12/4/09


Dapat masaya ako ngayon dahil birthday ko at ng bestfriend ko. pero hindi, sa halip, nandito ako at nalulumbay, di ko pa rin matanggap ang nangyari noon.

Tandang tanda ko pa ang mga pangyayari isang taon na ang nakaraan.

Mas matanda ako kay Baby ng ilang taon. Kitang kita ko pa nga nang ipinanganak siya. Cute siya sa kanyang mamula mulang kutis at matatabang pisngi. Pero syempre, mas cute ako. Hindi yata ako papayag na mas cute siya sa akin.

Madalas kaming maglaro ni Baby. Kahit sa paliligo, sabay din kaming maligong dalawa. Para talaga kaming kambal tuko. Madalas kaming niloloko na kaming dalawa ang magkakatuluyan, pero napka imposible yung sinasabi nila kasi kapatid ang turingan naming dalawa.

Minsan isang araw, isinama ako ng nanay ko para magsimba sa Baclaran. Gusto ko nga isama si Baby kasi birthday naming dalawa, kaso lang, ayaw ni tatay. Baka daw mawala lang si Baby doon at saka dagdag lang daw siya sa abala.

Pagkatapos ng misa, hiniling ko kay inay na huwag muna kaming umuwi. Ipinagdasal ko kay papa JESUS na sana'y di na kami magkahiwalay. Mahal na mahal ko siya kaya kahit masakit na ang tuhod ko, sige pa din ako sa pag luhod at pagdadasal.

Pagdating namin ni inay sa bahay, nagulat ako dahil napaka daming tao sa bakuran namin. Kaya pala ako pinipilit ni inay na magsimba, may ihahanda pala siyang party. Nandoon lahat ng kaibigan namin ni Baby. Pero nagtataka ako dahil hindi ko mahagilap si Baby.

Pinuntahan ko siya sa paborito naming silong sa likod ng bahay at doon ko nakit ang ebidensiya ng malagim na katotohanan. Nilapitan ko ang mesa ng mga handang pagkain at doon ko nakita ang krimeng ginawa ng aking tatay.

Wala na si Baby, patay na siya. Pinatay siya ng tatay ko! Huli na ang lahat, kinatay na ni tatay si Baby.

Wala na ang BESTFRIEND ko...

Wala na rin kaming baboy.....

Huhuhuhuhu....

16 comments:

iya_khin said...

oink..oink...toinks!!!

lanya ka akala ko mamamatay tao ang tatay mo! hala asan na si baby mo at ng matikman ko! yummmy!!!bleh!

December 5, 2009 at 1:29 PM
♥superjaid♥ said...

repost na to di ba kuya??hehehe pwede kayang isama sa simbahan si baby??ahihihi

December 5, 2009 at 2:09 PM
kox said...

tae! anu ba yan kuya?? akala ko rapist at kriminal tatay mo! shocks! hahaha =))

go baby!!

December 5, 2009 at 10:17 PM
glentot said...

Sabay kayo maligo? Hehehehe

December 6, 2009 at 2:05 AM
saul krisna said...

@iyakhin
adik sino ba may sabing mamamatay tao si itay ko?hahahah adik

@sis jaid
oo re post ito kasi medyo di pa ako okay... huhuhuhu may lagnay ako eh

December 6, 2009 at 8:14 AM
saul krisna said...

@sis kox
sama mu... rapist ka jan... may laganat pa ako kaya wala ako ma ipost ng matino

@glentot
oo sabay kami maligo hahahaha

close kami ni baby eh

December 6, 2009 at 8:16 AM
Jag said...

hahaha akala ko talaga sanggol hahaha adik! iijiji...

wooo if I know kinain mo rin si baby mo jijiji...sarap kaya ng litson tas isinawsaw sa ketchup jijiji...

December 6, 2009 at 10:48 AM
fiel-kun said...

babebube-boink!

Waah, akala ko naman kung sino na si baby - baby as in babe the pig! haha nice short story ^_^

and Happy Birthday din! painom ka naman jan :D

and remember:
Always be Happy. Always wear a smile :)

December 6, 2009 at 9:51 PM
MarcoPaolo said...

yon pala yon e... hahaha... akala ko naman kung sinong baby yon! tsk tsk tsk

December 7, 2009 at 8:39 AM
chikletz said...

sorry to hear that.. wala na ang baby mo.. tsk. wala ng baboy..

December 7, 2009 at 1:16 PM
Solo said...

Hanep! Hahaha, grabe kala ko anong baby yan haha. ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

December 7, 2009 at 4:07 PM
DETH said...

helow helow bro...im back salamat sa walng sawang pagbisita sa kuta ko...

ahaha, repost to di ba, nabasa ko na to eh, kaya alam ko nang baboy yung baby bestfriend mo...hehehe

aliw pa ren:P

December 8, 2009 at 9:58 AM
saul krisna said...

@jag
hahaha adik ba? sanggol yun na baboy nga lang

salamat sa pag dalaw

@fiel
baboy yun at kinatay na siya

December 8, 2009 at 10:22 AM
saul krisna said...

@marco
walang pakialalaman sa baby... hanap ka din ng baby mo... pwedeng baby na daga o manok

@chiks
naks naman at nabuhay ka na ulit... musta na bakasyon?

December 8, 2009 at 10:23 AM
dÖLL said...

ahahahhahhahahahahahha!..

grabe ang ganda ng storya.. baboi lang pala.. ehehehhehe! :D

December 10, 2009 at 10:53 AM
miryamyam said...

waha..kala ko totoo to..:)
galeeeng!!

January 12, 2010 at 5:53 PM
 


Blogger Template By LawnyDesignz