5/11/10

Teka una sa lahat isisingit ko lang itong post na ito para sa inay ko.... teka di pa nga pala ako nakakareply sa mga comments niyo sa akin sa last post ko... dont worry.... maya maya ayusin ko din yun.....

Teka muna(ulit) honey i love you hehehehe

BABALA!!!!!!!!!!!

Nais ko lang ilabas yung saloobin ko(naks tagalog na tagalog ah) patungo sa isang issue sa amin ng inay ko....

Ehem ehem ehem..... I know nag babasa ka nitong blog ko at di ka sang ayon sa akin.... teka kelan ka ba naman naging sang ayon sa mga ginagawa ko sa buhay? Kahapon nag text sa akin ang gf ko at sinabing nag reply ka sa message niya sa facebook... pero anong nireply mo...

"hwag ka ng mag aksaya ng panahun .ok fine at least masaya ka pala sa kanya"

Aksaya ng panahon? Sino huwag mag aaksaya ng panahon? si gf ko sa akin? Teka bago pa tuluyang isugod ako sa hospital dahil sa high blood... heheheh kelan ba ako nakialam sa iyo lalong lalo na sa pakikipag relasyon mo sa ninong ng kapatid ko? Di ba wala naman akong nasabing masama(silent type kasi ako eh heheheh). Di naman ako galit... pero parang di mo ako kilala, sa lahat ng ayoko yung pinakikialaman yung mga nakakarelasyon ko... sakit mo na yan dati pa ah...

Naalala ko tuloy na sabi mo pupunta ka ng Baguio pero nasaan ka? Nasa isang motel ng 4 na araw sa may cubao? at sinong kasama? Aba malay ko at wala akong pakialam... di pa naman kayo anulled that time diba? Ang point ko?... ewan... gusto ko lang na sana ibaon mo na sa limot ang galit... masyadong mahaba na ang panahon... ilang taon na ba ang huling kita ko sa iyo... 3,4,5 actually di ko na maalala itsura mo(wala ka naman iniwang larawan mo)... di ako galit pero medyo di ko trip yung nireply mo sa gf ko... wag ka mag alala kasi okay naman kami... at ipinapangako ko di ako susunod sa naging takbo ng pamilya natin dati...

Next time siguro pag okay ka na sa amin ng daddy... baka mag kita kita tayo... someday... ingat ka na lang at sa mga kapatid ko... love you(ayiee!!!!)

15 comments:

Renz said...

ang harsh naman pero maybe ganyan na lataga kayo magturingan pero kahit anung mangyari nanay mo pa din yun..

May 11, 2010 at 12:23 PM

haayysyysyss..sad sad sad...pwede shut up nlng ako yaw ko magcomment ng bonggang bongga baka may masabi pa akong di tama hehehe..tahimik lng ako hehe..
basta yung love mo kay gf mo pagpatuloy mo lng yan~~stay inlove ayeiiii

May 11, 2010 at 12:23 PM
Lord CM said...

ano't ano pa man parekoy, hangad ko ang kapayapaan sa inyong mag ina :)

May 11, 2010 at 12:38 PM
BatangGala said...

kuya, bago ang lahat, uminom ka muna ng isang baldeng tubig at mag breath in, breath out. inhale exhale por syort.:D

at ngayong ok ka na, take it easy kuya, chill lang. minsan sa buhay ng tao, talagang ganyan. wag mo na lang siguro pansinin yung sinabi ni mami, after all, what matters most e yung kung ano ang nararamdaman mo... but then, dont forget na, pagbali-baliktarin man natin ang mundo, sya pa rin ang mommy mo. so yun. i do hope na magkaayos na kayo, at ang buong family nyo. God bless!

May 11, 2010 at 1:36 PM
mr.nightcrawler said...

hmmm... medyo ang hirap mag-comment ah... atleast may i love you sa huli. hehe. sana maayos niyo yan ng mama mo :P

May 11, 2010 at 5:29 PM
saul krisna said...

@renz
hehehe ganyan lang talaga kami... love hurts di ba? ahehehehehe

@ate unniey
naks naman bigla yatang umurong ang dila mo ah... hehehe anu yan side effect ng pagiging in love? hehehehe

anyway di naman talaga ako titigil sa pag mamahal sa gf ko... sya na lang ang natitira sa akin eh....

May 11, 2010 at 8:01 PM
saul krisna said...

@LORD CM
salamat parekoy sa magandang wish mo para sa akin.....

May 11, 2010 at 8:04 PM
saul krisna said...

@sis janine
wow nice comment sis... na touch ako sa sinabi mo ah.... hehehehe

opo mag chillax na lang ako... ingat palagi huh....

@nightcrawler
naks pati ba ikaw nahirapan mag comment? hehehehe ayus lang yun parekoy...

May 11, 2010 at 8:07 PM
♥superjaid♥ said...

no matter what happen she's still your mother..try to understand na lang kahit mahirap pero kung di mo maintindihan..accept na lang..

May 12, 2010 at 10:31 AM
kikilabotz said...

hey hnd ko alam yung problema parekoy. hehe. pero medyo natuwa pa rin ako kasi at the end of ur blog may nabasa akong i love you. someday. someday magkakaayos din kayo.

May 12, 2010 at 11:11 AM

adik ka tlaga noh?...hehe

yaan mo na cguro in God's time magkikita at magkakayos din kau..

happy n rin ako kc worth it ung effort ko sa pag hahanap s knila :))

ui..ng ILOVEYOU xa.. :DD

May 12, 2010 at 8:08 PM
kcatwoman said...

aww, i hope everything goes fine with you, your mom and your family. wala akong masasabi kasi hindi ko totally naiintindihan yung sitwasyon mo pero i hope you'll all be happy.

keep me posted,
Flor
kcatwoman
ldspinay
Bookneneng

May 13, 2010 at 5:03 PM
chikletz said...

i wish you all peace and happiness in the future :D

May 14, 2010 at 8:23 AM
Life Moto said...

sana makarating ang message mo sa yung ina. but i hope na hindi nakatanim sa puso mo.

btw paki sama sa prayer mo ang Pinakamamahal Nanay Namin na maging negative ang result ng CTscan. thank you and God bless!

May 18, 2010 at 3:30 AM
Kosa said...

mothers day na mothyers day!!!

Pero oks lang yan parekoy... lets forgive and forget.. sana eh maging maayos pa rin ang lahat.

pasensya na sa pagiging late ko lagi sa pagpasada sa blog mo.. napapadaan ako madalas pero hindi ako nakakapag-iwan ng bakas..

Ingat parekoy

May 19, 2010 at 6:11 AM
 


Blogger Template By LawnyDesignz