pirate Keko said...

KUYAAAAAAA saul.. miss na kita sobra. :) busy po kasi ako pero salamat sa pagtetext :) sana ok ka lang and kau ni GF :)
napaka swerte nya pramis haha...

sana magtagal kayu at sana ang daming sana .. masaya ka lagi :)

SUper love,
Keko

July 13, 2010 at 3:17 PM
Pirate Keko said...

Teka ako ba si Bettina? o talagang kapangalan ko lang at assuming ako :(

July 13, 2010 at 3:20 PM
The Pope said...

ADVANCE HAPPY BIRTHDAY

Over the year, you'd been very supportive to KABLOGS and PEBA and we really recognize your blog contribution in our blogging community.

As PEBA 2010 opens its doors to all Filipino bloggers around the world, I am inviting to PEBA 2010, not only as a Supporter but as a NOMINEE for this event.

Please visit and join PEBA 2010 (http://pinoyblogawards.blogspot.com/), We're counting on you.

Life is Beautiful, Keep on blogging, keep on inspiring.

A blessed weekend to you and your family.

July 17, 2010 at 3:11 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz